Array
(
[text] =>
Carl POV
Nagising ako na medyo masakit ang ulo. Hinilot hilot ko pa ito para medyo mawala ang kirot. Nang idilat ko ang aking mata napagtanto ko na hindi ito ang room sa hotel na pinagdausan ng party. Napabangon agad ako at lumabas ng pinto. Sumalubong naman sakin ang malamig na simoy ng hangin. Mula sa pwesto ko at tanaw ang mapuputing buhangin sa dalampasigan.
"Bakit andito ulit ako?" bulong ko sa aking sarili ng marealize ko na nasa island kami kung saan ako dinala ni Xander.
Inalala ko naman ang nangyari kagabi mula sa paghatid sakin ni Calix sa hagdan hanggang sa umakyat ako sa second floor at nahilo at bumagsak sa.....
Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang sumalo sakin kagabi. Hinanap ko siya sa paligid. Nakaramdam nanaman ako ng galit sa kaniya. Pwede naman namin pag-usapan ng maayos pero ganito ang ginawa niya.
Lumabas ako ng bahay at sa may kubo sa dalampasigan ay tanaw ko siya habang naninigarilyo. Kailan pa siya natutong gumamit nun? Bahagi ba yun ng pagiging mafia. Tsss.
"Hello, kayo po ba ang friend ni Sir Xander?" napatingin ako sa batang lalaki na nasa gilid ko. Siguro nasa around 9 years old na siya. Pero mukhang nagulat ito ng tingnan ko.
Ang kaninang galit kung mukha ay pinalitan ko ng ngiti. Mukha kasi siyang natakot.
"Hi, anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Umaliwalas din naman ang mukha niya at sumilay ang may bungi niyang ngipin pero maputi siya at may dimples din.
"Ako po si Addie, anak po ako ng katiwala dito sa isla" sagot nito sakin ng hindi naalis ang ngiti sa kaniyang labi. Ang cute cute ng bata na ito.
Magsasalita pa sana ako ng bigla itong umalis sa harap ko at nagtatakbo. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong sinalubong ng yakap si Xander na papalapit sa aming pwesto. Mukhang matagal na silang close dahil kitang kita kung gaano ka komportable ang bata sa kaniya. Hindi ko naman alam na may ganito pala siyang side.
Lumapit siya sa pwesto ko kaya nag iwas ako sa kaniya ng tingin. Inutusan niya muna yung bata kaya naiwan kaming dalawa dito.
"The breakfast is ready. Kumain muna tayo" kalmado nitong sambit sakin. Kapal talaga ng mukha ng lalaking to. Kung umakto parang walang ginawang kasalanan. Tiningnan ko siya ng masama.
"Anong pakulo to Xander? Bakit ako nandito?" galit na sambit ko rito at hinarap siya. Pinakita ko talaga na galit ako para makonsensya man lang siya pero ang gago walang reaksiyon ang mukha.
"Mag-usap tayo mamaya pagtapos kumain" pag-iwas nito sa tanong ko.
"Ngayon tayo mag-usap dahil uuwi na ako" inis kong sambit sa kaniya. Talagang inuubos ng lalaking to ang aking pasensya.
"At saan ka uuwi sa lalaki mo?" mula sa kalmado ay nagbago ito sa inis niyang mukha. At anong pakialam niya kung umuwi ako kay Calix.
"Ano bang paki mo kung umuwi ako dun. Matagal na tayong tapos Xander. Please pauwiin mo na ako" pagmamakaawa ko sa kaniya pero wala siyang reaksiyon at umalis sa harap ko at iniwan ako mag-isa sa pwesto ko.
Bumalik na lang ako sa kwarto at natulog ulit. Mukhang wala siyang balak na paalisin ako sa lugar na ito ng hindi kami nag-uusap. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan? Akala ko after 3 years wala na kaming dapat pang balikan sa nakaraan.
Paggising ko ay tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama at tanghali na pala. Napadako naman ang tingin ko sa pagkaing nasa tray. Nakaramdam naman ako ng gutom ng kumulo ang tiyan ko. Kagabi pa ako walang kain.
Nang matapos akong kumain ay hinatid ko naman papunta sa kitchen yung pinagkainan ko. Sinabi pa sakin ng katiwala na wala daw si Xander at may pinuntahan lang. Mas mabuti naman dahil hindi ko siya makikita.
Mamayang gabi pag sinubukan niyang makipag-usap, kakausapin ko na siya. Siguro kailangan din namin ng closure na maayos dahil kung tutuusin tama naman siya. Wala kaming maayos na hiwalayan.
Pagsapit ng gabi ay may kumatok sa pinto. Nakatapos na rin naman akong maligo dahil may mga damit na nandito sa cabinet. Inayos ko naman ang aking suot bago pagbuksan ang pinto. Nakita ko naman ang katiwala at pinapababa na daw ako ni Xander para kumain na ng hapunan. Bakit kelangan mag-utos pa, bat di na lang siya ang pumunta dito. Tssk.
Bumaba naman ako at hindi na nag inarte. Pagdating ko dun ay umiinom pa siya ng alak. Kelan pa naging hapunan ang alak. Tinapunan naman niya ako ng tingin ng maupo ako sa tabi niya. Paanong hindi ako tatabi eh dalawa lang ang upuan na nandito kahit mahaba naman ang mesa.
Walang nagsasalita aming dalawa. Patuloy lang ako sa pagkain pero siya kunti lang kinain niya. Panay naman ang titig niya sakin. Pakiramdam ko tuloy may dumi ako sa aking mukha. Pero naligo naman ako at siniguradong maayos ang mukha ko bago lumabas dito.
Pagtapos namin kumain ay umalis na din ako. Dumiretso ako sa dalampasigan. Napakatahimik ng lugar tanging mga hampas lang ng alon sa mga buhangin ang iyong maririnig. Mas gumanda ang lugar na ito ngayon dahil sa mga cottages na nasa tubig. Naupo ako sa buhangin at napa buntong hininga. Hanggang sa may tumabi sa gilid ko. Amoy ko pa ang pabango niya pero iba na yun, hindi na tulad ng dati. Mas matapang na ngayon.
"Kamusta ka" panimula niyang tanong sakin. Mas kalmado at walang bahid ng galit. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa tanong niya. Hindi ko maipaliwanag pero handa na akong kausapin siya ng maayos matapos ang ilang taon.
"I'm good. Ikaw kamusta ka?" lakas loob kong tanong sa kaniya. Parang bago lang kaming magkakilala.
"Hindi ko alam kung ayos ako. Pero masaya ako na naging maayos ang buhay mo." sagot niya sakin pero ramdam ko yung pait sa mga salita niya.
Aaminin ko na naging maayos naman ang buhay ko nung nagsimula akong lumayo sa kaniya pero hindi ko naman maitanggi na hindi ko pa rin siya nalilimutan kahit pilitin ko man.
"Kailan ka pa natotong manigarilyo? Hindi ko alam na gumagamit ka pala niyan" tanong ko sa kaniya. Yung pagkatao niya ngayon ay malayo sa Xander na unang nakita ko sa Batanes. Hindi siya nakakatakot ngayon, siya yung dating Xander na kilala ko.
"Natutunan ko lang, pampalipas oras. Pantanggal ng problema. Why don't you like it?" tanong niya sakin. Ititigil niya ba kung ayaw ko? Tsaka bakit niya pa tinatanong kung ayaw ko ay wala naman ako magagawa kung gumagamit na siya nun.
"Yeah, masakit sa ilong." Pagtatapat ko sa kaniya. Hindi naman talaga mabango ang sigarilyo. Napakinggan ko naman siyang natawa. Pero hindi kami nagtitinginan ngayon.
"Sorry! Not just for using cigarette, but I'm sorry for everything I've done to you" paghingi niya ng tawad. Dama ko ang sinseridad niya, kalungkutan at may bahid ng pagsisi. Nakaramdam naman ako ng paninikip ng dibdib.
After all this years, akala ko hindi na ako iiyak pag pinag-usapan namin ang nakaraan. Akala ko naibaon ko na yun sa limot. Ngayon bumabalik sakin lahat ng mga nangyari pero hindi na sing bigat tulad ng dati.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko at iniharap sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin, kitang kita ko ang lungkot at pangungulila sa boses niya.
"Dahil sakin nasira ang buhay, inaamin ko yung mga pagkakamali kong nagawa. Pero sana hinayaan mo man lang ako magpaliwanag. All this time, akala ko wala ka na. Alam mo bang gustong gusto na kitang sundan sa kabilang buhay nung mawala ka? Parang hindi ko kasi kaya na mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Ano pang silbi ng buhay ko kung yung taong mahal ko ay nawala ng dahil sa pagkakamali ko." mahabang pagpapaliwanag niya.
Hindi ko naman na mapigilan maiyak dahil kahit siya mismo ay umiiyak sa harap ko. Hindi ko inaasahan na ganito siya matapos ang ilang taon. Akala ko magiging madali para sa aming dalawa pero sa nakikita ko sa mga mata niya parang mas nahirapan siya. Marinig ko lang na kukunin niya ang buhay niya para lang mapatawad ko siya. Paano kung nangyari nga yun? Baka hindi ko mapatawad ang sarili ko.
"Nung makita kitang maayos, nakaramdam ako ng galit sayo. Iniisip ko, bakit ang saya saya mo samantalang ako ang miserable ng buhay ko pero mali pala na magalit ako. Dapat pala naging masaya na lang ako kasi masaya ka na ng wala ako. Pero hindi ko pala kaya na makita sa piling ng iba. Sorry if I have to do this. I know you're mad at me for interfering again with your happy life. Pero hindi ko to pinagsisihan, ngayon ko lang gusto maging makasarili. Ngayon ko lang gustong sumaya, dahil kasama ka." pagpapatuloy nito.
Mas lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. Hindi ko maisip na ganito siya ka-vocal sa nararamdaman niya. Wala siyang paki sa sasabihin ko magalit man ako o hindi. Hindi ko alam pero nawala lahat ng galit ko sa kaniya, napalitan ito ng awa dahil sa mga pinagdaanan niya. Matagal ko naman na siyang pinatawad dahil pinarealize din sakin ni Mama na wala siyang kasalanan.
"Oo, nagagalit ako sayo nung una pero matagal na kitang pinatawad Xander. Kaya nga siguro naging maayos ang buhay ko sa nakalipas na mga taon dahil natutunan kong magpatawad. Natutunan kong ibaon sa nakaraan ang mga nangyari at magsimulang bumangon. Hindi ko pinaalam sayo na buhay ako dahil gusto kong magsimula ka muli at makahanap ng taong tatanggapin ka ng buo. Alam kong dadating yung panahon na bubuo ka ng isang pamilya na mas magiging masaya ka. Yung pamilyang hindi sumusuko kahit na may pagsubok. Hindi ko kasi kaya yun Xander, kaya mas pinili kong lumayo sayo." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Noong iwan ko siya iniisip ko talaga na hindi kami bagay sa isa't isa dahil madali akong sumuko sa problema. Ang kailangan niya ay isang asawa at anak na susuportahan siya sa mga oras na nahihirapan siya.
"Bakit pa ako maghahanap ng iba? Tinanggap mo rin naman ako ng buo. Alam kong minahal mo ako. Sapat na yun sakin dahil kaya kong harapin ang mga problema basta kasama kita. Hindi ko kelangan humanap ng iba para bumuo ng pamilya dahil kaya naman natin dalawa yun" malambing na sambit nito na parang hindi nahihiya sa mga sinasabi niya. Hindi ko inaasahan ang mga salita na nagmumula sa kaniya. Siguro nga tama siya, siguro dapat hinayaan ko siyang magpaliwanag dati.
Isang katahimikan ang namagitan samin. Parehong iniisip ang mga binitawan naming nga paliwanag. Nakaramdam ako ng kagaanan sa aking puso. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang kagingawahan ng loob. Parang yung mga tinik na nagpapasakit ng puso ko ay nawala lahat.
"Kayo ba talaga ni Calix? Can you give me another chance? Papayag akong maging kabit mo wag ka lang mawala ulit sakin." Seryosong sambit nito sakin. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko.
"Calix is a good man. Siya yung tumulong samin ni Mama nung panahon na walang wala kaming malapitan. Utang ko sa kaniya ang buhay ni Mama, kaya I want him to be happy." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Simula ng pumunta kami ng Batanes, si Calix ang tumulong samin na makabangon muli. Binigyan niya ako ng pag-asang makapag simula muli. Wala akong masabing masama sa kaniya dahil napakabuti niyang tao. Hindi lang samin maging sa mga taong kanyang nasasakupan.
"Hindi pa rin ako handang makipagrelasyon. Yung relasyon natin dati hindi na maiibalik yun. That was traumatic. At ayaw ko nang balikan pa yun." pag-amin ko sa kaniya. Nakita ko naman ang paglungkot ng kaniyang mukha.
Totoong hindi pa ako handang pumasok muli sa isang relasyon. Siguro may hindi pa ako nagagawa s buhay na gusto kong matupad, yun ay ang mabigyan si Mama ng maayos na bahay. Pag natupad ko na yun siguro pwede na.
"But we can still be friends" nakangiti kong sambit sa kaniya. Nasilayan ko rin naman ang pag-ngiti niya.
Ngayon ko lang na realize na mas gwapo siya ngayon dahil sa ahit niyang balbas. Mabuting simula na rin siguro ito para sa aming dalawa. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at ganun din naman ako sa kaniya. Masaya ako na magkalinawan kaming dalawa. Kung anuman ang magiging kapalaran namin sa susunod na mga buwan ay tatanggapin ko. Kung makahanap siya ng iba magiging masaya ako para sa kaniya.
"Maligo ka na, ayaw ko ng kaibigang amoy sigarilyo" natatawa kong sambit sa kaniya at humiwalay sa pagkayakap.
"Ayoko din ng kaibigan na masyadong cute, baka mafall ako" banat nito sakin na kinapula ng mukha ko.
Follow! Vote! Comment!
Last 2 chapters guys, ..... Kapit lang, salamat readers😊
[text_hash] => 797acf30
)
What do you think?