Array
(
[text] =>
CARL POV
Kakatapos lang namin mag practice at palabas na kami ng campus. Mabuti na lang at may meeting ang faculty kaya medyo mahaba ang naging practice namin.
May nakuha na kaming vocalist, Clarence ang name niya, Music Education ang major niya kaya hindi kami nahirapan dahil magaling talaga siyang kumanta at mag adjust. Ang drummer naman namin ay si Dave, isa siyang myembro ng banda kaya magaling din talaga siya. At ang guitarist naman ay syempre ako at si Zach. Mabuti na lang talaga marunong ako nito kaya may ambag ako sa grupo.
"Mauuna na kami sa inyo guys" sambit ni Clarence
"Sabay na ako sa kaniya since pareho lang kami ng building." Paalam din ni Dave.
"Mag iingat kayo. Bukas na lang ulit. Salamat sa oras niyo" nakangiti kong sambit sa kanila.
"Walang anuman. Kayo din ingat" paalam nilang dalawa at saka lumihis ng landas samin.
Kami na lang ni Zach ang magkasama ngayon palabas.
"Ano masasabi mo sa practice natin kanina?" Tanong niya sakin
"Honestly, ang galing niyo lahat kanina parang isang banda talaga kayo habang nag peperform. Siguro yung blockings na lang ang poproblemahin natin at susuotin" paliwanag ko sa kaniya habang mabagal na naglalakad.
"Anong kami? Kasama ka kaya namin at ang galing mo din. Hindi ko nga inexpect na sanay ka gumamit ng mga instrument" pang bobola niya sakin.
"Sobra ka naman makapuri. Marunong lang ako... hobby kasi namin ni Papa dati yun eh kaya sa kaniya ako natoto" nakangiti kong sambit sa kaniya.
Si Papa kasi talaga ang nagturo sakin mag play ng mga instrument. Lalo na pag day off niya siya ang nagiging coach ko. Ito yung isa sa mga pamana niya sakin. Kaya sa tuwing namimiss ko siya lagi lang akong tumutogtog ng gitara habang kumakanta.
Habang inaalala ko si Papa bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko nakita ko si Trev at ang grupo niya.
"Bakit andito pa kayo? Gabi na ahh" wika niya sakin. Tiningnan naman niya yung kasama ko.
"Nag practice kasi kami para sa presentation sa birthday ni Mr. Luciano" paliwanag ko naman sa kaniya.
"Masyado niyo naman ginagalingan baka kayo na ang manalo niyan huh" natatawa nitong wika sakin.
"Kayo saan ang lakad niyo?" tanong ko naman sa kaniya. Mukhang may gala sila kasi nakapormahan at umaabong ang kanilang pabango.
"Magliliwaliw lang kami diyan sa tabi tabi. Alam mo na boys thing" sambit nito sakin.
Sasagot na sana ako ng magsalita si Zach sa tabi ko.
"Carl, mauuna na ako. Bukas na lang ulit. Ingat sa paguwi" paalam nito sakin.
"Sige... mag iingat ka din pag uwi. Salamat din sayo" nakangiti kong sagot ka sa kaniya.
Bago siya lumakad nagkatinginan pa sila ni Trev. Hindi ko alam pero parang may tensyon sa tinginan nila. Mga ilang segundo rin yun at mukhang balak itigil kaya nagsalita na din ako.
"Oo nga pala Trev, mabuti na lang at nandito ka kasi may itatanong din ako sayo" pag aalinlangan kong singit sa kanila.
Nagpatuloy naman na sa paglakad si Zach at hindi na lumingon pa pero itong si Trev ay sinusundan ito ng tingin maging ang mga barkada niya.
"Sino yung lalaking yun?" tanong niya sakin
"Si Zach yun kaklase ko" sagot ko naman sa kaniya.
"Ano nga ulit yung itatanong mo sakin" tanong niyang muli at ngayon naman ay nagliwanag muli ang kaniyang mukha.
Ang bilis din mag shift ng mood nito. Kanina lang parang mangangain ng buhay ngayon parang bata na napagbigyan sa gusto niya.
"Diba ikaw ang president ng student council tanong ko lang sana kung ano ang sinusuot pag welcome party at kung may maiitulong ba kami sa preparation?" Diretsong tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman ako ang president ng student council eh. Vice president lang ako. Wala pa yung president namin intayin natin kasama namin yun eh" natatawa nitong sagot sakin.
Nagtaka naman ako dahil akala ko siya ang presidente dahil busy siya nitong mga nakaraang araw. Sino ba ang presidente nila?
Natigil ang pag iisip ko ng makita ko si Xander na papalapit samin.
"oh, andito na pala yung hinihintay natin eh. Bro..." tawag niya kay Xander.
Lumapit naman siya samin pero habang naglalakad siya pansin ko na naka porma din siya . Naka white plain polo, black pants at white rubber shoes. Ang gwapo niyang tingnan bagay na bagay sa kaniya ang suot niya ngayon.
Nang mas lumapit siya amoy na amoy ko ang pabango niya. Yung tipong mapapalingon ka sa kung sino ang may gamit nito. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at ganun din naman siya sakin. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari pero sa tuwing magtatama ang mata namin para aking namamagnet dito.
"Ehemmmm" biglang singit ni Trev para bumalik ako sa katinuan at mapayuko ng dahil sa hiyang nararamdaman ko. Mabuti na lang at medyo madilim.
"Oo nga pala pre, may itatanong nga pala itong si Carl, mas mabuti pang ikaw na ang sumagot kasi ikaw din naman ang hinahanap niya" sunod na sambit ni Trev na tila may nais ipahiwatig.
"Kung matagal pa yan pre, mauna na kami sunod ka na lang. Order ka na lang namin" saad ni Chino ng makalapit samin.
Tumango naman si Xander bilang pag sangayon. Nagsimula naman sila umalis at hindi ko alam kay Trev pero tila may nais iparating ang kaniyang mga ngisi sakin bago tuluyang umalis.
Mga ilang segundo ng katahimikan ang lumipas. Magkaharap kami ngayon ngunit hindi ko alam kung paano siya i-approach. Pero dahil masyado ng gabi kailangan ko na din siyang kausapin dahil nakakahiya lalo na at may lakad siya.
"Ano kasi...... ano.. Xander gusto ko lang sana itanong kung ano ang isusuot sa welcome party para mainform ko yung mga batchmate ko" nabubulol kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa kaniya ng diretso. Nakatingin din naman siya pero yung mgaa tingin na nakakatkot kung titigan mo ng matagal. Kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Ilang segundong katahimikan ang namagitan samin. Mukhang wala siyang balak sumagot ngunit ramdam ko na nakatingin pa din siya sakin. Dahil sa hiyang nararamdaman ko nakagat ko pa ang labi ko dahilan para mas lalo itong mamula.
Napansin ko naman ang pagbabago sa expression niya. Ngayon ko lang siya napansin na nag iwas ng tingin sakin.
"Semi-formal lang ang isuot niyo okay lang yun." Tipid nitong sagit sakin.
Ito yung unang beses na narinig ko yung boses niya. Napaka manly at buong buo. Ang sarap sa pandinig.
"May maiitulong ba kami sa preparation?" sunod kong tanong sa kaniya. Sa pagkakataong ito nakatingin na siyang muli sakin pero pansin ko ang pag sulyap niya saking mga labi.
"No need, may nagpeprepare na para dun" tipid na sagot nito sakin. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
Dahil nasagot naman na lahat ng tanong ko at konte na lang ang dumadaan na bus kailangan ko ng umuwi.
"Salamat ng marami.... Mauuna na ako.." paalam ko sa kaniya at matipid na ngiti aang binitawan ko sa kaniya.
Nanatili lang naman siyang nakatingin sakin at hindi na nagsalita pa. Tumalikod na ako at naglakad ng kaunti para maghintay ng bus dahil malapit lang naman kami sa kalsada.
Pero bigla kong naramdaman na may tao sa likod ko kasabay naman nun ay ang pag ihip ng hangin. Amoy na amoy ko ang pabango niya.
Napalingon naman ako dahil alam kong siya yun pero nagtataka ako dahil hindi pa siya umaalis.
"May lakad kayo diba? Bakit andito ka pa?" takang tanong ko sa kaniya.
"I just want to assure you're safe. Maraming siraulo dito." Sagot nito sakin pero seryoso pa din siya.
"Salamat. Pero okay lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko." Sambit ko sa kaniya.
Matapos kong sabihin yun bigla na lang may nakita kaming motor na mabilis ang takbo at patungo sa direksyon namin.
Dahil sa gulat ko hindi agad ako nakapag react mabuti na lang at nahila agad ako ni Xander.
Dahil siguro sa medyo may kabigatan din ako na out of balance kami at natumba sa gilid. Nakita din namin na natumba yung motor at ang may ari nito.
Gusto ko sanang tumayo para tulungan yung naaksidente dahil mukhang napasama ang bagsak niya pero hindi ako agad nakatayo dahil mahigpit na nakalagay ang braso ni Xander sa likod ko.
Tiningnan ko siya na ngayon ngunit laking gulat ko dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakatingin lang siya sakin ganun din naman ako sa kaniya.
Pero natauhan ako ng biglang may nagdatingan na mga tao para tumulong dun sa naaksidente. Agad din naman inalis ni Xander ang braso niya.
Tumayo na ako at inabot ang aking kamay para alalayan siyang tumayo. Mukhang nagdadalawang isip pa siya dahil hindi niya agad hinawakan ang kamay ko.
Sa huli ay inabot niya din ang kamay ko at tumayo siya. Sa unang pagkakataon nahawakan ko ang kamay niya. Hindi ko maipaliwanag ngunit may kakaiba akong naramdaman.
Hindi ganun kalambot ang kamay niya dahil nararamdaman ko yun. Nang makatayo na kami agad kong napansin na ang dumi ng polo niya lalo na at puti ito. Nahiya naman ako sa kaniya.
"Naku! Pasensya ka na... hindi ko sinasadya." Sambit ko sa kaniya at pinagpagan ang polo niya. Pero hindi natatanggal ang mga dumi.
"Pasensya ka na. Hindi ko talaga sinasadya." Paghingin ko ng paumanhin pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para matigil ako sa pagtanggal ng mga dumi sa polo niya.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Hindi naman masakit ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi rin naman siya galit dahil hindi ko ito makita sa mukha niya.
"You don't have to apologize." Sagot nito sakin at tumingin dun sa lalaking muntik ng makabangga samin na ngayon ay tinutulungan ng mga tao.
Binitawan niya yung kamay ko at naglakad papunta dun sa lalaki. Nang makalpit siya dito agad niya itong hinawakan sa kwelyo ng damit at bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabigla maging kaming mga nakapaligid sa kaniya.
"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo huh? Alam mo bang muntik ka ng makadisgrasya? Gusto mo bang basagin ko yang pag mumukha mo?" matigas at galit na galit na sambit ni Xander sa lalaki.
Nakita ko naman ang takot sa mukha nung lalaki.
"Pasensya na sir... hindi ko po sinasadya... hindi na po mauulit" nabubulol na sambit ng lalaki dahil sa takot.
"Pasalamat ka walang nangyari sa kasama ko dahil kung hindi......... baka hindi ka na makatayo ngayon" pagbabanta ni Xander sa kaniya.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Xander kahit ako at natatakot sa pwede niyang gawin sa lalaki. Bago pa niya ito masaktan lumapit na ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
"Xander tama na...... ang mahalaga ay walang nangyaring masama satin." Sambit ko sa kanya para pakalmahin siya.
Nanatiling nakahawak siya sa kwelyo ng lalaki pero unti unti din niya itong binitawan. Mabilis naman sumakay ng motor yung lalaki at umalis ganun din ang mga taong kanina ay nakapaligid samin.
"Maraming salamat sa ginawa mo.... Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginawa mo... at pasensya ka na kasi nadumihan ko yung damit mo" sambit ko sa kaniya.
Nanatili siyang nakatingin sakin at wala na naman akong makitang emosyon sa mukha niya.
"Okay lang ako. May masakit ba sayo?" tanong nito sakin. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Hindi man kita sa mukha niya yung pag aalala pero mararamdaman mo.
"Ayos lang ako. Ikaw nga ang dapat kong tanungin kasi ikaw ang nadaganan ko" sambit ko sa kaniya.
"I'm fine don't worry. Sige na andyan na yung bus." Sambit nito sakin.
Napatingin naman ako sa bus na tumigil sa harap namin.
"Salamat ulit. Mauuna na ako" paalam ko sa kaniya at isang ngiti ang iniwan ko bago tuluyang makasay ng bus.
Follow! Vote! and Comment!
[text_hash] => b48f37a5
)
What do you think?