Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Mataas na gate at napapalibutan ng matataas din na pader. Andito ako ngayon sa tapat ng Luciano University, isa sa pinakasikat at pinakamahusay na unibersidad sa bansa. Marami na silang napagtapos na naging kilala sa iba't ibang larangan na kinilala sa maraming bansa. At ngayon nandito na ako sa harap ng unibersidad na ito para isakatuparan lahat ng pangarap ko.
Agad akong lumapit sa guard para ipakita ang letter na sinend sa aking email kahapon. Mabuti na lang siya yung guard na nagcheck din sakin dati kaya medyo kampante ako.
"Magandang umaga po" magalang kong bati sa kaniya. Napatingin naman siya sakin na tila sinusuri ang aking hitsura.
"Ikaw ba yung applicant last week? So ikaw pala ang napili ng Luciano University, Congratulations!" nakangiting wika sakin ng guard.
"Salamat po, ito nga po pala yung letter na ipapakita ko daw po sa inyo para makapasok ako" nakangiti ko ding tugon sa kaniya.
Kinuha naman niya ang papel at binasa ang nilalaman nito. Pinakita din niya ito sa isa pang guard at tumango ito. Muli siyang lumapit sakin at binigay ang papel.
"Maaari ka ng pumasok, dumiretso ka muna sa VP for Academic Affairs para sa orientation mo" paalala nito sakin.
"Sige po. Salamat" sagot ko sa kaniya.
Pero bago pa ako maglakad, pansin ko ang pagpasok ng mga magagarang kotse. Alam ko naman na mga mayayaman at kilalang tao ang mga estudyante dito pero hindi ko pa din maiwasan na mamangha sa kanila.
Tuluyan na akong pumasok sa gate at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ganda ng paaralang ito na ngayon ay magiging bahagi na din ako. Gagawin ko ang lahat para hindi mawala sakin ang scholarship ko. Basta focus lang ako sa pag aaral ko at wala ng iba.
Maglalakad na sana ako kaso hindi ko alam kong saan ang opisina ng VP for Academic Affair. Babalik na sana ako sa guard para magtanong pero pagtalikod ko may babaeng nasa harap ko. Naka shades, matangkad, sexy, blacklipstick at may mahabang itim na buhok.
Hindi ko tuloy mapigilang mamangha sa kagandagan niya.
"Are you done checking me?" tanong nito sakin habang nakangiti.
Dahil sa hiya ko napayuko na lang ako.
"Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko pa kilala ang mga tao dito kaya natatakot akong magkamali.
"Bakit ka nagsosorry? May nagawa ka bang kasalanan?" tanong niyang muli.
Napatingin naman ako sa kaniya at ngayon ay nakapoker face na. Hindi ko tuloy alam kung naiinis siya o hindi.
"Hindi naman...... ano kasiiiii......" hindi ko matapos ang salita ko dahil kinakabahan ako. Baka sa unang araw pa lang may kaaway na agad ako.
"Bago ka lang ba dito?" singit na tanong niya sakin. Tumango naman ako.
"Let me guess, hindi mo alam ang registrar no?" sambit nito sakin. Yung totoo quiz bee ba to? Ang dami niyang tanong pero syempre kailangan kong sagutin.
"Oo. Actually papunta sana ako sa VP for Academic Affairs, kaso hindi ko alam kung saan yun" nahihiya kong sagot sa kaniya.
Napangiti naman siya sa sinabi ko. Hindi alam pero parang may pagka bipolar siya biglang magseseryoso tas biglang ngingiti.
"you're thinking that I'm weird right?" bigla niyang tanong sakin. Nagulat naman ako kasi paano niya nababasa ang nasa isip ko.
"Ngayon naman iniisip mo kung bakit alam ko ang nasa isip mo?" bakit niya alam? Mind reader ba siya o pumasok ako sa witch university?
"Magaling lang ako bumasa ng tao base sa kilos nila kaya wag ka na magtaka. Anyways, papunta din ako dun sumabay ka sakin" tuloy tuloy na wika nito.
Nauna siyang naglakad sakin at ako naman ang sumunod sa kaniya. Napakasexy niya, yung mahaba niyang buhok ay nililipad ng hangin at naiiwan ang mabangong amoy nito.
Habang nasa daan kami pansin ko na ang mga studyante dito ay yumuyuko sa kaniya. Para siyang tradisyon sa Japan na ganun sila bumati. Hindi ko naman siya matanong dahil hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.
Ang mga estudyante din ay napapatingin sakin ng hindi ko alam. Nahihiwagaan tuloy ako kung sino ba tong kasama ko at bakit ganun ang pakikitungo nila sa kasama ko.
Nakarating kami sa opisina na pakay namin. Basta basta na lang siyang pumasok ng hindi kumakatok sa pinto. Samantalang ako nanatili akong nasa likod niya. Hindi pa sana ako susunod sa kaniya dahil baka mapagalitan ako pero bigla siyang lumingon sakin.
"Sumabay ka na sakin pag pasok" utos nito sakin kaya napatango na lang ako.
"Hindi ka ba marunong kumatok man lang Trixie?" sigaw ng babae sa loob. Hindi ko siya makita dahil medyo may katangkaran siya. So Trixie pala ang pangalan niya.
"Hindi ka na ba nasanay sakin Auntie?" natatawang sambit niya.
"At hindi ka rin ba natuto sa mga pangaral ko sayo?" naiinis na wika nung babae.
"Anyway, bago ka mastress diyan, may kasama ako." Walang kagana ganang sagot niya.
Umalis siya sa harap ko at naupo sa sofa. Napakaganda ng opisina na ito. Nang mapatingin ako sa harap ko, nakita ko yung babae na nag orient samin last week.
"Good morning Mam, ako nga po pala si Carl Madrigal, yung napili niyo pong scholar" nakangiti kong bati sa kaniya.
Nagbago naman yung mood niya at napangiti din sakin.
"Good morning Mr. Madrigal, Congrtulations again. It's nice finally meeting the scholar of this new batch of students." Masayang bati din niya sakin.
Naupo siya sa kaniyang swivel chair at inanyayahan akong maupo sa harap ng mesa niya.
"By the way, I'm Hera Luciano, the VP for Academic Affair. You're so lucky to be chosen by our University. Pinapunta kita dito para ibigay sayo ang certificate of scholarship" kinuha yung frame sa drawer sa ilalim ng kaniyang mesa at inabot ito sakin.
"Sobrang salamat po Mam. Napakalaking tulong po nito para sakin. Huwag po kayong mag alala kasi gagawin ko ang aking best para hindi kayo mag sisi na ako ang pinili niyo" mangiyak ngiyak kong pasasalamat sa kaniya habang nakangiti.
"Alam namin na deserve mo yan. Kaya goodluck sa journey mo." Nakangiti din nitong sambit.
"Paburger ka naman" sigaw ng babaeng kasama ko kanina. Napatingin naman ako sa kaniya na ngayon ay nakahiga na sa sofa at ang shades ay nakalagay sa ulo. Sobrang kapal ng eyeliner niya pero bagay naman sa kaniya. Mukha nga lang siyang badgirl.
"Trixie!!!! Kung mang gugulo ka lang dito sa opisina ko mabuti pang lumabas ka na" sigaw ni Mam Hera. Pero parang wala siyang narinig dahil sinalpak na niya ang earphone sa tenga niya.
Napatingin naman ako ngayon sa babaeng kaharap ko at nakalagay ang mga daliri sa kaniyang sintido na tila stress. Hindi naman ako nagsalita.
"Ano nga pala ang kukunin mong kurso?" tanong niya sakin.
"Civil Engineering po Mam" nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Mabuti naman kong ganun. Oh, sige bago pa humaba ang pila sa registrar mag enroll ka na. Don't worry kasi mabilis lang ang process ng enrollment." Ngayon ay nakangiti na siyang muli.
"Salamat po ulit Mam" walang katapusang pasasalamat ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Tumayo na ako at aalis sana ng biglang nagsalita yung Trixie.
"Samahan na kita" alok nito sakin na ngayon ay nakangiti.
"Trixie!!! Subukan mo lang isama sa mga kabalbalan mo yang scholar natin. Isusumbong kita sa Daddy mo" pagbabanta ni Mam Hera. Hindi ko pa din alam kong sino talaga itong babae na nasa harap ko dahil ayaw ko naman na lumabas na may pag ka chismoso.
"Kung nagtataka kong sino ako. I'm Trixie Luciano, daughter of the owner of this University" wika nito sakin na tila alam talaga ang nasa isip ko.
Kaya pala ganun siya umasta at bigyang respeto ng mga estudyante dito. Nahiya naman ako kung sasamahan niya pa ako.
"Naku pasensya na po Mam, hindi ko po alam." Nakayuko kong paghingi ng paumanhin.
"Can you stop what you're doing? At anong Mam? Do I look old like Auntie?" tila nandidiri nitong wika. Hindi naman ako makapag salita pero tumingin na ako sa kaniya ng diretso.
"Just call me Trixie, I just want to make friend with you. At mas mapapabilis ang pag enroll mo kung kasama ako. Ayaw mo ba nun." Pagmamalaki nito sakin. Sabagay sila naman may ari ng school ito kaya siguradong kaya niyang gawin lahat ng gusto niya.
"Pero hindi niyo naman po kailangan gawin yun. Nakakahiya po sa inyo" sambit ko sa kaniya.
"What? Uso pa pala ang hiya? Akala ko ba extinct na yun?" tila gulat na sambit niya.
"Sayo lang hindi uso yun iha, samin trending pa" sarkastikong singit ni Mam Hera. Inirapan naman aiya ni Trixie.
"Whatever. Let's go na" sambit sakin ni Trixie at literal ni hinila niya ang braso ko palabas ng opisina.
Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Mam Hera dahil sa bilis ng paghila sakin ni Trixie. Grabe ang babaeng to parang naka Enervon sa sobrang hyper. Pero kahit na ganun nagpadala na lang ako sa kaniya.
Pagdating namin sa registrar nagtitinginan na ang mga studyante at at yumuyuko.
"alam mo ba, hindi ko maintindihan kung bakit nila kelangan yumuko. Pakulo lang kasi yan ni Dad. Yan ang signature greetings lalo na sa mga officials ng university. Kaya kahit ayaw ko ng ganiyan wala akong magawa" biglang sambit niya sakin ng pabulong. Tumango lang naman ako.
Nang makarating kami sa registrar biglang nagbigay ng daan ang mga estudyante kay Trixie. Naglakad na siya pauna pero ako nagpaiwan ako kaso pipila ako. Medyo may kahabaan pero willing to wait naman ako.
Naramdaman siguro niya na wala ako sa likod niya kaya tumalikod siya at bumalik sakin.
"Bakit ka tumigil? Sumama ka sakin. Tutulungan kita mag enroll" sambit niya sakin.
"Pero nahihiya ako. Sila pumila ng matagal kaya dapat ganun din ako." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Kami ang may-ari ng school kaya pwede kitang matulungan" pagpupumilit niya sakin.
"Maraming salamat..... pero hindi kasi kaya ng konsensya ko na makita yung iba na nahihirapan samantalang ako ako hindi. Pasensya ka na" pagkumbinsi ko sa kaniya.
Napansin kong napabuntong hininga siya na senyales na sumuko na siya at ayaw ng makipag talo.
"Sige hintayin na lang kita. Diyan lang ako sa tabi tabi" saad niya.
"Salamat" tipid na sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at nagsimula ng maglakad.
Pumila naman ako sa pinaka huli. Hindi naman ganun kangalay dahil may upuan naman sila dito. Hindi rin mainit dahil maraming wall fan sa bawat poste. Mabilis naman ang proseso ng enrollement kaya mabilis din umuusad ang pila.
-----
Makalipas ng kalahating oras natapos din ako mag enroll. Pumunta ako sa likuran para hanapin si Trixie dahil baka naiinip na ito sa kakahintay sakin.
Mabuti na lang hindi siya kung saan pumunta dahil mabilis ko din siyang nahanap habang kausap ang isang lalaki na tila pamilyar sakin ang postura.
"Trixie" mahinang tawag ko sa kaniya.
Natigil sila sa pag uusap at napatingin sakin pareho. Pagkakita ko sa lalaki, si Trev pala yung senior officer nung orientation.
"Hi Carl, Congratulations!!!" isang malaking ngiti ang kaniyang pinakawalan at inilahad ang kamay sakin.
"Maraming salamat" nahihiya kong sagot sa kaniya at binigyan siya ng matipid na ngiti. Nahihiya pa din kasi ako sa kaniya.
"So magkakilala na pala kayo?" singit ni Trixie na parang walang kagana gana
"Yes, nakilala ko siya nung examination day nila. He's cute right?" nakangiting sagot ni Trev. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Yeahhh dude..." pagsang ayon naman ni Trixie na parang rapper.
"So enrolled ka na?" tanong ni Trev sakin.
"Kakatapos ko lang. Salamat na din kay Trixie kasi tinulungan niya ako" nakangiti kong sagot at tumingin kay Trixie. Umiwas naman siya ng tingin sakin.
"What? Tinulungan ka ni Trixie? Hmmmm... kaya pala nandito ka.. " gulat na sambit ni Trev
"Alam mo ba ngayon lang niya ulit ginawa yan? At may kaibigan na pala ang amazona ng University na ito" natatawa niyang pahabol.
Hindi ko pa naman ganun kakilala si Trixie kaya hindi ko alam kong ano ang magiging reaction ko. Pero iniisip ko pa lang na magkakaroon ako ng kaibigan sobrang saya ko na.
"Alam mo ungoy? Kung hindi mo ititigil yang bunganga mo ipapasok ko tong kamay ko diyan" pag babanta ni Trixie.
"kalma ka lang... ito na nga ohh.. titigil na..." wika ni Trev at umakto pa na nilagyan ng zipper ang bunganga.
Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Ngayon meron na akong dalawang kilala sa unibersidad na ito at sana mas marami pa akong makilala.
"May pupuntahan ka pa ba after this?" tanong sakin ni Trixie.
"Actually wala naman na, uuwi na din ako para makatulong kay Mama" sagot ko sa kaniya.
"Kung ganun, maiiwan na kita. Kitakits na lang sa pasukan." Sambit nito sakin.
"Salamat Trixie, sa tulong mo at syempre may bago na akong kaibigan" nakangiti kong wika sa kaniya.
Tumango naman siya sakin at umalis na.
"Hindi ka man lang ba magpaalam sakin amazona?" habol ni Trev. Pero imbes nalingunin siya ni Trixie, dirty finger lang ang binigay niya dito.
"Wala pa din talagang pinagbago ang babaeng to" natatawang sambit ni Trev habang kumakamot sa ulo niya. Humarap naman siya sakin at binalik ang masayahin niyang mukha.
"Hatid na kita sa gate" alok niya sakin.
"Naku, mag aabala ka pa. Masyado na akong maraming tao na naabala ngayon." Pagtanggi ko sa alok niya.
"Sila naman yun eh. Iba yung sakin. Tsaka kaibigan mo na din ako diba? Kaya wag ng tumanggi" sambit niya sakin sabay hawak sa kamay ko at nagsimula ng maglakad. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napatigil ako. Napatingin naman siya sakin at ngumiti.
"Pasensya na" wika niya at binitawan ang kamay ko.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => 8ff59558
)
What do you think?