Array
(
[text] =>
CARL POV
Habang nasa biyahe kami walang nagsasalita sa amin at tanging tunog lang ng musika ang namumutawi saa loob ng sasakyan. Napaka komportable sa kaniyang sasakyan, hindi ganun kalamig at maganda rin pagmasdan ang mga nakakasabay naming mga sasakyan.
Habang nakatingin sa labas bigla na lang akong nakaramdam ng saya. Hindi ko akalain na darating ako sa tagpong ganito na magkakasama kaming dalawa sa iisang sasakyan.
Magkaiba kami ng ugali at ang alam ko na suplado at seryosong lalaking tulad niya ay may maamo din palang katangian na talagang nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko tuloy maiwasan siya'y sulyapan.
Napaka amo ng kaniyang mga mukha at bawat detalye nito ay malinaw kong nakikita. Ngunit ang pagmumuni muni ko ay nawala ng bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sakin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Ngayon ko lang napansin na nakatigil pala kami. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hiya.
"Wala naman, ang ganda kasi ng sasakyan mo.... Tama.. yun nga" nauutal kong paliwanag sa kaniya. Tumango naman siya sa sinabi ko pero bakas sa mukha niya na hindi siya kumbinsido.
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at tinuon ang atensiyon sa pagdadrive. Nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin na lang muli sa labas.
-------
Nakaramdam ako na parang may nakatitig sakin. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang aking paligid. Nakita ko naman si Xander na nasa tabi.
"Lord kung panaginip to wag niyo po muna akong gisingin" wika ko.
Pero nagising akong tuluyan dahil naalala ko na nakasakay nga pala talaga ako sa kaniyang sasakyan. Nakatulog na pala ako sa biyahe.
"Mukhang maganda ang panaginip mo kaya hindi kita ginising" sambit nito sakin na tila gustong matawa sa reaksyon ko.
Sobrang nakakahiya baka ang pangit ng hitsura ko habang tulog o kaya ay may tumulong laway sakin. Kaya agad kong kinapa ang gilid ng aking labi, mabuti na lang at mukhang wala naman.
"Pasensya na kung nakatulog ako naghintay ka pa tuloy ng matagal." Sagot ko sa kaniya
Tiningnan ko naman ang labas at mukhang andito na ako samin dahil tanaw ko na ang daan patungo saming bahay.
"Dito na nga pala ako. Maraming salamat sa paghatid sakin. " saad ko sa kaniya
"Sige ihahatid na kita sa tapat ng bahay niyo masyado ng malalim ang gabi." Wika nito at pinatay ang makina ng kotse.
"Naku, nakakahiya na. Sobra sobra na yung abala na naibigay ko sayo. Tsaka diyan lang naman ang bahay namin." Sagot ko sa kaniya sabay turo sa daan.
"I insist. Ayaw ko rin naman na may mangyaring masama sayo. Hayaan mo na ako kesa mag isip pa ako kung ligtas kang nakauwi." Seryoso nitong sambit.
Hindi ko alam pero napatango na lang ako sa kaniya at ayaw ng makipag talo. Ito ba ang katangian ng mga Luciano ang mapapasunod ka na lang at hindi na makikipagtalo.
Bumaba na ako ng kotse bago pa niya ako pag buksan ng pinto. Dahil nasa kabilang kalsada pa ang daan papuntang bahay nag hintay muna kami sa mga sasakyang dumadaan.
Nang medyo malayo pa ang kasunod na sasakyan bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko. Nakaramdam ako ng kakaiba na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano tong nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan? Bakit parang naging slow mo ang bawat paglakad namin? Mga ilang segundo ng pagtawid namin ay tila minuto para sakin.
Nang makatawid kami hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko at patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay.
Yung puso ko patuloy pa din sa mabilis na pagtibok na tila gustong lumabas. Nanatiling tahimik ang paligid naming dalawa. Nakatingin lang ako sa kamay namin pareho.
"Siguro ito na yung bahay niyo. Mauuna na ako sayo." Pagbasag niya sa katahimikan.
Nabalik naman ako sa katinuan at bumitaw sa kamay niya. Tumingin ako sa mukha niya na may munting ngiti sa kaniyang labi.
"Maraming salamat sa paghatid mo sakin. Promise babawi ako sa sunod" nakangiti kong sambit sa kaniya.
Nakakatuwang titigan ang kaniyang mga ngiti na mas lalong nakakadagdag sa kagwapuhan niya.
"Sige na pasok ka na medyo malamig na din. Good night" paalam nito sakin.
Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumalikod na ako at papasok na sana ng bahay ng maisipan kong lingunin siya. Akala ko umalis na siya pero nakatayo pa rin siya dun.
"Mag iingat ka pag uwi. Salamat ulit. See you tomorrow" huling wika ko sa kaniya at muli ko naman nasilayan ang mumunting ngiti sa kaniyang labi kasabay ng kaniyang pagsang ayon.
Tuluyan na akong pumasok ng bahay at nilock ang mga pinto. Bukas pa ang ilaw sa kusina pero alam kong tulog na si Mama.
Mag aalas-dose na rin pala. Ngayon ko naman naramdaman ang pagod ngayong araw at gusto ko ng matulog. Medyo busog din naman ako.
Pumunta ako sa kwarto ni Mama para masigurado na tulog na siya bago dumiretso sa aking kwarto. Nagpalit lang ako ng pajama at sando at tuluyan ng humiga sa aking kama.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng maalala ko na naman ang paghawak niya sa aking kamay kanina. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at inamoy ko yung kamay ko. Naiwan ang amoy niya na gustong gusto ko at nakakadagdag sa nararamdaman kong kilig?
Kilig ba yung tawag sa nararamdamang kong ito? Bakit ganito kasarap sa pakiramdam?
Pinikit ko na ng tuluyan ang aking mata at nagpatuloy ang sayang nararamdaman ko sa aking panaginip.
---
Kinabukasan maaga akong nagising since walang pasok ngayon tutulong ako sa aming karenderya. Agad akong naligo at nagpalit bago bumaba ng kusina.
Pinagmasdan ko ang aking sarili salamin at ngumiti.
Pagbaba ko nakita ko si Mama at Aleng Nena na abala sa pag luluto.
"Good morning Ma at sa inyo rin po Aleng Nena" masayang bati ko sa kanila.
Napatingin naman sila sa aking na tila nagtataka. Pero bumalik din naman agad sila sa kanilang ginagawa.
"Morning nak, pasensya ka na hindi na kita nahintay kagabi. Pero mukhang maganda ang gising mo ngayon ahh. Anong nangyari?" interisadong tanong ni Mama.
"Ayos lang naman Ma. Masaya naman po yung party" sagot ko dito pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Sige mamaya kita chichikahin, dun ka muna sa labas dahil marami ng customer" utos nito sakin. Tumango naman ako at lumabas na.
Marami na nga ang mga customer at karamihan ay mga construction worker dun sa ginagawang building dito sa malapit samin.
"Morning Jake" bati ko dito sa anak ni Aleng Nena. Napatingin naman siya sakin pero di ko alam kong bakit di siya nag sasalita.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sa kaniya.
"Wala .....naman...." Sagot nito sakin at nag iwas agad ng tingin.
"Totoy pa-order half-half" sabi ni kuya. Ito ang paboritong order ng mga tao dito. Yung pansit na may diniguan at kanin. Bukod sa mura masarap din kasi talaga.
"Sige po kuya, dalhin ko na lang po dun" nakangiti kong sagot.
------
Sa buong umaga sobrang busy namin dito sa bahay dahil maraming customer. Pero ngayon since nasa trabaho na karamihan konte na lang ang customer kaya inutusan muna ako ni Mama pumunta ng palengke para bumili ng karneng baboy. Malapit lang naman yun dito.
Matapos kong mamili napadaan ako dito sa ginagawang building. Malapit na rin naman siyang matapos. Mukhang hotel to base sa hitsura niya.
Sa may entrance napansin ko ang familiar na postura. At nang mapatingin siya sa direksyon ko bakas sa kaniya ang gulat. Kasama niya ang kaniyang Dad at Mom.
"Beshieee" sigaw nito at lumapit sakin.
"Sa inyo ba yang building na yan?" tanong ko sa kaniya
"Yup. Branch to ng hotel namin. Hindi ko alam na tagarito ka pala." Gulat na sambit nito.
"Oo. Diyan lang kami sa may banda diyan" sagot ko sa kaniya.
Maya maya ay lumapit din si Mr. and Mrs. Luciano samin.
"Carl ikaw pala yan. Wow, we never thought that you're residing in this place. What a coincidence" gulat na sambit ni Mr. Luciano. Medyo nahihiya akong harapin sila kasi nakapang bahay lang ako at may bitbit pang karne.
"Good morning po Mr. Luciano ganun din po sa inyo Ma'am" bati ko sa kanila.
"Hon, he's the student I'm talking about last time." Wika ni Mr. Luciano.
"Ohh, hi Carl. I'm Bethany, Xian's wife" nakangiti nitong sambit.
"Good morning Ma'am. Nice to meet you po. Pasensya na po kayo madumi po kamay ko dahil galing po akong palengke." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya.
"Kung free po kayo ngayon pwede ko po kayong iinvite sa bahay namin. Diyan lang naman po kami nakatira" pag anyaya ko sa kanila.
"Thank you Carl but we are about to leave. Promise next time we will visit your house lalo na at malapit lang pala" sabi ni Mr. Luciano.
"Walang anuman po Sir, naiintidihan ko po" sagot ko naman.
"Mom, Dad can I stay?" paalam ni Trixie sa mga magulang niya.
"Yeah, sure. Basta wag mo lilimutan yung pinapagawaa ko." Sambit ni Mr. Luciano.
"Ingat po kayo Sir at nice to meet you po ulit Mam" paalam ko sa kanila. Ngumiti naman sila at umalis na.
Naglakad na kami papuntang bahay at may mangilan ngilan na napapatingin sa kasama ko. Pagdating ko ng bahay pinapasok ko naman si Trixie. Di naman ganun kainit dito sa loob ng bahay namin.
"Ma, may bisita nga pala ako." Paalam ko kay Mama.
Agad naman lumabas si Mama sa kusina at pinagmasdan ang babaeng kasama ko.
"good morning po" bati ni Trixie
"Good morning din ija. Mabuti naman at nakapasyal ka dito samin. Alam mo ba na ikaw pa lang ang unang naging bisita ng anak ko. Ano nga ulit ang pangalan mo?" hindi naman masyadong madaldal si Mama noh?
"Trixie po" tipid naman nitong sagot.
"Ahhh ikaw pala itong laging kinukwento ng anak ko. Totoo nga na napakaganda mo." Papuri ni Mama dito
"Kumain ka na ba? Anak ipaghanda mo ng makakain ang bisita mo. Minsan lang tayo magkabisita." Utos ni Mama sakin na mas mukhang excited pa sakin.
Agad ko naman binigay yung pinabili niyang karneng baboy kay Aleng Nena. Mabuti na lang at may luto ng ulam. Minudo pa lang ang luto. Agad naman akong nagsandok ng kanin at ulam at nilagay ito sa mesa.
Pansin ko naman na busy makipag chismisan ang Mama ko este makipag kwentuhan. Mukhang nag eenjoy naman sila dahil tawa sila ng tawa.
"Beshiee kain ka na. Don't worry masarap mag luto si Mama." Anyaya ko sa kaniya.
"Sige na anak sabayan mo na si Trixie at parating na din ang mga customer. Intindihin mo na lang siya diyan" sambit naman ni Mama.
Naupo na si Trixie sa mesa at hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. Sigurado ako may kinwento na naman si Mama dito na kung anu-ano.
"bakit ka tawa ng tawa?" tanong ko sa kaniya at hindi na nga niya napigilan at mas lumakas pa ang tawa niya.
"Eh kasi naman totoo pala talaga na wala ka pang naging jowa. Tas ang dami na pala nirereto sayo ni Tita ni wala ka man lang matipuhan." Sagot nito sakin.
"Masama ba yung walang jowa?" takang tanong ko.
"Hindi naman. Swerte nga ng magiging boyfriend mo. Actually nasabi ko na kay Tita na may crush ka na sa school na guy at alam mo super happy siya. Nararamdaman naman daw niya na meron ka ng nagugustuhan nahihiya ka lang sabihin. So kaya ka ba nawala kagabi kasi kasama mo yung crush mo sa university? Anong chika daliiiii...." Mahabang kwento nito.
Natulala na lang ako dahil sa sobrang dami niyang sinabi. Yung nalaman pa lang ni Mama na may crush na ako sa school naloloka na ako tas dagdagan pa nitong chismosa kong kaibigan.
"Sagot na beshiee. Excited na akong marinig ang kwento" atat na atat nitong pahabol. Nagsimula na rin naman siyamg kumain.
"Kagabi kaya di na ako nakapag paalam kasi medyo nahilo ako kaya lumabas ako para makapag pahangin." Unang sambit ko sa kanya pero syempre dahil kaibigan ko siya kahit na nagdadalawang isip ako kong ikukwento ko ba ang nangyari kagabi o hindi ay ayaw ko naman mag lihim.
"Then, nakita ko yung tinutukoy ko na guy na crush ko. Akala ko suplado siya pero mabait naman pala at maalalahanin. Since medyo late na din kaya nag insist siyang ihatid na ako. I trust him naman kasi may isang beses na rin niyang niligtas yung buhay ko. Hinatid niya ako dito sa bahay habang hawak yung aking kamay" di ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nagkukwento habang inaalala yung masayang nangyari kagabi.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Trixie at umarte na tila may naapakan.
"Ay iba din friend, haba ng hair.... Naapakan ko na ata" sambit nito.
"Maupo ka na nga at kumain.." sabi ko sa kanya. Naupo namam siya.
"Pero honestly natutuwa ako sayo. Kasi nakikita ko na masaya at ganun din siya sayo. Hindi ko man kilala yan o hindi ka pa ready na ipakilala siya sakin o sa mama mo nararamdaman kong seryoso siya sayo." Seryoso ngunit may nakangiti niyang wika sakin.
"thank you" natutuwa ko ding sagot sa kaniya.
Gusto ko man sabihin sa kaniya na kuya niya yung tinutukoy ko pero hindi pa ako handa sa magiging reaksyon niya.
Hindi rin naman nagtagal si Trixie dahil may gagawin pa daw siya. Nagpaalam na siya kay Mama at nangakong babalik. Hinatid ko naman na siya sa labas pero napatigil siya ng makita ang motor na laging naka park dito sa tapat namin.
"Kaninong motor yan?" tanong niya sakin
"Hindi ko pa rin nakikita yung may-ari niyan pero sabi ni Mama sa nangungupahan diyan na lalaki. Uno daw ang pangalan" sagot ko naman sa kaniya.
Napansin ko naman na nag iba ang ekspreyon ng mukha niya.
"May problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Wala naman beshie.. mauuna na ako sayo. Salamat ulit. Kitakits sa school" paalam nito sakin.
"Sige beshieee ingat pag uwi" paalam ko din sa kaniya.
FOLLOW! VOTE! COMMENT!
:)
[text_hash] => b8c825ab
)
What do you think?