Array
(
[text] =>
CARL POV
Ilang araw magmula nung gabi na muntik na kaming madisgrasya hindi ko na muling nakita si Xander sa loob ng campus. Ayaw ko naman itanong kay Trixie dahil baka kung ano ang isipin niya.
Ngayon nga pala ang celebration ng birthday ni Mr. Luciano at ready na rin kaming mag perform. Sobrang nakakatuwa lang dahil talagang pinaghandaan nila. Parang fiesta ngayon dahil napakakulay ng buong university.
Andito kami ngayon sa gymnasium para magperform. Andito lahat ng mga estudyante dahil required ang pagpunta.
Magsisimula na din ang program dahil nandito na si Mr. Luciano kasama ang kaniyang pamilya at mga opisyales ng unibersidad.
Lahat ng performer ay nasa backstage para mag prepare. Nag bunutan na din kanina kung ano ang pagkasunod sunod ng mga performance at mabuti naa lang dahil pang huli kami.
Dito sa backstage nakikita namin na sobrang prepared ng ibang year level kaya kinakabahan kami dahil naka Hawaiian polo lang kami tas white maong short at rubber shoes.
Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng kaba. Mabuti na lang nandito ang mga kasama ko.
"Kinakabahan ka?" tanong sakin ni Zach at naupo sa tabi ko.
"Honestly? Yes, sobra kasi look at them. Sobrang prepared nila at pinaghandaan ang mga costume." Malungkot kong sambit sa kaniya. Hindi ko alam pero natawa siya bigla.
"Wala naman sa costume yun nasa performance yun." Sabi nito sakin.
Tama nga naman siya nasa performance ang ikakaganda ng presentation.
Maya maya lang ay narinig namin ang boses ng M.C sa taas ng stage.
"Good morning Luciano University" masiglang bati nito sa mga estudyante. Nagsigawan at nagpalakpakan naman sila.
"Today, we celebrate the very special day of out beloved founder Mr. Xian Luciano. This annual celebration give us opportunity to show our appreciation and love for our founder through performances of students from different group that we are about to witness later. For now let us all sing happy birthday for our loving president to be followed by the blow of the candle." Mahabang sambit ng M.C.
"In 3.....2.......1...... Happy Birthday to you.... Happy birthday to you..... happy birthday..... happy birthday....happy birthday Mr. Lucianooooo............" malakas at masayang kanta ng mga tao.
Hindi man namin kita ang nangyayari sa labas pero alam kong masaya sila. Biglang nagpalakpakan ng malakas ang mga estudyante siguro na blow na yung candle.
"Happy 55th Birthday Mr. Xian Luciano. We are truly thankful for the contribution of this school to our education. We wish you long and healthy life as well as happy family. We are hoping that you will enjoy this day" masayang bati ng M.C at muling nagpalakpakan ang mga tao.
"Now, to entertain our birthday celebrant we are about to witness different talents that our students will showcase and who will win 200 thousand pesos. Let us begin with the 3rd year student" malakas na sambit ng M.C at tila excited pa.
Pumunta naman kami sa gilid ng stage para makita ang performance nila. Mukhang cheerdance ang ipapakita nila base sa costume nila. 10 member sila.
Nagsimula ng magplay ang kanilang tugtog na talaga naman nakakaindak. Sa unang bahagi pa lang ay may hinagis na agad. Nakakakaba ang kanilang ginagawa dahil mataas ang pagtapon sa kanila.
Umalis naman ako dahil di ko kayang manuod ako ang kinakabahan sa kanila. Pagpunta ko sa likod pansin ko na wala pa si Clarence.
"Hindi ko nga macontact ehhh" sagot sakin ni Dave na tila kanina niya pa napansin.
Nag-alala naman ako kasi baka hindi siya umattend.
Mga ilang minuto pa at natapos din ang performance ng third year ang sumunod naman ay ang seniors.
Hindi ko na tuloy mapanuod ang performance nila dahil sa sobrang pag alala na wala si Clarence. Naka ilang tawag kami sa kaniya ngunit nagri-ring lang ang phone niya.
"Baka naman on the way na siya.." wika ni Zach na tila hindi kinakabahan.
"Pero paano kung hindi?" tanong ko dito.
Lumipas muli ang ilang minuto at natapos na ang performance ng seniors. Sumunod nang umakyat sa stage ang second year. Sobrang kinakabahan na talaga ako dahil wala pa si Clarence.
"Kailangan natin mag isip ng paraan. Tayo na ang susunod.." sambit ni Dave samin.
"Carl may naiisip ka ba?" tanong sakin ni Zach. Sasagot na sana ako ng makita ko si Clarence. Napatayo kaming lahat at sinalubong siya.
"jusko Clarence mabuti na lang dumating ka. Tayo na ang susunod." Sambit ko sa kaniya.
"Pasensya na guys. Pero sobrang sakit ng lalamunan ko. Inatake ata ng allergy" malungkot na sambit nito sakin at halata nga sa boses niya dahil namamalat ito.
Nagulat naman kaming lahat at kinabahan.
"Ano na plano natin?" kinakabahan na tanong ni Dave.
"Carl ikaw na ang kumanta ako na sa guitarist kasama si Zach" sambit sakin ni Clarence.
"Marunong kang kumanta Carl?" gulat na tanong ni Dave
"Yeah... I heard him singing the song ng patago kaya alam kong magaling siya. Kaya mo yan Carl" pakiusap sakin ni Clarence.
Tama naman siya. Saulo ko din naman yung kanta.
"Sige... Tayo na ang susunod kaya mag prepare na tayo. Basta kahit anong mangyari. Gagawin natin ang ating best" paalala ko sa kanila. Nakangiti naman silang tumango.
Sakto rin dahil tapos na ang performance ng 2nd year at kami na ang sunod. Nakatono naman na lahat ng instrument namin.
"Now let us witness the talents of the freshmen as they will offer us a song that can captivate our hearts. Let us give them a round of applause" masayang sigaw ng M.C at narinig nga namin ang hiyawan at palakpakan ng mga estudyante.
"This is it guys. Good luck to us" sambit ni Dave ngiti lang ang binigay namin sa kaniya.
Sabay sabay na kaming umakyat ng stage at sobrang nakakakaba dahil sobrang daming estudyante bukod pa dun ay nandito ang lahat ng opisyales ng unibersidad.
Kapansin pansin naman agad si Mr. Xian na nakaupo sa unahan. Nasa gilid niya ang isang magandang babae na asawa siguro niya. Sa tabi ng ginang ay nandon si Trixie na napakaganda ngayon at syempre si Xander na nasa tabi niya. Ganun pa din ang hitsura, walang pagbabago sa emosyon ng kaniyang mukha.
Pumunta na kami sa aming pwesto syempre nasa unahan ako dahil ako ang vocalist. Kahit kinakabahan ako isang ngiti ang aking binitawan sa mga taong nandito.
"Before we start, we would like to greet our honorable president of the institution Mr. Xian Luciano. Thank you for hearth warming welcome to us. Allow us show our appreciation by singing a song entitled "Killing Me Softly by Fugees" we hope that you will like it" nakangiti kong pagbati sa kaniya. Nasilayan ko naman ang kaniyang magandang ngiti.
"Gooooooo Freshhhhhmeeeeennnnnnn" malakas na sigaw ng aming mga kabatch.
Tumingin naman ako kay Dave at sumenyas ganun din kay Zach at Clarence. Tumahimik naman na ang mga tao at tila hinihintay ang aming pag awit.
"Strumming my pain with his fingers
Singing my life with his words" unang bahagi ng kanta. Mabagal ngunit mula sa puso kong kanta. Kasabay ang pagkalabit sa gitara.
"Killing me softly with his song
Killing me softly with his song
Telling my whole life with his words
Killing me softly with his song"
Tulad ng unang bahagi ng kanta mabagal pero malinaw ang mga linya ng kanta. Ang lagi kong nakangiting mukha at naging seryoso sa kantang ito.
Pansin ko na hindi maingay ang crowd hindi ko tuloy alam kong nagugustuhan ba nila yung kanta ko. Pero kahit na anuman ang kalabasan nito ang mahalaga ginawa ko yung best ko.
Matapos ng unang paragraph humampas na ng drum si Dave dahil reggae ang version na ginawa namin.
"I heard he sang a good song, I heard he had a style
And so I came to see him, to listen for a while
And there he was, this young boy, a stranger to my eyes"
Inalis ko yung mic sa pagkakabit nito sa stand para mas makalakad ako ng maayos sa stage. Pansin ko naman na napangiti si Mr. Xian kaya isang ngiti din ang binigay ko sa kaniya. Sana nga magustuhan niya ito.
"Strumming my pain with his fingers (one time, one time)
Singing my life with his words (two times, two times)
Killing me softly with his song
Killing me softly with his song
Telling my whole life with his words
Killing me softly with his song"
"Go bessssshieeeeee" rinig kong sigaw ni Trixie sakin. Napangiti naman ako. Hindi ko sinasadya na matingin kay Xander na nasa tabi niya ngayon. Nagtama ang aming mga mata at hindi ko alam pero parang namamagnet na naman ako sa kaniya. The way he stare at me sa una wala akong makita pero pag titigan mo siya parang mababasa mo kong ano ang iniisip niya.
Sa kalagitnaan ng kanta nakita ko na tumayo si Mr. Xian at pumapalakpak ito habang sumasabay sa beat maging ang mga opisyales at estudyante ay nahawa na din dahil sa kakaibang vibes na binibigay namin.
Nang matapos ang kanta nagpalakpakan naman ang mga tao at malaking ngiti ang binigay ko sa kanila. Hindi na ako nagisip ng maiba dahil base sa kanilang reaksyon ay maganda naman ang kinalabasan ng aming performance.
"Did you all know that Killing Me Softly is the favorite song of Mr. Luciano. Thank you freshmen for that performance. Now... to all the performers please come up here for the awarding" sambit ng M.C. Umakyat naman ang mga kasama namin na nagperform kanina.
"We would like to invite Mr. Luciano to formally announce the winner who will receive 200 thousand pesos" sunod na wika ng M.C
Umakyat naman si Mr. Luciano sa stage at kinuha ang mic na inabot ng M.C.
"Thank you students for the performance you presented. I do really appreciate your efforts and preparation. All of you did an amazing performance but one really captured my heart. And the winner for this year is.........
FRESHMENNNN......."
Yung kaba kanina ay napalitang ng tuwa mahigpit akong niyakap ng mga kasama ko at rinig namin ang masigabong palakpakan mula sa mga estudyante.
Lumapit na kami sa unahan at lumapit din samin si Mr. Luciano at inabot ang sobre.
"Congratulations sa inyo and thank you for singing my favorite song. That was wonderful version Mr. Madrigal" bati nito sakin at nakangiti..
"Salamat po Mr. President.. Happy Birthday po ulit.." bati ko sa kaniya ng may ngiti sa aking mga labi dahil sa lubos na kagalakan.
Tumango naman siya at bumaba na.
"Once again congratulations freshmen" sambit ng M.C.
Muli ay niyakap ako ng mga kasama ko dahil sa tuwa. Pero di ko sinasadya mapatingin sa direksyon ni Xander at di ko maipaliwanag ang nakikita ko saa reaksiyon niya na parang galit dahil magkasalubong ang kilay niya.
Umiwas siya ng tingin at dali daling umalis. Tinawag pa siya ni Trixie pero hindi niya ito nilingon. Napatingin din si Trixie sakin na tila nakita ang nangyari.
Nginitian ko lang siya ganun din naman siya sakin.
follow, vote and comment:)
[text_hash] => 9aab424b
)
What do you think?