Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Isang linggo na ang nakakalipas at ngayon ia-announce ang maswerteng napiling scholar. Honestly sobrang kinakabahan ako kasi tanghali na ngayon pero wala pa din akong natatanggap. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mag isip ng hindi maganda.
"Anak, kumain ka na. Tanghali na oh..... huwag kang masyadong kabahan dahil alam kong ikaw ang mapipili dun. Matalino kaya ang anak ko" pagpapalakas loob na sambit ni Mama.
Alam kong pinapagaan lang niya ang nararamdaman ko pero hindi ko talaga maiwasan. Andito kasi kami sa harap mesa para kumain. Pero ako hindi ko magawang kumain dahil kinakabahan ako at ang daming iniisip na posibilidad.
"Pero Ma, tanghali na kasi baka hindi talaga ako ang napili" malungkot kong sambit kay Mama.
"Huwag kang pang hinaan ng loob anak. Diba sabi mo sakin may tawag kayong matatanggap kong hindi kayo napili at nakapasa?" tanong niya sakin. Tumango naman ako.
Tama naman si Mama dapat may tawag muna kaming matanggap para malaman namin kung hindi kami nakuha.
"Yun naman pala eh. Malay mo hindi pa sila tapos mag check. Mahaba pa ang maghapon anak. Walang mangyayari kung hindi ka kakain." Paalala niya sakin.
Kaya kahit wala akong ganang kumain sumandok pa din ako ng pagkain dahil ayaw kong malungkot si Mama na hindi ko kakainin ang luto niya.
Matapos naming kamain tinulungan ko na siya sa karenderya dahil medyo marami na ang bumibili ng ulam. Meron kaming katulong sa pag titinda si Aleng Nena, binibayaran naman siya ni Mama. Mabait ang pamilya niya samin, kaya pag nangangailangan sila ng tulong hindi kami nagdadalawang isip na tulungan sila.
Napansin ko na nandito si Jake ang anak niya at busy din sa pag seserve sa mga customer. Araw araw ganito ang eksena dito sa aming karenderya. Ang dami kasing mga customer lagi lalo na yung mga nag oopisina sa kabilang highway maging yung mga construction worker dito sa bagong building na tinatayo malapit samin.
Matagal tagal na din kasi noong simulan ang pagpapatayo ng building na yun. Mabuti na nga lang at hindi nadamay ang aming bahay sa pagpapademolish. Mukhang malaking kompanya ang may ari.
"Aleng Nena, kumain po muna kayo, ako na po muna diyan" nakangiti kong sambit sa kaniya. Hindi naman siya tumingin sakin dahil tuloy tuloy siya sa pagsandok ng mga ulam.
"Naku ijo, kayang kaya ko to." Sambit nito sakin.
"Sige po ganito na lang, pag tapos niyo kumain kayo na po ulit dito" pagkumbinsi ko sa kaniya. Ngayon tumingin na siya sakin pero halatang ayaw pang tigilan ang trabaho. Mabuti na lang at sumunod din siya.
Ngayon ako naman ang nagsasandok ng ulam. Nakita ko naman ang mga babaeng customer na panay ang sulyap sa aking pwesto. Hindi naman na ito bago sakin. Kaya ang ginagawa ko lagi ko silang nginingitian para balik balikan nila ang aming kainan. Tila kinikilig naman sila sa mga ginagawa ko.
"Naku anak, kaya lagi tayong maraming customer eh dahil sayo" biglang singit ni Mama na nasa tabi ko ngayon at katulong ko sa pagbibigay ng mga orders.
"Hindi kaya Ma, bumabalik sila kasi masarap ka magluto" natatawa kong wika sa kaniya. Natawa din naman siya sa sinabi ko.
Lumapit sakin si Jake pero hindi nagsasalita. Bakit ba laging ganito tong bata na ito. Samantalang pag si Mama ang kausap niya napaka daldal niya.
"May kailangan ka ba Jake?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Tila namumula na naman ang pisngi niya at pinagpapawisan ang noo nito. Mukha ba akong multo?
"Bakit ayaw mo akong kausapin Jake? Hindi ba ako mabait?" lungkot lungkotan kong tanong sa kaniya.
Tila nabahala naman siya dahil bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Ano kasiiii....... ano........" hindi niya matapos na sabihin habang kumakamot sa kaniyang na tila balisa.
"So totoo talaga na hindi ako mabait?" gulat na tanong ko sa kaniya dahil hindi siya makapag salita ng diretso. Napatingin na din si Mama samin. Hindi naman ganun kalakas ang boses ko kaya hindi kami nakaka agaw ng eksena.
"Hindi.... Hindi yun ang gusto kong sabihin... sa totoo lang nahihiya kasi ako sayo kapag kaharap kita" sambit nito na diretso anh tingin sakin habang namumula ang mga pisngi.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdman niya tuwing nakakaharap ako.
"Bakit ka naman mahihiya sakin? Eh parang pamilya na nga ang turing namin sa inyo. Tsaka, ako lang to, hindi naman ako artista o politiko para mahiya ma sakin" natatawa kong wika sa kaniya.
"Oo nga Jake, tingnan mo... diba mabait si Carl... ikaw lang ang mahiyain..." pahabol pa ni Mama
"Hindi rin ako nangangain kaya wag kang mahihiya makipag usap sakin okay?" nakangiti kong sagot sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Kaya yan nahihiya sayo anak kasi.........." Naputol ang sasabihin ni Mama dahil pinutol na ito ni Jake.
"Nahihiya ako kasi parang di ka namamansin... yun yung gustong sabihin ni Tita Vida" mabilis na sambit nito. Napatingin naman ako kay Mama dahil ang weird nila pero nagkibit balikat lang si Mama.
"Okay, basta huwag ka nang mahiya sa susunod, pag may kailangan ka pwede mo akong lapitan. Pwede mo naman akong tawaging Kuya Carl" sambit ko sa kaniya.
Bigla naman natawa si Mama sa tabi ko kaya muli ko siyang nilingon pero bago pa ako magsalita, nagsalita na siya.
"Wala to anak, may naalala lang ako" wika ni Mama habang pigil ang pagtawa. Kahit hindi ko alam ang inaakto ni Mama di ko na lang ito pinansin at binalik ang tingin kay Jake para tanungin kong ano ang kailangan niya.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sana kanina?" tanong ko sa kaniya.
"Ahhh... pinapatanong kasi nung lalaki dun sa dulo kong pwede ka daw bang makausap.." sambit niya sakin sabay turo dun sa lalaking nakaupo malapit sa pintuan. Tiningnan ko ito at sinuri kong kilala ko siya pero parang hindi ko pa naman nakikita dati.
"Sige, ako na lang lalapit. Kumain ka na muna baka nagugutom ka na" utos ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang pag sang ayon.
Lumapit naman ako sa lalaking gusto daw ako makausap. Moreno ang kulay ng balat niya at medyo kulot ang buhok. Mahitsura naman siya at mukhang matangkad.
"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako. Ngumiti naman siya at kita ko ang maputi at pantay niyang mga ngipin.
"Wala naman gusto lang sana kita tanungin if gusto mo lumabas" direstong wila nito sakin. Hindi ko naman nagets ang gusto niyang sabihin kaya kunot noo ko siyang tinanong.
"Uhmmm .... Ano pong ibig niyong sabihin?"
"I mean.. can I ask you for a date?" tanong niya sakin habang hindi naalis ang ngiti niya sakin. Alam ko naman yung salitang date dahil naririnig ko ito sa mga kaklasee ko.
"Sorry Sir pero hindi po pwede ehh.." diretso kong sagot sa kaniya. Tumango naman siya at medyo nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"It's okay.. I understand" wika nito sakin.
"Pasensya na po kayo Sir. Enjoy your food po." Sambit ko sa kaniya habang nakangiti.
"Salamat" sagot nito sakin.
Nagpaalam naman ako sa kaniya at bumalik sa aking pwesto kanina. Tinanong ni Mama kong ano daw ang tinanong sakin nung lalaki syempre sinabi ko naman ang totoo. Ayaw ko kasi ng may tinatago sa kaniya. Medyo nagalit si Mama pero sinabi kong mukhang mabait naman yung lalaki. Napakalma ko naman siya.
---
Lumipas ang mga oras at unti unting naubos ang aming mga tindang ulam. Medyo mapagod din dahil tinutulungan ko si Aleng Nena sa paghuhugas kahit na ayaw niyang tumulong ako. Si Jake naman ang nagpupunas ng mga plato at baso at nilalagay ito sa mga lagayan.
Nang matapos na kami ay nagpaalam na sina Aleng Nena na uuwi na sila. Labis na pasasalamat naman ang aming sinambit sa kanila sa pagtulong nila sa amin araw araw. Syempre sulit naman ang binabayad namin sa kanila dahil napaka sipag nila.
Umakyat na ako sa aking kwarto para maligo dahil amoy pawis na ang aking damit. Mabilis lang naman ako maligo dahil baka ako magkasakit kung sakaling magbabad pa ako. Nagbihis na ako ng boxer short at white sando para diretsong tulog na lang mamaya.
Pagbaba ko, bigla kong naalala ang announcement ng result ng scholarship. Bigla naman akong nalungkot dahil palubog na ang araw ngunit wala pa din akong natatanggap na tawag. Tiningnan ko ang phone ko pero wala pa din talagang missed call.
Naupo ako sa sofa habang tulala at iniisip kong ano ang nangyare. Baka hindi na nila tawagan ang mga hindi pumada dahil sa dami ng mga aplikante.
"Anak okay ka lang ba?" biglang tanong ni Mama at naupo sa gilid ko. Bakas sa kaniya ang pag aalala.
"Ma hindi pa rin kasi ako natatawagan.. hindi ko tuloy alam kong pumasa ba ako o hindi" malungkot na sambit ko sa kaniya.
Tinapik naman niya ang balikat ko para mapagaan ang loob ko.
"Hindi pa nga tumatawag nag iisip ka na agad ng hindi magaganda." Nakangiting sambit niya sakin.
"Salamat Ma" at mahigpit ko siyang niyakap.
Maya maya lang ay biglang nag ring yung phone ko at may unknown number na lumabas. Nagkatinginan muna kami ni Mama bago ko sagutin ang tawag.
"Hello po... good afternoon" kinakabahan kong bati sa kabilang linya.
"Luciano University, is this Carl Madirigal?" tanong ng babae sa kabilanh linya.
"Yes Mam" sagot ko dito
"Okay... we would like to inform you that we already selected a scholar. Thank you for trying in our University. We hope that you'll find your success in other university. Thank you"
Pagtapos ng tawag niya bigla na lang akong naiyak. Hindi ko alam kong saan ako nagkulang kasi ginawa ko naman ang best ko. Nagreview naman ako at confident sa mga sagot ko. Sobrang sakit lang kasi umasa ako. Parang yung mga pangarap ko biglang nawala dahil yun naman talaga ang dahilan kong bakit kami napunta dito ni Mama.
"Anak, marami ka pang pwedeng pasukan. Diba meron iniwan ang Papa mo para sa pag aaral mo? Huwag ka ng malungkot, pwede ka pa naman mag apply sa ibang university. Huwag kang mawalan ng pag asa." Sambit ni Mama habang yakap yakap ako.
Niyakap ko din naman siya ng mahigpit. Pinagpatuloy ko lang ang pag iyak habang nakikinig sa mga payo niya.
"Pero Ma, sayang naman yung efforts ko. Tsaka yun naman talaga ang dahilan kung bakit tayo napunta dito. Sorry Ma." Sagot ko sa kaniya.
"wala kang dapat ihingi ng tawad dahil hindi naman yun ang basehan namin ng Papa mo para maging proud kami sayo. Dahil yung pagiging mabuti mong anak ay proud na proud na kami sayo. Napaka swerte namin ng Papa mo dahil binigyan kami ng napakabait, responsible at mapagmahal na anak." Malambing na sambit niya sakin.
Unti unting gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Mama. Ang sarap sa pakiramdam na lagi siyang nandiyan tuwing nalulungkot ako. Kaya sobrang mahal na mahal ko siya dahil siya lang yung nakakaintindi sakin.
"Salamat Ma." Sambit ko sa kaniya at ngumiti.
"Ayan, ang pogi talaga ng anak ko" natutuwa niyang sambit habang pinipisil ang aking pisngi.
"Sige na, maupo ka na dun at ipaghahanda kita ng paborito mong sinigang" pahabol nito at tumayo na.
Pumunta naman ako sa mesa at naupo pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang balita na natanggap ko. Nagising naman ako sa aking pag iisip ng bigla na namang mag ring ang phone ko. Napansin kong pareho ito ng number kanina. Muli na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko.
Sinagot ko naman ang tawag at nagsalita muli ang babae sa kabilang linya.
"Hello, Mr. Carl Madrigal?" wika nito na kinukompirma ang kausap.
"Yes Mam, ako nga po" sagot ko sa kaniya.
"We would like to congratulate you for being selected as new scholar of Luciano University. Napakaswerte mo dahil ang una naming napili ay nalaman na nandaya sa exam. You deserve this spot, see you tomorrow for your enrollment. Congratulations!"
Nang matapos ang tawag malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Agad naman lumabas si Mama sa kusina at lumapit sakin. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka at pag aalala.
"Ano bang nangyari sayo anak at sumisigaw ka bigla bigla" tanong niya sakin.
Unti-unti akong ngumiti sa kaniya habang may mumunting luha saking mga mata.
"Ma, nakapasa ako.... Ako ang napili nila" masayang sambit ko sa kaniya. Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha ni Mama at tulad ko ay may mumunting luha sa kaniyang mga mata.
Lumapit siya sakin at mabilis na yakap at halik sa aking pisngi ang ginawad niya. Tulad ko ay ramdam ko din ang saya na nararamdaman niya sa balitang binigay ko.
"Congrats anak, sabi ko naman sayo eh. Alam kong mapipili ka kasi deserve mo yan." Tuwang tuwang sambit niya sakin.
"Salamat Ma. Kasi lagi mong pinapalakas ang loob ko." Nakangiti kong wika sa kaniya
"Ganun talaga anak, dahil mahal na mahal ka namin ng Papa mo" sambit ni Mama
"Mahal na mahal ko din po kayo Mama at kahit wala na si Papa sobrang mahal na mahal ko din po siya" masayang wika ko sa kaniya.
Isang mahigpit at puno ng pagmamahal na yakap ang binigay niya sakin na sinuklian ko din ng mahigpit na yakap.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => 072ad13c
)
What do you think?