Chapter 43: Chapter 42

Array
(
[text] =>

3 years later.......

Trixie POV

It's been a year since that tragic mission. All of us still in the process of moving on and acceptance but not like the first year. All of us miss him. All of us can't smile just like before.

Mahirap pala talagang mawalan ng mahal sa buhay. I treat him like a brother. He's the guy who accepted my flaws and imperfection. It's just so sad that let him go.

"Hey! What's wrong" he asked and hugged me from the back.

"I just miss him. There were days na bigla na lang siyang dumadalaw sa panaginip ko" nalulungkot kong sagot sa kaniya.

"Lahat tayo namimiss siya, but we have to move on. He will not be happy to see us in this situation." Pagpapakalma nito sakin.

Trev and I have been in relationship a year ago. I know we're like cats and dogs but he's an ideal guy for me. He's always been in my side since that day happened. Magkasama rin kami palagi sa misyon.

Si Nate and Topher naman still going strong. Balak na nga nilang magpakasal next year. Busy na rin sila palagi sa pag manage ng kompaniya ng kanilang pamilya. Bihira na lang kami magkita kita after graduation. Pero may mga misyon pa rin naman kaming magkakasama.

Si Chino naman still finding his self. Nagbabakasyon siya ngayon sa Palawan. Hahanapin na daw niya yung forever niya. Pero ang totoo kasama naman talaga niya yung lalaking niligtas niya sa Batangas. He seems happy naman when they are together siguro confused pa si Chino sa sarili niya.

"Asan si Xander?" tanong ni Trev sakin.

"Nasa punishment room. May mga pinaparusahan" naiiling kong sagot sa kaniya.

"Let's go. Kausapin natin siya baka kung ano na naman magawa niya sa mga kinakausap niya" pag-aalok niya sakin.

Ang totoo niyan ayaw ko talagang makita si Kuya. Hindi ko na kayang tumayo sa tabi niya. Kahit makasama siya sa isang kwarto hindi ko kaya. Para akong hindi makahinga sa pagbabago niya.

When Carl died, hindi namin siya makausap. Nakakulong lang siya sa kwarto at ayaw ng may nakakausap. One time nag attempt ang mga kaibigan namin na kausapin siya pero pinaputukan niya lang kami ng baril. Next attempt namin, nabuksan namin yung pinto ng kwarto niya. Nakahiga pa siya nun pero bigla na lang may lumipad na kutsilyo papunta sa direksiyon namin mabuti na lang at nakaiwas kami. Hindi naman siya pinakelaman ni Mom at Dad. Siguro ay naaawa din sa sitwasyon ni Xander.

After 5 months nakagraduate siya ng college. Lumabas na din siya sa kwarto niya. Meron na siyang balbas pero nakatrim naman. Mula noong lumabas siya ng kwarto niya na yun iba na yung awra niya. Yung tipong malayo pa lang siya sayo kakabahan ka na. Pakiramdam ko nun anytime pwede siyang pumatay.

Dad,  Xander  and other leaders of the mafia talk in private room. Base from mom, pinapasa na ni Dad ang posisyon kay Xander. Pumayag naman ang mga kasosyo sa negosyo.

Simula na pala yun ng mas malaki pang pagbabago sa kaniya. On his first   transaction, nakasama niya kami ni Trev. Ang pakikitungo niya samin hindi na katulad ng dati. Seryoso na siya at hindi makikitang ngumiti. Nagpunta kami nun sa Davao para sa malaking transaction ng droga.

Nung nagpapalitan na ng droga at pera bigla na lang siyang sinabihan ng katransakyon namin na parang hindi mahusay ang bagong pinuno ng Luciano dahil bata pa. Pero imbes na sagutin ni Xander yun ay agad niya itong binaril sa ulo. May ilan pang mga kasama itong sinubukan siyang barilin pero pinatumba niya lahat yun.

Nagulat ako sa pangyayaring yun. Dahil sa insedenteng yun mabilis na kumalat sa mundo ng mafia ang pagiging brutal niya. Marami sa mga maliliit na organisasyon ang nakipag alyansa sa amin kapalit ng proteksiyon. Nang dahil sa marami ng mga nakadikit sa aming organisasyon mas lalong lumaki ang kita at impluwensiya ng aming pamilya.

Syempre masaya ang organisasyon at talagang bilib sa pagiging mafia boss niya pero kaming malapit sa kaniya ay hindi nagugustuhan ang pagbabagong yun.

Pagpasok namin sa silid. Puno ng iyak at pagdurusa ang nasa silid. Alam ko naman na may kasalanan talaga sila pero kung papatayin din lang sila sana hindi na pahirapan pa ng ganito. I can't stand watching them dying while begging mercy.

"Boss... patawarin mo na kami.. pangako hindi na mauulit..." Pagmamakaawa ng isang lalaking nakaposas, naliligo sa dugo ang buong mukha at bakas ang paghihirap.

Napatingin naman ako kay Xander na nagsisigarilyo. Ito ang isa sa naging bisyo niya mula ng maging boss siya. Kung hindi sigarilyo ang hawak, champagne na may alak. Hindi ko nga alam kung naaalala pa ba niya si Carl. Dahil itong taong nasa harap ko ngayon ay parang hindi na tao.

"Boss.... May asawa akong naghihintay sakin... Parang awa mo na..." Pagmamakaawa pa ng isang lalaki.

Lumapit si Xander sa mukha ng dalawa at binuga dun yung usok ng sigarilyo. Naubo namang ang dalawang lalaki.

"Alam niyo naman na ayaw ko ng palpak na trabaho. Alam niyo bang 500 Million ang nawalang pera sakin dahil sa katangahan niyo. Kulang na kulang pa ang buhay niyo kapalit nun" galit na sambit nito.

Nilabas nito ang kaniyang baril at isa-isang hinampas sa mukha ang dalawang lalaki. Mukhang napansin niya naman kami sa aming pwesto dahil tumayo siya at lumapit kay Cornelius ang kanang kamay niya.

"Alam mo na ang dapat gawin. Padalhan mo na lang ng 5 million ang pamilya nilang maiiwan" utos nito at lumapit sa pwesto namin. Kumuha pa siya ng panyo at pinunasan ang kamay niyang maraming dugo.

"Anong oras alis natin papuntang Batanes?" Tanong nito samin.

Hindi ko siya tiningnan dahil hindi ko kayang makipag-usap sa kaniya. Dahil ayaw kong mag-away kami. Alam ko rin namang hindi siya makikinig sakin. Tiningnan ko na lang si Trev at siya ang hinayaan na sumagot.

"Mamayang 11:00 AM pa. Mabilis lang naman ang biyahe papunta dun since naka plane naman. And you don't have to go, kaya na namin ni Trixie to and beside may mahalaga daw kayong meeting ng mga boss ng ibang organisasyon" pagpapaliwanag ni Trev.

Tama naman siya may pagpupulong lahat ng mga boss dahil gusto nilang magkaroon ng kasunduan ang bawat organisasyon na hindi pakikialaman ang bawat isa. Bukod pa dun ayaw ko siyang makasama sa isang lugar dahil anytime ay para na akong sasabog sa galit sa kaniya.

Tumango naman siya samin. Mabuti na lang at hindi siya nagpumilit dahil baka ako na lang magpaiwan dito kung sakali. Nauna na akong lumabas kay Trev at nagpunta sa aking room. It's 9 in the morning kaya nag-intindi na ako ng aking mga dadalhin. Saglit rin lang naman kami dun.

Pagkatapos ko mag-intindi ay lumabas na ako. Nakita ko naman si Trev na naghihintay na sa labas habang kausap si Dad at Mom.

"We have to go Mom and Dad" paalam ko sa kanila sabay yakap.

"Mag-ingat kayo. Make sure to get this client. Bigatin tong kleyente na ito" paalala ni Dad.

Sumakay naman na kami sa kotse diretso sa airline na pag-aari ng pamilya namin. It will be 3 hours flight from Manila to Batanes kaya natulog lang ako buong biyahe.

Pagkalanding namin, sumakay ulit kami sa isang kotse. Hindi ko naman mapigilan mamangha sa ganda ng tanawin. Napahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko nabawasan ang sama ng loob na nararamdaman ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Trev para mas maging komportable. He's always there kapag alam niyang marami akong problema ganun din naman ako sa kaniya kaya hindi rin namin mapigilan na mahalin ang isa't isa.

Hinatid kami nito sa isang malaking bahay. Made from woods ang bahay pero hindi siya yung mga common woods halayang mamahalin ang bahay.  Tanaw na tanaw din dito ang dagat. Naka pwesto kasi ito sa isang bundok na marami ring mga puno.

Sinalubong kami ng isang lalaki. Siguro tauhan niya ito dito. Marami naman bantay sa lugar kaya masasabi kong bigatin nga ang kleyente namin.

"Magandang araw po. Iniintay na po kayo ni Sir sa taas. Dito po tayo." Pagbati ng lalaki at sinundan namin siya. Pagpasok mo sa loob ang mga sofa ay gawa sa ratan at ang mga table ay gawa sa teak. Napakagandang bahay.

Umakyat kami sa second floor na ang hagdan ay gawa din sa malalapad na kahoy. Pagdating namin sa terrace ng bahay mas magandang pagmasdan ang karagatan at napaka sariwa ng hangin.

Nakita namin ang isang lalaking nagbabasa ng magazine. Nang mapansin niya kami ay binaba niya ito at nakangiting tumingin sa direksiyon namin.

"It's nice to see you here Ms. Luciano and Mr. Alcantara. It's my pleasure to have transaction with you" tumayo ito at nakipagkamay samin.

Mahitsura siyang lalaki. Siguro nasa 6'2 ang height niya. Moreno ang kulay ng balat. Malaki ang pangangatawan, halatang alaga sa gym. In short, gwapo siya pero para sakin mas gwapo pa din ang boyfriend ko.

"It's a pleasure to meet you Mayor Calix Hidaldo." Nakangiting bati ni Trev dito. Bakit hindi ko alam na Mayor to? Ang bata niya pang tingnan para maging isang politiko.

"Please take your seat. What drink do you want?" Tanong nito samin.

"Any available drink. By the way you have a nice house." Sagot ko sa kaniya

"Thank you it's actually my fiance, actually soon to be fiance, choose the design and location of the house." Nakangiting paliwanag nito. Hindi naman halatang inlove na inlove si Mayor sa fiance niya.

"By the way Mayor, we bring already the items. This are all in good quality." Pagpapaliwanag ni Trev at binuksan ang case.

"I know, hindi talaga ako nagkamali ng pagpili sa inyo." Sambit nito at tiningnan pa ang mga drugs na nasa case.

Marami pa kaming pinag-usapan tulad weapons na meron kami. Yung presyo ng aming mga produkto. He was actually nice. Hindi mo siya aakalain na may ginagawang illegal. Maybe because his always smiling at lumalabas yung dimple niya.

Maya maya lang ay napalingon siya sa  likod namin. Nakaharap kasi kami sa dagat samantalang siya nakaharap samin kaya di namin makita nasa likod.

"Hey, sweetie, bakit ikaw nagdala niyan? Andyan naman si Manang sana pinasuyo mo na lang" sambit nito na parang ayaw na ayaw mapagod ang ang asawa.

"Manang is busy in preparing food for lunch. Don't worry, it is the least I can do for you." Sambit ng isang lalaki? Wait lalaki ang fiance niya.

Tumayo si Calix at pumunta sa pwesto ng lalaki. Napatingin tuloy kami ni Trev sa likod namin. Nang makita namin ang mukha ng lalaki. Mas lalo kaming nagulat. What is he doing here? Paano siya napunta dito?

Nang makita niya kami nagulat din siya at parang hindi makapaniwala. Kinuha ni Calix ang tray.

"Come here swetiee, let me introduce you to my business partner." Pag-ayaw nito kay Carl pero hindi pa rin ito maka-alis sa pwesto nito.

Nilapag na ni Calix ang tray at tumingin sa pwesto namin at sa pwesto ni Carl. Nang mapansin ni Carl na nakatingin si Calix ay lumapit na ito malapit sa pwesto namin.

"Did you know each other?" Nagtatakang tanong ni Calix.

"No! Nabigla lang ako kasi familiar sila. Parang nakita ko na sila sa mga magazine na binabasa mo" pagtanggi ni Carl na parang ayaw niyang ipaalam sa lalaki na kilala niya kami.

"Yeah, this is Trixie Luciano and Trev Alcantara. And this is my swetiee, Carl Madrigal" pagpapakilala ni Calix saamin. Nakipag handshake naman si Carl samin na parang normal lang.

"Nice to meet the both of you" nakangiti nitong bati samin na halata namang napipilitan.

"It's nice to meet you also" nakangiti kong sambit sa kaniya na medyo naluluha sa sobrang saya.

"Sige na, maiwan ko muna kayk tutulungan ko muna si Manang sa baba para iprepare ang lunch" pagpapaalam nito samin.

Naglakad na siya palayo pero tumayo ako. Tumingin naman si Trev at Calix sakin.

"Pwede bang paturo kong saan ang restroom" nahihiyang sambit ko sa kanila.

Tumingin naman si Carl sa pwesto ko at tumango. Naglakad kami papunta sa isang kwarto. Pagpasok namin sinara niya ito. Tumingin ako sa kaniya at hindi na napigilan tumulo ang mga luha ko at niyakap siya ng mahigpit. Ganun din naman siya. Sobrang saya ko lang na makita siyang maayos.

----------------------------------------------------------

Follow!

Vote!

Comment!

[text_hash] => 232979b4
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...