Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Pagdating ng bahay mabilis din akong naligo ulit dahil pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko. Matapos nun ay nagsuot ako ng black pants, navy blue na polo at yung suot ko na sapatos kanina.
Busog pa naman ako sa mga kinain namin kanina kaya hindi na ako kumain muli. Nakita ko si Mama na abala sa pag lilinis. Hindi na din siya nagbukas ng karenderya bukas na lang daw.
"Ma, lakad na po ako..." paalam ko sa kaniya.
Tumigil naman siya sa pagwawalis at lumapit sa akin. Isang ngiti ang binigay niya sakin. Ganito talaga kami palaging nakangiti. Sinanay kasi namin ang aming sarili na maging positibo.
"Goodluck anak, kayang kaya mo yan. Alam kong ikaw ang makukuha" nakangiting sambit niya sakin.
"Salamat Ma" masaya kong sambit sa kaniya.
Mabuti na lang may napaka supportive akong Mama na kahit anong desisyon ko sinusuportahan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at kiniss sa cheeks.
"Mag iingat ka sa biyahe. Tawagan mo ako kung may problema" paalala nito sakin. Tumango naman ko at mabilis na lumabas ng bahay.
Medyo may kalayuan ang highway mula sa bahay kaya kelangan ko pang maglakad. May mangilan ngilan akong nakakasalubong na ngumingiti sakin. Syempre mabait naman ako kaya binabati ko sila habang may malaking ngiti sa aking mga labi.
Mababait naman talaga ang mga tao dito. Hindi nga lang talaga ako madalas lumalabas ng bahay dahil abala ako sa pagtulong kay Mama sa karenderya. May mga kilala din naman ako dito hindi nga lang ganun kadami pero kilala nila ako dahil kay Mama.
"Magandang umaga ijo. Mukhang may lakad ka ngayon ah" bati sakin ni Aleng Nena ng makasalubong ko siya habang bitbit ang kaniyang mga labada.
"Magandang umaga din po Aleng Nena. Pupunta po ako sa Luciano University, may exam po kasi kami ngayon eh" nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Ganun ba, goodluck sayo ijo. Kayang kaya mo yan" nakangiting wika nito sakin.
Hindi naman ganun katanda si Aleng Nina, nasa 40 pa lang siguro siya. Maya maya lang ay dumating ang anak nitong lalaki. Hindi ko alam ang pangalan niya pero sa tuwing nakikita ko siya bigla na lang itong namumula at umiiwas ng tingin sa tuwing nagtatama ang mata namin.
"Salamat po Aleng Nena. Mauuna na po ako sa inyo" sambit ko sa kaniya.
"Ano Jake. Hindi mo man lang ba babatiin si Carl? Diba lagi mo siyang tinatanong sakin?" sambit niya habang sinisiko ang anak.
Napansin ko na mas lalong namula ang mukha nung lalaki. Jake pala ang pangalan niya.
"Nay, naman. Akin na nga yang labahan niyo" inis na sambit nito sa nanay niya at mabilis na kinuha ang mga labada. Sumulyap pa ito sakin bago tuluyang umalis.
Kahit ang weird niya gumalaw ay hindi ko na lang ito pinansin.
"Pasensya ka na sa anak ko huh. Ewan ko ba diyan, panay ang tanong tungkol sayo tas pag kaharap ka para naman makahiya" kunot noong wika niya sakin habang nakapamewang. Natawa naman ako sa kaniya.
"Okay lang po yun. Sige po mauuna na po ako sa inyo" paalam ko sa kaniya.
"Sige ijo. Mag iingat ka" wika nito at umalis na.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa highway. Pansin ko ang mga grupo ng kabataan na nagtitinginan sakin. Pamilyar naman ang mga mukha nila. Alam kong mababait sila dahil sa tagal ko na dito hindi naman ako nabastos o napasok sa isang gulo.
Maya maya lang ay may dumaan ng bus at sumakay ako. Mabuti na lang at hindi ganun kapuno ang bus. Naupo ako malapit sa bintana.
---
Mga kalahating oras ang nakalipas ng mapansin kong malapit na ako sa unibersidad. Mabilis akong pumara at bumaba. Ang dala ko lang ngayon ay file case ko para hindi ganun kabigat.
Ngayon pa lang ako makakapasok sa school na ito dahil nagpasa lang ako ng requirements sa online. Dun din sila nag email ng schedule ng exam.
Nang nasa harap na ako ng school pansin ko ang kataasan ng kanilang pader. Ganun din kalawak ang kanilang gate. Hindi maipagkakaila na isang magandang paaralan ito.
Lumapit ako sa isang guard at nagtanong.
"good morning po. Applicant for scholarship po" nakangiting tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngiti sakin.
"Application form at applicant number" sambit nito. Kinuha ko naman ang application form ko at nakadikit dito yung applicant number.
Binigay ko ito sa kaniya at lumapit sa isa pang guard at chineck sa system nila kung applicant ba talaga ako.
"Verified" sagot nung isang guard. Tumango naman itong guard na nakausap ko.
"Check muna namin laman ng gamit mo. Mahigpit kasi ang security dito sa university kaya kung makapasok ka, dapat masanay ka na" paalala niya sakin.
"Wala pong problema" nakangiti kong sagot.
Binigay ko naman sa kaniya ang file case ko at binuksan niya ito. Application form, id, ballpen at lapis lang naman ang laman nun kaya hindi ganun katagal na chineck. Sunod naman ay may tinapat siya sakin na scanner. Wala naman tumunog kaya pinapasok na nila ako.
Tinuro nila na sa Engineering building ang exam. Marami din naman ako kasabay. Hindi naman na ako mag tataka dahil sa napaka gandang offer siguradong pag aagawan nila ang slot.
Pagpasok ko pa lang halos mapanganga ako dahil sa ganda ng school na ito. Ang unang building ay College of Education. Nasa 4th floor siya at nasa 30 rooms. Sumunod ako sa ibang applicant patungo sa examinatiom room. Mabuti na din ito para hindi ako maligaw kung sakaling makuha ako.
Medyo malayo layo ang nilakad namin pero hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sa ganda ng paligid. May mga pine trees akong nakikita na maayos ang pagkakacut. Ang mga buildings ay halos puro bubog. Sobrang linis din ng school nila. Siguradong hindi lang ako ang namangha sa ganda ng lugar na ito.
Nang makarating kami sa Engineering hall naabutan namin ang ilan sa mga applicant. Siguro nasa 100 kami na nandito. Naupo ako sa bakanteng upuan malapit sa unahan. Alam kong ayaw ng mga kabataan na maupo sa unahan. May mangilan ngilan ding mga estudyante dito, siguro mga seniors sila or bahagi ng officers.
Nang wala ng pumapasok na ibang applicant may pumuntang isang babae sa unahan. Hindi naman siya ganun katanda tingnan pero alam mo sa aura niya na strikto siya.
"Good afternoon, applicant for Luciano University Scholarship. We are happy to welcome you in this prestigious university. I know that you all knew that, one will be chosen among you. If you fail now, don't be sad. There might be bigger opportunity waiting for you. And to the lucky one, advance congratulations. You deserve all the benefits that this university will grant. ............" marami pa siyang mga sinabi.
Nakinig naman ako ng maayos dahil bawat instruction ay mahalaga. There will be 4 set of test, at 30 minutes per test. May 100 items ang bawat test kaya kailangan bilisan ang pag sagot. Sa bawat room ay 8 applicant lang at may 2 na bantay. Tama nga ako kasi mga seniors sila at officer ng student council.
Nang matapos ang reminders tiningnan ko kung anong room ako. "2nd floor Room 10". Medyo pabulong yung sinabi ko. Tiningnan ko yung sa katabi ko baka sakaling pareho kami pero hindi pala.
Palakad na sana ako ng may kumudlit sa likod ko. Agad naman akong napalingon at nakita ko ang isang lalaki na naka uniform pareho ng sa seniors.
"good morning po... bakit po?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Syempre kailangan ko maging nice para kung sakaling makapasok ako at least may kakilala na ako.
"I heard kasi na 2nd floor room 10 ka?" sambit nito sakin.
Well, to tell you the truth ang gwapo niya. Siguro nasa 6'3 ang height niya. Nakatingala nga ako habang nakatingin sa kaniya. Makapal ang kaniyang mga kilay at brown ang mata. Ang tangos ng ilong, maputi at sobrang bango.
Medyo na amaze lang ako sa mukha niya. Marami na din akong nakitang gwapo pero yung appeal niya iba. Ang harot ko ba? Natauhan ako ng bigla niyang ikaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Ano nga po ulit ang tinatanong niyo?" nahihiya kong tanong sa kaniya.
"I heard kasi na sa 2nd floor room 10 ka naka assign?" sambit nito at napangiti ng mapansin ang pamumula ko.
Ang ganda ng ngiti niya. Ang puti at pantay ang mga ngipin. Grabe para siyang isang model. Or model talaga siya hindi ko lang alam?
"Yes po dun nga po." Nahihiyang sagot ko sa kaniya pero nakarecover naman na ako mula sa pamumula.
"Doon din kasi ako naka assign. Kung gusto mo sumabay ka na sakin" nakangiti nitong sambit. Tumango naman ako sa kaniya.
Nauna siyang nag lakad habang nasa likuran niya lang ako nakasunod sa kaniya. Ang tangkad niya at naiiwan ang amoy niya. Hindi rin makaligtas sa mga kasama kong applicant na titigan siya. May mangilan ngilan pa sa kanilang nagbubulungan ang ilan naman ay tila kinikilig.
Napansin ko naman na bigla siyang huminto kaya napahinto din ako. Timingin siya sakin at ngumiti.
"You know what? Don't be shy. I'm Trev Alcantara. Incoming Senior and scholar of my batch" pakilala nito sakin at inilahad ang kaniyang kamay. Nagulat naman ako sa biglaang pagpapakilala niya.
"I'm Carl Madrigal" maikling pakilala ko sa kaniya. Napaka talino siguro niya kaya siya ang napiling scholar ng batch nila.
"Nice name. Just a small advice, don't pressure yourself." Nakangiting payo nito sakin.
Hindi ko alam kung anong vitamins niya dahil lagi siyang nakangiti pero nakaka gaan sa pakiramdam. Bukod pa dun napaka approachable niya. Kahit hindi niya ako kilala nilapitan niya pa din ako.
"Salamat" maiksing tugon ko sa kaniya habang sinusuklian ng isang matamis na ngiti mula sa aking labi.
Nagsimula na kaming maglakad at wala ng sumunod na usapan hanggang sa makarating kami sa 2nd floor room 10. Napakaganda ng mga classroom nila. Pansin ko lang na parang 20 chairs lang ang laman ng bawat room.
Pumasok na kami at as usual sa harap ako naupo. Andito na rin yung walo kong makakasama. Mukhang mga prepared sila dahil may mga bitbit pa silang reviewer. Nagreview din naman ako para sa exam na ito.
Pumunta na ang proctor sa unahan at bitbit niya ang mga testbooklet. Unang set ng test ay general knowledge. Pinamigay na niya ito sa bawat isa sa amin. Meron siyang alarm para sa oras ng exam.
Bago magsimula nakita ko si Trev na kasalukuyang nasa pinto ngayon at nakatingin sakin. Ngumiti siya sakin at nag thumbs up. Ngumiti din naman ako sa kaniya. Hindi ko akalain na bukod kay Mama ay may taong hindi ko lubos na kakilala na mag go-goodluck sakin.
Nagsimula na ang exam. Mabuti na lang at halos alam ko ang sagot sa mga tanong. Wala pang 30 minutes ay natapos ko na ito. Tiningnan ko isa isa ang aking mga sagot at siniguradong walang maiiwan na bakante. Machine kasi ang magche-check ng mga sagot namin kaya medyo maselan.
Matapos ang tatlumpong minuto ay tumunog na ang alarm sesyales na tapos na ang unang bahagi ng exam. May mangilan ngilan akong kasama na mabilis na sinagutan ang kanilang mga answer sheet.
Ang sunod na exam ay non-verbal at verbal reasoning, english comprehension at personality test. Medyo mahaba haba ang exam kahit na maantok dahil hapon pinilit ko ang sarili ko na labanan ito. Iniisip ko na lang na para sa kinabukasan namin ni Mama to.
---
Nang matapos ang exam ay nagpasalamat naman ang proctor dahil sa pagtry namin. May mga payo din siyang binigay kung sakaling hindi kami makapasa dito. Medyo mahirap yung exam pero alam kong marami akong nasagot ng tama.
Palabas na ako ng classroom ng tawagin ako ni Trev. Nakangiti na naman siya na parang normal na lang ito sa kaniya. Napatingin tuloy sa kaniya ang mga kasama kong applicant. Baka iba ang isipin nila sakin.
"Kamusta ang exam?" tanong niya sakin.
"Ayos naman. Medyo mahirap pero sana makapasa" alinlangan kong sagot sa kaniya.
"Alam mo. Ganiyan din ako noong una. Pero luckily nakuha ako dahil may tiwala ako sa sarili ko. You should learn to trust yourself. " masayang payo nito sakin. Nahawa na ata sa pag ngiti nito kaya pati ako napapangiti na din.
"Salamat ng marami. Kahit di mo ako kilala ang laki ng tulong mong advice sakin" masaya ko ding tugon sa kaniya.
"Walang anuman. Congrats in advance." Wika niya sakin.
"Salamat ulit. Mauuna na ako sayo baka kasi gabihin ako sa daan eh" paalam ko sa kaniya.
Napansin ko na may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at inabot niya sakin. Pagtingin ko isa pa lang calling card.
"Call me if you pass the exam para matulungan kita sa pag enroll mo. Sige mag iingat ka. See you soon." Nakangiting sambit nito.
"Maraming salamat talaga." Walang sawa kong pasasalamat sa kabutihan niyang ginawa.
Umalis na akong may ngiti sa aking mga labi dahil alam kong nagawa ko yung best ko para sa exam na ito. At syempre may nakilala akong isang mabuting tao.
Paglabas ko ng gate ng university tiningnan ko ang relo ko at sakto 5 na. Medyo mahirap makasakay ng bus dahil labasan na din sa trabaho. In short rush hour na. Medyo matagal akong naghintay ng sasakyan pero mabuti na lang mga bandang 6 nakasakay na ako kahit nakatayo lang.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => 0dcc9acf
)
What do you think?