Chapter 41: Chapter 40

Array
(
[text] =>

XANDER POV

Akala ko simula na para buuin ang masaya naming pagsasama. Akala ko magagawa ko na siyang pagsilbihan. Mayakap, mahagkan at makasama araw araw.

Kung ano ang saya ng aming kahapon, sobra naman ang sakit ngayon. Hindi ko pa rin lubos akalain na ang laki pala ng epekto ng pagkakamali ko sa nakaraan.

Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko nun. Sabik akong patunayan ang aking sarili sa aking ama pero kapalit nun ay masaklap na trahedya. Pilit kong kinalimutan at bumangon pero tama nga sila. Hindi mo basta basta maibabaon sa nakaraan ang pagkakamali.

Hindi man ako ang pumatay sa papa niya pero ako ang dahilan nun. Binabagabag ako ng aking konsensya. Hindi ko matanggap na ako ang dahilan ng matagal niyang paghihirap.

"Hey, let me help you with your hand" sambit ni Trixie. Bakas sa mukha niya yung pag-aalala. Matapos ang usapan namin ni Dad nilabas ko ang galit ko sa pagsuntok ng pader pero bakit parang hindi man lang nabawasan yung galit ko sa aking sarili.

"I'm fine." Tipid kong sagot sa kaniya at ininom ang wine na nasa basong hawak ko ngayon.

"No you're not fine. Ma-iinfect ang sugat mo" medyo naiinis na sambit nito sakin.

"Yeah, I'm not fine. I ruined his life. His family. I'm the reason why his in pain" sambit ko sa kaniya. Ako dahilan ng trauma niya.

"You did not kill his Dad. Hindi ikaw ang dapat magbayad sa kasalanan na hindi mo ginawa." Trixie

"Hindi nga ba? Hindi man ako ang personal na pumatay sa kaniya ako pa rin ang dahilan. Sa tingin mo matatanggap pa rin niya ako pag nalaman niya ang totoo?" sarkastikong sambit ko sa kaniya.

Hindi na siya sumagot at naupo sa tabi ko. Kumuha rin siya ng alak at sinalin sa baso niya. Tama nga siguro si Dad, kung gusto kong ligtas na mamuhay si Carl, dapat layuan ko siya dahil ako ang nagdadala ng problema sa kaniya. Hanggat magkasama kami hindi kami lulubayan ng problema na magbibigay sa kaniya ng pangamba at takot.

Pinangako ko sa kaniya na poprotektahan ko siya pero ako pala itong mananakit sa kaniya. Hindi ko deserve ang katulad niya. He deserve more and better guy than me. Yung taong ilalayo siya sa kapahamakan at laging iisipin yung kaligtasan at kasiyahan niya.

Sa dami ng alak na nainom ko nakatulog na ako sa sofa. Pag gising ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko lahat ng mga problema ko. Tiningnan ko ang phone ko pero walang tawag mula sa kaniya. Alam na ba niya? Gusto kong magpaliwanag sa kaniya kahit magalit pa siya sakin. He deserved to know everything kahit ipagtabuyan niya pa ako at iwan.

Iwan? Ang sakit lang isipin na iiwan niya ako. Parang hindi ko kaya. He occupied my heart and my mind. Pakiramdam ko hindi na ako mabubuo pag wala na siya sa piling ko.

I dialled his number pero out of coverage. I tried and tried many times pero wala pa din. I have to go to his house kahit ngayon lang. Kinuha ko ang susi ng motor ko at palabas na sana ng makasalubong ko ang mga kaibigan ko. Anong meron? Kita ko sa mukha nila ang pag-aalala.

"Anong problema?" takang tanong ko sa kanila. Nagtinginan pa sila kung sino ang sasagot.

Napakunot tuloy ang noo ko sa ikinikilos nila.

"Carl and his Mom are missing" kinakabahang sambit ni Nate.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari.

"We visit his house this morning pero maraming pulis ang nandon. Ayon sa mga nakakita may mga lalaking kumuha kay Carl at isinakay sa van" pagpapaliwanag ni Trev

Napahilamos ako sa aking mukha. Kasalanan ko to. Dapat hindi ko siya iniwan dun. Dapat sinigurado kong ligtas siya. Wala na akong nagawang tama sa kaniya.

Fuck. I always put him in danger. Sinipa ko lahat ng mga gamit na nakikita ko sa sobrang frustration.

"Do you have any lead?" Tanong ni Trixie sa mga kaibigan namin. I know she's worried. Malapit na kaibigan niya din si Carl.

"Wala pa. Pero sa tingin ko may kinalaman dito ang ninong niya. May nangyari ba dito na hindi namin alam?" Usisa ni Trev.

They deserve to know the truth and how asshaul I am. Tumingin muna sakin si Trixie bago ko tinanguan. They are always here to help us in our problems.

Pumasok kami sa mansion para pag-usapan ang magiging plano namin. Trixie told them about my history. Hindi dapat kami magtagal dahil baka kung ano na ang mangyari sa kanila. This is the least I can do to for him.

"Base from our source masyadong maraming pagmamay-aring property si King, it will take a week para malaman natin kung saan dinala si Carl" pagpapaliwanag ni Nate.

Hindi pwede ang ganun katagal. Baka hindi na namin siya maabutan lalo na at halang ang bituka ng walang hiya King. Sisiguraduhin kong ako papatay sa kaniya sa mga ginawa niyang kasalanan.

"Hindi ko rin matrack ang location ni Carl. Siguro naka off ang phone niya, even her mom" nakakunot noo na sambit ni Topher.

Napaisip ako bigla dahil yung binigay kong necklace sa kaniya ay may tracker. Pinacustomize ko yun para sa kaniya. Kinuha ko agad yung phone ko at tiningnan ang GPS locator. Napangiti ako ng makita ko yung location niya. Mabuti at hindi niya tinanggal.

"I know where he is. They're in Batangas near fish port." Seryosong wika ko sa kanila. Napatingin naman sila sakin at pinakita ko ang location. Tumango naman sila.

"So let's divide our job. Topher and I will make the map of the place while driving to Batangas. Trixie and Trev will be the look out so they can assassinate. Chino and Xander will be the frontline. Everyone will look for Carl and his mom. Open naman ang ating communication, as much as possible don't lose your earpiece." pagpapaliwanag ni Nate sa plano.

Sanay na kami sa ganitong tandem pag magkakasama kami sa isang misyon.

"Now, let's get some guns. For sure maraming mga tauhan sa base nila." Sambit ni Trixie.

I'm just lucky na may mga kaibigan akong handang tumulong palagi at hindi ka iiwan basta basta.

Kumuha si Trixie at Trev ng L96A1 Sniper at kay Trev naman ay isang AW50 para macover kami habang papalapit sa base. Kumuha din sila ng ilang mga hydrogen cynide at dagger.

Kumuha naman sina Topher at Nate ng shotgun at rifle. Si Chino naman ay kumuha ng MAC-10 at ako naman ay AR15 dahil meron itong silencer.

Karamihan naman sa baril namin ay meron. Pero siguradong di maiiwasan na may makakuha ng aming atensiyon. Alam kong hindi madali ang gagawin naming ito.

Matapos naming makuha lahat ng kailangan namin naghanda na kami sa paglabas. Pero hindi namin inaasahan na makikita si Dad sa may sala kasama si Mom.

"Where do you think you're going?" may pagbabantang wika nito samin. Lahat kami ay napatigil. I know Dad will not allow us. But, not this time.

"Dad, we have to save Carl and her mom, nasa panganib sila" pagpapaliwanag ni Trixie na may halong pagmamakaawa.

"I told you not to interfere anymore." galit na sambit nito. Naglabasan naman ang mga alagad ni Dad at pinalibutan kami. Mukhang wala siyang balak na palabasin talaga kami.

"Dad, just this time. This is the least I can do for him. I promise after this, I'll follow all your order" pagmamakaawa ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinakinggan. Sinenyasan niya yung mga yung mga tauhan niya na kunin ang mga armas namin at ikulong.

Habang kinukuha ng mga tauhan niya ang mga gamit namin nakita ko pang humawak si Dad sa kaniyang noo at unti-unting bumagsak. Mabuti na lang at naalalayan siya ni Mom.

Nag-alala naman kami sa kondisyon niya baka kung ano na ang nangyari. Nakita ko naman ang glass of wine sa table na mukhang nilagyan ni Mom ng pampatulog.

"It's fine mga anak. Cornelius itigil niyo na yang ginagawa niyo. Hayaan niyo na silang makaalis. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa asawa ko." Mautoridad niyang utos sa mga tauhan. My mom has power to command dahil bahagi pa rin siya ng organisasyon. Tumingin siya samin ng may pag-aalala.

"Do what you have to. Save Carl and her mom. But, please be safe. Now go" utos niya saming magkakaibigan.

Lumapit naman si Trixie at niyakap siya at nagpasalamat.

Lumapit din ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"thank you Mom" sambit ko sa kaniya ng lubos na pasasalamat. I know it's hard for her to do this to Dad.

"Please be safe. Make sure to follow your Dad after this" sambit nito sakin at niyakap din ako ng mahigpit.

Isang van lang ang sinakyan namin. Medyo malayo ang Batangas pero sakto lang na gabi kami susugod.

Just wait for me babe. If you can't forgive me for what I've done to you. Let me save you this time and I will let you live and let you free for your happiness.

Follow✅

Vote⭐

Comment✉️

[text_hash] => 138da921
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...