Chapter 13: Chapter 12

Array
(
[text] =>

CARL POV

Kalagitnaan na ng party at andito pa din ako sa table nila. Patuloy pa din ang mga estudyante sa pag inom. Ngayon ko nga lang nalaman na allowed pala to, samin kasi sa probinsiya bawal.

Hindi naman ganun kaboring dahil ang daming chika at joke ni Madam Nate tungkol sa kanila ni Topher. Matagal na pala silang magkarelasyon, mga 2 years na.

"May naging karelasyon ka na ba Carl?" Biglang tanong ni Madam Nate. Napatingin tuloy silang lahat sakin.

"Wala pa eh" nahihiyang sagot ko sa kaniya.

"Sabi na nga eh. Hindi talaga nagkakamali ang aking mga hula. Pero for sure may nagugustuhan ka naman." Natatawa pa nitong wika.

"Meron naman pero siguro crush lang. Wala pa talaga akong plano pumasok sa isang relasyon" sagot ko naman sa kaniya ng medyo nahihiya.

"At sino naman yang maswerteng tao na yan? Is it a boy or a girl?" tanong naman ni Trixie.

"Sorry beshiee pero hindi ko kasi alam kong ano ang preference mo" habol pa niya. Natawa naman ako.

"Okay lang naman sakin. Ang totoo it's a guy" nahihiya kong sagot sa kanila. Ngayon lang ako naging makwento pag dating sa mga ganitong usapin. Siguro dahil nasanay na ako sa kanila.

"Really? Taga dito ba sa university natin?" gulat na tanong ni Trixie. Tumango naman ako bilang pag sang ayon.

Nakita ko naman yung gulat sa kanilang mga reaksyon pero napangiti din naman sila. Tiningnan ko si Xander na mabilis ininom yung tequila niya at biglang tumayo.

Napatingin kaming lahat sa kaniya kasi padabog siyang tumayo.

"C.r lang ako" seryoso nitong sambit at tumingin pa saglit sakin bago maglakad palayo.

"Anyare dun?" tanong ni Chino. Nagkibit balikat naman kami dahil di rin namin alam ang nangyari. Napatingin naman kami kay Trev na tumatawa ngayon.

"Hayaan niyo na. Baka may pinag dadaanan lang." sambit niya at uminom ng alak.

Siguro nga crush ko lang siya. Crush is paghanga lang naman diba? And if you're going to ask kung ano yung nagustuhan ko sa kaniya is kahit na medyo masungit siyang tingnan may mabuti siyang kalooban tulad nung sinagip niya ako. Siguro ayaw niya lang ipakita sa iba.

"By the way Carl, be ready kasi ngayon pa lang magsisimula ang welcome party." Sambit sakin ni Trixie na pinagtaka ko.

Kanina pa nag iinuman ang mga estudyante at halos anong oras na. Ano kayang meron?

Biglang tumayo si Trev at pumunta sa unahan. Kinuja niya yung mic at nagsalita.

"Good evening everyone, welcome to the party. To all the freshmen, we have tradition in welcoming new students here. But first let me invite here the president of your batch." Sambit nito.

Lahat syempre ay napatigil sa pag inom at binigay ang atensyon sa unahan. Tumayo naman ako at pumunta sa unahan.

"Our tradition is to welcome the freshmen through a shot of tequila to be led by the president and it's you Carl." Sambit ni Trev.

May lumapit na crew at may hawak na dalawang shot glass. Hindi ako nainform na ganito. Mahina pa naman ang alcoholic tolerance ko. Pero dahil andito na to siguro pwede kong itry kahit ngayon lang.

"Let us cheers for our new students that from now on, we consider as friend and family in this university.... Cheers!!!!" malakas na wika ni Trev at inabot sakin ang baso. Nag cheers kami at ininom ang alak.

Hindi ko maipalwanang ang lasa sa sobrang sama. Napapikit pa ako dahil ngayon lang ako nakalasa nito. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

"Now. Enjoy the night and drink responsibly. Thank you" sambit ni Trev at hinawakan yung braso ko at inalalayan pababa pero napansin niya ata na humahawak ako sa mga nadadaan ko.

Yung totoo nahihilo ako. Hindi naman sobra pero yun ang nararamdaman ko.

"Okay ka lang ba?" alalang tanong niya sakin. Ayaw ko naman siyang pag alalahanin kaya tumango ako.

Bumalik na kami sa aming table at nag patuloy silang uminom. Mukhang hindi naman sila tinatablan ng pagkalasing. Maya maya lang ay nagbago na ang tugtog.

May mga estudyanteng nagsipuntahan na sa gitna at sumayaw. Nakakaindak naman talaga yung tugtog.

"This is my favorite part. Let's dance" masayang sambit ni Madam Nate at tumayo ito. Hinila niya si Topher at kahit mukhang napipilitan ay sumama na din. Sumunod din nama agad si Chino.

"Ikaw Carl? Gusto mo sumayaw?" tanong sakin ni Trev.

"Sige lang go na kayo. Okay lang ako. Intayin ko na lang kayo" nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Sure ka beshiee? Minsan lang to." Pagpilit sakin ni Trixie.

"Okay lang ako. Hindi rin naman ako mahilig sumayaw" pagtanggi ko sa kaniya. Tumango naman siya.

Umalis na sila at pumunta sa gitna. Masaya naman akong pagmasdan sila mula dito sa pwesto ko. Medyo wild sumayaw si Madam Nate. Nakabilog silang mag kakaibigan at isa isang sumasayaw sa gitna.

Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako sa C.R. May mga kasabay akong ilang mga lalaki pero mas pinili ko sa cubicle. Siguro hindi lang ako sanay na may kasabay.

Pagtapos ko hindi muna ako dumiretso sa table namin dahil gusto ko munang magpahangin. Mas nahihilo kasi ako sa mga nakikita ko at siguro dahil na din dun sa ininom ko.

Paglabas ko may mangilan ngilan sa mga estudyante ang nandito. Pumunta ako sa isang pine tree na may bench sa ilalim. Naupo ako nirelax ang aking katawan. Napahawak pa ako sa aking sintido dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. Pinikit ko sandali ang aking mata para magpahinga.

Mga ilang minuto ang lumipas ng makaramdam akong may tao sa harap ko. Sumimoy ang hangin at alam ko na agaf kong sino ang nasa harap ko. Napamulat agad ako at pinagmasdan ang postura ng lalaking nasa harap ko.

"Are you okay?" tanong nito sakin. Kahit wala siyang pinapakitang emosyon nakaramdam ako ng pag aalala sa boses niya.

"Yeah. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko naman sa kaniya. This time parang normal ko lang siyang kausapin. I don't know pero parang hindi ako nakaramdam ng hiya.

"Alam kong hindi ka okay." Wika nito sakin. Napaka husky ng boses niya which suits him well.

"medyo nahihilo lang ako." Pag amin ko sa kaniya.

Lumapit siya sakin at nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin. Napaatras ako ng konte dahil sa pagkabigla.

"Bakit ka uminom kung hindi mo naman pala kaya?" tanong niyang muli.

"Yun daw ang tradition eh. Alangan naman maging kj ako." Paliwanag ko naman.

"Bakit di ka nagsabi na hindi ka umiinom... ng mapalitan ko sana yung gagawin" di ko alam pero parang naiinis siya.

"Bakit ka nagagalit?" takang tanong ko sa kaniya.

Natahimik naman siya at bumuntong hininga.

"Look... kapag nalaman ng Mama mo na uminom ka baka mapagalitan ako." Sabi nito na kinataka ko.

"At bakit naman sayo magagalit si Mama? Kilala ka ba niya?" tanong ko sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin saglit pero tiningnan niya akong muli.

"I mean kapag nalaman ng Mama mo na uminom ka baka magreklamo siya." Paliwanag nito sakin. Napatango naman ako.

"Don't worry ipapaliwanag ko na lang sa kaniya. Tsaka isang shot lang naman yun." Wika ko sa kaniya.

"Gusto mo ba ihatid na lang kita?" Alok nito sakin.

"Hindi na kailangan. Nakakahiya naman maabala pa kita. Tsaka bakit ka ba nandito sa labas? Diba dapat nag eenjoy ka?" sambit ko sa kaniya.

Naupo naman siya sa tabi ko kaya nag adjust ako. Medyo may kaliitan kasi itong bench.

"Gusto ko lang magpahangin at hindi rin ako mahilig sa party. This is like wasting my time." Sagot naman niya sakin.

Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin sa malayo. Ngayon malaya kong natitigan ang kaniyang maamong mukha na malayo sa mabangis at seryoso na karaniwan kong nakikita.

"Then why are you here?" tanong ko sa kaniya.

"because I found someone important here" sagot niya sakin at diretso akong tiningnan aking mga mata at ngayon ko lang nasilayan ang munting ngiti sa kaniyang mga labi.

Pero bakit parang nakaramdam ako ng sakit? Napaka swerte naman ng taong yun kasi kaya siyang pangitiin. Binaling ko ang aking tingin at tumingin sa malayo para hindi niya mapansin ang kalungkotan ko.

" Napaka swerte niya kasi kaya ka niyang pangitiin." Masaya kong sambit kahit na nakakaramdam ako ng sakit.

"No... ako ang swerte kasi masaya akong kasama siya. Kung alam lang niya yun sana masaya siya kaso may iba atang nag papangiti sa kaniya" sagot nito sakin.

Pareho pala kami. May nagpapasaya na pala sa kaniyang iba. Hindi naman ako umaasa kasi alam kong straight siya at ayaw ko din naman masaktan na makita siyang masaya sa piling ng iba.

"Bakit hindi mo subukang ligawan. Malay mo may pagtingin din naman pala siya sayo." Pagbibigay payo ko sa kaniya.

"Sana nga ganun kadali, pero salamat." Wika niya sakin.

Bakit parang kahit hindi pa ako umaamin feeling ko basted na agad ako? Crush ko lang naman siya pero bakit ganun ang nararamdaman ko? Crush pa ba ang tawag sa nararamdaman ko.

"Siguro kailangan ko ng umuwi. Medyo late na din kasi." Paalam ko sa kanya.

"Nasan na yung mga kasama mo kanina?" tanong niya.

"nasa loob pa ata. Baka mamaya pa sila, kaya itetext ko na lang para hindi na sila maabala. Mag co-commute na lang ako." Sagot ko naman sa kaniya.

"Medyo malalim na ang gabi at delikadonsa daan ihahatid na lang total malapit lang naman ako sa inyo" alok sakin nito na kinagulat ko.

"Alam mo kung saan ako nakatira?" takang tanong ko sa kaniya.

Umiwas naman siya ng tingin at natahimik sandali.

"Uhmmm.. oo nakwento kasi sakin ni Trixie.. tama yun nga" sagot nito sakin sabay balik ng tingin sakin.

Nakwento ko na ba kay Trixie kung saan ako nakatira? Siguro nga pero hindi ko na maalala.

"Huwag na nakakahiya naman sayo tsaka baka hanapin ka ng mga kaibigan mo." Pagtanggi ko sa alok niya.

"Okay lang sa kanila yun. Alam naman nila na hindi ako mahilig sa party" sagot naman nito sakin. Mukhang wala din naman akong choice. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil sa pagiging concern niya.

Pumunta kami sa parking lot at huminto sa isang magandang puting kotse.

FOLLOE, VOTE AND COMMENT GUYS:)

[text_hash] => 1b1b73a5
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...