Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
Unang araw ng klase ngayon. Hindi naman ganun kaaga ang schedule ng klase ko pero since first day ngayon at may orientation kaya umaga pa din ako ng gising.
"Kain ka na anak ng makapag intindi ka na sa pag pasok mo" utos sakin ni Mama at naupo kami sa mesa.
"Mag iingat ka sa pag pasok at pag uwi huh, lalo na at may pang gabi kang klase" paalala nito sakin. Actually mga isang daan na ata niya itong paalala sakin. Nang malaman niya kasi ang schedule ng klase ko na may pang gabi nag alala siya kasi nga baka may kung anong mangyari sakin.
"Opo Ma, mag iingat po ako lagi." Paniniguro ko naman sa kaniya.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at patuloy din si Mama sa kaniyang mga pangaral at mga paalala. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para maligo at magbihis. Naplantsa ko na kagabi ang aking uniform. Meron kaming 3 sets of uniform. Tuwing Monday ay polo na may kulay green sa collar at sleeves. Pag Tuesday naman ay long sleeve na may blazer na green. Pag Wednesday at Friday free style at pag Thursday, College polo. Nakuha ko naman ang aking uniform nung nag enroll din ako kasi provided naman siya ng school.
Matapos ko maligo at mag toothbrush nag bihis na ako ng aking uniform. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Isang ngiti ang iginawad ko sa aking sarili dahil bagay na bagay sakin ang uniform. Sinuot ko na din ang black leather shoes na regalo sakin ni Mama.
Sunod ko namang inayos ang aking buhok at nilagyan ng wax ang aking buhok para hindi pakalat kalat. Sinuklay ko ito at medyo pinatayo na nakahawi papuntang kanan. Nang makontento ako, nagpabango naman ako. Hindi naman ganun katapang yung pabango na binili ko sapat lang na kapag may lumapit saakin saka lang nila maamoy.
Bumaba na ako sa sala dala ang aking sling bag. Dalawa lang naman kasi ang notebook ko. Yun kasi ang turo sakin ni Trev. Pagkakita sakin ni Mama napangiti siya sakin.
"Ang gwapo naman ng anak ko. Binatang binata na" masayang wika nito at lumapit sakin. Inayos niya ang aking uniporme at binigay ang aking I.D.
"Syempre Ma, sa inyo ako nagmana" nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Oh sige na, baka malate ka pa. Ito nga pala ang baon mo. Baka kasi kung anu-ano lang ang pagkakainin mo dun" inabot niya sakin ang aking lunch box.
"Salamat Ma. Mag-iingat kayo dito, at huwag masyadong magpakapagod." Sambit ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang cheeks.
"Sige anak, mag iingat ka. Lagi mo akong itext huh" paalala nito sakin.
"Opo Mama" paalam ko sa kaniya at tuluyan na akong lumabas ng bahay.
Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay at nakita ko si Aleng Nena na bitbit ang mga pinamili para sa lulutuin nila ni Mama.
"Napaka gwapo mo talaga ijo. Mag iingat ka at mag aral ng mabuti" payo nito sakin.
"Salamat po Aleng Nena. Kayo na po ang bahala kay Mama." Wika ko sa kaniya.
"Wala kang dapat ipag alala, ako ang bahala sa Mama mo" nakangiti nitong sagot sakin. Napangiti din naman ako dahil alam kong hindi niya pababayaan si Mama.
"Salamat po ulit. Mauuna na po ako sa inyo" paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang pag sang ayon. Nagsimula na akong mag lakad hanggang sa highway. Nag hintay ako ng bus na may ruta na paapunta sa aking paaralan.
Saa kabilang kanto ay tanaw ko ang ilang mga estudyante na mga naka uniporme din at bakas sa mukha nila ang excitement sa pag pasok. Kahit naman ako ganun din ang nararamdaman ko.
Maya maya lang ay may tumigil sa harap kong bus at sumakay na ako. Mabuti na lang hindi pa ganun kapuno ang bus. Naupo ako malapit sa bintana para matanaw ang mga nadadaanan ko.
---
Makalipas ang kalahating oras nakarating na ako sa tapat ng unibersidad. Dito pa lang sa labas ng gate nakikita ko na ang mga estudyante dahil sa pareho kami ng uniform. Halata sa mga kilos at pananamit nila ang pagiging mayaman.
Marami sa kanila ang ibinababa ng kotse at ang ilan naman ay nakakotse papasok sa loob ng school. Hindi naman ako nakaramdam ng inggit dahil kontento naman ako sa kung ano ang meron ako.
Lumapit na ako sa guard at namukhaan niya naman ako.
"Good morning po" bati ko dito
"Magandang umaga din. Welcome to Luciano University" nakangiti nitong sambit.
Pansin ko sa mga estudyante na hindi sila bumabati sa mga guard at tuloy tuloy lang sa pag pasok. Mukhang napansin naman ng guard ang reaction ko.
"Huwag ka ng magtaka. Sige na, i-scan mo lang yung bar code dun sa may machine para maverify yung I.D mo" nakangiti nitong wika sakin.
"Salamat po. Kuya Dennis" sagot ko dito. Nabasa ko lang sa name tag nila kaya nalaman ko pangalan niya. Naoangiti naman siya.
Matapos kong mascan ang I.D ko dumiretso na ako sa pag pasok. May orientation para sa mga freshmen kaya kailangan muna namin dumiretso sa gymnasium.
Oo nga pala, malalaman mo ang year level ng isang estudyante sa bilang ng linya sa sleeves nila. Sa aming nga freshmen isa pa lang. Ang mga second year at iba pang level may dagdag na linya base sa year level nila.
Since nalibot ko naman na itong University sa tulong na din ni Trev hindi na ako nahirapan papunta sa gymnasium. Pagdating ko dun marami rami na ang mga estudyante. May mga nakikita ako na mga nagkukwentuhan at mga grupo. Mabuti pa sila may mga kakilala na sana ako din. Kahit hindi ako ganun ka socialize sana kahit isa hanggang dalawang kaibigan makahanap ako.
Habang papasok ako pansin ko ang tinginan ng mga tao sa direksiyon ko. Hindi naman ako nag a-assume dahil marami din naman akong kasabay kaya nag diretso na lang ako ng lakad papunta sa medyo unahan.
Hindi naman nagtagal at dumating na din ang mag o-orient samin. Hindi siya si Mam Hera, siguro isa din siya sa mga opisyal dito. May mga kasama siyang mga old student pero wala si Trixie at Trev.
Maya maya lang ay may naupo sa tabi ko. Isa siyang babae, maganda pero may malaking salamin. Hindu naman siya masasabing nerd kasi naka make up siya.
"Hi" nakangiti nitong bati sakin.
"Hello" bati ko din sa kaniya
"Trina Uy, Eletrical Engineering" pakilala nito sakin. Syempre ayoko naman maging rude sa kaniya kay nagpakilala na din ako mukha naman siyang mabait.
"Carl Madrigal, Civil Engineering" pakilala ko sa kaniya.
"Nice to meet you. Can I consider you as a friend now?" tanong niya. Wala naman sigurong masama kaya tumango na lang ko sa kaniya
Nagsimula naman ng mag salita ang nasa unahan. Lahat ng mga estudyante ay nanahimik at ang atensyon ay nasa unahan.
"Good morning freshmen. I'm Victoria Lim. Head of Science Department. Welcome to Luciano University. We are glad that you choose this university. We assure you to deliver quality education where you can excel in your chosen field.........." Patuloy na pagsasalita niya.
Nakatuon naman ang mga atensiyon namin sa kaniya. Marami siyang mga pinaliwanag tungkol sa school rules and regulations. Medyo mahigpit dito sa university. May tamang pagbati din lalo na sa mga opisyal ng paaralan at yun yung pagyuko bilang respeto at paggalang.
Lahat naman ng mga sinabi niya ay nasa University Guide Book. Binigay ito samin nung enrollment kaya medyo nabasa ko na din ito.
Matapos ang ilang halos kalahating oras na orientation, election of officers para sa mga freshmen. Ganito naman talaga lagi tuwing first day of school. Minsan inaabot pa ng isang linggo dahil sa dami ng mga organization.
Umalis na si Mam Victoria at pumalit sa kaniya ang isang Senior, may mga kasama naman siya para mag assist dito sa election of officers.
"Good morning freshmen, we will proceed to election of officers. The nomination for President is now open. Raise your hand if you want to nominate someone." Sambit nito.
Medyo umingay na dahil sa mga bulungan ng mga estudyante. Mga ilang segundo ang nakalipas ng may tumaas na ng kamay.
"Yes at the back" sambit ng senior at napatingin kami sa tinuro nito.
Tumayo ang isang lalaki at nagsalita.
"I nominate Christian Salcedo for President" sambit nito sabay upo.
"Christian Salcedo has been nominated. Another nomination?" tanong nito. Sinulat naman ng acting secretary ang pangalan ng unang nominee.
May dalawa namang tumaas ng kamay at may nomination din sila.
"Christine Felimon and Berth Valdez has been nominated for President. Other nomination?" sambit nito.
Akala ko wala ng tataas ng kamay pero nagulat ako kasi tumaas ng kamay itong si Trina.
"I nominate Carl Madrigal, our batch scholar for president" malakas na sambit nito at napangiti ng tumingin sakin.
Hindi ko naman akalain na makikita niya yun sa I.D ko. Naka indicate kasi yun sa I.D ko.
"Wow!!! The lucky, university scholar has been nominated." Masiglang wika ng senior sa unahan.
May tumayo naman para i-close na ang nomination.
"Can we call all the nominated students here in front to introduce their self" pakiusap ng senior. Nahihiya pa akong tumayo pero tumayo na din ako dahil ayaw ko naman umagaw ng eksena.
Pumunta na kami sa harapan at tumayo dito.
"Let's start with Mr. Christian Salcedo" utos ng senior. Binigay naman ng isa pang senuor ang mic. Sa lalaking kasama namin.
"Good morning I'm Christian, BS Psychology. I can't promise anything but I will encourage you to vote for Mr. Madrigal instead since he already proved himself that he's good" sambit nito.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kahit hindi ko siya kilala yun ang sinabi niya sa mga kasama namin.
Sumunod naman na nagsalita si Christine.
"I agree with Mr. Salcedo. Ano pa ba ang hahanapin natin sa isang president, for sure Mr. Madrigal will be a responsible leader for us." Confident na sambit nito.
Medyo nahihiya ako kasi ang taas naman expectation nila sakin. Binigay naman ang mic. Kay Berth at ganun din ang sinabi niya.
"So, to officialy elect Mr. Madrigal as your President. Let us ask the students if they agree on this" sambit ng senior.
"So freshmen, do you agree to elect Mr. Madrigal as your president?" tanong niya.
Mabilis naman sumagot ng malakas ang mga freshmen.
"Your batchmate agreed Mr. Madrigal, kindly introduce yourself" pakiusap niya sakin at binigay ang mic.
Kahit kinakabahan ako syempre inabot ko pa din yung mic. May karanasan naman ang sa pagiging officer dahil active officer ako ng SSG nung high school ako.
"Good morning everyone, I'm Carl Madrigal from Civil Engineering. Thank you for the trust to hold this position. I will do my best to fulfill my duties and responsibilities." Seryoso kong sambit sa kanila.
Matapos kong magsalita nagpalakpakan naman ang mga kapwa ko estudyante at yung iba ay nagtitilian pa.
Nagpatuloy ang paghalal sa mga bagong opisyal ng freshmen. Ako na ang namuno sa unahan pero tinulungan pa din kami ng mga seniors. Si Trina ang nahalal bilang secretary na lubos ko namang kinatuwa dahil magkakilala na kami.
Matapos ang eleksiyon, in-announce na merong orientation sa bawat department. Makikilala na din namin ang mga opisyales ng paaralang ito maging ang may-ari.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => 59d4de23
)
What do you think?