Array
(
[text] =>
This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
"Anak, Carl, gumising ka......" may pag aalalang sigaw ni Mama sakin habang tinatapik ang magkabila kong pisngi. Nagising naman ako sa ginawa niya saakin.
Napabangon ako mabilis na niyakap si Mama. Nanginginig na naman ang mga katawan ko at patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Binabangongot na naman ako ng nakaraan.
Matagal na din akong hindi nakakaranas nito. Hindi ko alam kong bakit bigla na lang dumadalas si Papa sa panaginip ko.
Marahang hinaplos ni Mama ang likuran ko para pakalmahin ako sa pag iyak. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing makikita niya ako sa ganitong sitwasyon. Mga ilang minuto akong nakayakap sa kaniya bago ako kumalma.
Umalis ako sa pagkayakap at tumingin sa kaniya. Nakita ko na naman ang mga luha sa kaniyang mata. Hindi yun maikubli dahil sa namumula ang kaniyang mga mata dahil sa pag iyak.
"Napanaginipan mo na naman ba ang Papa mo?" malungkot na tanong niya sakin.
Tiningnan ko naman ang malungkot niyang mga mata at marahang tumango. 10 taon na rin ang nalakalipas simula ng mangyari ang trahedya sa aming pamilya. Pero ang mga ala-ala at sakit ay sariwa pa din saking puso't isipan.
Hindi ko pa din lubos maisip kong bakit nangyari to sa pamilya namin. Nanatili pa ding walang kasagutan sa nangyari kay Papa. Sobrang nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga ngiti ni Papa sakin bago siya mawala.
Habang lumalaki ako sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko siya naipag tanggol noon. Kung malaki na sana ako noon baka natulungan ko siya. Pero anong magagawa ko bilang isang paslit na bata.
"Umiiyak ka naman. Anak, wala kang kasalanan sa pagkawala ng Papa ko. Mahal na mahal niya tayo kaya mas sinigurado niya ang kaligtasan natin" sambit niya sakin at hinawakan ang aking kamay.
Pinunasan ko ang mga luha ko at napansin kong basang basa ang katawan ko. Marahil sa pawis, dahil sa tuwing binabangungot ako lagi akong nagkakaganito.
Humarap ako kay Mama at isang pilit na ngiti ang binigay ko. Ayaw kong makita si Mama na malungkot lalo na at siya na lang ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Gusto kong tuparin ang pangako ko kay Papa na iingatan at hindi ko pababayaan si Mama.
"Salamat Ma. Mahal na mahal ko po kayo ni Papa" nakangiti kong sambit sa kaniya at mahigpit ko siyang niyakap.
Alam kong sa ganitong paraan ko lang maaalis ang pag aalala niya sakin.
"Death Anniversary ng Papa mo ngayon kaya siguro dinalaw ka niya" wika sakin ni Mama.
Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko pero biglang nagsalitang muli si Mama.
"Oh, wag ka na malungkot. Hindi matutuwa ang Papa mo pag binisita natin siya na ganiyan ang mukha mo." Nakangiting sambit niya sakin. Kaya naman isang matamis na ngiti ang binigaay ko sa kaniya.
"Kamukhang kamukha mo talaga ang Papa mo. Pareho kayong pogi" wika nito sakin.
"Ma, ang aga mong mambola. Pareho ko naman kayong kamukha ni Papa eh" sagot ko naman sa kaniya.
"Oo naman syempre, maganda din naman kasi ako anak. Kaya nga mahal na mahal ako ng Papa ko eh" pagyayabang nito sakin.
Bakas sa mukha ni Mama na kinikilig pa siya habang nagkukwento.
"Alam ko yun Ma. Kaya nga binigay agad ako sa inyo ni Papa kahit na bata pa kayo" natatawa kong sagot sa kaniya. Natawa naman siya sinabi ko.
"Ang pogi kasi ng Papa mo nak, kaya sinuko ko na agad ang Bataan" namumulang wika nito.
Natawa naman ako sa kaniya. Kahit ilang beses na namin napag kwentuhan ang love story nila ni Papa hindi pa din ako nagsasawang kiligin at matuwa sa kanila.
"Okay lang yan Ma, kundi hindi mo agad sinuko yan. Hindi ka magkakaroon ng gwapong anak na katulad ko" pagmamayabang ko din sa kaniya.
Isang matamis na ngiti naman ang binitiwan siya sakin. Ang sarap sa pakiramdam na makitang nakangiti na ulit siya.
"Manang mana ka talaga sa Papa mo sa taas ng confidence. Sige na maligo ka na don at pupunta tayo sa sementeryo para dalawin ang Papa mo." Utos nito sakin.
Mabilis naman akong kumilos at kinuha ang towel sa drawer ko. Nagtungo ako ng banyo at ginawa ang aking ritwal sa umaga (ligo, toothbrush at pagdumi). Matapos nun ay nagbihis na ako white maong short, white polo at white rubber shoes.
Humarap ako sa salamin at bagay na bagay nga sakin ang ganitong suot dahil mas lalong lumalabas ang maputi kong kulay.
Bago ko makalimutan. Ako nga pala si "Carl Madrigal", 18 years old at incoming first year college. Mamayang tanghali may exam ako sa isang sikat na University dito sa Manila. Nag apply kasi ako sa scholarship kahit na alam kong isa lang ang pipiliin. Kahit na ganun kailangan kong sumugal at gawin yung best ko.
5'6 ang height ko, maputi at medyo singkit ang mata ko. May lahi kasing Chinese si Papa. Maputi din ang balat ko dahil nagmana naman ako kay Mama. Matangos din ang ilong ko at kissable lips. At marami na din nakapag sabi sakin na ang asset ko ay ang lips ko kasi natural light red siya.
Matapos kong mag ayos bumaba na ako at nakita ko si Mama na naghahandan ng pagkain. Siya naman ang maganda at pinakamamahal kong Mama. Si Mama Vida. Dahil sa maagang nabuntis si Mama mukhang dalaga pa din siyang tingnan. Makinis at maputi ang balat niya at medyo curly ang buhok.
Maliit na karenderya ang pinagkakakitaan ni Mama. Masarap kasi siyang magluto kaya yun ang naisipan niyang negosyo. Noong nawala si Papa nagulat kami kasi marami palang siyang ipon sa banko. Kaya yun ang ginamit ni Mama pang paaral sa akin sa high school noong nasa Cebu pa kami.
Lumipat kami nun ng tirahan at binenta ang aming lumang bahay. Nakakuha naman kami ng maliit na bahay sa isang munisipalidad na malayo sa city.
Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral hanggat saa makatapos ako ng high school. Samanatalang si Mama naman at nagtayo din ng maliit na pwesto ng karinderya at yun ang ginamit namin pang gastos. Tuwing nagigipit lang si Mama kumukuha sa pera na binigay ni Papa dahil sabi niya sakin para daw yun sa pag aaral ko ng kolehiyo.
Dahil sa mga pangako ko kay Papa nag aral ako ng maayos at sa kabutihang palad nakapag tapos ako ng valedictorian. Sinikap ko talagang makuha to para maging proud sakin si Papa at makuha ng scholarship sa kolehiyo.
Kaya naman kami napunta dito sa Manila dahil sa alok na scholarship. May mga kaklase din naman ako na gustong mag apply pero ng malaman nila na sa Manila ang exam hindi na sila tumuloy. Dahil nagandahan ako sa offer nila kinausap ko si Mama.
Nung una nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba o hindi pero ng makahalata si Mama na may gusto akong sabihin, sinabi ko na din sa kaniya ang totoo. Akala ko hindi siya papayag pero niyakap niya lang ako at sinabing susuportahan niya lahat ng pangarap ko.
Kaya matapos ng graduation pumunta na kami ng Manila. Sa tulong ng kapitbahay namin mabilis kaming nakakuha ng bahay kahit medyo may kalayuan sa unibersidad ay pwede na din. Binili kasi ni Mama yung house and lot para daw hindi na namin isipin ang bayarin buwan buwan.
Mababait naman ang mga kapitbahay namin. Kaya hindi nahirapan si Mama makapag tayo ng karenderya. Naging patok sa panlasa ng mga taga rito at ang ilan ay dinadayo pa ang luto niya. Tinutulungan ko naman si Mama dito. Binibiro pa nga niya ako na dahil daw sakin kaya bumabalik balik ang mga customer.
Natapos ang pag mumuni muni ko ng biglang magsalita si Mama.
"Nakatulala ka na naman. Anong iniisip mo?" tanong nito sakin.
Humarap naman ako sa kaniya at ngumiti.
"Iniisip ko lang Ma, na ikaw ang pinakamatatag na nanay sa mundo. Tingnan mo tayo ngayon, kahit hindi tayo sinanay ni Papa sa sobrang bibigat na gawain, nakatayo tayo sa sarili nating mga paa. Salamat Ma, napakaswerte ko" masayang sambit ko.
Nasilayan ko naman ang matamis niyang ngiti at lumapit sakin.
"Basta para sayo anak, lahat gagawin ko dahil responsibilidad ng magulang na ibigay ang pangangailangaan ng anak. Lagi naman akong nakasuporta sa mga desisyon mo at pangarap mo. Ganun ka namin kamahal ng Papa mo"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Damang dama ko yung pagmamahal niya sakin. Bilang ganito niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"I love you Ma." Masayang sambit ko sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita.... Sige na kain na tayo. Baka magtampo ang Papa mo dahil sa tagal natin" saad niya sakin.
Nagsimula kaming kumain at masayang nagkwentuhan. Nasabi ko na din kay Mama na mamayang tanghali ay may exam ako. Andami din sinabi ni Mama na pampalakas ng loob ko.
Matapos namin kumain inintay ko lang si Mama mag bihis at kami ay lumakad na. Isang sakay lang ng jeep papunta sa sementeryo. Kung nagtataka kayo kung bakit andito si Papa nakahimlay kasi pinacremate siya dati. Kaya kahit saan kami lumipat kasa kasama namin ang abo niya.
Nang makarating kami ng sementeryo may mangilan ngilang tao akong nakikita na dumadalas din sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Mabilis naman namin nakita ang puntod ni Papa. Naupo kami sa gilid nito at nilagay ang bulaklak na binili namin kanina. Nagtirik din kami ng kandila.
"Papa andito po kami ni Mama. Miss na miss ka na po namin pero alam kong masaya ka na diyan. Sana gabayan niyo kami lagi ni Mama" masayang bati ko dito.
Siya naman ang Papa ko, "Sandro Madrigal" isa siyang kilalang pulis. Mataas ang ranggo niya dahil sa magandang serbesyo niya. Madami siyang naresolbang kaso kaya mabilis siyang napromote. Naging isa din siyang private agent na nag iimbestiga sa malalaking krimen.
Sobrang masiyahin at mapagmahal niya samin ni Mama. Hindi siya nawawalan ng oras para sa amin. Lagi niya akong dinadala sa mga paborito kong palaruan. Madalas pa nga magselos si Mama dahil lagi daw akong nakadikit kay Papa.
Nang mamatay si Papa walang maayos na kasagutan ang binigay samin ng mga pulis. Sinabi nila na isang malaking "mafia" ang nasa likod ng krimen. Kaya simula noon, iwas ako sa mga tao. Hindi ako mahilig makisalamuha. Nagkatrauma din ako sa tuwing kukulog at kikidlat, madilim at masikip na lugar, at putok ng baril. Lahat ng yun iniiwasan ko dahil hindi ko mapigilan maala-ala ang nakaraan ko.
Natigil lang ako sa pag iisip ng marinig ko naman ang boses ni Mama.
"Sandro, mahal, miss ka na namin. Pero alam kong masaya ka sa kalagayan namin ngayon. Huwag kang mag alala dahil inaalagaan ko ng mabuti ang anak natin. Kamukhang kamukha mo na nga siya eh." Natatang sambit ni Mama.
Napangiti naman ako dahil sa tagal ng wala ni Papa hindi man lang nagawa ni Mama na ipagpalit si Papa. Andami din nanligaw kay Mama pero lahat yun binasted niya dahil ayaw niyang may kaagaw siya sa oras para saakin. Kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya.
"Papa, exam ko po mamaya. Sana gabayan niyo ako para masagutan ko ng tama ang mga tanong. Sana mapili nila ako. Pangarap ko talaga maging Engineer para maipatayo ko na ang bahay na pangarap niyo ni Mama" masayang sambit ko.
Napangiti naman si Mama sa sinabi ko.
"Alam ng Papa mo na kayang kaya mo yun anak. Sobrang proud kami sayo." Tugon niya.
Sobrang pasalamat ko pa din sa Diyos dahil may napaka mapag mahal akong magulang. Pinalaki nila akong maayos at puno sa pagmamahal.
Nagtahan muna kami ni Mama dito saglit. May mga dala din kaming pagkain parang bonding na din namin. Habang nagkukuwentuhan kami ni Mama may nakita akong matangkad na lalaki. Nakashade siya kaya hindi ko masyadong makita ang hitsura niya. Pero maputi siya at mukhang gwapo.
Lumapit siya sa isang puntod di kalayuan samin. Pinagmasdan ko siya habang nilalagay ang bulaklak. Hindi ko man naririnig pero alam kong umiiyak siya dahil nakikita ko ang mga luha sa pisngi niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniyang sitwasyon.
"Maswerte pa din ako Ma, kasi kasama kita na binibisita si Papa." Sambit ko kay Mama na alam kong nakatingin din sa lalaking tinitingnan ko.
"Oo nga anak, alam kong mahirap ang sitwasyon niya ngayon. Napag daanan na natin yan. Pero mas mahirap harapin ang lungkot ng mag isa" sagot niya sakin.
Hindi naman na ako sumagot sa sinabi niya. Nag simula na siyang magligpit ng aming mga gamit habang ako pinagmamasdan ko pa din yung lalaki.
Maya maya lang ay napatingin siya sa direksiyon ko. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Isang matamis na ngiti naman ang binigay ko sa kaniya. Hindi ko man siya kilala sa personal pero sana sa ngiti ko mahawa siya sa pagiging positibo ko.
"Halika ka na Carl" tawag sakin ni Mama. Tumingin naman ako kay Mama at kinuha ko ang dala niyang basket.
Pag tingin ko sa pwesto nung lalaki nakita ko itong wala na rito. Napansin kong paalis na siya. Umalis na din naman kami ni Mama at umuwi sa bahay.
Follow, Vote and Comment:)
[text_hash] => eb432425
)
What do you think?