Chapter 12: Chapter 11

Array
(
[text] =>

CARL POV

After ng awarding niyaya nila akong kumain sa labas. Hindi rin naman kami nag tagal dahil may party pa mamayang hapon. Yung napanalunan naman namin is gagamitin namin bilang funds for upcoming activities. Napag usapan naman na yun before the contest.

Kasalukuyan akong nandito sa bahay dahil mamayang gabi pa naman ang party. May susuotin na din naman ako at binili yun ni Mama ng malaman na may party akong pupuntahan.

Nagpaalam kasi ako sa kaniya noong malaman ko na may welcome party para samin. Sabi ko pa nga sa kaniya na hindi ako aattend kasi hindi naman ako mahilig sa ganun pero pinilit niya ako. At heto nga may binili siyang susuotin ko mamaya.

Black polo na may mga white dots kasama ng black din na pants at white rubber shoes. Hindi ko pa nga sana tatanggapin kaso nagtatampo na naman siya kaya no choice din ako.

Sinabi din sakin ni Zach na susunduin nila ako mamaya kasama si Trina. Hindi ko alam kong kelan pa naging close yung dalawa. Sabi ko nga sa kanila okay lang na mag bus ako kasi ang layo pa kung dadaan pa sila dito samin.

Pero nagpumilit sila kaya napapayag din naman ako. Medyo may pagkamakulit din ang dalawang yun eh. Magugulo laang daw ang porma ko kung sa bus ako sasakay.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay at nagpapalipas ng oras. Napansin kong andito yung motor na maganda sa labas ng bahay. At hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita yung nangungupahan dito.

Sakto naman at lumabas si Mama dala ang mga basura para ilagay sa community garbage can.

"Ma, nakita mo na ba yung nangungupahan diyan kay na Aleng Tess?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman anak. Madalas nga siyang kumain dito." Sambit ni Mama at nang maitapon na ang basura ay naupo ito sa tabi ko.

"At kung maitatanong mo na din anak. Napakagwapong bata at kutis mayaman. Noong una akala ko masungit at suplado pero hindi pala. Akala ko nga hindi siya kumakain ng mga pagkain sa ganitong klaseng lugar pero noong natikman niya ang luto ko madalas na siya ditong kumain ng almusal." Kwento ni Mama sakin.

"Syempre Ma, masarap ka naman talaga mag luto eh.. pero bakit hindi ko siya nakikita tuwing umaga o kaya ay gabi?" tanong ko sa kaniya.

"Nag aalmusal siya anak mga 9:30 na at kung umuwi naman mga madaling araw na kaya hindi mo naabutan" sagot niya sakin. Napatango naman ako sa kanya.

"Ano ang pangalan niya Ma?" tanong kong muli.

"Uno ang pangalan niya anak. Naku pag nakita mo yun ipapakilala agad kita" nakangiting sambit ni Mama. Parang narinig ko na yung ganung pangalan hindi ko lang matandaan.

"Bakit naman Ma?" takang tanong ko sa kaniya.

"Huwag mong sabihin na mas gusto mo na sa bata ngayon Ma huh" habol ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ano ka ba anak. Syempre hindi noh.. Gusto ko siyang maging manugang at mabigyan ng magandang lahi" natutuwang sambit nito sakin.

"At kanino mo naman siya papalahian Mama? Eh wala naman babae dito bukod sayo" takang tanong ko sa kaniya.

"Syempre sayo anak. Alam mo ba na ang tawag niya sakin ay Mama na. Lagi nga kitang naiikwento sa kaniya eh. At mukhang interesado naman siyang makilala ka." Wika pa nito sakin.

"Seryoso ka ba Ma? Nirereto mo ko sa iba na hindi ko kakilala? Tsaka Ma, hindi po ako babae." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit nak? Ano ba ang gusto mo? Wala pa naman akong nakikita na girlfriend mo. Tsaka andami ko kayang nakikita sa youtube na parehong gender na nagkakatuluyang ang sweet nga eh" kwento nito sakin na tila kinikilig pa. Hindi ko alam na may ganito palang side si Mama.

Tama naman siya wala pa akong naipakilala sa kaniyang naging karelasyon ko dahil hindi naman sumagi yun sakin. Napatanong tuloy ako ng wala sa oras kung ano nga ba ang gusto ko babae o lalaki?

I appreciate girl's beauty but I am more attracted to man lalo na kay......

Shit ano ba naman tong pinag iisip ko. Pakiramdam ko tuloy namumula ako.

"May nagpapakilig na ba sa anak ko at namumula bigla?" biglang pang aasar ni Mama sakin.

"Wala naman Ma... mainit lang po" palusot ko sa kaniya at nag iwas ng tingin.

"Asus... naku anak, kilala kita.. umamin ka nga sakin kung sino yang maswerteng tao na yan" pang loloko niya sakin.

"Ma naman.... Wala po to.. tsaka wala pa po yun sa plano ko" sambit ko sa kaniya.

"Alam mo anak hindi naman kita pinagbabawalan. Hindi naman masama na umibig ka para naman hindi lang sakin umiikot yang buhay mo. Mas maraming nagmamahal mas masaya" wika niya sakin ng may ngiti sa labi.

"Basta Ma, wala pa po sa plano ko yan at masaya naman ako na ikaw yung kasama ko.." sambit ko sa kaniya.

"Naku naku.... Apaka sweet talaga ng anak ko. Sige na at maligo ka na dun at baka malate ka pa sa lakad mo." Utos nito sakin at tumayo na.

Nagtungo naman na ako sa kwarto ko at naligo. Paglabas ko ng banyo nagbihis na akong mga hinanda kong susuotin. Matapos mag bihis ay humarap ako sa salamin para icheck ang sarili ko. Bagay nga sakin ang binili ni Mama.

Maya maya lang ay nag ring ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Trina.

"Hello Carl, andito na kami sa labas" sambit nito.

"Sige.. palabas na din ako." Sagot ko sa kaniya.

Nagmadali naman akong bumaba. Dala ko lang ay ang wallet at phone ko. Nakita ko naman si Mama na nanunuod ngayon.

"Ma aalis na po ako. Uuwi din po ako ng maaga" paalam ko sa kaniya. Humarap naman siya sakin at lumapit. Inayos niya yung polo ko at ngumiti.

"Sige anak, mag iingat ka huh. Tumwag ka sakin pag may problema" paalala niya sakin.

"Opo Mama. Kayo din po matulog po kayo ng maaga alam kong pagod kayo mag hapon" sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya sakin.

Matapos kong magpaalam lumabas na akong bahay at naglakad papunta sa highway. Nakita kong may nakaparadang pulang sasakyan at bumaba ang window shield nito.

Nakita ko si Zach at di maikakaila na gwapo siya at halata ang pagiging anak mayaman. Siya ang nagdadrive ng kotse. Lumapit naman agad ako para makasakay na.

"Dito ka sa tabi ko. Andiyan na si Trina sa likod" sambit nito sakin.

Siguro malaki ang gown ni Trina kaya kailangan mag isa siya sa likod. Sumunod din naman agad ako at naupo sa tabi niya.

"You look perfect tonight" nakangiti nitong papuri sakin habang nakatingin sakin ng diretso. Nahiya naman ako dahil hindi ako sanay ng pinupuri ng iba.

"So maglalandian na lang kayo? Kamusta naman akong mag isa dito sa likod? Let's go na para makapag party na tayo" pag singit ni Trina na tila excited na sa party.

Tiningnan ko naman siya at ang ganda rin niya sa pink gown niya.

"Ang ganda mo ngayon" papuri ko sa kaniya.

"Ngayon lang?" takang tanong niya na tila disappointed sa sinabi ko.

"I mean mas gumanda ka ngayon" sambit ko sa kaniya para sa kaligayahan niya. Nakita ko naman ang malaking ngiti sa kaniyang labi.

"Eh ako Carl? What can you say about my outfit?" singit naman ni Zach.

"You're also perfect tonight" papuri ko sa kaniya. Napangiti din naman siya at nag simulang mag drive.

--

Mabilis din naman kaming nakarating sa campus at pinasok ni Zach ang kaniyang kotse malapit sa gymnasium kung saan gaganapin ang event.

Pagbaba namin kita namin ang mga estudyante na nakasuot ng mga magagarang gown at dress. Halatang pinaghahandaan nila ang ganitong event. Syempre hindi naman papakabog ang aking dalawang kasama na napaka elegante ng mga kasuotan.

Pumasok na kami sa venue at sa bungad pa lang ay mapapa wow ka na sa ganda ng set up. Maraming chandelier ang nakasabit kasama ng iba't ibang kulay ng ilaw. Ang mga mesa at upuan ay nakahilira sa gilid at bakante ang gitna.

Andito rin sa likod na bahagi ang catering services. Maraming mga pagkain at mga wines. Ang mga estudyante ay nasa kani kanila ng mga upuan.

"This will be an awesome night" natutuwang wika ni Trina dahilan para mapatingin kami ni Zach sa kaniya.

"Kitakits na lang tayo later. Call me Zach kapag pauwi na" habol pa nito na kinagulat namin. Dali dali siyang umalis sa harap namin at lumapit sa grupo ng mga babae.

"Anong plano mo Carl? Kumain ka na ba?" tanong sakin ni Zach.

"Oo, kumain na ako bago pumunta dito. Honestly di ko alam kong ano ang gagawin ko kasi hindi naman ako mahilig umattend sa ganitong event nung high school ako" pagtatapat ko sa kaniya.

"Okay lang yan. Umiinom ka ba?" tanong niyang muli.

Umiling naman agad ako at natuwa siya sa reaksyon ko.

Maya maya lang ay napansin ko ang pamilyar na postura. Naka black elegant gown at nakalugay ang kaniyang mga buhok.

"Hi Carl! Can I invite you on our table?" Tanong ni Trixie ng makalapit siya sakin. Grabe napaka ganda niya at mas lalong gumanda dahil sa simpleng make up niya.

"I know I'm pretty man but I'm waiting for your answer" wika nito na tila na bobored. Natuhan naman agad ako.

"May kasama kasi ako.........." Paglingon ko wala na si Zach sa likod ko. Ang bilis naman umalis ng lalaking yun at hindi man lang nag paalam.

"Mukhang wala ka naman kasama kaya sumama ka na sakin." Pag aya nito sakin at nilagay ang kamay niya sa braso ko.

Pumunta kami sa mga kaibigan ng kuya niya na kasalukuyang umiinom na. Ganito ata ang welcome party dito hindi na kailangan pa ng mga speech.

"Guys, Carl is here. He will join us tonight" masayang pagsingit ni Trixie sa mga kaibigan nila dahilan para mapatingin sila samin.

"Hi bro, welcome to Luciano University since this is welcome party for your batch and welcome to the group" bati sakin ni Topher at nag shakehands kami.

Kompleto pala silang nandito si Chino, Topher, at yung isa pang girl na parang ngayon ko lang nakita.

"Welcome to this University and to the group" bati sakin ni Chino.

"Salamat sa inyo." Nakangiti kong sambit sa kanila.

"And I want you to meet our madam Nate, Topher's boyfriend" pakilala ni Trixie dito. Mukha siyang mataray.

Natahimik kaming lahat kasi sinusuri niya ang kabuuan at detalye ng katauhan ko. Dahil sa hiya ko napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Virgin ka pa no?" biglang sambit nito sakin na kinagulat naming lahat. Sa sobrang hiya ko pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko ngayon.

"Gotchaaa.... Okay lang yan. You should be proud of it. Bihira na lang yung ganiyan. By the way I am Madam Nate Villegas" pakilala nito sakin at nakipag shakehands. Tinanggap ko naman ito at napangiti na din.

Naupo na kami pero pansin kong wala si Trev at Xander.

"Hinahanap mo si Trev at Kuya? Don't worry papunta na rin sila. Medyo traffic lang daw" sabi niya sakin. Grabe talaga siya magbasa ng iniisip.ng tao.

"Kamusta naman ang mga nagdaang linggo mo dito?" tanong sakin ni Nate. Akala ko talaga babae siya trans pala.

"Maayos naman at mabilis din naman ako naka adjust dahil na din sa kanila. Kahit medyo maraming gawa nakakayanan naman. Ikaw ang kamusta? Ngayon lang kasi kita nakita" tanong ko naman sa kaniya. Feeling close no?

"Yeah. I'm hell busy this past few months because of that fucking mission" sambit nito na tila ayaw balikan ang ala-ala ng mga naangyari sa kaniya.

"Anong mission?" takang tanong ko naman.

Bigla naman siyang natahimik ganun din ang mga kasama namin. Hindi ko alam kong anong meron sa tanong ko.

Maya maya lang ay amoy ko ang pamilyar naa pabango na nagmumula sa likod ko.

"Anyare sa inyo guys? Starstruck naman kayo masyado sa looks namin" biglang sambit ni Trev mula sa likuran. Napatingin naman kaming lahat sa kanila. Kasama niya ngayon si Xander.

"Ang lakas naman ng hangin" sagot ni Trixie at umakto pa na humawak sa bangko. Di tuloy namin maiwasan matawa.

Hindi naman na nagsalita si Trev at naupo sa tabi ni Trixie pero parang napansin ko na namula si Trixie. Si Xander naman ay naupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko yung pabango niya at hindi naman maitatanggi na napakagwapo niya ngayon.

Hindi ko alam pero napatingin ako sa gawi niya at di ko inaasahan na nakatingin siya. Nakakatunaw siyang tumingin dahil sa hiya ko napaiwas agad ako at kinuha ko yung wine na kakaabot lang ng crew at ininom ito ng diretso.

FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)

[text_hash] => 931b3633
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...