Array
(
[text] =>
Carl POV
Today is Calix Birthday. I'm busy Today dahil ako ang nag-asikaso ng venue ng party niya. He did not ask for this but I just want to show my gratitude to him through this. Marami na siyang nagawang mabubuti sakin na walang hinihinging kapalit aside from being his fake lover.
"Natawagan na ba ang ang catering? Paki-suguradong nasunod lahat ng menu na nasa listahan." pakiusap ko sa assistant ni Calix. Close kami kaya hindi ako nahihiyang makiusap.
Dito sa isang hotel gaganapin ang party. Napaka-elegante ng lugar. Pinag handaan talaga namin to dahil ayaw namin na mapahiya siya lalo na at mga bigating politiko at negosyante mula sa iba't ibang panig ng bansa ang dadalo.
Natapos na kaninang umaga ang pamimigay ng mga regalo sa mga mamamayan ng bayan na sakop niya. Pinakiusapan ko pa siyna magpahinga na muna para may energy mamayang party niya. 5 pa lang ng hapon at mamayang 8 PM pa ang arrival ng mga bisita.
Tiningnan ko naman ang phone ko baka may mga messages mula kay Mama o kay Calix. Wala naman pero nakita ko pa ang usapan namin ni Trixie kahapon. Nitong nakaraang linggo kasi ay nagpadala na ng mga invitation si Calix at iniutos sa assistant niya. Dahil close kami ng assistant niya nakiusap ako na ako na lang magpapadala sa mga Luciano. Madali lang naman mahanap ang numero ni Trixie dahil binigay niya yun sakin nung huli kaming magkita.
"Hello Trixie" paunang sambit ko sa kabilang linya. Gusto kong makasigurado na siya ang kausap ko.
"Hello. Sino to?" sagot ng lalaki sa kabilang linya na kinabigla ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa kausap ko ngayon. Bakit siya ang sumagot?
"What are you doing? Bakit hawak mo ang phone ko?" naiinis na boses ni Trixie sa kabilang linya.
"Baka kasi tungkol sa business kaya sinagot ko" sagot nito na parang walang ginawang masama sa kapatid.
"Tsss" pakinig ko sa kabilang linya.
"Hello, this is Trixie. Sorry for about my brother" sagot niya sa kabilang linya
"Hello, it's me" sagot ko sa kabilang linya without saying my name baka kasi nandyan pa sa tabi niya. Hindi naman agad siya sumagot.
"Beshie, sorry kailangan kong lumayo. Mabuti at tumawag ka. Kamusta ka na?" tanong nito sakin na mahinang boses sa takot na mapakinggan ng ibang tao.
"Maayos naman ako. Napatawag ako kasi may ipapadala akong invitation para sa birthday party ni Calix. Sana ay kayo lang pumunta at hindi na niya malaman." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Hindi ka pa ba handa na makita siya? But I understand, sige office ko ipadala mo. I-sesend ko sayo ang address" sagot nito. Alam ko naman na mauunawaan niya ang dahilan ko.
Pagtapos ng tawag ay sinend din niya ang address at ako na ang nagpadala nito sa address na binigay niya.
Third Person POV
Hindi naman na nagtataka si Xander sa pakikitungo ng kapatid niya matapos siyang maging boss ng kanilang organisasyon. Pero iniisip pa rin niya yung boses sa kabilang linya na pamilyar sa kaniya. Ang malambing na boses na yumayakap sa kaniyang puso. Nakaramdam muli siya ng pangungulila dahil naalala niya ang taong nagturo sa kaniyang magmahal.
Nakalipas ang ilang araw pero hindi pa rin siya kinakausap ng kapatid kaya napagdesisyunan niyang tawagan si Trev.
"Trev, where are you?" tanong nito sa kaibigan.
"I'm in Trixie's office. May kailangan ka ba?" tanong ni Trev
"Yeah, may itatanong lang ako." sagot nito.
"Trixie' s not here, so you can come" pag-aalok ni Trev.
Pagkapatay ng tawag ay dumiretso ito sa kompanya ng kapatid. Pagkapasok niya sa opisina ay naabutan niya ang kaibigan na may tinitingnang ilang dokumento.
"So, what do you want?" tanong ni Trev at tinigil ang ginagawa. Naupo naman si Xander sa sofa at kumuha ng isang magazine sa lamesang nasa harap.
"I just want to ask information about your recent transaction" tanong nito habang binubuklat ang pahina ng magazine. Nagulat naman si Trev dahil bihira lang magtaning si Xander ng mga kaganapan sa transaksiyon bukod pa dun ay kinakabahan siyang baka may alam ito sa nakita nila. Mabuti na lang at hindi kita ng lalaki ang reaksiyon niya dahil natatabunan ng magazine ang mukha nito.
"It was a smooth negotiation. Mukhang wala tayong magiging problema sa bago nating client." Pagpapaliwanag nito ng kalmado.
"That's good to here. Kamusta naman kayo ng kapatid ko?" kahit na hindi sila magkasundo ng kapatid ay lagi oa rin nitong inaalala ang kalagayan.
"She's fine. Alam ko na may hindi kayo pagkakaunawaan, just understand her." sagot ni Trev.
Tumango naman si Xander at binaba ang magazine pero napukaw ng atensiton niya ang isang invitation card.
"Mayor Calix Hidalgo's Birthday Celebration" pagbasa nito sa imbetasyon. Nang makita ni Trev na hawak ni Xander ang papel ay nabalot siya ng kaba.
"He's our new client right?" tanong ni Xander at tumingin sa direksiyon ni Trev. Imbes na magsalita ay tumango na lang si Trev bilang sagot dahil pag nagsalita siya ay siguradong magdududa ang kaibigan.
Mabuti na lang at wala na itong wala na itong ibang tinanong at nagpaalam ng umalis. Hindi naman na kwinento ni Trev ang nangyari dahil mukhang hindi naman interesado si Xander.
Nang sumapit ang kaarawan ni Calix, katanghalian ay handa na ang gamit ni Trev at Trixie. Papalabas na sila ng mansion ng madaanan nila sa sala ang mag-asawang Luciano at Xander na may dalang maleta. Nagtaka naman si Trixie dahil hindi niya alam na may lakad pala ang pamilya.
"Saan ang lakad niyo Mom and Dad?" nagtatakang tanong ni Trixie.
"To our clients birthday party. Sabi kasi ni Xander may invitation daw siyang nakita sa office mo for our family. Wala naman kami masyadong gawa ngayon kaya we decided to meet this good client at syempre to entertain more partners" pagpapaliwanag ng Dad niya.
Nagulat naman si Trixie dahil hindi niya alam kung paano nakarating ito sa pamilya niya. Tiningnan niya si Trev ng masama at bakas dun ang paghingi ng tawad dahil hindi nito alam na sasama ang pamilya.
"Then, let's go Mom and Dad medyo traffic pa naman ngayon" anyaya ni Trixie sa mga magulang.
"It's rare na buong pamilya natin ang magkakasama sa na aattend ng event. I'm so happy." sambit ng Mom nila.
Mas lalong bumakas ang kaba ni Trixie dahil pati si ang kapatid ay kasama.
"Pati si Xander? Hindi ba masyadong maraming trabaho para pagtuunan ng pansin kesa umattend sa party. Kaya na namin to ni Trev" pagpapaliwanag ni Trixie o madaling sabihin na palusot niya para hindi sumama ang kapatid.
"No, I want to personally meet him. And our friends will come with us." Anyaya ni Xander sa pamilya. Kasama rin nila sina Chino, Nate at Topher. Kompleto ang barkda nila ngayon.
Habang nasa biyahe ay puno ng kaba si Trixie at Trev. Ayaw naman niyang malaman ni Carl dahil siguradong abala ito sa pag-aayos ng party.
Pagdating nila sa Batanes ay nag-check in lang sila sa isang hotel na malapit sa pagdadausan ng party. Papasok na sila sa hotel ng mapukaw ang atensiyon ni Xander sa lalaking pasakay ng kotse. Nagulat pa siya dahil nakita niya ang taong matagal niya ng iniintay kahit imposible. Pero ng makalayo na ang kotse ay napaisip din siyang imposible na ngang bumalik ito dahil nakita mismo ng mata niya ang nangyari noon.
Pagsapit ng gabi ay nag-ayos na din ang lahat para dadaluhang party. Nagsuot si Xander ng black tuxedo with white long sleeves under his suit coat. His undercut hair brush backward suits his outfit. Also matched with his lightly shaved heart beard.
Sabay sabay silang lumabas ng hotel at pumunta sa venue. Pagpasok pa lang nila ay marami ng tao. Marami na agad na mga pamilyar na mukha ang bumungad sa kanila.
"It's nice to see you here great Xander Luciano" nakangiting bati ni Mr. Bever. Sinusupplayan nila ng mga armas.
"My pleasure Mr. Bever" bati ni Xander at nakipagkamay sa matanda. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nila.
Marami pang mga negosyante ang nakausap ng pamilya Luciano. Mapa negosyo man o illegal na gawain. Nang sumapit na ang 9 PM ay halos mapuno na ang venue ng mga kilalang bisita. Maraming mga pagkain ang nasa buffet at mga waiter na namimigay ng mg alak.
Hindi rin nagtagal ay nagsalita na ang host ng party.
"Let's welcome our beloved Mayor Calix Hidalgo with his family" sambit ng host kaya lahat ng mga bisita ay natahimik ay napatingin sa entrance ng venue. Isang spotlight namang ang binigay sa mga taong papasok ng venue.
Pinangunahan ni Calix Hidalgo na naka red tuxedo na todo ang ngiti sa mga tao pero ang mas nagpagulat sa lahat lalo na sa pamilyang Luciano ay kasama nitong naka angkla ang kamay sa braso ng Mayor. Suot ang black three-piece set suit slim na bumagay sa kaniyang buhok na bagsak habang nakasuot ng Cycus Aviator eyeglasses. Nagmukha siyang anghel sa paningin ng mga bisita at hindi maiwasan makapukaw ng atensiyon.
Bakas naman ang gulat sa mukha ni Xander na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nag-iisip kung totoo ba o kamukha lang ng taong buong puso niyang minahal at handang pagsilbihan. Pero hindi siya maaaring magkamali dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit siya nahulog dito at minahal niya ng sobra. Kahit ang pamilya niya maliban kay Trixie at Trev na nakatingin ngayon kay Xander dahil baka gumawa ng eskandalo.
Nakarating na ang mga panauhin sa unahan at bakas ang saya sa pagdalo ng mga bisita.
"Let us hear the message of the parents of our beloved Mayor" sambit ng host.
"It's our pleasure to see you everyone in this big event for our son. We humbly thank you for coming." Paunang mensahe nito at nagpalakpakan naman ang mga tao.
"To our son, always do the best for your people. As a leader, success of the community depends on you. But, I know that you will always know the best because you're inspired by someone. Carl, thank you for preparing this event, hindi nga nagkamali ang anak namin sa pagpili sayo. We can't wait to be part of our family." mahabang mensahe ng ama para sa kaniyang anak. Naghiyawan naman ang mga tao ng mas lumaki ang ngiti ni Mayor kay Carl na halatang nahihiya sa nakuhang atensiyon.
Ang kaninang pagdududa ni Xander ay nawala ng mapakinggan ang pangalan ng lalaking nasa unahan. Hindi siya makapaniwalang ang taong akala niyang wala na ay nandito sa harap niya at masaya sa piling ng iba. Umusbong ang galit sa kaniyang puso dahil pakiramdam niya siya ay pinagtaksilan.
"Mayor Calix Hidalgo, my swetiee. Happy Birthday. I just want to tell you that you're the best politician I've encountered. Sobrang matulungin mo sa lahat ng mga taong lumalapit sa iyo at isa na ako dun. Sana masaya ka sa inihanda kong venue, ito lang yung alam kung pagpapasalamat sa lahat ng nagawa mo" nakangiting sambit ni Carl kay Calix. Mahigpit naman siyang niyakap ni Calix.
Samantalang sina Trixie at mga kaibigan, maging ang magulang ay nakatingin kay Xander na nakakuyom na ang kamao dahil sa galit na nararamdaman. Galit nga ba o selos? Agad naman itong hinawakan ng kaniyang ina para pakalmahin.
"To everyone, thank you for coming and I am glad to celebrate my birthday with you. Thank you, to my friends in business and politics. Thank you for helping me achieved my mission and goals for my people. To my Dad and Mom, thank you for the love and support. On this day, I am extra happy to celebrate my special day with my partner, my swetiee. I never ask you to do something in return but I really appreciate your efforts, preparing for this event. Tama nga si Mom at Dad, I'm lucky to have you. And soon, I will marry you. Everyone, I will just sent you an invitation on my engagement party. Thank you and enjoy the night." nagpalakpakan naman ang mga tao na may kasabay na kantyawan. Niyakap muli ni Calix si Carl, kaya kahit nahihiya si Carl ay pinagbigyan na ang lalaki dahil birthday naman nito.
Ang galit na si Xander naman ay handa ng gumawa ng eskandalo at sugurin ang lalaking nakayakap sa taong gusto niya at kumpruntahin ito pero agad siyang hinawakan ng mga kaibigan niya. Galit niyang inalis ang mga kamay nito at lumabas ng venue. Nilabas niya ang isang sigarilyo at sinindihan. Makalipas ng ilang taon na akala niya iniwan na siya at wala ng pag-asang bumalik. Heto ang kaniyang mahal na masaya sa piling ng ibang lalaki. Ganun ba siya kadaling malimutan?
Samantalang sa loob ng venue ay nagsimula ng mag party lahat ng tao. Hinayaan naman ni Carl na makisalamuha si Calix dahil hindi siya sanay makipag-usap sa mga tao. Napukaw naman ng atensiyon niya ang mga pamilyar na mukha. Nag-dadalawang isip pa siya kung lalapitan ang mga kaibigan o hindi. Pero sapat na siguro ang ilan taon at naka move on naman na siya sa pangyayari at balak na rin naman niyang sabihin kay Calix ang ugnayan niya sa mga Luciano.
"It's really you Carl" ang gulat na sambit ni Nate at pinisil pa ang pisngi ko at mabilis na yumakap.
"We thought you're gone. But we are happy to see you here." Bati ni Topher at yumakap din.
"It's nice to see you again, our friend" nakangiting bati ni Chino at yumakap din.
Yumakap din sina Trev at Trixie ng may ngiti sa kanilang labi.
"Thank you for everything" pasasalamat ni Carl sa dalawa. Nang dahil sa kanila, nabigyan siya ng pagkakataon na makabangon at makapagsimula muli. Ang mga sugat ng kahapon ay naghilom na at napatawad niya na ang mga taong nagkasala sa kaniya dahil patay na rin naman ang may sala.
"So, both of you know this?" takang tanong ni Nate sa magkasintahan.
"Yes, sorry we have to hide all of this. This is for his own good." pagpapaliwanag ni Trixie sa aming mga kaibigan.
"I understand pero alam mo naman ang naging epekto nito kay .............." di pa natatapos ni Nate ang sasabihin ng mag vibrate ang phone ni Carl. Tumatawag ang Mama niya. Hindi ito nakadalo dahil dagsa din ang mga customer ngayon sa kaniyang restaurant.
Lumabas si Carl ng venue dahil masyadong maingay at tumungo sa parking lot. Medyo madilim ang lugar at walang tao.
"Hello, Ma, nakauwi ka na ba?" tanong nito.
"Magsasara kami ng maaga ngayon. Hahabol ako sa party, nakakahiya naman kay Calix kung hindi ako makakadalo" sagot ng Mama ni Carl.
"Sige Ma, matutuwa si Calix pagnakapunta kayo. Ingat po kayo sa biyahe" paalam ni Carl sa kabilang linya.
Pabalik na siya sa venue ng makaamoy siya ng sigarilyo sa malapit. Agad naman siyang nagtakip ng ilong dahil sa baho ng amoy. Pero ng mapansin niyang may gumagalaw sa may kadilimang bahagi ay napagtanto niyang may tao. Papaalis na sana siya ng biglang lumitaw ang lalaki mula sa dilim. Inaninag pa ni Carl ang tao pero napagtanto niyang kilala niya ang nasa harapan niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil para siyang nakakita ng multo.
"So, all this time. You're alive and happy with someone else." malamig na sambit ng lalaki na may bahid ng galit.
Hindi makapagsalita si Carl, pero nakaramdam siya ng takot. Unti-unti siyang napaatras. Kitang kita niya ang pagbabago sa mukha nito na mas matured ng tingnan kesa sa huli nilang pagkikita, pero hindi niya maitangging mahitsura talaga ang lalaki.
"Tell me, iniwan mo ba ako dahil may iba kang lalaki? Don't try to lie on me, dahil kitang kita ko ang pagngiti mo kanina sa lalaking yun" galit na sambit nito. Napasandal si Carl sa kotse pero si Xander ay patuloy pa rin sa paglapit sa kaniya hanggang sa macorner niya ito.
"I need an explanation" malamig nitong sambit habang nakatitig sa mga mga ni Carl. Hindi naman maitanggi ni Xander na ang laki rin ng pinagbago ng binatang nasa harap niya. Mas lalong pumuti, makinis ang kutis, mapupula ang labi. Kaya nakaramdam siya ng galit ng makita niya kung paano pagnasaan ng ibang bisita ang binata. Hinawakan niya ito sa pisngi, at nakaramdam siya ng kuryente na dumaloy sa katawan niya. Agad naman tinanggal ni Carl ang kamay nito.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Matagal na tayong tapos" inis na sagot nito sa lalaki at mabilis na umalis sa lugar habang mabilis ang tibok ng puso niya.
Samantalang naiwan si Xander na mas lalong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi ng binata. Hindi niya matanggap na wala na silang relasyon at kinalimutan ito.
Pagbalik ni Carl ay dumiretso muna siya sa restroom at nag-ayos ng sarili. Pinakalma niya ang sarili dahil sa kaba na nararamdaman niya. Ang taong pilit niyang kinakalimutan ay nandito na naman para guluhin ang kaniyang isipan. Nang kumalma siya ay bumalik agad siya sa venue.
"Sir drink po" sambit ng isang server.
Kinuha naman niya ito. Iniisip niya na kailangan niyang uminom para mawala ang kaniyang kaba. Natanaw naman niya si Calix na parang may hinahanap sa paligid.
"Where have you been?" nag-aalalang tanong nito.
"Sinagot ko lang tawag ni Mama. Maaga daw silang magsasara at pupunta dito" nakangiti nitong sagot sa lalaki.
Ilang minuto lang ang nakalipas ng makaramdam si Carl ng pagkahilo. Napansin naman agad yun ni Calix.
"Hey, are you okay?" pag-aalalang tanong nito.
"I'm fine, medyo nahilo lang ako" paliwanag ni Carl.
"You should rest, come I'll take you to our room upstair" sambit ni Calix.
Papaakyat na sana sila sa hagdan ng may makasalubong silang bumati kay Calix. Ang governor pala ng probinsiya.
"I can manage myself, I'll go upstair. Puntahan mo na lang ako after" pagpapaalam ni Carl kay Calix para hindi na ito maabala.
"Are you sure?" paniniguro ni Calix. Tumango naman si Carl.
Umakyat na siya sa second floor ng hotel. Meron ditong mga rooms for the guest. Habang papalapit siya ng papalapit sa pinto ng kwarto ay mas lalo siyang nahihilo at lumalabo ang paningin. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin niya at natumba. Pero bago pa man bumagsak ang kaniyang katawan ay may sumalo na sa kaniya. Kitang kita niya ang lalaking pilit niyang iniiwasan.
"Xander" huling bigkas niya ng pangalan nito hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
Follow! Vote! Comment!
Medyo sinipag magsulat ngayon, enjoy this chapter:)
[text_hash] => b552bc15
)
What do you think?