Chapter 1: Prologue

Array
(
[text] =>

This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment

For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.

________________________________________________________________________________

Isang malakas na kulog kasunod ang matalas na kidlat ang nagliwanag sa kalangitan ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog. Naupo ako ako sa aking kama at kinusot ang aking mata dahil sa may kalabuan pa ang aking nakikita.

Maya maya lang ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Agad akong pumatong sa silya na malapit sa bintana upang makita ang labas ng aming bahay. Masyado pa kasi akong maliit kaya hindi ko matanaw ang labas ng bahay kong hindi ako gagamit ng silya.

Mula dito sa bintana at tanaw ko ang mangilan ngilang sasakyan na dumadaan. Pero ang mas nakakuha ng atensiyon ko ay ng dumating ang tatlong itim na kotse at tumigil sa harap ng aming bahay. Lumabas ang maraming lalaki na nakasuot ng itim na damit.

Pinagmasdan ko lang ang kanilang kilos ng biglang may kumatok sa pinto. Dahil sa lakas ng katok, nagulat ako at nalaglag sa silya. Napadaing ako dahil sa sakit ng aking likuran. Patuloy pa din ang katok sa pinto. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Anak, Carl, buksan mo ang pinto. Mama mo to" tawag niya mula sa labas. Hindi ko mawari pero parang natataranta siya at basag ang boses. Ngayon lang naging ganito si Mama sa pagkatok sa aking pintuan dahil malumanay at malambing siya tuwing may kailangan sakin.

Kahit masakit ang aking likuran, tumayo ako at paika-ikang naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko naman ito at nakita ko nga si Mama sa aking harap. Tumingala ako at nakita ko siyang pinupunasan ang mga luha niya.

"Mama bakit po kayo umiiyak?" takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako umiiyak anak, napuwing lang ako." Sambit niya sakin at ngumiti. Lumuhod siya sa harap ko at inayos ang buhok ko. "May pupuntahan muna tayo anak." Pahabol nito sakin.

Bilang isang bata at matanong, tinanong ko siya kong bakit kami aalis ng bahay gayong ang lakas ng ulan at kidlat sa labas.

"Pero Mama ang lakas po ng ulan sa labas. Baka po tayo pagilatan ni Papa, alam mo naman po na ayaw niya na nagkakasakit tayo" wika ko sa kaniya.

Nakita ko naman na napaiwas siya ng tingin saglit at unti-unti ko na naman nakita ang mga luha niya na naglalakbay sa kaniyang mga pisngi. Humarap siya sakin at ngumiti.

"Nasa baba na ang Papa mo at nakapag paalam na ako. Halika ka na anak" sambit nito sakin.

Kahit nagtataka sumama naman ako sa kaniya papunta sa unang palapag ng aming bahay. Pagbaba namin nakita ko ang isang bag. Naabutan ko din na nakasilip si Papa sa bintana at tila may tinitingnan. Hindi lang siya sa isang bintana tumitingin kundi palipat lipat siya.

Patay na din ang mga ilaw dahil habang pababa pa lang kami ni Mama ng mawalan ng kuryente. Ang ilaw na lang mula sa street light ang nagbibigay liwanag sa amin. Lumapit si Papa samin at hinawakan ang kamay namin ni Mama.

"Nakapalibot na sila sa ating bahay. Hindi na kayo makakaalis. Sa basement na lang kayo magtago." Sambit niya kay Mama.

"Papa ano po ba ang nangyayari?" inosente kong tanong sa kaniya.

Nagkatinginan naman sila ni Mama na ngayon ay patuloy pa din sa pag iyak. Lumuhod si Papa sa harap ko at malumanay na hinawakan ang pisngi ko.

"Kahit anong mangyari, aalagaan mo ang Mama mo. Maging matapang at matatag ka. Mahal na mahal kayo ni Papa" sambit niya at nakita ako din ang masaganang luha na naglalakbay papunta sa kaniyang mga pisngi.

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi niya. Bakit ba umiiyak ang mga magulang ko?

"Bakit kayo umiiyak ni Mama, Papa?" tanong ko sa kaniya at naiyak na din. Naiiyak ako dahil pakiramdam ko may nang away sa kanila.

"Umiiyak si Papa kasi, mahal na mahal kita anak...... sobrang mahal na mahal ko kayo ng Mama mo" at isang matamis na ngiti ang binitawan niya sakin pero mas lalong dumaloy ang mga luha sa mga mata niya.

"Mahal na mahal ko din po kayo Papa. Kayo ang the best Papa ko" masayang sambit ko sa kaniya. Pinunasan naman niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo.

Habang nasa ganon kaming sitwasyon bigla kaming nakarinig ng malakas na katok mula sa pintuan. Napatingin kaming lahat dito dahil halos sirain na ang pinto.

Tumayo si Papa at lumapit kay Mama.

"Sa basement kayo magtago. Kahit anong mangyari huwag na huwag kayong gagawa ng ingay. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Ingatan mo ang anak natin at sarili mo." Sambit ni Papa kay Mama. Humagolhol na sa iyak si Mama sa mga sinabi ni Papa.

Matapos niyang kausapin si Mama ay lumuhod muli si Papa sa harap ko.

"Maglalaro muna tayo hide and seek anak. Sasama mo sa basement, at kahit anong mangyari huwag na huwag kang mag iingay anak." Sambit niya sakin at nakita ko ang mga luha sa mga mata niya habang nakangiti sakin.

"Sige na. Lakad na kayo ng Mama ko. Magbibilang na ako" utos ni Papa sakin.

Dahil sa tuwa ko mabilis kong hinila si Mama pero isang matamis na halik ang pinakawalan nila sa isa't isa bago tuluyan kong mailayo si Mama kay Papa. Binuksan ni Mama ang pinto papuntang basement at mabilis na pinapasok ako. Sumunod din naman siya sakin.

Nang makapasok na kami ni Mama sinara na ito ni Papa. Madilim sa loob ng basement dahil brownout. Naupo kami ni Mama sa isang sulok. Habang nakaupo kami naririnig ko pa din ang hagulhol ni Mama at mahigpit niya akong niyakap.

"Bakit ka umiiyak Mama? Naglalaro lang naman tayo nina Papa" takang tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Maya maya lang ay nakarinig kami ng kalabog sa taas. Napatigil si Mama sa pag iyak. Narinig namin na parang may nasirang bagay na natumba at sunod sunod na yapak ng sapatos ang aming naririnig.

"Kamusta na Sandro? Matagal tagal mo din akong pinahirapan at sa wakas ay nagkaharap na din tayo" sambit ng lalaki. Hindi ganun kalakas ang dating ng boses niya dito pero sapat na para marinig ko ang usapan nila.

"Anong kailangan niyo sakin?" rinig kong sagot ni Papa.

"Nagtatanong ka pa? Akala ko pa naman ikaw na ang pinakamagaling na agent sa hanay niyo, pero mukhang hindi pala." Natatawang sambit nung lalaki.

Kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha niya parang nakaramdam ako ng takot.

Matapos magsalita ng lalaki, isang katahimikan ang nangyari. Pero bigla akong niyakap ni Mama at nilagay ang kamay sa aking bibig. Nakarinig kami ng mga yapak ng sapatos palapit sa maliit na pintuan ng basement.

Pero bago pa tuluyang makalapit ito sa harap ng pinto. Bigla na lang kaming nakarinig ng putok ng baril. Gusto kong sumigaw dahil sa takot at pagkagulat pero biglang hinigpitan ni Mama ang takip sa aking bibig.

Mga luha na lang sa aking mata ang tuluyang umagos dahil sa takot na nararamdaman ko. Nanginginig na din ang katawan ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ang isang putok ay nasundan pa ng maraming putok. Hindi ko mabilang kong ilang beses akong nakarinig ng putok ng baril at sa bawat putok, pahigpit ng pahigpit ang pagtakip ni Mama sa aking bibig.

Maya maya pa ay nakarinig akong muli ng boses pero sa ibang tao na.

"Hayop ka Sandro. Pinahirapan mo pa kami. Ngayon wala ng balakid sa mga plano namin." Galit na sambit ng lalaki.

"Hello boss King, wala na si Richard, napatay siya ni Sandro. Pero ang magandang balita, patay na din si Sandro" masayang sambit ng lalaki sa kausap niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang masayang mukha ni Papa ang lumalabas na imahe sa utak ko. Patuloy pa din ang pagdaloy ng mga luha ko. Alam kong ganun din si Mama dahil nararamdaman ko ang pagpipigil niya ng ingay mula sa pag iyak niya.

"Tara na" matigas na utos ng lalaki. Nagsimula na naman kaming makarinig ng yapak ng sapatos palabas ng bahay. Ilang sandali pa ay narinig namin ang mga makina ng kotse na mabilis na umalis.

Tinayo ako ni Mama at dahan dahan binuksan ang maliit na pinto dito sa basement. At nang tuluyan na kaming makalabas ng basement isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan.

"PA.....PAAAAAAAA........" humahagolhol ako sa iyak ng makita ko ang duguan niyang katawan na naka handusay sa sahig at maraming dugo sa kaniyang katawan.

"SAN...DROOOOOOO...." Malakas din na sigaw ni Mama ng makita niya ang kalunos lunos na sinapit ni Papa. Lumapit kami sa katawan ni Papa na walang buhay.

"Pa....paaaaa... gumising ka na diyan..... PAPAAAAA...." Patuloy na pagtawag ko sa kaniya habang hawak hawak ang malamig niyang kamay.

"Maglalaro lang tayo diba Papaaaa? Bakit po di na kayo gumagalaw.......?" Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maisip na ang masayang ngiti ni Papa kanina ang huling ngiti na masisilayan ko.

"Mamaaaaa..... gisingin niyo po si Papaaaaa......" umiiyak na pag susumamo ko sa kaniya. Nang tingnan ko siya nakita ko ang masaganang luha sa kaniyang mga pisngi at puno ng sakit at kalungkutan ang kaniyang mga mata.

Hindi siya sumagot sa tanong sa halip ay lumapit siya sa pwesto ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Wala na ang Papa mo anak. Iniwan na niya tayo...." Umiiyak na sambit niya sakin.

Nang marinig ko ang mga salita ni Mama sobrang nanikip ang dibdib ko at nanginginig ang katawan ko. Pakiramdam ko na parang umiikot ang paligid ko. Bago pa magdilim ang paligid ko narinig ko pa ang pagdating ng mga pulis at ambulansiya.

Follow, Vote and Comment:)

[text_hash] => 63177b8b
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...