Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
Isang linggo na ang nakakalipas ng magsimula ang klase. At ngayong araw pormal.na magsisimula ang klase dahil noong nakaraang linggo ay puro election ng nga officer sa iba't ibang organization. May sinalihan naman akong isang club which is music club. Hindi man halata sakin pero I love singing and playing instruments.
Mag aalas otso pa lang ngayon ng umaga pero pappasok na ako dahil ayaw kong malate. Kapag napapa aga naman ako ng pasok sa library ako tumatambay dahil napaka raming magagandang libro na pwedeng mabasa dito. Nag aadvance reading kasi ako saa mga subjects ko para kung sakaling may biglaang recitation may maisasagot ako.
"Ma, mauna na po ako." Paalam ko kay sa kaniya.
"Sige anak, mag iingat ka pag uwi mamaya" paalala nito sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Kahit na matanda na ako hindi pa din ako nagsasawa sa mga yakap niya kahit na nagmumukha akong batang paslit. Mabilis din naman at kumalas siya.
Lumabas na ako ng bahay pero napansin kong may magandang motor dito sa kabilang kalsada. Kaya agad kong tinawag si Mama.
"Ma, may bago na ba ulit na nangungupahan dito kay na Aleng Tess?" tanong ko sa kaniya.
May paupahan kasi dito sa harap ng bahay namin. May nakatira dati diyan na isang pamilya pero lumipat na sila dahil nakapag pagawa na sila ng bahay. Maganda naman tong paupahan na ito pang isang pamilya lang talaga.
"Meron na anak, kagabi lang daw nakalipat pero hindi ko pa nakikita" sagot ni Mama habang abala sa pag aayos ng mga luto niyang pagkain pang almusal.
"ganun po ba. Sana mabait din katulad nung mga nangupahan dati." Wika ko sa kaniya.
"Isa lang naman daw ang nangungupahan diyan nak" sagot niyang muli sakin.
"Sige Ma,, una na po ako" paalam kong muli sa kaniya at naglakad na ako papuntang highway.
--
Pagdating ko ng school agad akong tumungo sa library para magbasa basa. Bukod dun, tahimik dito dahil konte lang ang mga pumupuntang mga estudyante. May pito akong subject at ang unang klase ko ay Gen.Chemistry at ang pinakahuling subject ko na pang gabi ay Pilipino. Pero hati hati naman yun sa bawat araw.
Humanap ako ng mauupuan malapit sa bintana kung saan tanaw mo ang mga tao sa labas. Nilabas ko ang libro ko sa Chemistry na reference sa aming subject.
Habang busy ako sa pagbabasa bigla na lang may kumalabit sa likod ko. Nang tingnan ko ito ay napangiti agad ako ganun din naman siya.
"Morning Carl" bati nito sakin
"Morning din Zach" bati ko din sa kaniya pero mahina lang dahil ayaw kong makalikha ng ingay.
Siya si Zachary Sy, kaklase ko siya sa lahat ng subject. Si Trina kasi ay Electrical kaya bihira namin siyang makasama. Gwapo din itong si Zach, half Chinese siya, singkit ang mga mata at maputi ang kutis. Para din siyang si Trev na laging nakangiti.
"Sabi na eh.. dito lang kita makikita" wika nito at naupo sa tabi ko.
"Alam mo naman kung saan mo ako lagi makikita, kung wala ako dito nasa mini forest naman ako" sagot ko sa kaniya.
"Noted bossing" sagot nito sakin at nilagay pa ang daliri sa dulo ng kaniyang kilay at sumaludo na parang sundalo.
Natawa naman kami pareho. Kung nagtataka kayo kung bakit kami lagi ang magkasama kasi kinuha niya ako as tutor. Gusto niya nung una na bayaran ako pero sabi ko hindi ako tumatanggap nun dahil willing naman akong tulungan siya. Mabait naman talaga siyang kasama kaya mabilis kaming naging mag kaibigan. Mababait din naman yung mga kaklase namin pero may mga kaniya kaniyang mundo sila.
--
Nang tingnan ko ang aking relo mag aalas-nwebe na kaya niyaya ko na si Zach na umalis.
Pagdating namin sa room wala pa naman ang aming prof. Hindi kami magkatabi sa upuan dahil ayaw niyang maupo sa unahan na siyang gusto ko naman para mas mapakinggan ang discussion pero siya antukin kaya laging nasa likod.
Hindi naman nagtagal at dumating na din ang prof namin. Siya si Mr. Castro, medyo may katandaan na kaya masungit sa klase.
"Good morning, today we will formally begin our lesson with Gen.Chemistry. Base on your prior knowledge, what do you know about chemistry?" tanong nito sa klase.
Nagulat kaming lahat dahil hindi pa kami nakakasagot sa bati niya ay diretso na agad siya sa kaniyang lesson.
"I don't want to waste time waiting for answers. Binabayaran ang oras ko kaya kailangan ko din ng mabilisang sagot" seryoso niyang sambit sa klase. Nakatakot talaga siya kaya walang tumataas ng kamay. Dahil sa may alam naman ako kaya naglakas loob na akong itaas ang kamay ko bago pa tuluyang magalit .
"Yes, Mr. Madrigal?" tawag niya sa pangalan ko.
"Chemistry is a branch of science that deals with the identification of the substances of which matter is composed; the investigation of their properties and the ways in which they interact, combine, and change; and the use of these processes to form new substances."
"Impressive" sambit nito sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag maging ang mga kaklase ko.
Nagsimula na siya sa kaniyang discussion at mabuti na lang dahil sa mga sumunod na tanong niya sumasagot na din ang mga kaklase ko kaya naging maayos ang daloy ng klase.
--
Matapos ng klase ay bumaba na kami para maglunch. Pumunta kami sa mini forest, dito kasi ako naglalunch since may baon naman ako lagi. Pag dating namin dun wala naman masyadong tao.
"Sumabay ka na sakin pagkain" alok ko sa kaniya.
"Sige lang, busog pa ako" sagot niya sakin. Medyo nasasanay na ako sa kaniyang sagot sa tuwing aalokin ko siya. Noong una ang iniisip ko kaya hindi niya tinatanggap kasi baka ayaw niyang kumain ng mga hindi niya nakasanayang pagkain pero nung nagpaliwanag siya sinabi niya sakin na mabilis siyang tumaba kaya hindi siya ganun kalakas kumain.
"Konte na lang iisipin ko na baka akala mo may lason tong pagkain ko" sambit ko sa kaniya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Maya maya lang ay nag ring ang phone niya. Sinagot niya naman ito ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain.
"Carl, may pupuntahan lang ako. Mauna ka na sa room mamaya dun mo na lang ako hintayin" paalam nito sakin. Siguro imporatante ang lakad niya. Hindi ko naman na tinanong kung saan siya pupunta dahil baka isipin niya chismoso ako.
"Sige mag iingat ka." Wika ko sa kaniya at tuluyan na siyang umalis.
Nang matapos akong kumain pumunta ako sa C.R na malapit dito sa mini forest. Malinis naman ang rest room nila kaya hindi nakakadiring mag tooth brush.
Pag pasok ko akala ko walang tao pero nagulat ako ng makita ko si Xander na umiihi sa urinal bowl sa may bandang dulo. Napalingon din naman siya sa pinto kaya nagkasalubong ang aming mga mata. Kita ko na naman sa mukha niyang walang emosyon.
Dahil sa hiya ko pumunta na ako sa sink at nag toothbrush. Mga ilang minuto pa ay napansin ko sa salamin na nasa likod ko siya. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa pinto. Hindi ko naman masabi na lalabas siya dahil nakatigil lang ito.
Matapos ko mag toothbrush lumapit din siya sa sink kaya nagbigay ako ng space para sa kaniya. Naghugas lang naman siya ng kamay at hilamos ng mukha niya. Napatingin din ako sa salamin kung saan kita ko ang repleksiyon ng mukha niya. Hindi maikakaila na napakagwapo niya. Hindi ko alam kong ilang minuto ko siyang tinitigan ng matauhan ako dahil nakatingin na rin siya sakin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumalikod para umalis. Malapit na ako sa pinto ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin pabalik. Nagulat ako sa ginawa niya may halong takot dahil baka saktan niya ako o galit siya sakin.
Dahil sa lakas ng pagkakahila niya napasandal ako sa matipuno niyang dibdib. Napatingin ako sa kaniya kahit na may katangkaran siya. Gusto kong malaman kung sasaktan niya ako para maihanda ko ang aking sariling makatakas pero nagulat ako dahil nakatingin lang siya sakin.
"Anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Pero imbes na sagutin ang tanong ko inaabot niya sakin yung toothbrush ko. Sa sobrang kahihiyan ko siguro kanina kaya nalimutan ko ng damputin.
"Salamat" nakangiti kong sambit sa kaniya. Tumango lang naman siya at nagmamadaling lumabas ng pinto.
Bakit siya ganun? Pipi ba siya kaya hindi talaga siya nakikipag usap?
Napangiti na lang ako dahil hindi naman pala siya ganun kasungit. Siguro hindi niya lang talaga ugali makipag usap. Bukod pa dun napakabango niya naiiwan pa ang amoy niya dito sa loob ng rest room.
Mabilis din naman akong lumabas ng rest room at dumiretso sa room ko. Medyo kunti pa lang ang mga kaklase ko na nandito dahil may 15 minutes pa naman bago mag simula ang klase.
Nang makaupo ako bigla kong naisip na ngayon ko lang ulit nakita si Xander sa loob ng campus, matapos nung unang araw ng pasukan. Maging si Trixie, Trev at mga barkada nila. Ganun ba sila kabusy?
Nakakamiss na din si Trixie kahit minsan weird siya pero sobrang bait niya sakin. Gusto ko siyang makilala pa ng lubos dahil alam kong may dahilan kong bakit ganun sila makitungo sa ibang tao.
Maya maya lang ay dumating na yung prof namin pero wala pa din si Zach. Nasaan ang lalaking yun? Gusto ko man siyang tawagan pero wala akong number nun. Hindi ko kasi ugaling manghingi ng number. Si Mama at Aleng Nena lang kasi ang nasa contact ko.
--
Natapos na ang huling klase namin ngayong araw at syempre gabi na. Hindi na din pumasok si Zach na pinagtataka ko. Pagbaba namin ng building kunti na lang ang mga estudyante dahil ilan lang naman ang may klase ng pang gabi.
Habang naglalakad ako papunta sa gate bigla na lang may sumulpot saa harap ko. Dahil sa gulat ko bigla na lang akong napasigaw.
"Ay palaka"
Natawa naman ang taong nasa harap ko dahil sa reaksiyon ko pero mas nagulat ako dahil tumatawa siya.
"Ano ba Trixie bakit ka nang gugulat?" sambit ko sa kaniya habang nakalagay ang aking kamay sa aking dibdib.
"Hindi ko inexpect na magugulatin ka pala." Sagot nito sakin habang patuloy sa kaniyang pagtawa at may mga mununting luha pa sa kaniyang mga mata.
Tiningnan ko na lang siya hanggang sa matapos siyang tumawa. Hindi naman ako naiinis sa kaniya dahil natutuwa din ako na makita siyang masaya. Nang mapansin niyang nakangiti ako bigla siyang tumigil sa pag tawa.
"Oh? Bakit ka nakangiti? Hindi ka ba naiinis sa ginawa ko?" takang tanong niya.
"Bakit naman ako maiinis sayo? Natutuwa nga ako kasi ngayon lang kita nakitang nakangiti at tumatawa." Sagot ko naman sa kaniya.
Bigla naman naging seryoso ang mukha niya.
"Talaga? Hindi ka talaga naiinis sakin kahit ginulat kita?" tanong nito sakin.
"Hindi nga, bukod pa dun ngayon lang ulit kita nakita papagalitan pa ba kita? Maupo nga muna tayo ng makamusta kita" sambit ko sa kaniya at naupo kami.
"Bakit hindi kita makita nitong nakaraang linggo? Sobrang busy niyo naman ata kahit kaka umpisa pa lang ng pasukan" pahabol ko pa dito.
"Yeah.... Marami lang kaming ginagawa kaya hindi mo kami nakikita nitong nakaraang mga araw." Sagot nito sakin. Tumango naman ako sa kaniya at mukhang pagod pa siya sa mga pinagkaka abalahan nila.
Habang pinagmamasdan ko siya napansin ko na para siyang may pasa sa bandang pisngi niya. Tiningnan ko pa ito ng malapitan para masigurado kong pasa nga ito. Hindi ko naman napansin kanina kasi medyo madilim na rin eh.
"Trixie, pasa ba yang nasa pisngi mo?" tanong ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sakin pero parang wala lang sa kaniya.
"Ano ka ba, ngayon ka lang ba nakakita niyan?" natatawang tanong niya sakin.
"Hindi naman sa ganun. I mean saan mo nakuha yan?" pag alala ko sa kaniya.
"Wala to. Hindi naman masakit" maiksing sagot nito sakin.
"May masama bang nangyari sayo? Sino gumawa nito sayo? Ireport natin sa pulis?" suhestyon ko sa kaniya.
"Kalma ka lang Carl, bakit ba mas OA ka pa nareact kesa sakin?" natatawa nitong tanong sakin.
Hindi ko alam kong saan pa niya nakukuha ang lakas ng loob at ipagsawalang bahala ang nangyayari sa kaniya.
"Kasi kaibigan kita kaya nag aalala ako sayo. Kaya kung may pinag dadaanan ka pwede mong sabihin sakin baka sakaling makatulong ako. " Seryoso kong wika sa kaniya.
Natigil naman siya panandali at kita ko sa mukha niya ang saya na ngayon ko lang nakita.
"Kaibigan ang turing mo sakin kahit ganito ang ugali ko?" sambit nito sakin at bigla ko na lang nakita ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Diba ikaw pa ang nagsabing magkaibigan na tayo. Ano ba ang magkaibigan diba nag tutulungan? At kahit pa iba ang ugali mo tinanggap ko yun kasi ikaw yun at totoo ka." sagot ko sa kaniya.
Nang sabihin ko yun sa kaniya niyakap niya ako ng mahigpit at ramdam ko na dumadaloy ang kaniyang mga luha sa balikat ko.
Pinakalma ko naman siya sa paraan ng paghaplos ng kaniyang likod. Ilang minuto din kaming ganun ng kumalas siya sa pagkakayakap. Ngumiti siya sakin kaya ganun din ako.
"Salamat Carl, kasi sa unang pagkakataon may taong tumanggap sa pag uugali na meron ako. Marami akong gustong maging kaibigan pero halos lahat sila ginagamit lang ako dahil anak ako ng may ari school. Kaya simula noon nagbago ako, may mga napipili akong mga kaibigan pero hindi sila nagtatagal dahil sa ugali ko. Hindi ko tuloy alam kong ano ang mali sakin." Mahabang paliwanag nito. Nalungkot naman ako sa kwento niya.
"Siguro hindi lang nila makita yung kabutihan na meron ka. Hayaan mo dahil simula ngayon, totoo mo akong kaibigan na pwede mong lapitan sa kahit anong oras" nakangiti kong sambit sa kaniya.
"Simula sa araw na ito dapat ang tawag mo sakin beshie" nakangiti nitong sambit sakin.
"Sige beshieeee.." pag ulit ko.
Natigil ang aming kwentuhan ng biglang mag ring ang phone ko. Napansin ko na tumatawag si Mama.
"Hello anak? Nasan ka na ba? Anong oras na, nag aalala na ko sayo." Nagaalalang tanong nito sakin.
"Pauwi na din po ako Ma. Huwag na po kayong mag alala" sagot ko sa kaniya para hindi na siya mag alala.
Pinatay ko na ang tawag at tiningnan ang orasan. Halos isang oras na pala kami dito kaya hinahanap na ako ni Mama.
"Hinahanap na ako ni Mama, mauuna na ako sayo. Ikaw din umuwi ka na." paalam ko sa kaniya.
"Sige beshiee, mag iingat ka pauwi" paalam din niya sakin.
Naglakad na ako palabas ng gate at nagintay ng bus. Mabuti na lang at hindi ako ganun katagal maghihitay dahil may tumigil sa harap ko.
Sumakay na ako at naupo malapit saa bintana. Bago umandar ang sasakyan napatingin pa ako sa labas at di ko sinasadyang makita si Xander na nakatingin din sakin. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko pero nginitian ko siya.
Wala naman ako makitang reaksiyon sa mukha niya dahil nakatingin lang siya sakin.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => fa875a8e
)
What do you think?