Chapter 39: Chapter 38

Array
(
[text] =>

Xander POV

Nagmadali kong pinarada ang kotse ko sa garage. Knowing Dad, hindi siya basta basta magsasabi ng emergency kung hindi talaga kailangang kailangan. I wanted to stay longer pa sana sa bahay ni Carl pero I also have responsibilities here.

Nakasalubong ko pa si Trixie, I just saw here worried face. Hindi ko alam pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari. Pagpasok ko sa malaking pintuan sa opisina ni Dad ay may ilan lang itong documents na pinipirmahan.

"Where have you been?" mautoridad na tanong nito sakin. Kung hindi ka sanay sa ugali niya siguradong kakabahan ka pag kausap mo siya.  Nagtataka lang ako kasi ngayon lang siya  nagtanong kong saan ako pumunta kasi hindi naman siya ganito.

"Just had time for myself" sagot ko sa kaniya. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang relasyon namin ni Carl dahil hindi ko pa alam kung anong thought niya sa same sex relationship. Lalong lalo na at ako tagapagmana ng organisasyon.

"Time for yourself or with someone else? You can't fool me Xander" galit na sambit nito sakin. Nakaramdam naman ako ng kaunting takot sa kaniya. Hindi magandang maging kaaway si Dad, wala siyang sinasanto sa pagparusa.

"Stop you nonsense relationship with the scholar. I did not expect you to love with same gender. Akala ko nung una kaibigan lang tingin mo sa kaniya. You disappointed me. You're breaking the rules of the organization. Alam mong bawal makipagrelasyon sa hindi bahagi ng ating organisasyon" sigaw nito sakin na kitang kita ko ang galit sa kaniyang mukha. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng takot sa kaniya. No one can stop my feelings for my love. Handa akong ipaglaban siya sa pamilya ko. Handa akong talikuran ang responsibilidad ko makasama lang siya. 

"You can't stop me Dad" madiin kong sagot sa kaniya at pinantayan ang kaniyang galit na tingin sakin. Handa akong harapin lahat parusa matanggap lang niya kung sino ang gusto ko.

"You're insane Xander. Hindi mo alam ang ginagawa mo. I thought you're a man. Paano ka magpapasunod ng mga tauhan mo kung wala na silang respeto sayo?" galit na singhal nito sakin. But I remained unbothered.

"Tatanggapin ko lahat ng ipapagawa niyo Dad, just don't stop me from loving him. This is the first time I've been happy in my life. Ngayon ko lang naranasan na mahalin ng sobra. Hindi ba pwede yun Dad?" galit na tanong ko sa kaniya. All my life tinutok ko ang sarili ko sa pagiging mahusay sa pakikipaglaban and only this time I felt so happy.

Nakita ko naman sa mga mata niya yung awa sa akin. Pero nandun pa rin yung pagaalinlangan niya. Umupo siya sa kaniyang swevil chair at huminga ng malalim habang ako ay nakatayo sa harap niya.

"Do you remember what happened to you 10 years ago in your operation in Cebu?" panimula nito. Ang araw na pilit kong binabaon sa nakaraan. The reason why my bestfriend and my men died by the police. Pero anong koneksiyon nito?

"I always remember. But what is the connection of this to my relationship with Carl?" takang tanong ko sa kaniya.

"His dad, Sandro Madrigal, is the one who put you in jail." sambit nito sakin. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. This can't be. Naalala ko pa na kwinento ni Carl kung paano namatay ang Dad niya. Kaya pala kakaiba ang reaksiyon ni Dad nung ininvite niya si Carl sa mansion.

"I did everything to save you from jail. Sandro, Kennedy Green and I were friends back then. Pero hindi alam ni Sandro ang mga illegal naming gawain. Pero nung nakulong ka, alam namin na hindi papayag si Sandro na palayain ka dahil tapat siya sa serbisyo kaya inutusan ko si King na gawin ang lahat mapalaya ka lang kapalit ng 10B at mga tauhan natin. Sinabi ko sa kaniya na huwag patayin si Sandro  dahil kaibigan namin siya pero pinatay pa rin niya ito dahil magiging sagabal sa kaniyang bubuuin na organisasyon." pagpapaliwanag nito sakin. 

Hindi ako makakibo habang pinapagkinggan ang mga paliwanag niya. Sa tagal ng panahon ngayon ko lang ulit naramdaman ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi. Bakit kung kailan maayos na kaming dalawa at masaya ngayon naman kami susubukin ng problema. Hindi lang to problema dahil kahit hindi ako ang pumatay sa ama niya alam kong sa akin niya pa rin ito isisi. 

Nagawa niya akong tanggapin kahit na nalaman niya na bahagi ako ng mafia pero ngayon na ako ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya tiyak na mas lalo niya akong kamumuhian at ipagtatabuyan. Hindi ko kayang mawala siya.

"Kung ayaw mong masaktan si Carl, stop this right now. Noong nakaraang operasyon niyo kay King yun na gawain na dapat hindi natin pinakialaman pero nagkasundo na kami sa halip na magkaroon ng digmaan sa pagitan ng ating organisasyon, layuan mo na ang  mga Madrigal. Don't try to start a move na ikakapahamak ng organisasyon, dahil kahit anak pa kita, you will leave me no choice but to kill you." sambit nito ng may pagbabanta. I know that can do it just to protect the organization.

Matapos niyang sabihin yun ay lumabas siya ng opisina at naiwan akong mag-isang nakatayo at hindi pa rin matanggap ang nangyayari sa amin ngayon.

Carl POV

Nakangiti akong pumasok ng bahay. Hindi ko kasi maiwasan alalahanin ang mga nangyari samin ni Xander. He's the man of my dream. Nasa kaniya na lahat ng katangian ng gusto ko sa isang tao. Napahawak pa ako sa necklace na binigay niya. Diamond siya pero parang may something na nasa loob. 

Pagpasok ko ng bahay napatakip ako ng bunganga dahil sa gulat ng makita kong nakakalat ang mga gamit at may mga basag na plato at mga vase. Nagtayuan ang mga balahibo ko at nagsimulang kabahan. Pumasok agad sa isip ko si Mama.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sala at nakita ko ang mga nakakalat na basag na baso. Sunod kong ginawa ay ang pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto namin ni Mama. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Mama huminga muna ako ng malalim para maalis ang kaba sa dibdib ko. Dahan dahan kong binuksan ang kwarto nito pero maayos naman.

"Maaaaa" tawag ko dito pero walang sumasagot sobrang tahimik ng bahay.

Lumabas ako at pumunta sa tapat ng kwarto ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba habang unti unting binubuksan ang pinto nito. Nang makita ko ang kwarto ko wala naman akong nakita kaya nagdiretso ako pagpasok dito. Napasulyap pa ako sa salamin na ginagamit ko at nakita ko na may taong nakaitim at may tabon ang mukha nito. 

Hanggat maari ay ayaw kong ipahalata na nakikita ko yung repleksiyon niya. Kinakabahan man ay agad kong hinawakan yung malaking vase na pinaglalagyan ko ng mga bulaklak ni binibigay sakin ni Xander. Nakita kong gumalaw yung lalaki at papalapit sakin kaya bago pa siya tuluyang may magawa saking hindi maganda ay agad kong hinarap ito at hinampas sa ulo niya yung vase. 

Agad naman itong natumba sa sahig at nakita ko pang may dumaloy sa dugo sa ulo nito. Nanginig naman agad ang kawatan ko ng makita ko ang dugo pero bago pa man ako mawala sa sarili ay agad akong nagtatakbo palabas. Kinuha ko yung phone ko at idadial sana ang numero ni Xander ng maramdaman kong may yumakap sakin ng mahigpit at may nilagay na panyo sa aking ilong at maya maya na lang ay naramdaman ko ang hilo at unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang sa mawalan ng malay.

---

Nagising na lang ako ng may marinig akong yabag ng sapatos na papalapat sakin. Nakaramdam naman ako ng sakit ng ulo. 

"You're awake" sambit ng lalaking nasa harap ko. Tinig pa lang nito ay nakaramdam agad ako ng takot. 

"Nasan ang mama ko?" galit kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman na ngumisi ito at nakakatayo talaga ng balahibo sa sobrang takot.

Gusto ko sana siyang lapitan pero nakatali pala ang kamay ko sa likod at nandito ako sa kama.

"She's okay,--- for now. " sambit nito. Anong for now? May kakaibang pinaplano ang demonyo na ito.

"Ano gagawin mo sa Mama ko? Please, palayain mo kami" naiiyak kong sambit dito. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa Mama ko. Siya na lang ang pamilya na meron ako.

Lumapit ito sakin at hinawakan ang pisngi ko. Nakaramdam naman ako ng kilabot sa ginagawa niya. Parang anumang oras ay may hindi siya magandang gagawin sakin.

"Akala ko Mom mo na ang pinakamagandang babae na nakilala ko, pero mukhang maganda ka pa sa kaniya. Mukhang mas masarap ang inaanak ko, sariwa at batang bata." nakangising sambit nito sakin na parang manyakis. Nakakadiri siya. Para siyang demonyo sa pagngisi niya.

"Layuan mo ako, nakakadiri ka" galit na sambit ko sa kaniya. Naramdaman ko na lang na namanhid ang pisngi ko ng sampalin niya ako.

"Sinong pinagmamalaki mo? Ang boyfriend mo? Mukhang hindi pa sinasabi sa iyo ng boyfriend mo" napangisi ito bago muling magsalita.

"Ang boyfriend mo na naging dahilan ng pagkamatay ng mahal na tatay mo" pagpapatuloy nito sambit sakin na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kaniya.

Ano ang kinalaman ni Xander sa pagkamatay ng papa ko?

Follow, Vote, Comment:)

[text_hash] => 56676a9d
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...