Array
(
[text] =>
I'm quite inspired to write new chapters in this story kasi naka 64k reads and 3k votes na ang Internship.. Thank you guys....
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Nagmamadali akong naglalakad ngayon papunta sa klase ko ng mapansin ko na nagkukumpulan ang mga estudyante sa hallway ng aming department. Siguro may announcement mula sa President ng school. Kaya naman nakipagsiksikan din ako para matingnan ito.
Tama nga ako may announcement mula sa president.
"Mr. Xian Luciano 55th Birthday Celebration and Welcome Rights Party for Freshmen (7:00PM)" sa Friday ito gaganapin. Matapos kong mabasa ang announcement ay umalis na ako sa kumpulan ng mga estudyante. Sakto naman dahil nakita ko si Trina.
"Nabasa mo na ba?" Tanong nito sakin.
"Oo, nabasa ko na. Hindi ko naman alam kong ano ang ginagawa tuwing birthday celebration ni Mr. Luciano." Sagot ko sa kaniya.
"Tuwing birthday ni Mr. Luciano, every year bawat year level nagpe-prepare sila ng presentation. Bongga ang price na binibigay dahil 200k na cash para sa mananalong grupo" excited na sambit nito sakin.
"So, kailangan natin mag meeting para sa ipepresent natin. Kahit hindi na manalo basta maganda yung presentation natin." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Pinatext ko na sa kaniya ang mga kasama naming officer para sa meeting. Since vacant naman kami after lunch kaya pwede naming idiscuss ang pwedeng gawin.
Pagdating ko sa room sakto kasi wala pa yung prof namin. Habang nag hihintay nag iisip ako ng pwede namin ipresent.
"Lalim ng iniisip ahh.." sambit ni Zach na ngayon ay nasa harap ko na at todo ngiti pa.
"Iniisip ko kung ano ang ipi-present para sa birthday ni Mr. Luciano. Baka may maireccomend ka sabihin mo lang sakin" wika ko naman sa kaniya.
Nag isip siya sandali at mabilis din naman nagsalita.
"Diba friend mo naman yung may-ari ng school..... ano ba name nun?..... Trixie?" suhestyon nito sakin
"Tama..... salamat Zach..." nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Sige, tama na yang pag iisip mo. Andiyan na pati si prof." Sambit nito at nalakad na papunta sa likod.
--
Natapos na din ang klase at napag usapan na sa mini forest na lang kami mag kita kita. Since lunch pa lang naman tinawagan ko muna si Trixie para humingi ng tulong. Nagpalitan kami ng number kagabi, ako na ang nag initiate para kung may kailangan kami madali namin macontact ang isa't isa pero heto ako ngayon ang may kailangan.
"Hello beshiee" bati nito sa kabilang linya. Medyo clingy yung beshieee pero makakasanayan ko din siguro to.
"Hello beshiee, may itatanong sana ako sayo ehh" nahihiya kong sambit sa kaniya.
"Andito ako sa school café, pwede kang pumunta dito" sambit niya sakin.
"Sige hintayin mo ko, papunta na ako diyan" saad ko sa kaniya at nagmadaling iligpit ang gamit ko.
Pagkarating ko sa café nakita ko naman agad siya. Kumaway pa ito habang nakangiti ganun din naman ako sa kaniya. Nakakatuwa lang kasi hindi na siya seryoso pag nakikita ko o maldita tingnan.
Lumapit ako sa table niya at naupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.
"Anong maiitulong ko sayo beshieee" tanong nito sakin
"Diba birthday ng Daddy mo sa Friday, kailangan namin ng presentation, wala na kasi ako maisip na pwedeng gawin kaya hihingi sana ako ng tulong. Ano ba yung mga hilig ng Daddy mo?" sambit ko sa kaniya.
Nag isip siya sandali at sumagot din naman.
"Dad loves old music. Pwede na siguro yun" suhestyon nito sakin.
"May paborito ba siyang kanta na maire-recommend mo sakin" tanong ko sa kaniya.
"Killing Me Softly by Fugees" maiksing sagot nito sakin. Maganda nga naman ang kanta na yun.
"Salamat, malaking tulong to samin lalo na at konting araw lang ang preparation" nakangiting sambit
"Wala yun, maliit na bagay at magkaibigan na tayo" nakangiti din niyang sagot sakin.
Dito na din ako nag lunch. Marami pa kaming mga pinag kwentuhan lalo na tungkol sa celebration ng birthday ng Daddy niya. Talagang pinaghahandaan ito ng buong school. Kasabay nito sa gabi ay ang welcome rights ng mga freshmen.
Habang nagku-kwentuhan kami bigla naman dumating sina Trev at Xander kasama ang grupo nito.
"Andito ka pala Carl, kamusta? Long time no see" bati sakin ni Trev habang pinapakita ang maganda niyang ngiti. Naupo sila sa table namin dahil marami namang bakanteng upuan.
"Ayos lang naman ako. Medyo busy ka ata kaya hindi kita mastadong nakikita dito sa campus" sagot ko sa kaniya.
Napangiti naman ito at tumingin kay Xander sandali na tila may nais ipahiwatig. Hindi ko naman na iyon binigyan ng kahulugan dahil sumagot din naman agad si Trev.
"Namiss mo naman agad ako... Ilang araw mo lang akong di nakikita ehh. Huwag kang mag alala kasi ayos lang ako at namiss din kita" nakangiti nitong sagot sakin na dahilan para mamula ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi naman kasi ganun ang nais kong ipahatid sa kaniya.
Pero matapos niyang magsalita mabilis din naman nagbago ang expression ng kaniyang mukha.
"Ouccccchhhhh" mahabang sambit niya habang may hinihimas ang kaniyang paa.
"Anong nangyari sayo?" takang tanong ko sa kaniya. Lahat kami ay nagtataka maliban na lang kay Xander dahil kahit kailan naman ay di nagbago ang expression ng mukha.
"Anoooo.... Anoo kasi..... " pautal utal niyang salita habang patuloy sa paghimas ng kaniyang paa.
"Ano?" tanong din ni Trixie na halatang naiinis dahil sa paputol putol sa sagot nito.
"Nakagat kasi ako ng seloso... este malaking langgam" pagpaliwanang nito samin habang pinapakita ang pilit na ngiti nito.
Lahat naman kami ay bumalik sa katinuan dahil sa paliwanag niya. Yun lang naman pala, akala ko naman kung ano ng malalang nangyari sa kaniya.
"By the way aattend ba kayo sa welcome party ng mga freshmen?" tanong ni Chino isa sa mga barkada nila.
"Syempre naman, marami kayang hot babes sa mga freshmen ngayon." Sagot ni Topher na halata namang chick boy
"Gago! Kung naririnig ka lang ni Nate ngayon baka nasampal ka na nun" saad ni Trev sa kaniya.
"Sino namang matatakot dun? Under ko kaya yun" sagot naman ni Topher ng may pagyayabang.
Hindi ko kilala kong sino ang tinutukoy nila pero siguradong isa ito sa mga close friends nila.
"Ah talaga Topher? Narecord ko yun actually." Sambit ni Trixie at pinarinig samin ang audio record ng sinabi ni Topher. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Topher at bakas ang kaba sa kaniya.
"Trixie naman, nagbibiro lang naman ako eh.. Masyado niyo namang siniseryoso." Kabadong wika ni Topher.
"Awww... sorry Topher pero nasend ko na eh." Lungkot lungkotan na sagot nito na halata naman na nang iinis at pinakita pa ang sent voice message sa kabigan nila.
Muling nanlaki ang mata ni Topher sa nakita niya maging ang mga kaibigan niya.
"Patay ka pre, ihanda mo na ang sarili mo pagbalik ni Nate" sambit ni Chino.
"Makakakita na naman ata tayo ng Topher na parang pulubi sa dami ng galos" natatawang wika ni Trev.
Hindi pa nagtatagal ng biglang nag ring ang phone ni Topher at ng makita niya kung sino ang tumatawag bakas sa kaniya ang kaba at takot.
"Sorry dear, gandahan mo ng paliwanag.. mukhang hindi pa naman maganda ang mood ni Madam Nate ngayon" pang aalaska ni Trixie.
Tumayo naman si Topher at sinagot ang tawag lumayo ito saming pwesto. Nakatingin lang kami sa kaniya habang papalayo ito samin.
Napatingin ako sa aking relo at nakita ko na tapos na ang lunch break at baka naghihintay na yung mga kasama ko kaya nagpaalam na din ako saa kanila.
"Mauuna na din ako sa inyo may gagawin pa kasi ako. Beshieee, salamat ulit. Tawagan na lang kita mamaya" sambit ko sa kaniya at tumayo na.
"Sige beshieee.. walang anuman" nakangiti nitong sagot sakin.
"Ingat Carl" paalam din ng mga kaibigan ni Trev maliban kay Xander na tahimik na nakatingin lang sakin.
--
Pagdating ko sa mini forest naabutan ko naman ang mga kasama kong officer.
"Good afternoon guys, siguro alam niyo na kung bakit ako nagpatawag ng meeting. Sa mga hindi pa nakakabasa ng announcement, ito ay tungkol sa gaganaping birthday celebration ni Mr. Luciano at welcome party para sa ating mga freshmen" una kong wiKa sa kanila. Nakikinig naman sila ng maayos habang nagsusulat si Trina ng agenda.
"Since maiksing panahon lang ang binigay satin kailangan natin maglaan ng oras para mag practice at maghanap ng kasama sa presentation na ito. May price daw ang mananalo pero dapat ang una nating isipin ay maayos na presentation dahil nakakahiya naman kung hindi maganda ang performance natin. Humingi naman na ako ng tulong kung ano ang ipi-present natin at yun ay kanta. Ayon sa source ko ang paboriting kanta ni Mr. Luciano ay "Killing me softly by Fugees" kaya ang kailangan natin hanapin ngayon ay singer at marunong gumamit ng mga instrument." Mahabang paliwanag ko sa kanila.
"May mga kakilala ako na marunong mag drum at gitara. Singer na lang ang kulang" saad ni Trina.
"Mabuti kong ganun. Maghahanap ako ng singer mamaya at pwede na rin tayo magsimula ng practice mamayang hapon. Makikiusap na lang ako sa president ng music club na kung pwede dun tayo mag practice" sambit ko sa kanila. Sumang ayon naman sila sa sinabi ko.
"Sa welcome party naman hindi ko pa nakakausap ang president ng student council siguro mamayang hapon kung makikita ko siya baka matanong ko kung ano ang susuotin natin at mga gagawin. Yun lang naman kitakits mamaya" huli kong bilin sa kanila at nagsibalikan na sila sa kanilang mga klase.
Ako naman ay pumunta na din sa klase ko dahil may quiz pa kami. Nakapagreview naman ako kagabi kaya hindi ako kinakabahan.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => a9f7a792
)
What do you think?