Chapter 47: Prologue

Array
(
[text] =>

Carl POV

Dumadating pala talaga tayo sa point ng buhay natin na magmamahal ng taong di naman natin inaasahan. Kusang dumarating sa ating buhay ng hindi natin namamalayan. Sabi nga nila masarap magmahal at mahalin, pero kaakibat nito ay ang masaktan.

Madaling magmahal, pero ang hirap makalimot pag nasaktan. Akala kasi natin pag nasa isang relasyon puro lang saya, nalilimutan na natin na kaakibat lagi nito ay pagsubok na tutulong para mas mapatatag pa ang isang relasyon.

Pag pumasok pala sa isang relasyon dapat hindi tayo nag-eexpect ng sobrang perfect na tao na mamahalin natin. Dahil kahit tayo mismo may mga pagkakamaling nagagawa. At kapag may nagkakamali satin, dapat natutunan natin patawarin.

Umabot man ng ilang araw, buwan o taon ang mahalaga ay natuto tayong magpatawad at magsimula muli para sa mas magaan na pagharap sa kinabukasan.

"Hey, we're here" sambit ng lalaki sa tabi ko.

Tiningnan ko naman ang labas at bumungad sakin ang kanto papasok sa aming dating tahanan. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Ang tagal na mula ng umalis kami dito at marami na din nagbago. Mas lumaki na ang daan dito at pwede ng pumasok ang mga sasakyan. Pinaandar naman niya ang kotse at pinaliko papunta sa dati naming tahanan.

Sumilay naman ang ngiti sa labi niya na mas lalong ipinagtaka ko.  Simula ng umalis kami sa isla kanina ay hindi na naaalis ang ngiti niya. Imbes kasi na bumalik kami sa Batanes ay pinilit pa ako nito na pumasyal muna. Pumayag din naman ako dahil wala naman na kaming problemang dalawa.

Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba din naman ako at hindi na naghintay na alalayan pa niya. Habang naglalakad kami ay bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

Gawain ba ito ng magkaibigan? Yes, tama kayo. Magkaibigan na lang kami ngayon. Gusto namin magsimula sa una at kalimutan ang nakaraan. Pero bakit hindi ko mapigilan mamula sa ginagawa niya?

Nang mapatapat kami sa dati naming bahay ay nagtaka naman agad ako dahil wala na dito ang dati naming bahay. Sabagay binenta na nga pala namin yun ni Mama. Napakagandang bahay na ang nakatayo ngayon dito na may tatlong palapag. Nalungkot naman ako dahil napakarami din namin magandang ala-ala ni Mama sa dati naming tahanan.

"Bakit mo .... pala ako dinala dito?" Nanghihina kong tanong sa kaniya pero ngiti lang ang sinagot niya. Ang weird talaga ng lalaking ito kanina pa.

Lumapit siya sa gate at nag doorbell. Mukhang kakilala niya ang may-ari ng bahay. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas ang may-ari ng bahay pero habang papalapit ito ng papalapit samin ay namukhaan ko agad ito.

"Aling Nena?" nagtatakang tanong ko pa dito na hindi makapaniwala na nakatira na siya sa isang magandang bahay.

"Diyos ko, CAAAARRRRLLL, anak ikaw na ba talaga yan?" ang gulat na tanong nito na hindi makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at kahit ako napayakap na din sa kaniya. Para na din siyang pangalawang nanay ko dahil napakabait niya at maalaga sakin.

"Ako na po ito Aling Nena, kamusta na po kayo. Ang ganda ganda na po ng bahay niyo" nakangiti kong pangangamusta sa kaniya. Sa halip na sumagot agad ay tumingin muna siya kay Xander. Tumango lang naman si Xander.

"Naku, anak. Hindi ito samin. Yang nasa likod mo. Yan na ang bahay namin." tiningnan ko ang bahay at hindi na ito ang dating paupahan. Maganda na rin ito at halatang bagong pintura lang.

"Ganun po ba" tipid kong sagot sa kaniya.

"Halika at pumasok muna kayo." aya niya samin dito sa bahay na hindi ko alam kung kanino.

Pagpasok mo palang at bubungad agad ang napakagandang sala set at may malaking TV. Sunod naman ay ang dining area na may mahabang table at 10 bangko. Parang katulad lang ito ng dati kong iginuguhit na desinyo sa bahay na pinapangarap ko. Meron din hagdan papunta sa second floor at may malaking chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng bahay.

"You want to look on the rooms upstair?" tanong ni Xander sakin.

"Wag na, nakakahiya sa may-ari" sambit ko sa kaniya. Baka may masabi pa yung may-ari nito.

"Tingnan lang natin saglit. At wag ka mag-alala, wala naman magagalit" sagot nito sakin. Tumango naman ako sa kaniya. Gusto ko rin naman talagang libutin ang bahay.

Pag-akyat namin ng second floor, bumungad sakin ang isang malaking portrait ng aming family picture nung bata pa ako. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na maiyak dahil napakaganda ng pagkakagawa nito. Tumingin ako kay Xander ng may pagtataka.

Pinunasan niya yung luha na naglalandas sa aking mga pisngi at nginitian ako.

"Welcome home" sambit nito sakin. Nagtataka man sa aking nakita ay mahigpit ko siyang niyakap. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito para sakin. He always do unexpected things.

Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ko roon ang mga gamit ni Mama at isang malaking higaan. Matutuwa si Mama nito dahil hindi na puno ng gamit ang kaniyang kwarto.

Sunod naming pinuntahan ay ang isa pang kwarto. Hindi ko alam pero kinakabahan akong buksan ang pinto. Naramdaman ko na lang na nakapatong ang kamay niya sakin. Napatingin naman ko sa kaniya. Malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya napatitig ako sa mata niya.

Akala ko hahalikan niya ako pero naramdaman ko na lang na pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Pakiramdam ko tuloy ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang hiya. Nakita ko naman ang pag-ngisi niya kaya agad ako pumasok sa loob.

Meron ditong King size bed. May malaking cabinet na maraming divider. Napadako naman ang tingin ko sa aking table at di mapigilan mapangiti. Nakita ko dun ang larawan naming dalawa. Picture namin nung nagpunta kami ng Skyranch.

Nakangiti kaming dalawa habang nagkakatinginan sa isa't isa. Sunod naman ay ang picture namin sa isla nila nung sumasayaw kami. Sunod naman ay nung sinuot siya sakin yung kwentas. Lahat ng masasayang moment naming dalawa ay nakunan niya.

Pagtingin ko sa kaniya nakahiga pala siya sa kama at  nakapikit ang mga mata. Hindi ko tuloy alam kung tulog siya dahil sa pagod sa biyahe. Lumapit ako at tinabihan siya.

Pero inilapit niya ako sa kaniya at ginawa niyang unan ko ang mga braso niya. Hindi pa rin nagmumulat ang mga mata niya.  He's the same Xander na nakilala ko. Pinagkaiba lang mas gwapo siya ngayon. Sa dami ng lalaking mahitsura na nakikita ko siya yung masasabi kong perfect ang mukha.

"Paano at bakit mo ito ginawa Xander?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko kasi inaasahan na matapos ang ilang taon namin na magkahiwalay, may ganito pala siyang ginawa. Iniisip ko tuloy na ako pa rin ba hanggang ngayon ang mahal niya at hindi siya naghanap sa mga nakalipas na taon.

"Simula nung araw na nawala ka, pakiramdam ko wala ng saysay na mabuhay pa. Maraming buwan kong sinisisi ang aking sarili dahil sa nangyari. Pero hindi ko ramdam na wala ka na. Pakiramdam ko andyan ka lang sa tabi tabi at pinagmamasdan ako. Kaya after I graduated at pumalit sa pwesto ni Dad. Binuhos ko dun lahat ng atensyon ko para makalimutan yung masasakit na ala-ala natin. Pero hindi kita nalilimutan. Kaya binili ko tong bahay niyo. Nakita ko naman yung drawing mo sa isang canvass kaya pinagawa ko. Iniisip ko kasi na ito na lang ala-ala na iniwan mo sakin. Kung hindi kita naingatan dati, at least yung mga pag-aari mo man lang. Everytime na wala akong gawa dito ako pumupunta. Pag andito kasi ako, ramdam ko na nandito ka din sa tabi ko. Mas nakakatulog ako ng maayos, at nagiging payapa ang pag-iisip ko. Ganun kita kamahal mula noon hanggang ngayon. Walang nagbago mas lalo lang nadagdagan." mahabang pagpapaliwanag niya.

Di ko tuloy mapigilan ang maluha sa sinabi niya. All this years akala ko naging madali lang para sa kaniya ang pag-alis ko. Siya pala itong mas nagdusa at naghirap. He did all of this, because he loves me. Worth it ba akong mahalin ng ganito. Pakiramdam ko kasi hindi, dahil hindi ko naman naiparamdam sa kaniya yun.

Alam kong matapang siyang tao at matatag. Pero pagdating sakin, napakabait niya, maalaga, at mapagmahal. Kaya niyang ipakita sakin yung totoong siya ba hindi nakikita ng ibang tao.

"I'm sorry for everything. Hindi ko alam na ganito ang pinagdaanan mo" paghingi ko sa kaniya ng tawad.

"You don't deserve someone like me. Isang mahina at mabilis sumuko sa mga pagsubok at iniiwan ka" pag-amin ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin at mahigpit ako niyakap. Niyakap ko din siya at patuloy sa pag-iyak. Akala ko naubos na mga luha ko pero hindi pa pala. Napakabait pala ng Diyos dahil pinakilala niya sa buhay ko si Xander. Pero hindi ko man lang pinahalagahan ang biyayang yun.

"You don't have to apologize. Pareho tayong nagkamali. Nauunawaan ko lahat ng naging desisyon mo. At bakit mo iniisip na you don't deserve me? I deserve someone like you. I will not realized all my mistakes kung hindi ka dumating sa buhay ko. Masaya ako na bumalik ka sa buhay ko dahil binigyan mong liwanag ang madilim kong mundo ngayon. Everyone knows how evil I am now. Pero ngayon na nandito ka na, pakiramdam ko nawala na yun sakin." sambit nito sakin.

Ano bang meron ako at binigyan ako ni Lord ng lalaking katulad niya. Siguro nga medyo isip bata pa ako dati kaya nangyari samin yun pero ngayon sa tingin ko mas malinaw na sakin ang tama at mali. Mali na hindi siya pahalagahan at tama na na mahalin siya lubos dahil napakabuti niyang tao.

Lumipas ang ilang minuto at nawala na din ang mabigat kong nararamdaman. Sa ngayon ay pakiramdam ko handa na akong magsimulang makilala pa siya ng lubos at makasama araw-araw at punan ng masayang ala-ala ang mga masasakit na taong nagdaan.

Tinitigan niya ako, at ganun din naman ako sa kaniya. He may be expressionless sometimes pero kita ko sa mata niya ang puno ng pagmamahal at kasabikan. Ngumiti naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kong paano masusuklian lahat ng nagawa niya pero gagawin ko lahat para makabawi sa kaniya.

Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at pinunan ang espasyi sa pagitan ng aming mga labi. Pwede naman siguro magkiss ang magkaibigan, or should I call him special friend. I kiss him and bite his lower lip. Tumugon din naman agad siya at binuka ang labi ko. Ang tamis lang ng laway niya. Hindi ko tuloy mapigilan mapaungol sa ginagawa niya.

After years, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya. He still the man na nakakuha ng puso ko na hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok nito. At sana hanggang sa huling tibok nito ay siya pa din.

"Thank you sa lahat ng ginawa mo Xander" sambit ko sa kaniya ng putulin ko ang kiss sa pagitan namin.

"So ganito ba tayo magsisimula bilang magkaibigan?" Tanong nito ng nakangisi ng nakakaloko. Natawa naman ako sa kaniya.

"Pwede naman natin i-upgrade as special friend" sagot ko sa kaniya ng nakangisi din. Akala siguro niya sa lang maalam mang-asar. Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya.

"Seryoso ka ba? Baka hindi ko mapigilan at i-avail ko yang special friend na offer mo" sagot nito sakin at pumatong sakin. Ako naman ang kinabahan sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ready ba ako hindi.

"Pwe..... pwede bang sa sunod na lang?"' nahihiya kong sagot sa kaniya na kinatawa ng malakas. Nakaka-inlove siyang tumawa. Ngayon ko lang masasabi na namiss ko pala siya ng sobra.

Hindi rin naman kami nagtagal sa aming bagong bahay dahil babalik na kami ng Batanes. Nagpaalam naman kami kay Aleng Nena. Nagtanong pa ito kung kelan kami babalik pero hindi ko rin alam kung kelan.

Pagdating namin sa bahay ni Calix ay sumalubong naman agad sila samin. Pero walang bakas ng pag-aalala o pangamba maliban kay Mama na masama ang tingin kay Xander.

Niyakap ko naman agad si Mama dahil namiss ko din siya. Andito pala ang mga kaibigan namin kasama si Calix.

"Xander mag-usap nga muna tayo" pagalit na sambit ni Mama kay Xander at nakita ko naman yung takot sa mukha niya.

"Ma, wala naman ginawang masama si Xander sakin" pagpigil ko sa kaniya.

"Huwag mo akong pigilan. Halos mamatay na ako ng dahil sa pag-aalala tas malalaman ko lang na kasama mo siya" ayaw paawat ni Mama. 

Tiningnan ko lang si Xander at andun pa din yung takot sa kaniya. Tumango lang siya para ipahiwatig na okay lang . Umalis si Mama sa harap ko at sinundan naman ni Xander.

Pag-alis nila yung mga kaibigan naman namin ang yumakap sakin. Namiss ko sila ng sobra.

"Swetiee, sorry hindi kita nabantayan nung gabi na yun" paghingi ng tawad ni Calix sakin.

"Huwag kang humingi ng tawad. Wala ka naman kasalanan." sambit ko sa kaniya.

Habang wala pa sina Mama at Xander ay pumasok muna kami sa bahay. Nagpahanda naman ng makakain si Calix. Nagtataka naman ako dahil andito pa ang mga kaibigan ko. Siguro dito na sila pinatuloy ni Calix sa halip na mag hotel.

"So, anong nangyari beshiee?" tanong ni Trexie habang nakaupo kaming lahat dito sa terrace ng bahay.

Napatingin naman silang lahat sakin at mukhang naghihintay ng detalyadong kwento ng nangyari. Dahil wala naman maibang ginawa si Xander, siguro ay dapat din nilang malaman.

"Nag-usap kami kung anong nangyari saming dalawa at......... hiwalay na kami." sambit ko sa kanila.

Kita ko naman ang pagbabago sa ekspreksyon ng kanilang mukha. Ang kaninang ngiti nila at excitement ay napalitan ng lungkot at pag-aalala.

"Akala ko pa naman nagkabalikan kayo kasi mukhang nagbalik na si Xander sa dati" sambit ni Trev.

"Yeah, alam mo bang sobrang galit ko kay Kuya this past few years dahil sobrang laki ng pinagbago niya. He was known as Heartless Mafia Boss dahil wala siyang puso sa mga tao sa paligid niya." wika naman ni Trixie na halatang kinikimkim ang galit sa kapatid niya.

Nakakalungkot lang na ganun pala ang nangyari kay Xander sa nakalipas na taon. Ako ang dahilan ng pagbabago sa ugali niya. May mga taong nadamay sa galit niyang nararamdaman.

"I'm sorry sa nangyari kay Xander. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari. Pero for now, maayos naman kami at napagkasunduan namin na maging magkaibigan na lang." sambit ko sa kanila.

Siguradong pati mga kaibigan ko ay naapektuhan sa nangyari samin sa nakaraan. At ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon ng pagbabago pero heto sila at buong buo. Kahit may magbago mananatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Kinamusta ko naman sila sa nakalipas na mga taon. Si Topher at Nate ay may balak ng magpakasal. Inaayos lang daw nila ang date at papadalhan na lang kami ng invitation. Nakakatuwa kasi ang tagal tagal na nila at parang walang nagbago sa pagmamahalan nilang dalawa. Same with Trev and Trexie may plano na rin silang magpakasal. Samantalang si Chino, wala pa ring pinapakilala. Hindi kasi sila nagkatuluyan nung babaeng pinakilala niya samin dati sa Tagaytay.

Inaasar tuloy siya ng mga kaibigan namin na baka tumandang binata. Pero sa tingin ko hindi naman dahil kanina ko pa napapansin ang malalagkit na tinginan nitong si Chino at Calix. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang kanilang makahulugang tinginan.

Umalis muna ang mga kaibigan ko at mamimili ng pasalubong pagbalik nilang Manila. Inaya pa nila kami ni Calix pero tumanggi ako dahil gusto kong magpahinga muna. Hindi na rin sumama si Calix dahil may gagawin pa daw ito.

"I think this is the end of our contract. Your lover is here and ready to pick a war if I will not let you free" sambit nito sakin habang pareho kaming nakatingin sa dagat na tanaw mula dito sa kaniyang bahay.

Si Calix yung lalaking papangarapin ng lahat ng babae na mapangasawa. Sobrang bait, maalaga, mapagmahal, at handang ibigay ang atensiyon na kailangan mo. Kung hindi ko siguro nakilala si Xander baka mas nahulog ako sa lalaking ito.

"Thank you sa lahat Calix. Sa lahat ng nagawa mo para sakin at kay Mama. Hindi ko man nasuklian ang lahat ng mabuting nagawa mo sakin pero lagi mong tatandaan na you're special to me. This past few years, hindi ko alam kung paano haharapin ito kung hindi ka dumating sa buhay namin. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo dahil para ka ng pamilya samin." nakangiti kong sambit sa kaniya.

Deserve niyang mahalin at alagaan. I tried all my best to give it to him pero hanggang dun lang ang kaya ko.

"You don't have to repay me because you don't owe something from me. Yung nasa tabi lang kita masaya na ako. I know you tried but I can't force you. Siguro nga pwede na akong maging Kuya mo." sambit nito.

Hiling ko lang sa Diyos ay bigyan siya ng taong hindi sasayangin ang kabutihan ng taong ito. Tinalo pa niya ang mga ginto at diyamante dahil siya mismo yung treasure na dapat alagaan.

"I think it's time for you to get serious in relationship. Meron na bang tao na nagpapabilis ng tibok ng puso mo at nagpapapula ng pisngi mo?" tanong ko sa kaniya ng hindi diretso. Ayaw ko kasi siyang pilitin na mag-open sakin.

Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Mukhang tama nga ako sa aking napapansin kanina. Napangiti naman ako.

"Hindi ko alam kung anong tawag dito, pero everytime na nagtatama ang mata namin hindi ko maiwasan na kabahan. Pero hindi yung kaba dahil sa takot kundi para siyang excitement." sagot nito sakin.

I think he's confuse with his feelings right now. Dahil naranasan ko din yan  dati. Yung tipong para kang pinagpapawisan dahil sa mga titig niya.

"Normal lang yun pag nagmamahal ka na ng isang tao. Kapag nakikita mo siya may extra special sa kaniya na hindi mo na makita sa iba." sambit ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang tumango.

"Si Chino,......... gaano mo siya kakilala?" tanong niya sakin na mas lalong kinangiti ko.

"Mabait siya at tahimik. Masayahin din naman. Sa tingin ko bagay kayo." sambit ko sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitingin sa direksiyon ko siguro nahihiya siya.

"There's something that happened between us that night you disappear. Alam ko na walang ibig sabihin yun at nadala lang kami, pero bakit hanggang ngayon affected pa rin ako sa nangyari. Bakit iba yung nararamdaman ko." pagpapaliwanag niya na may halong takot.

"Nagkausap na ba kayo tungkol sa nangyari?" tanong ko sa kaniya

"Hindi pa, natatakot ako eh. He tried to talk to me pero iniiwasan ko. Paano kung sabihin niyang pagkakamali lang yun at kalimutan na lang?" sagot niya.

Nauunawaan ko naman ang nararamdaman niya dahil naranasan ko din yun. Pero walang mangyayari kung hindi pag-uusapan. Hinawakan ko yung kamay niya kaya siya humarap sakin.

"Trust me, kausapin mo siya. Hindi mo masasagot ang mga katanungan sa isip mo kung hindi mo siya kakausapin. Kung ganun nga ang gusto niyang mangyari, it's not your loss. Pero i know, hindi ganun si Chino. The way he looked at you. I feel that, he also likes you" pagpapalakas ng loob ko sa kaniya. Ngumite naman siya at tumango.

*****

Lumipas ang isang buwan at sa mga nakalipas na araw ay napagkasunduan namin ni Mama na bumalik na sa Manila para maituloy ko na muli ang aking pag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ni Xander nung bumalik kami dito. Pinagbenta na kaya ako ni Mama sa kaniya? Natatawa kong tanong sa aking sarili.

Noong una, parang hindi ko kayang iwan si Calix dito sa Batanes, dahil naging matalik ko rin siyang kaibigan. Napakalaki rin ng utang na loob namin ni Mama sa kaniya at pakiramdam ko hindi pa ako nakakabawi sa mga kabutihan niyang ginawa. Pero netong mga nagdaang linggo ay bakas naman sa kaniya ang kakaibang mga ngiti na ngayon ko lang din nakita sa kaniya.

Hindi na kasi umalis si Chino sa bahay ni Calix matapos nilang mag-usap. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin ang kakaibang namamagitan sa kanila. Sobrang natutuwa ako para kay Calix dahil sa wakas ay may tao nang tutumbasan ang kaniyang pagmamahal. Alam ko din naman na hindi sasaktan ni Chino si Calix dahil pareho ko silang kilala.

"The plane is ready. Shall we go?" tanong sakin ng aking special friend.

Sinundo niya pala kami ni Mama dito kahit pinipigilan ko dahil marunong naman kaming mag commute. Sa isang buwan nga na nakalipas ay every week diyan siyang bumibisita dito samin o sa akin? Masyado naman akong assuming. Eh di siya na ang mayaman.

"Thank you again Calix for everything. Chino ikaw na bahala sa kaniya. Bisitahin niyo kami sa Manila huh." paalam sa dalawa at ngumiti. Wala ng halong lungkot dahil handa na rin akong harapin ang bagong buhay sa Manila.

"Bibisita kami pag kinasal na kayo ni Xander" seryosong sambit ni Chino na hindi mo makikita sa mata niya na nagbibiro siya.

Unti unti naman akong nakaramdam ng init sa mukha. Dinagdagan pa ng pag akbay ni Xander sakin at hinapit ako palapit sa kaniya. Malaki ang ngisi niyang hinarap si Chino at Calix.

"Huwag kang mag-alala Chino, darating tayo diyan." maangas na sagot nito na parang siguradong sigurado siya na magkakatuluyan kami.

Nagpaalam na nga kami sa kanila. Nakapag pasalamat na rin naman ako sa magulang ni Calix. Inamin ko rin sa kanila ang tunay na relasyon ni Calix. Pero hindi naman sila nagulat dahil alam din naman daw nila.

Pagkarating namin ng Manila ay sa bahay na pinagawa ni Xander na kami umuwi. Si Mama naman ay gulat din sa bagong bahay namin. Surpresa to ni Xander kay Mama kaya hindi ko sinabi ito noon kay Mama.

Pagpasok sa bahay ay nilibot agad ni Mama ang bahay. Naabutan namin siya ni Xander na umiiyak sa harap ng malaking family picture namin. Alam ko naman na si Papa pa rin ang nasa puso ni Mama pero hindi ko naman siya pipigilan kung makahanap siya ng bagong mamahalin siya.

Alam ko naman na may mga pangangailan din si Mama. At hindi rin naman ako palaging nasa tabi niya  lalo na ngayon na babalik na ulit ako sa pag-aaral. Deserve din naman niyang sumaya muli.

"Thank you Xander" naluluhang sambit ni Mama sa kaniya at mahigpit naman siyang niyakap ni Xander.

Hindi ko naman mapigilan mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawang tao na mahal na mahal ko. Sinubok man ang relasyon namin pero heto kami ngayon at nakakayanan na ngitian ang bawat isa ng wala ng sakit at pait ng kahapon. Handa ng magsimula ng panibagong buhay.

Kinabukasan ay nag enroll na ako sa isang university. Pinilit pa ako ni Xander na sa kanilang University na lang muli mag-aral pero tinanggihan ko na. Ayoko lang balikan pa ang hindi magagandang ala-ala dun. Kinuha ko pa rin ang kursong Engineering.

Ilang linggo nga rin lang ang lumipas ay nagsimula na akong mag-aral. Palagi akong sinusundo ni Xander sa bahay at ihahatid sa school. Kahit marami nga rin siyang trabaho ay nagagawa niya pa rin yung mga ganung bagay. Bukod sa paghatid at sundo sa school ay araw-araw niya rin akong binibigyan ng bulaklak. Syempre sino ba naman hindi kikiligin kung isang Xander Luciano ang magbibigay sayo nun.

Si Mama naman ay nagsimula muling magpatakbo ng kaniyang restaurant. Kinuha niya muli si Aleng Nena bilang kasamahin sa restaurant. Minsan nga ay sina Mama din ang nagki-catering sa hotel ng magulang ni Xander na pinamumunuan ngayon ni Trixie.

Yes, tama kayo ng nababasa. Nagkaayos na ang pamilya namin. Minsan kasi ay inimbitahan ni Mama ang magulang ni Xander sa bahay para sa isang dinner. Agad naman itong pina-unlakan ng mag-asawang Luciano.

Nagkaroon ng mga seryosong usapan. Nakahingian ng kapatawaran at binigay din naman namin yun ni Mama dahil kung tutuusin ay hindi rin naman ginusto ni Mr. Luciano ang nangyari kay Papa. Hindi pa rin nga maalis sa usapan ang mga biro nila samin ni Xander.

"Para na rin pala itong pamanhikan tulad ng ginagawa sa probinsiya. Petsa na lang ang kulang" natatawang sambit ni Mr. Luciano.

Hindi ko tuloy mapigilan mahiya sa kanilang mga panunukso. Hindi ko rin kasi inaasahan na may mga ganito silang kakulitang tinatago. Akala ko kasi lagi silang mga serysoso sa buhay.

Sa school naman ay wala ako masyadong kaibigan. Kahit na gusto ko ay para silang umiiwas sakin. Lalo na yung mga lalaki kong classmate, as in wala akong kaibigan kahit isa sa kanila. One time may nakipag-usap sakin na lalaki at gustong makipag-kaibigan. Pero kinabukasan hindi na daw pumasok at lumipat na ng ibang University. Kahit kaunti lang ang mga naging kaibigan ko ay ayos lang naman dahil madalas din naman kaming lumabas ni Trixie at Nate. Lalo na pag minsan hindi ako masundo ni Xander silang dalawa ang sumusundo sakin.

Nauunawaan ko naman ang trabaho ni Xander pero minsan hindi ko talaga maiwasan na mag-alala sa kaniya dahil may time na nakikita ko siyang may pasa. Kapag hindi maganda ang mood niya sa trabaho dito ko siya sa bahay pinapatulog at pinagsisilbihan. Minamasahe ko siya at pinagluluto, baka kung ano ang iniisip niyo.

Maayos na rin silang mag-usap ni Trixie dahil ang laki na daw ng pinagbago ni Xander. Kahit nakakatakot pa rin ito sa trabaho ay may puso naman na daw ito sa mga nagkakasala sa organisasyon. Sa dami ng kaaway ni Xander hindi man lang ako nakakaramdam ng takot dahil alam kong andyan siya palagi nakabantay sakin.

Hinahayaan niya pa rin akong mabuhay ng normal. Kaya sa mga araw, linggo at buwan na lumipas mas lalo ko lang siyang minamahal. At hindi ko na rin naman siya pinahirapan sa panliligaw.

After ng second year ko ay sinagot ko na rin siya. Vacation namin yun at niyaya niya ako sa Palawan. At dun ko nga ginawa ang plano ko. Habang nasa meeting siya sa isang client, nag set up ako sa rooftop ng hotel ng dinner date.

Nung kinagabihan nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. Bakas sa boses niya yung pag-aalala dahil siguradong hindi niya ako nakita sa kwarto namin. Sinabi ko naman sa kaniya na nasa rooftop ako. Hindi nga rin nagtagal ay bumukas ang pinto sa rooftop at ang paglabas niya mula sa mga pinto. Medyo hinihingal pa siya dahil siguro sa pagmamadali. Napangiti naman agad ako ng makita siya.

Kinuha ko na ang gitara at sinumulan itong tugtugin. Gusto ko siyang haranahin ngayon.

(Play From This Moment by Reyne)

From this moment

Life has begun

From this moment

You are the one

Right beside you

Is where I belong

From this moment on

Mula ngayon hanggang sa mga susunod pang mga araw na kasama ka. Sisiguraduhin kong nasa tabi mo lang ako. Hindi ko man nagawa noon pero ngayon ay handa na akong panindigan na makasama ka sa lungkot at saya.

Ang pag-aalala sa mukha niya ay napalitan ng pagkamangha. Ngumiti din naman agad siya ng makita ako.

From this moment

I have been blessed

I live only

For your happiness

And for your love

I'd give my last breath

From this moment on

Hindi lang pinagpala dahil sobra sobra pa sa pinagpala dahil isa siyang biyaya ni Lord sakin. Mula ng dumating siya sa buhay ko meron mang mga masasakit na pangyayari pero hindi nun maaalis na mas maraming masayang nangyari sa buhay ko na kasama siya. Ang pagmamahal ko sa kaniya ay hindi na mapipigilan at sigurado na ako sa tinitibok ng puso ko na siya lang. Mula sa oras na ito ay handa na akong makasama siya habang buhay.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa pwesto ko. Nakaformal attire pa siya ngayon. Naiimagine ko tuloy na masaya kami sa iisang bahay kasama ang mga magiging anak namin. Handang handa ako na tumanda kasama siya.

I give my hand to you with all my heart

I can't wait to live my life with you

I can't wait to start

You and I will never be apart

My dreams came true because of you

Alam kong matagal niya ng hinihingi ang oo ko at handa na akong ibigay yun ngayon sa kaniya. Ang masayang kinabukasan namin ay hindi mangyayari kung hindi kami magiging magkasintahan. Hindi ko na rin kaya pang patagalin dahil hindi ko na mahintay na makasama siya sa bawat araw.

At pinapangako ko sa may kapal na kahit anuman muli ang mga pagsubok na dumating sa aming buhay ay hindi na ako susuko. Haharapin ko yun dahil alam kong kasama ko siya sa paghanap ng solusyon. Hindi pa man natutupad lahat ng pangarap ko ay sinumulan mo naman na itong tuparin kaya ang pangarap mo na makasama ako ay tutuparin ko rin.

From this moment

As long as I live

I will love you

I promise you this

There is nothing

I wouldn't give

From this moment on

Oh

Mula ngayon hanggat nabubuhay tayong dalawa, bukos ka Papa, ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko. Lahat ay ibibigay ko sayo hanggat kaya kong ibigay. Dahil sabi nga nila, kapag mahal mo, gagawin mo lahat para sa kasiyahan niya. Per hindi lang naman siya ang masaya dahil masaya akong pagsilbihan siya.

You're the reason I believe in love

And you're the answer to my prayers from up above

All we need is just the two of us

My dreams came true because of you

Ikaw ang lalaking nagparamdam sakin kung ano ba ang Love, akala ko paghanga lang nung una ang nararamdaman ko pero alam pala talaga ng puso kung sino ang katambal nito. Hiniling ko rin naman sa taas na mahalin mo ako. Ang lakas ata ng kapit ko kay Lord kaya ibinigay ka agad sakin. Lahat ng pangarap ko at pangarap mo ay tutuparin natin ng magkasama.

Saktong tapos ng kanta ay ang paglapit niya sa pwesto ko. Nagtagpo muli ang mata naming dalawa at napangiti sa bawat isa.

"Did you like it?" tanong ko sa kaniya.

"I love it" sincere na sambit nito sakin at natuwa naman ako dahil nagustuhan niya.

"Alam kong matagal mo ng hinihintay na magkabalikan tayo at matagal na rin simula ng magsimula tayong muli. And I want you to know that I'm ready to start again with you. So I'm saying yes for our relationship" pag-amin ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. Parang hindi siya makapaniwala na ngayon ko gagawin to. Napansin ko pa ang mumunting luha sa mga mata niya.

"Si..... Sinasagot mo na ako?" tanong muli nito na parang hindi pa rin makapaniwala.

Ngumiti ako tumango sa kaniya. Pinisil ko pa ang pisngi niya para iparamdam sa kaniya na totoo ang nangyayari samin. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you so much baby" natutuwang sambit nito. I miss the way he pronounce "baby".

Pagkatapos niya akong yakapin ay humarap siya sakin at ngumiti.

"I actually have other plan for us tonight pero you surprised me. I really thank you for saying yes and now that we are official couple. I can't wait to hear another yes from you" nakangiti niyang sambit sakin. Pero naguguluhan ako. Another yes?

Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan saglit at muling humarap sakin. Maya maya lang may fireworks na nagliwanag sa kalangitan. Napangiti naman ako dahil napakaganda at napakakulay.

Habang nakatalikod ako kay Xander ay niyakap niya ako mula sa likod at pinagdikit ang aming mga kamay at nilagay sa tiyan ko. Mas nilapit niya ang mukha niya at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Napakaromantic ng oras na ito.

Hanggang sa mapansin kong may mga   letters na nabubuo mula sa fireworks. Una ay "WILL" sinundan ng "YOU" "MARRY" "ME"

"I can't wait to live with you forever. I can't afford to lose you again baby." Bulong nito sakin dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko.

Humiwalay siya pagyakap sakin at iniharap ako sa pwesto niya. Bigla naman siyang lumuhod at may kinuhang box sa bulsa ng pants niya.

Ako naman ngayon ang nagulat sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang lalaking mahal ko ay nakaluhod sa harap ko at hawak ang isang box na may lamang singsing.

"Mula ng makita kita, alam kong ikaw na yung taong gusto kong makasama habang buhay. Handa akong mahalin ka at ibigay lahat ng kailangan mo. Carl Madrigal, my baby. Will you marry me?" tanong nito sakin.

Bakas sa kaniyang mga mata yung kaba at takot sa magiging sagot ko. Unti-unti naman naglandas ang mga luha sa pisngi ko. After all the problems we have benn through andito na kami sa exciting part ng relasyon namin.

"Y......yes" nabubulol kong sagot sa kaniya dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Sobrang saya lang sa pakiramdam. Handang handa na akong buuin ang pangarap namin ng magkasama. Handa na akong harapin ang mga pagsubok na darating sa aming buhay at higit sa lahat, handa na akong bumuo ng pamilya kasama siya.

"I love you so much baby" umiiyak na sambit nito.

Tumayo siya at unti-unting pinunan ang espasyo sa pagitan ng aming mga labi na malugod ko namang tinanggap. Punong puno ng pagmamahal.

"No matter how dangerous this love story of us. I love you Mr. Mafia Boss, always and forever."

              *****The End*****

Thank you so much guys for supporting this story. Sobrang mahal ko kayo. ....

Love,

@itsmemarkiee♥️

[text_hash] => b9ab620f
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...