Chapter 38: Chapter 37

Array
(
[text] =>

Third Person POV

Sa isang private room nagtagpo ang dalawang kilalang tao sa mafia. Dating magkaibigan at magkasama sa lahat ng transaksiyon ngunit nag-iba na ang sitwasyon 10 taon na ang nakakaraan dahil sa isang pangyayari.

Mainit ang tensiyon sa loob ng silid na kahit anong oras ay maaaring dumanak ang dugo. Pero hindi ito ang dahilan ng kanilang pagkikita.

"Xavier Luciano, my old friend" sambit ng lalaki. Kung ikaw ay ordinaryong tao ay tiyak na tatayuan ka ng balahibo dahil sa makamandag nitong boses. 

"Kennedy Green, o sabihin na lang nating KING. Ano ang sadya mo dito?" tanong din ng isang lalaki na tila hindi nababahala sa kaniyang kausap at nakadekwatro pa sa kaniyang inuupuan habang hawak ang baso na may wine.

"Stop acting like there's nothing happened. Alam ko na kayo ang nanggulo sa mga operasyon namin. Baka nalilimutan mo na ang kasunduan natin 10 taon na ang nakakaraan?" mula sa isang galit na boses ay napangisi ito sa huli niyang sinabi.

Flashback.......

"Don Luciano, meron pong masamang balita. Nabulilyaso po ang operasyon. Nahuli po sila ng mga pulis." saad ng tauhan ni Xavier sa kabilang linya ng telepono. 

"How's my son?" tensiyonado nitong tanong sa kausap.

Ito ang unang misyon ni Xander bilang bahagi ng mafia. Alam niyang bata pa ang anak para sumabak agad sa operasyon pero pinayagan niya ito dahil sa pagpupumilit nito. Pinayagan naman niya ito dahil maliit lang na operasyon ito ng pagbebenta ng droga sa Cebu.

"Nasa kulungan po siya Don, at ang iba po ay patay na" sagot ng kausap nito.

Hindi naman malaking kawalan ang nakuha sa kanilang droga at mga tauhan pero ang anak niya ang kaniyang kinababahala. Si Xander ang susunod sa kaniyang yapak kaya hindi niya hahayaan na mawala ang anak sa kaniya.

Pinatay na ni Luciano ang tawag at muling may dinial na numero. Aanhin pa ang mga koneksiyon sa makakapangyarihang tao kung hindi rin naman ito gagamitin. Marami siyang pera na kayang ibayad makalaya lang ang anak nito.

"Luciano my friend, I heard what happened to your son" ang kalmadong sambit ng kausap nito sa telepono. Matalik niya itong kaibigan at kasosyo sa mga illegal na negosyo.

"King, you know what to do. Kill the person who put my son in jail. I will give anything. You know me." madiin na sambit nito na may halong galit.

"Sorry, Luciano but I can't kill Sandro Madrigal. He's my bestfriend. And he's our friend." natatawang sambit nito na kinabigla niya. Mahigit isang taon pa rin lang niya naging kaibigan si Sandro ng minsan siyang tulungan nito ng siya ay maaksidente sa Cebu. Mula noon ay madalas niya na itong nabibisita pag pumupunta ng Cebu kahit hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao. Nagulat din siya na kaibigan pala ni King na kasosyo niya sa negosyo si Sandro kaya mula nun ay naging magkakaibigan sila.

"I'll talk to him" maikling sambit ni Luciano.

"Alam mong tapat si Sandro sa serbisyo, kahit kaibigan ka pa niya hindi ka niya pagbibigyan. Kahit suhulan mo pa siya, hindi siya papayag. Lalo lang siyang mag-iimbestiga. Hahayaan mo ba na mapunta sa wala itong mga pinaghirapan natin? Pero I'll do my best " pagpapaliwanag ni King na halatang may pinaplanong hindi maganda.

"Fine. Anong kapalit nito?" tanong ni Luciano sa kaniya na mukhang alam niya na ang gusto ng lalaki.

"Alam mo naman na gusto ko ng sarili kong organisasyon. Ayaw ko na ng inuutus-utusan ako. Pagnakalaya na ang anak mo give me 10 billion at mga tauhan." tumatawang sambit nito sa kabilang linya. 

"You fucking greedy. I know you since the beginning." galit na sambit ni Luciano.  Kinailangan niya lang si King dahil malaki ang impluwensiya at konkesiyon nito sa buong Cebu. Kahit alam niyang demonyo ang ugali nito dahil sa kagahamanan sa pera.

"Just business Luciano. Soon we will not be connected with each other and never try to meddle on my business" dama nito na nakangisi ang kausap niya sa kabilang telepono.

"Do everything to free my son. But don't kill Sandro." sambit nito sa kausap. Kahit papaano ay may utang na loob siya sa tao. Pero kung wala siyang utang na loob dito siguradong hindi siya maaawa na ipapatay ito.

""Don't tell me what to do. You're not my boss now" sagot nito at pinatay ang tawag. Dahil sa galit niya at naitapon niya ang base na nasa kaniyang mesa.

After 2 days tumawag muli sa kaniya ang demonyong si King.

"You're son is free, pinahatid ko na siya sa mga tauhan ko. Thank you for this great transaction Luciano." sambit nito sa kabilang linya. Kung malapit lang ito ay baka napatay niya na ito ngayon.

"And by the way, I'm sorry about Sandro. We may be friends pero humarang siya negosyo ko ng dahil sayo. Kaya ka nagiging talunan dahil masyado kang maunawaain. Hindi mo na sana kailangan pang gumastos ng malaki kung pinapatay mo na lang siya agad." malakas na tawa nito sa kabilang linya na parang demonyo at pinatay ang tawag.

Kinabukasan ay dumating din naman ang kaniyang panganay na anak na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi naman niya magawang pagalitan ang anak dahil yumakap ito agad sa kaniya.

"I'm sorry Dad. Akala ko kaya ko na. Pero ang hina hina ko pa pala. I loss my men and Denver. He's my only friend pero wala akong nagawa to protect him." humahagolgol nitong iyak. Bilang isang ama ay naaawa siya sa kaniyang anak.

Mula ng araw na yun, naging malamig na ito sa mga tao. Lagi na lang siyang nagte-traing ng paggamit ng iba't ibang armas. Hindi lang siya naging malamig sa kahit kanino dahil mas nakakatakot na siya ngayon. Walang awa na rin itong pumatay ng mga kaaway. Mabuti na lang at hindi ito pumapatay ng mga inosente. Ilang beses din itong nagtanong kung paano siya nakalaya pero hindi na pinaliwanag ng ama sa kaniya.

Pero simula ng dumating sa buhay niya si Carl, I saw his changes. He never gave attention to anyone except that boy. Pero ng malaman niyang anak ito ng kaniyang pagkakamali sa nakaraan gusto niya ng itigil ang kahibangan ng anak, pero hindi niya magawang pigilan ang kasiyahan ng anak.

End of Flashback.......

"Ikaw ang unang nanggulo, nagpapasok ka sa paaralan ko ng mga tauhan mo at pinakidnap mo ang ilang mga estudyante ng paaralan. You know it will affect the image of my university" kalmado pero halata na ang galit sa tinig ni Luciano. 

"Okay, fine, I admit it. Papalampasin ko ang ginawa ng pamilya mo lalo ng ng anak mo sa negosyo ko. Pero remind your son to back off from meddling with the Madrigals. Hindi niya pa ba alam na siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama ng kaniyang minamahal?" sambit nito na halatang sinusubok ang pasensya ng kausap. 

Noong una ay may gusto talaga si King kay Vida na asawa ng kaniyang kaibigan kaya pinapatay niya talaga si Sandro pero bigla na lang itong nawala matapos ang kaganapan. Kaya ng malaman niya ang impormasyon ng mag-ina mula sa kaniyang mga tauhan ay pinuntahan niya agad ito. Pero mas nagulat siya sa pagbabago ng kaniyang inaanak na mas nagustuhan niya kumpara sa ina nito. Kaya nakaramdam siya ng selos ng malaman na may nobyo na ito.

"I did not kill him. It's you" pigil na pigil na ang lalaki sa galit nito na anumang oras ay sasabog na sa galit. Hindi rin niya maamin sa sarili na may kasalanan siya sa nangyari

"Don't worry dahil, sasabihin ko na rin naman kay Carl kung ano talaga ang nangyari para magising siya sa katotohanan. I hope na tuparin mo ang pangako mo Luciano, dahil kung hindi magkakaroon ng digmaan sa pagitan natin at sisiguraduhin kong papatayin ko kayong lahat." sambit nito na may pagbabanta kasabay ng pag-ngisi nito at lumabas ng room.

XANDER POV

Andito kami sa kotse ko para ihatid si Carl sa kaniyang bahay.He's sleeping right now. I can't stop smiling dahil sa mga nangyari samin. I finally got his heart and we're now a couple. I can't stop blushing like a teen ager. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong tinataw ko lang sa malayo ngayon ay akin ng nayayakap at nahahalikan. I never been happy before. Pakiramdam ko kompleto na ako. 

Andito na kami sa tapat ng daan papunta sa kanila, hindi kasi kasya ang mga 4 wheels kaya dito ko lang to iniiwan. I stared at his thin red lips na hindi nakakasawang halikan. I ready to give my all for this man. Hahalikan ko na sana siya ng makita kong magmulat ang kaniyang mata. Nakita ko pang namula ang kaniyang pisngi.

"Hey babe, we're here" sambit ko dito ng may ngiti saking labi. Ngumiti din naman siya sakin.

Inihatid ko naman siya sa bahay nila pero hindi pa kami nakakapasok ng may tumawag sakin. It's Trixie. Nakita ko pang tumingin si Carl bago ko sagutin ang tawag.

"Yes?" maikling sambit ko sa kapatid ko.

"Kuya, please hurry to come home. Dad wants to talk to you" sambit nito na parang kinabahan. Kahit ako ay nakaramdam din ng hindi maganda sa mangyayari. Pinatay ko naman agad ang tawag.

"What's wrong?" tanong ni Carl sakin na may pag-aalala sa mukha nito.

"Just an emergency at home" sambit ko sa kaniya at ngumiti ulit para hindi na siya mag-alala.

"Then go home. Thank you so much Xander. I had fun" nakangiti nitong sambit. Everytime he smile parang mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

"You don't have to thank me. You know that I love you so much. Thank you for everything babe" masayang sambit ko sa kaniya at hinalikan siya sa labi. He answered back and I tasted his sweetness.

Follow, Vote and Comment:)

[text_hash] => 7c9d28be
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...