Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
Ala-una ng hapon andito na kami sa Audio Visual Room ng Engineering Department para sa orientation at pagpapakilala ng mga opisyales ng paaralan at ang may-ari nito. Kasama ko ngayon si Trina dahil pareho naman kaming Engineering.
Kami din ang may pinaka malaking bilang ng mga estudyante. Hindi naman ganun kapuno ang AVR dahil malaki ito.
"Kilala mo na ba ang may-ari ng school na to?" tanong ni Trina sakin.
"Hindi pa... pero yung anak nilang babae, si Trixie. Kilala ko na siya" sagot ko sa kaniya.
Napatakip naman siya sa bunganga niya. Naweirduhan naman ako sa reaction niya.
"OMG, Trixie Luciano? Napakaswerte mo.... Paano mo siya nakilala? Alam mo ba, ayon sa chika, siya ang pinaka maldita dito sa University. Wala din nagtatangka sa kaniyang manligaw dahil binabalian daw niya ng mga buto ang mga lalaking nanliligaw sa kaniya" pabulong na kwento nito sakin.
Hindi ko pa naman ganun kakilala si Trixie para husgahan agad dahil sa pakikitungo niya sakin. She seems to be good and friendly kahit na mukha talaga siyang masungit.
"May Kuya pa siya, si Xander Luciano, pero mas kilala siya sa tawag na "Uno", halos pareho sila ng ugali Trixie, dahil bad boy ang datingan ni Xander Hindi mo siya makikitang nakangiti, bihira mo din siyang makikitang ngumiti dahil ayon sa chika, cold hearted daw ito." Sunod pa niyang kwento.
"At saan mo naman nalaman ang kwento na yan?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ano ka ba, I love mystery. Kaya nga ako pumasok sa school na ito dahil sa kanila. Gusto kong malaman lahat ng kwento. Super crush ko talaga silang mag kapatid" kwento niya sakin habang kumikinang kinang pa ang mga mata.
Gusto kong matawa sa hitsura niya pero mukhang seryoso siya. Natigil kami sa kwentuhan ng may pumunta ng lalaki sa unahan.
"Good afternoon engineering students. To the freshmen, welcome to Luciano University and to old students, thank you for continuing your education in this University. We are glad to see you. Let us all hope for a fruitful and meaningful school year.
Today, as we mark the opening of the classes, let us prepare ourselves to meet those important officials of this University. They are the reason why this university continuously dominated the ranking for best University in the Philippines.
Let us all stand and give around of applause to the owner and president of Luciano University, Mr. Xian Luciano, with the officials of this University."
Nagsitayuan kami at nagpalakpakan. Napatingin kami sa likod dahil nandun ang entrance. Pagbukas ng pinto kasabay nito ang pagpasok ng mga senior officer at pumila sila sa dadaanan ng mga opisyales. Sunod na pumasok ang medyo may katandaan na lalaki pero bakas sa mukha niya ang kagwapuhan. Siguro siya na ang may-ari ng school na ito dahil siya ang nasa unahan. Kung titingnan mo siya matatakot ka dahil sa awra niya.
Sa gilid niya ay nakita ko si Trixie at yung isa pang lalaki. Matangkad, maputi medyo may kalakihan ang katawan, at gwapo naman siya literal. Ang mas nagpagwapo sa kaniya ay ang kaniyang kilay na medyo makapal at buhok niyang nakatayo.
"Yung lalaki na katabi ni Trixie, siya si Xander Luciano tas tatay nila yung nasaa unahan" bulong sakin ni Trina habang patuloy pa din sa pagpalakpak. Tumango naman ako sa kaniya.
Sa likod nila nandon ang mga opisyales ng paaralan dahil nandon sina Mam Hera at Victoria, kasama din dito si Trev dahil siguro officer siya ng mga students. Naglakad sila pauna at patuloy pa rin kami sa pagpalakpak hanggang sa makarating sila sa stage at maupo paharap samin.
Muling nagsalita ang lalaki sa unahan.
"Let us remain standing for the prayer, to be followed by the singing of the national anthem."
Nagsimula ng magplay ang recorded prayer at sinundan ng national anthem. Matapos nun ay pinaupo na rin kami.
"To give his message, allow me to introduce the owner and president of this University, Mr. Xian Luciano" pagpapakilala niya at masigabong palakpakan na naman ang aming binigay.
"Good afternoon our dear students...... welcome to our University.... We are happy to meet all of you. To the freshmen, thank you for choosing our university, we assure you that we will give you a high quality education. To old students, thank you for staying with us and please guide and be a role model for our juniors...................."
Marami pa siyang mga sinabi at paalala. Nakinig naman kaming lahat lalo na ako dahil baka may malabag akong rules ng school. Nang matapos siyang magsalita pumunta naman yung lalaki kanina sa harapan para ipakilala yung mga opisyal ng paaralan.
Habang nag papakilala, napansin kong nililibot ni Trixie ang paningin sa mga estudyante na tila may hinahanap. Pero nang magtagpo ang mata namin bigla siyang napangiti sakin at kumaway. Ngumiti din naman ako sa kaniya pero hindi na ako kumaway dahil baka makakuha pa kami ng eksena.
Nagulat ako ng biglang kudlitin ni Mr. Xian si Trixie at may binulong ito habang nakatingin sa direksiyon ko. May binulong din naman si Trixie sa kaniya at nakita ko pang tumango tango ang tatay niya. Dahil sa katabi lang nila yung kuya niya napatingin din ito sa direksyon ko. Ngayon sa kaniya naman ako nakatitig.
Nawala yung ngiti sa labi ko dahil nakakatakot siyang tumingin dahil napaka seryoso niya. Napatagal ako ng tingin sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. Para akong namagnet dito at hirap alisin ang tingin sa kaniya. Mabuti na lang at bumulong sakin si Trina.
"Carl, tapos na ang orientation" sambit niya sakin.
Mukhang hindi naman niya napansin kung saan ako nakatingin kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa lalaking yun. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Tumayo na ako para maghanda sa paglabas. Medyo marami pa ang naglalabasan kaya hindi kami nakisabay.
Maya maya lang habang nagkukwentuhan kami ni Trina may nagsalita sa likod ko.
"Mr. Madrigal?" sambit nito. Napalingon naman ako at nagulat sa taong nasa likod ko dahil walang iba kundi si Mr. Luciano. Agad akong napayuko bilang pag respeto ganun din naman si Trina.
"Good afternoon po Sir" bati ko sa kaniya.
Napangiti naman siya. Kasama niya ngayon si Trixie at Xander na nasa likod niya.
"Congratulations for being chosen as our scholar out of thousand applicant." Pagbati nito sakin.
"Maraming salamat po sa inyo. Malaking tulong po ito para sa akin at sa Mama ko. Pangako po mag-aaral akong mabuti para di masayang ang libreng pag aaral ko" pasasalamat ko sa kaniya habang may ngiti sa aking mga labi.
"Walang anuman. Good luck. See you around" sambit nito ng may ngiti sa mga labi.
"Salamat po Sir" sagot ko sa kaniya at yumuko ulit.
Aalis na sana sila ng biglang magsalita si Trixie.
"Dad, can I go with Carl since may meeting pa naman kayo" paalam ni Trixie
Napatingin naman ito sa anak niya at sa akin.
"Okay. No problem." Sambit nito at naglakad na palayo sa pwesto namin. Kasunod naman nito si Xander. Tininingnan ko ito habang paalis sa harap namin. Napaka tikas niya lumakad at ang tangkad niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin. Ganun pa din sa kanina, walang emosyon sa mga mukha niya.
"Go na Kuya, I can handle myself" utos ni Trixie sa Kuya niya. Tulad kanina ako na ang umiwas ng tingin dahil para siyang mangangain. Sumunod naman ito sa sinabi ni Trixie at umalis na.
"Let's go? Saan niyo gusto tumambay? And sino nga pala siya Carl?" takang tanong nito sakin.
"She's Trina Uy, freshmen din tulad ko" pakilala ko dito.
"Trina this is Trixie" pagpapakilala ko sa dalawang babae na kasama ko.
"Hi!" nahihiyang bati ni Trina habang namumula pa ang pisngi. Tumango naman si Trixie at tila naweweirdan sa inaakto ni Trina.
"Medyo nagugutom ako, can we go to school café?" Anyaya nito samin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. Mahirap tumanggi sa anak ng may ari ng school at kaibigan na din naman namij siya. Ngumiti na lang kami sa kaniya at pumunta sa sinabi niyang lugar.
--
Pagdating namin may mangilan ngilan na estudyante ang naka upo pero pansin namin ang grupo ng mga kalalakihan. Habang humahanap kami ng pwesto bigla na lang may lumapit na lalaki samin. Pagtingin naamin si Trev pala.
"Hi Carl, kasama mo pala tong amazona? At may new friend kayo?" bati ni Trev samin habang inaasar si Trixie.
"Akala ko ba café to bat may namali ata ng tambayan? Diba dapat nasa jungle ka?" ayaw patalo na pang aasar ni Trixie. Natawa naman si Trev sa sinabi niya samantalang ako kinakabahan sa dalawang ito.
"Hindi ba nasa jungle din ang mga amazona? Tara uwi na tayo sa jungle?" patuloy sa pang aasar ni Trev. Mukhang naasar naman agad si Trixie.
"Whatever" sagot nito at naglakad na papunta sa grupo ng mga lalaki. Habang si Trev patawa tawa sa harap ko.
"Carl, makiupo na lang kayo samin since occupied naman na ang mga seats sa ibang table." Pag anyaya nito samin habang nakangiti. Hindi talaga naaalis sa kaniya ang ngiti niyang ito.
"Nakakahiya naman sa mga kasama mo. Hindi naman nila kami kilala" sagot ko sa kaniya. Tiningnan ko si Trina para sumang ayon din sakin pero ang tiya niyo tulala habang nakatingin kay Trev.
"Then, ipapakilala ko kayo para hindi na kayo mailang" pag kumbinse nito sakin.
"Come here na Carl and Trina, nag order na ako" pag anyaya samin ni Trixie na ngayon ay nakaupo na. Ano pa nga ba ang magagawa namin.
Lumapit na kami sa table nila. Nagulat pa ako kase andito si Xander kasama pa yung tatlong lalaki. Nakatingin sila samin ngayon. Umiwas ako ng tingin kay Xander pero pansin ko gilid ng aking mga mata ang mga tingin niya na nagbibigay ng kaba sakin.
"Guys, meet my friend Carl and what's your name sorry?" sambit ni Trev at tinanong si Trina kung anong pangalan nito.
"Trina" mabilis na sagot nito.
"And Trina. Itong si Carl nakilala ko siya nung examination day and siya din ang scholar ng batch nila. Carl and Trina ito naman ang mga kaibigan namin, Chino, Topher and Xander kapatid ng amazona" pagpapakilala ni Trev samin sa grupo niya.
"Hi bro..... welcome to the group" bati nung Chino at nag alok ng shakehands. Nakipag shakehands naman ako bilang pakikisama sa kanila.
Ganun din naman ang iba pa nilang kasama, masaya nila kaming binati at nakipag shakehands pero nung kay Xander na bigla akong nahiya. Iniisip ko kasi yung sinabi ni Trina sakin na cold hearted ito baka kasi mapahiya lang ako.
"Bro, ayaw mo ba makilala si Carl?" tanong ni Trev kay Xander.
Sinamaan ng tingin ni Xander si Trev habang nakangiti lang si Trev. Hindi ba siya natatakot? Parang galit na si Xander sa kaniya.
"Kuya Xander, don't be rude to my friend." Singit naman ni Trixie na dahilan para bumalik sa pagiging walang emosyon ng mukha ni Xander.
"Okay lang naman sakin" nakangiti kong wika kay Trev at Trixie. Natahimik sandali at walang umiimik kaya medyo naging awkward yung ilang saglit. Nagtitinginan na rin ang ilan sa mga estudyante na nandito sa café.
"Sige maupo na kayo. By the way Carl malayo ba ang bahay mo dito?" tanong sakin ni Trev
"Medyo malayo, nasa 30 minutes din." Sagot ko naman sa kaniya.
"Ayaw mo ba mag board na lang? Diba kasama sa benefits mo yun?" pagpatuloy niya.
"Oo kasama naman siya pero, dalawa lang kasi kami ni Mama sa bahay, ayaw ko naman siyang iwan dun kaya kahit medyo malayo okay lang naman sakin." Kwento ko sa kanila. Hindi ko alam na nakikinig pala sila sakin maliban na lang kay Xander na kasalukuyang nakatutok sa phone niya.
"Asan ang Dad mo?" tuloy tuloy na tanong ni Trev... nagulat naman ako sa tanong niya.
Natahimik ako saglit dahil sa tanong niya.
"Sorry, sumobra na ata ako..." paghingi ng paumanhin niya sakin.
"Okay lang" sagot ko sa kaniya at ngumiti.
Iniba na lang nila ang usapan para hindi maging awkward. Salamat na lang kay Chino dahil patawa siya at ang daming joke kahit corny.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => c4c03fb6
)
What do you think?