Array
(
[text] =>
Third Person POV
Nakarating sila kinagabihan sa Batangas. Nagpahinga muna sila saglit habang tinatapos nina Nate at Topher ang mapa ng lugar. Hindi naman ganun karaming building dito sa fish port malawak lang ang lugar at maraming shipping container.
"Dito sa entrance may nasa sampung bantay na nakahilira at sa taas na bahagi ng pader merong apat na bantay." pagpapaliwanag ni Trixie. Pagdating nila kanina ay nagmanman muna sila sa lugar.
"Unahin namin yung nasa taas, Nate at Topher naman sa mga bantay sa entrance" pagpapaliwanag ni Trev.
"Pagpasok niyo sa entrance maraming mga shipping container at for sure may mga tauhan silang gumagala. Pagkapasok niyo Xander at Chino, avoid getting the attention of the enemy, susunod din kami agad. Sina Trexie at Trev naman will help you get to the building mula sa pwesto nila sa taas." pagpapaliwanag ni Nate. He's actually good in strategizing attack. Wala pa silang misyon na magkakasama na pumalya dahil sa mahusay niyang pagpaplano.
"Ang building ay may 3 floors at 9 rooms siguradong isa sa mga room na yan ang kinalalagyan ni Carl. To avoid getting caught it's safer to use the exit stairs. Chino and Xander sa 3rd floor kayo. Nate and I will be in 2nd floor and Trev at Trixie sa 1st floor. As much as possible not lose our communication" seryosong pagpapaliwanag ni Topher.
Its 11 in the evening. Bumaba na silang lahat sa van. Tahimik at maingat na pumwesto si Trev at Trixie sa isang malaking truck at sinipat ang mga bantay sa taas. Maya maya na lang ay isa-isang bumagsak ang apat. Mabuti na lang at magakakalayo ito ng pwesto para hindi mapasin ang pagkawala ng bawat isa.
Napatingin pa ang isang bantay at mukhang may napansin kakaiba. Sinilip pa ito para malaman kung may nangyari pero agad naman na binaril ito ni Topher. Samantalang si Nate naman ay mabilis na binaril ang natitirang bantay. Karamihan sa mga ito at tinamaan sa ulo.
Nang masigurong wala ng gumagalaw mula sa mga bantay. Lumapit sila sa entrance at isa isang sinigurado kung patay na nga ang mga ito. Sumenyas naman sila hudyat para pumasok na si Chino at Xander.
Maingat silang pumasok at bumungad sa kanila ang maraming shipping container na nakaharang sa building. May mga makikipot namang daan na parang nasa isang maze. Marahan silang pumasok at nakatutok ang baril sa unahan na handang iputok pag may nakitang kalaban.
Hindi pa nagtatagal ay may nakita silang papalapit sa pwesto nila at agad nilang binaril. Mabuti na lang at gabi dahil hindi sila ganun makilala ng mga tauhan. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Papaliko na sana sila ng may makabangga silang bantay.
Nagulat pa ang bantay ng mamukhaan ang dalawa at agad umamba ng suntok kay Chino. Mabilis naman niya yun naiwasan at hinawakan ang braso ng kalaban at pinilipit saka binaril ulo.
Nakita pa nilang tumakbo ang kasamang bantay pero mabilis na yumuko si Chino. Tumalon naman si Xander para lagpasan si Chino at saktong landing ni Xander sa lalaking tumatakbo. Hinawakan nito ang ulo para pigilan ang pagsigaw at mabilis na binaril.
Nagpatuloy pa sila sa maraming paliko likong daan. Malapit na sila sa may labasan ng makasalubong nila ang tatlong bantay. Agad na tinutok ng mga ito ang baril kay Xander at Chino. Pero mabilis na naiputok ni Xander at Chino ang kanilang baril sa dalawa pero bumagsak ang tatlo.
"Wow! I shot 2, in 1 bullet" gulat na sambit ni Chino.
"You see that bro?" Mayabang pa nitong sambit kay Xander.
"That was me asshole" sambit naman ni Trixie sa linya. Kitang kita ang pagbagsak ng mukha ni Chino.
Dahan dahang naglakad sina Xander at Chino papunta sa exit stair, mabuti na lang at walang bantay. Nagmadali naman sila papunta sa 3rd floor.
Sinubukan nilang buksan pero sarado ito. Agad naman binaril ito ni Xander at dahan dahang binuksan. Pagkapasok nila tahimik ang pasilyo. Meron ditong 3 pinto. Mabilis binuksan ni Xander ang unang pinto malapit sa exit. Nakita nila na may isang babae at lalaki na nagtatalik habang pinapanuod ng lalaki na tila nageenjoy sa pinapanuod na live show. Pero ng makita niya ang mga pumasok ay nagulat ito at agad na kinuha ang baril at pinutok sa kanilang direksiyon. Agad naman silang nakaluhod at mabilis na binaril ang lalaki. Sumigaw naman ang babaeng nasa kama na mukhang mga menor de edad pa. Agad tumakbo ang babae at lalaki sa gilid ng kama at nagtago. Wala dito ang hinahanap nila.
Paglabas nila ng pinto marami ng mga tauhan ang nandun at handa na silang paputukan. Papalabas na sila ng pinto ng mabilis silang pinaputukan ng mga ito. Nang matigil ang putukan, dumapa si Xander at mabilis na pinaputukan ang mga kalaban at si Chino naman ay nasilip habang bumabaril din sa mga kalaban. Lumipat si Xander ng tago sa isang locker.
Sinilip muli ni Xander ang pasilyo at nagulat siya ng makita dun si Carl at Mom nito kasama si King. Naglabasan din ang mas maraming tauhan na nakatutok ang baril sa kanila. Nagtagpo naman ang mata no Carl at Xander. Bakas din sa mukha nito ang gulat pero agad din naman ito ng galit na titig. Nakaramdam naman si Xander ng kirot sa puso dahil siguradong alam na ni Carl ang totoo. Hindi niya maiwasan na maawa sa kaniyang mahal dahil bakas na mukha nito ang daming luha na iniyak ng dahil sa kaniya. Nakita pa nita ang kwentas na ibigay niya dito. Mabilis itong pinasok ni King sa elevator. Ngumisi pa ito sakin bago tuluyan siyang makapasok sa elevator. Mas tumindi ang galit ni Xander sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kaniyang mahal.
Pagkasara ng elevator mabilis na nagpaputok ng baril ang mga tauhan ni King sa pwesto nina Xander at Chino. Mabuti na lamang at nay bitbit siyang gas grenade at inihagis ang dalawa nito sa pwesto ng mga kalaban. Habang umuusok at abala sa pagtatakip ng ilong ang kalaban ay mabilis na pinaputukan ito ni Xander at Chino. Pagkaalis ng usok ay bumalandra ang maraming nakahandusay na katawan.
"Pababa sila mula dito sa 3rd floor" tawag ni Xander sa mga kasama niya.
"Copy" sambit naman nila.
Bumaba si Xander at si Chino naman ay nagpaiwan para iligtas yung dalawang menor de edad. Pagbaba ni Xander sa second floor at naabutan niya si Topher at Nate na nakikipaglaban sa ilang mga tauhan. Tinulungan naman niya ang mga ito. Mukhang pare-parehong ubos na ang bala ng mga baril.
Sa ikatlong pinto lumabas sina King, Trina na hawak ang babaeng may saklob ng itim na garbage bag at si Zach na hawak ang lalaking may saklob na itim na garbage bag habang nakatali ang mga kamay at siguradong si Carl ito. Mabilis na nagpaputok ng baril ang tatlo kaya mabilis na tumago sina Xander, Topher at Nate. Pumasok sa elevator si Zach at Trina kasama ang dalawang bihag. Nagpaiwan naman si King at pinaulanan sila ng bala.
"Trev at Trixie papunta sila sa 1st floor" sambit ni Xander pero walang sumagot sa kabilang linya.
"Ano Xander, kita mo ba ang mata ng mahal mo na galit na galit sayo? Hahaha" malakas na tawa nito.
"Masyado talagang mahina kayong mga Luciano, masyado kayong mabait kaya naiisahan kayo pagmamayabang na sigaw nito.
"Fuck you asshole. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito" sigaw ni Xander dito ng may galit.
"Oh! Huwag mong isisi sakin Xander dahil alam naman natin lahat na ikaw ang dahilan kung bakit nangyari yun. Ngayon wala ka ng magagawa dahil pag-aari ko na ang mahal mo" sambit ni King na halatang sinusubok ang pasensya ni Xander.
Samantang si Xander ay di mapigilan ang sariling magalit. Kaya paglabas ni King para paulanan mula sila ng bala ay sinabayan ito ni Xander at hinugot ang kutsilyon sa kaniyang sapatos at inihagis sa direksyon ni King. Natamaan naman ito sa balikat at mabilis na binuksan ang elevator habang iniinda ang sakit.
Samantalang pagbaba sa elevator nina Trina at Zachary ay nakatutok na ang baril sa kanila ni Trixie at Trev. Parehong hindi nagpatinag ang apat sa nakakamatay nilang mga titig.
"Let us pass" seryosong sambit ni Trina.
Pagbaba nina Xander, Chino, Nate at Topher ay nakita nila si King kasama ang ilang mga tauhan na nakatutok ang baril sa dalawang taong nakasaklob ng plastic na itim. Halatang nahihirapan ang dalawa.
Pinaputukan sila ng baril nina King kaya hindi sila makalapit at ubos na rin ang kanilang bala.
"Subukan niyong sumunod at magpaputok, sasabog ang utak nitong dalawang ito." Sigaw ni King habang papalayo papunta sa isang yate.
Wala naman magawa ang magkakaibigan kundi pagmasdan ang papalayong grupo ng kalaban.
Dumating naman sina Trixie at Trev na humihingal pa.
"Where have you been" tanong ni Nate sa dalawa.
"Sorry, hinabol namin ni Trina at Zach, pero nakatakas sila" sambit nila at nakita nila ang isa pang yate na medyo malayo na sa kanilang direksiyon pero hindi yun pinansin ni Xander dahil ang kaniyang mata ay nakatitig lang sa papasakay na grupo ni King. Nang tuluyan ng makasakay ang mga ito ay pinaandar rin.
"Goodbye mga talunan... See you in hell...." Natatawang sigaw ni King habang papalayo mula sa dalampasigan.
"BOOOOOOOOOMMMMMMMM" malakas na pagsabog ng yateng papalayo na sinasakyan ni King.
Bakas naman sa mukha ng magkakaibigan ang gulat at unti-unting pagpatak ng kanilang luha.Napaluhod naman si Xander habang nakatingin sa papalubog na yate.
"NOOOOOOOOOOOOOOO.... NOOOOOO" malakas na sigaw nito na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan.
"This.... is .... not happening right?" Pagkombinse nito sa sarili at mas lalong dumaloy ang mga luha sa kaniyang mata.
Nilapitan siya ng mga kaibigan at niyakap. Walang nagsasalita kahit isa sa kanila dahil pare parehong silang nasasaktan sa nangyari. Hindi nila mapakalma si Xander dahil sila mismo ay hindi matanggap ang nangyari sa kaibigan.
Nakarinig naman sila ng tunog ng mga kapulisan na papalapit sa kanilang lugar. Pinilit nila si Xander na umalis pero hindi ito umalis sa pwesto nito kahit anong pilit nila dito.
Naiwan si Xander na nakaluhod habang umiiyak na nakatingin sa dagat na puno ng hinagpis, pagsisi at galit sa sarili.
Follow! Vote! and Comment!
[text_hash] => 19e2dc9c
)
What do you think?