Array
(
[text] =>
Carl POV
It's been years since I had my escape from death. Not actually alone but with my mother. Masakit pa rin alalahanin ang nakaraan. I thought that was our last day.
"Hey, lalim ng iniisip mo ah. Want to share?" pag-aalalang tanong ni Calix
Nginitian ko naman siya at umiling. He's always here for us, lalo na nung panahon na hirap na mahirap kaming makabangon.
"I just want to thank you for everything you've than to us. Kung hindi dahil sayo baka hindi ko na alam kung anong buhay meron kami" nakangiti kong sambit sa kaniya. Napangiti naman siya sakin at niyakap ako.
"You thanks me million times. I know that you're still reminiscing your bad past, but you have to move on. You can start new and happy life here" sambit nito.
Flashback......
Hindi ko pa rin maisip kung paano kami nalagay sa ganitong sitwasyon ni Mama. Ang gusto ko lang naman ay mag-aral ng maayos at matulungan si Mama na maayos ang buhay namin. Pero hindi ko inaasahan na ganito kasakit ang dinadanas namin ngayon.
"Kumain muna kayo" utos ni King habang papasok ito sa kwarto namin ni Mama kasama ang isang tauhan na may bitbit na pagkain sa isang tray.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sa dami ng nagawa ng aming pamilya sa kaniya, nagawa niya pa rin patayin si Papa. Totoo nga ang kasabihan na sometimes money can be the root of evil, and this man proves it. Napakahayop.
"Stop your deadly stare. You think it can kill me?" nakangising sambit nito at lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko. Agad ko naman yung tinapik. Nakakadiri.
Paano niya nasisikmura na harapin pa kami matapos niyang patayin ang matalik niyang kaibigan. Napakademonyo. Kung alam ko lang na siya ang taong yun, hindi ko na sana tinanggap ang mga regalo at pag-papatuloy sa bahay.
Maya-maya lang ay nakarinig kami ng putok ng baril at mga ingay mula sa labas. Mukhang may mga tauhan na naman na naglalaro sa kanilang mga biktima.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" malakas na sigaw mula sa labas. Nakaramdam naman ako ng awa sa babae. Bakit kaya nilang gumawa ng ganito sa kapwa nila. Wala ba silang mga pamilya at hindi mailagay ang sitwasyon nila sa mga biktima?
"Boss may mga nakapasok" sambit ng isang tauhan. Ang nakangisi niyang mukha ay biglang napalitan ng galit.
Aaminin ko nakakatakot talag siyang magalit. Parang anytime ay pwede na niya kaming gawan ng masama.
"Paputukan niyo hanggat hindi namamatay. Siguraduhin niyo wala kayong ititira." Galit na utos niya sa mga tauhan at tumingin sakin.
"Looks like the prince trying to save the princess huh. Feels like in a fairytale and I'm the villain. Pwes, hindi ako tulad ng mga kontrabida na mahina at natatalo. Sisiguradin kong ako mismo ang papatay sa boyfriend mo" sambit nito sakin na parang nababaliw. Sa una ay humahalakhak at papalitan ng galit.
Maya maya ay nakarinig kami ng malakas na putukan. Para kaming nasa isang gyera sa lakas ng mga putukan. Nakaramdam na naman ako ng takot. Nanginginig na naman ang aking mga katawan. I'm having anxiety right now. Epekto pa rin ito ng nangyari sa nakaraan. Nakaramdam naman agad ako ng yakap mula sa aking likuran. Mabuti na lang andito si Mama para pakalmahin ako.
"Tumayo kayo diyan. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan dahil sisiguraduhin kong sasabog ang ulo ng Mama mo" utos nito samin.
Kaya kahit nanginginig ang aking mga tuhod ko ay tumayo pa rin ako. Ayaw ko naman na pati si Mama ay mawala pa sakin. Hinawakan niya ako sa damit at naglakad papalabas ng pinto.
Paglabas namin tuloy tuloy pa rin ang pagpapautok ng mga tauhan ni King. Marami na din ang mga nakahandusay na katawan. Napatingin naman ako dulo ng pasilyo at nakita ko dun ang gulat na mukha ni Xander.
Makita ko lang ang mukha niya ay bumabalik lahat ng galit ko sa kaniya. He's the reason why Papa died. He's the cause of this situation we are in. Hindi na niya kelangan pang iligtas kami. Para saan pa, para humingi ng tawad sa nagawa niya? I will never forgive him. Ang tanga ko lang dahil minahal ko siya ng sobra.
Nakita ko pa ang paglungkot ng kaniya mukha. But I don't care. Gusto ko lang ngayon ay hindi siya makita.
Hinila kami ni King papunta na elevator at sinakay dun. Saglit lang naman yun dahil mukhang dito lang kami sa babang floor dinala.
"Trina at Zach takpan niyo ang mukha ng dalawang ito baka kung ano pa ang gawin." Utos ni King sa dalawa kong dating kaibigan.
Tumingin sila sa pwesto ko at lumapit. Kumuha sila ng itim na garbage bag.
" Sorry for everything Carl" malungkot at naiiyak na sambit ni Trina. Hindi ko naman alam kung anong emosyon ang ipapakita sa kanila. Mabuti naman silang kaibigan pero may kinalaman pa rin sila sa pagkamatay ng papa ko at tinago nila yun sakin.
Tinakpan na nila ang mukha namin at wala na akong makita. Medyo mahirap din huminga. Patuloy pa rin ang putukan sa labas at mukhang marami na din ang mga nasasawi. Sinasayang nila ang buhay nila. Sa halip na gumawa ng maganda at makatulong sa pamilya ay andito sila at sinisira ang buhay nila.
"Dalhin niyo sa first floor at ikulong sa kwarto. Ihanda niyo rin ang yate at aalis tayo" rinig kung utos ni King sa mga tauhan.
Nakaramdam naman ako ng pag-alalay sakin at naglakad. Papalabas kami ng pintuan at mas lalong lumakas ang putukan. Pagkabukas ng elevator ay agad kaming pumasok dun. Pagkababa namin ay may nagkasa ng baril.
"Let us pass" seryosong sambit ni Trina.
Tinanggal naman nila ang nakataklob sa mukha ko kaya napahinga ako ng maluwag. Habang naghahabol ng hininga napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Trixie at Trev, nakatutok ang baril kay Trina at Zachary. Tiningnan ako ni Trixie at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Lumapit naman si Trina sakin.
"I'm sorry for everything Carl. Pero lahat ng pinakita naming magaganda sayo totoo lahat yun. You're a good friend to us. Hindi namin malilimutan ang masaya nating alaalang magkakasama. Mahal ka namin ni Zach." Umiiyak na sambit ni Trina at niyakap ako ng mahigpit. Kahit ako ay naiyak na din. Nagbalik lahat ng masasayang ala-ala ko kasama sila.
"I'm sorry Carl and Tita, hayaan niyong kami ang magtama at tumapos sa mali naming nagawa." umiiyak din na wika ni Zach at niyakap si Mama.
Matapos ng ilang segundo ay kumalas na rin sila at tumingin kay na Trixie at Trev.
"Help us na magpalit ng mga damit. Carl and Tita, magpapalitan po tayo ng suot para hindi mapansin ni King." Sambit ni Zach. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ibig sabihin mo Zach?" Takang tanong ko sa kaniya. Dahil mukhang hindi maganda ang naiisip niya.
"We don't have much time Carl. It's the only solution to help you out of here." Seryosong sambit ni Trina.
"No! Sabay tayong aalis dito." Seryoso kong sambit sa kanila. I can't lose another person I love.
"Kahit tumakas tayo he will not stop hunting us specially you. Kaya hayaan mo kami ang tumapos nito" seryosong sambit ni Trina.
Pumunta kami sa isang room at hinubad ko ang mga suot ko. Lahat ng gamit ko ngayon. Andito si Zach dahil siya ang kaswitch ko. Huli kong tinanggal yung kwentas ko. Hinaplos ko pa ito dahil bumalik sakin ang masayang ala-ala namin ni Xander nung araw na sagutin ko siya. Akala ko wala ng katapusan yun at puro saya na lang pero tama nga sila. Pagtapos ng saya asahan mo ang pagsubok.
"Maraming salamat Zach. Pinapatawad ko na kayo ni Trina. Salamat sa masayang pagkakaibigan" naiiyak kong sambit sa kaniya at kinabit sa leeg niya ang kwentas.
"Maraming salamat din sa lahat. Sana huwag mo kaming kalimutan" nakangiting sambit nito sakin pero alam kong sa likod ng ngiti niya ay takot.
Paglabas namin ng kwarto ay tapos na din magbihis si Mama at ngumiti sakin. Sinaklob naman ni Trixie ang mga garbage bag sa mukha nilang dalawa. Tama nga sila hindi mo mahahalata na iba na ang nasa loob ng garbage bag. Maliban kay Zach na medyo malaki pero hindi naman halata.
Niyakap ko pa silang dalawa at nagpasalamat. May inabot pa silang remote kay Trixie bago kami hilahin ni Trixie at Trev papalayo. Lumabas kami ng building at may mga ilang tauhan pa dun. Mabilis naman silang pinaputukan ni Trixie at Trev. Hanggang sa makarating kami sa isang yate.
"Sumakay na kayo ni Tita at magpakalayo dito sa lugar na ito. Pupuntahan ka namin sa bahay niyo kapag maayos na ang lahat" sambit ni Trixie samin.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Kahit na hindi maganda ang nangyari naging mabuti pa rin silang kaibigan.
"Thank you sa pagligtas samin." pagpapasalamat ko sa kanila no Trev.
"Basta tandaan mo lagi na kaibigan mo kami at naging totoo kami sayo. At si Kuya, wala siyang kasalanan. Kung ano ang pinakita niya sayong pagmamahal, totoo lahat ng iyon. Sobrang mahal ka ni Xander, Carl. Gagawin niya lahat para sayo." mahabang sambit niya sakin. Dahil sa mga sinabi niya nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko. I have to admit na nagalit ako ng sobra sa kanila pero tama nga din naman siya.
"May huling hiling sana ako sa inyo. Sana huwag na akong hanapin ni Xander pagkaalis namin dito. He deserves to be happy. Deserve niya yung taong mamahalin siya ng sobra at hindi siya iiwan. Pleasseee...." sambit ko sa kanila at tumango. Niyakap namin ang isa't isa bago sumakay sa yate.
Pagkaandar ng yate at umalis na rin sila at bumalik sa building. Hindi ko pa rin maiwas ang tingin ko sa building na pinanggalingan namin. Mila dito ay nakita ko ang si Trina at Zach habang may nakatutok ang baril sa kanila ni King. Mukhang hindi naman napansin ni King na iba na ang kaniyang dala.
Nakita ko rin ang paglabas ng mga kaibigan ko kasama si Xander. Umiiwas sila mula sa pagbaril ni King. Hanggang sa makarating sa yate si King at paandarin ang yate. Nang papaalis na ito sa dalampasigan ay ang paglabas ng mga kaibigan ko sa kanilang pinagtataguan.
"BOOOOOOOOMMMMMMMM" isang malakas na pagsabog mula sa yateng sinasakyan ni Trina at Zach.
Napaiyak na lang ako sa aking nasaksihan. They sacrifice their life just to save me. Nakaramdam ako ng konsensya. They don't deserve to die.
Kita ko rin ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko lalo na si Xander.
"Noooooooooo" sigaw nito. Kahit malayo na kami ay rinig ko ang malakas niyang sigaw. Napatakip na lang ako ng bibig ko habang pinagmamasdan siyang nakaluhod at nakatingin sa yateng papalubog na.
Ngayon ko lang napagtanto na sobrang mahal niya ako. Kita ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto ko siyang balikan at yakapin pero siguro nga tama lang na lumayo ako sa kaniya. Magkaiba ang mundo namin dalawa. Kapag pinilit namin ang isa't isa baka hindi lang ito ang mga pagsubok na kaharapin namin. Hindi pa naman kami matagal. It's just months since we have met. I know someone will love him for than what I gave him. It is better na mas alam niyang patay na ako para maka move on siya at makapagsimula ng buhay niya.
Dumiretso kami sa bahay para kumuha ng ilang gamit. Mabuti na lang wala masyadong tao kaming nakakasalubong. Naabutan naman si Aleng Nena na naglilinis ng bahay. Nagulat pa ito ng makita kami.
"Aleng Nena sana wala pong makaalam na umuwi kami dito. Baka po hindi na kami makabalik dito." paalala at pagpapaalam ni Mama rito.
Kumuha lang kami ng mahahalagang dokumento at gamit. Pagkaalis namin ng bahay ay winidraw na ni Mama lahat ng pera para hindi kami matrack kung sakaling may maghanap samin.
"Saan mo gusto pumunta anak?" tanong ni Mama sakin
"Siguro Ma, sa Batanes. Malayo sa gulo at payapa doon. Makakapagsimula tayo ng maayos" sagot ko sa kaniya. Base kasi na nababasa ko, Batanes ay isang tahimik na probinsiya at simple ang pamumuhay ng mga tao.
Pagkarating namin ng Batanes, nangupahan muna kami ng ilang linggo. Pagkatapos ay nakahanap din si Mama ng house and lot na binebenta. Dahil dun medyo naubos na ang ipon ni Mama kasama na yung savings ni Papa para sa pag-aaral ko.
Maayos naman nung una, pero di namin inaasahan nagkaroon ng breast cancer si Mama. Matagal na pala niyang napapansin na may bukol siya sa dede pero akala niya normal lang yun. Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko yun. Hindi ko alam kung paano ko siya maiipagamot.
Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay namin kung may mga ahensiya ba kaming pwedeng lapitan para makahingi ng tulong pinansyal. Nirekomenda naman nila ay ang paghingi sa munisipyo ng tulong. Kahit kakaunti ay makakatulong na din daw yun.
Inayos ko ang mga dokumento na hinihingi nila bago pumunta dun. Pagkarating ko naman saktong andon daw si Mayor. Pagpasok ko may lalaking busy sa pag pirma ng ilang mga papel.
"Good morning po. Tatanong ko lang po kung andito si Mayor?" pagbati ko rito.
Napatingin naman siya sa pwesto ko. Napagmasdan ko naman ang kaniyang maitsurang mukha. Gwapo naman siya, pero mas gwapo lang si.....
Tiningnan kong muli ang lalaki pero hindi pa rin nagsasalita pero nakatingin naman sakin. Tumikhim akong muli para mapansin. Aga aga naman mag daydream nito.
"Sorry..... I'm Mayor Calix, how may I help you..... Cutiee" sambit nito ng may nakakalukong ngiti. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabata ang Mayor sa lugar ba ito.
"Sorry po Mayor. Andito po ako para sana humingi ng financial assistance para sa Mama ko." pagtatapat ko ng aking sadya.
"By the way take a seat. Alam mo naman siguro na hindi ganun kalaki ang kayang maibigay ng munisipyo na tulong." sambit nito sakin.
"Alam ko po Mayor, kahit maliit na tulong po ang mahalaga po ay tulong pa din. May breast cancer po kasi ang Mama ko." Paglalahad ko sa kaniya habang pilit pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. Nakita ko naman ang awa sa mukha niya.
"I can help you but... With one condition" sagot niya sakin ng seryoso.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong kondisyon yun pero para kay Mama gagawin ko lahat gumaling lang siya. She's the only family I have. I can't lose her.
"Pag sumang ayon po ba ako. Sagot na lahat hanggang sa gumaling siya?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong sigurado para kahit anong irisk ko ay patas sa tulong na ibibigay niya.
"Yes." seryosong sambit nito sakin at napatango naman ako.
"Sige po. Ano po bang kondisyon niyo?" tanong ko sa kaniya na may kaba sa dibdib ko.
"Be my lover" simpleng sagot niya.
Napanganga naman ako sa gulat. Seryoso ba siya sa sinasabi niya. Hindi naman siya halatang pumapatol sa lalaki.
"Hey, I think you can be a good partner. My dad want me to have someone. Masyado na akong kinkulit kaya ikaw na lang. Unless gusto mong seryosuhin ang relasyon natin" nakangiting sambit nito at kitang kita ang malalim na dimples nito sa pisngi.
After that day, tumupad siya sa usapan namin. Pinacheck-up niya sa Mama sa isang kilalang doktor. Nag undergo na din si Mama ng surgery at medical treatment. Tinanong pa ni Mama kung saan ako kumuha ng pera, mabuti na lang at sinabi ni Calix na nagtatalrabaho ako sa kaniya.
Actually mabait siyang tao. Mapagmahal sa mga taong kaniyang nasasakupan. He always provide the needs of his people. Kapag bumibisita siya sa mga barangay laging nakangiti ang mga tao sa kaniya. After months pinakilala rin niya ako sa family niya. Akala ko nga magagalit ang Dad niya kasi mukhang strikto pero mabait naman pala. Napaka makwento at mapagbigay. Pero after a year nalaman ko na may illegal din naman palang gawain si Calix. Nagbebenta siya ng drugs sa mga mayayamang negosyante. Dahil dun naaalala ko yung taong dahilan kung bakit kami nandito.
Pinaliwanag niya sakin na lahat ng kinikita niya ay tinutulong niya sa mga mahihirap niyang kababayan. Hindi naman kayang supurtahan ng pamahalaan lahat ng pangangailangan ng tao kaya gumagawa siya ng paraan para matugunan yun. Wala din naman akong magagawa. Dahil sa pagiging malapit namin naikwento ko na sa kaniya ang nangyari sa buhay ko without mentioning the names of the person involved.
After year din gumaling na si Mama. Nagsimula na rin siyang magtayo ng maliit na restaurant. Mula na maliit ay unti-unti din naman niya itong napalago. Pero kay Calix pa rin ako nagtatrabaho bilang utang na loob.
One time, he confessed his feeling for me but I decline. Hindi pa ako handang magmahal ulit. Kahit unti-unti ko na siyang nalilimutan alam ko na meron pa ding sakit sa puso ko. After that day, akala ko di na niya ako kakausapin pero mas lalo siyang naging clingy. Gagawin niya daw ang best niya para mapasagot ako. Pero ang tingin ko lang talaga sa kaniya ay parang isang matalik na kaibigan. Hindi rin siya bastos na nanghihingi ng katawan kapalit ng pagtulong niya. I'm just happy that I met him.
End of flashback......
"Malapit na ang birthday mo. Anong plano mo?" tanong ko sa kaniya habang kumakain ng dinner.
"A party for business partners and politician. Then, mamimigay ng mga goods sa mga tao to share the blessings." casual na sagot niya sakin.
Sa sinabi niyang mga business partners parang nakakaramdam ako ng kaba. Dahil posibleng kasama yung mga taong pilit kong tinatago. Aaminin ko, ayaw kong malaman no Calix na kilala ko ang pamilya Luciano. It might affect their business. Pero handa na ba ako kung sakaling makaharap ko sila? O siya?
"What gift do you want?" tanong ko sa kaniya.
"A Yes from you" nakangiti nitong sagot habang pataas taas ang dalawang kilay. Natawa naman ako sa sagot niya.
Mabuti na lang nasabi ko kay Trixie na sana hindi malaman ni Xander ang kinaroroonan ko. Sana gumawa siya ng paraan para hindi kami magkita. Natatakot kasi ako na baka itong nararamdaman ko ay bumalik.
Follow!
Vote!
Comment!
Ito na ata ang mahabang chapter na naisulat ko. Hahahha. Salamat sa nagvote ng mga chapters ginanahan ako magsulat ngayon. Keep supporting guys. Ilang chapter na lang matatapos na tayo😊
[text_hash] => 5c1e0415
)
What do you think?