Array
(
[text] =>
CARL POV
Halos hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung sino at ano ang nangyari dun sa lalaki sa bahay ni ninong. Siya ay matagal ng kakilala ng aking mga magulang pero bakit hindi man lang nila nalaman kung ano ang totoong pagkatao nito.
Ano kaya ang mga illegal na ginagawa niya. Human Trafficking? Sexual Exploitation? Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Kinausap ko na rin si Xander sa kung ano ang pwedeng gawin para dun sa lalaki. Alam kong ayaw niyang tulungan ito at kahit ako ay natatakot din sa maaaring mangyari sa kaniya pero parang hindi kaya ng konsensya ko na hayaan na lang yung lalaki dun.
Kinabukasan kahit kulang ako sa tulog ay maaga pa rin akong pumasok sa school. Hindi na ako nasundo ni Xander dahil may importante siyang gagawin. Hindi ko naman na tinanong kung ano ito dahil may tiwala naman ako sa kaniya.
Pagdating ko sa room namin nagbubulungan ang mga kaklase ko. Napakunot naman ang noo ko dahil mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Lumapit ako sa isang classmate ko at tinanong ito.
"Hello, Maya, anong meron?" tanong ko sa kaklase ko. Hindi naman ako ganun kaclose sa mga classmate ko pero mababait naman sila.
"Hi, Carl, hindi mo pa ba nababalitaan?" sambit nito sakin na mas lalo kong pinagtaka.
"Hindi eh, tungkol saan ba yan?" tanong kong muli sa kanila.
"Si Jared nung Friday pa nawawala. Andito ang mga magulang niya at nagtatanong baka daw may nakakaalam. Pinagtanong na rin daw nila sa ilang mga kakilala pero hindi daw talaga nakita at ngayon lang daw nangyari yun." paliwanag nito sakin.
Si Jared ay isang classmate namin na tahimik. Medyo may pagka-introvert siya kaya kukunti lang ang kaibigan niya dito sa room.
Bumalik na ako sa upuan ko at napatingin sa aking tabi. Wala pa si Zach. Pagkaisip ko sa pangalan niya may pumasok agad sa isip ko noong Friday na nakita ko siya kasama si Trina.
(Flashback................)
"Anong plano mo this weekend Zach?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko sana sila yayain ni Trina sa bahay para makapag bonding at matagal na rin silang gustong makilala ni Mama.
"May trabaho lang na gagawin. Bakit mamimiss mo agad ako?" sagot nito sakin kasabay ng pilyong ngiti. Napatawa din naman ako sa sagot niya.
"Hindi no. Pero invite ko sana kayo ni Trina sa bahay this weekend, gusto kasi kayong makilala ni Mama" pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Ang sweet naman ng Mama mo, pero sorry Carl. Medyo importante din kasi yung gagawin ko pero promise, next time sasama na ako" malungkot na sagot nito sakin.
"Ayos lang yun, at marami pa naman next time. Siguro si Trina na lang muna yayain ko" nakangiting wika ko sa kaniya.
"Busy din yun this weekend" sagot naman niya sakin na pinagtaka ko.
"At paano mo naman nasabi?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Ah---- eh, nasabi niya lang sakin" sagot nito sakin sabay kamot sa kaniyang ulo at may pilit na ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung kelan pa naging super close itong dalawa. Siguro nagkakamabutihan na itong dalawa na ito at nililihim lang sakin. Hindi ko naman na siya inusisa dahil sigurado hindi pa sila handang sabihin sakin.
Paglabas ko ng building ay napadaan din naman ako sa parking. Nakita ko ang kotse ni Trina kasabay nun ay ang pagpasok ni Zach at Jared?
Kailan pa naging close si Zach , Jared at Trina?
End of Flashback............
Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko nung Friday. Kahit hindi ako ganun kaclose sa mga kaklase ko ay kilala ko naman sila dahil pinagmamasdan ko rin naman sila pagmagkakasama kami dito sa room.
Dapat ko ba itong sabihin sa mga kaklse ko at magulang niya? Pero paano kung mali ako at mapagbintangan pa mga kaibigan ko? Ayaw ko naman na masira yung pagkakaibigan namin dahil lang dun. Gusto kong ako mismo ang magtanong kay Zach at Trina kung anong nangyari.
Natapos nga ang morning class ko at wala akong nakitang Zach. Pupunta na sana ako mini forest para doon maglunch dahil may baon naman akong food pero nakita ko naman ang taong kanina ko pa gustong makita.
"Hey, i miss you" sambit nito sakin pagkalapit ko sa kaniya at parang wala siyang paki kahit mapakinggan ng mga kaklase ko.
Inintay ko muna maglabasan mga classmate ko bago ko siya sagutin. Nang masigurado ko na wala ng ibang tao sa room namin ay niyakap ko naman siya. Hindi ko alam pero parang kailangan ko siyang yakapin para gumaan yung pakiramdam ko.
"I miss you too" malambing kong sagot sa kaniya at mas hinigpitan naman niya ang yakap niya sakin.
Hindi naman kami nagtagal sa ganung sitwasyon at pagkaalis ng yakap ko sa kaniya ay hinalikan niya ako sa aking noo na dahilan para makaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan. Damang dama ko yung pagmamahal niya sakin kahit di niya sabihin.
"Sabay na tayong maglunch" aya niya sakin at hinawakan yung aking kamay.
"Xander" tawag ko sa kaniya habang naglalakad pero nagtataka ako dahil hindi siya lumilingon kahit alam kong napapakinggan niya naman.
"Xander" pag-tawag ko muli sa kaniyang pangalan pero ayaw niya talagang lumingon.
"Daddy" nahihiyang tawag ko sa kaniya. Kita ko naman ang pag-ngiti niya sa salamin. Mabuti na lang wala kaming kasabay dito sa elevator.
"Akala ko nalimutan mo na yung tawagan natin baby." nakangiting sambit nito sakin. Ang ngiti niyang ito ang mas lalong nakakakuha ng aking puso at dahilan para mas lalo itong bumilis ng tibok.
"By the way, ano nga pala ang itatanong mo?" pagbalik nito sa normal na usapan.
"Pwede bang dumaan muna tayo sa room ni Trina?" sambit ko sa kaniya. Gusto ko kasing malaman kong pumasok ba ito.
Pagpunta namin sa room niya mabuti na lang may naabutan akong mga classmates niya.
"Hello, magtatanong lang sana ako kung pumasok ba si Trina Uy?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Hi, Pres, naku hindi pumasok si Trina ngayon eh wala din naman sinabi kung bakit" sagot nito sakin.
"Salamat" nakangiti kong sambit sa kaniya.
"May problema ba?" tanong ni Xander sakin.
"Sasabihin ko sayo habang kumakain. Tara na kain na tayo, may luto si Mama" aya ko sa kaniya at pumunta nga kami sa cafe.
Pagdating namin dun nagulat ako kasi kompleto ang mga barkada niya na nandito. Kaya napatigil ako sa pagpasok na kinatigil din ni Xander. Handa na ba ulit akong harapin sila matapos ang nangyari?
"Don't worry, nauunawaan nila ang nangyari" paniniguro sakin ni Xander at hinawakan lang muli ang kamay ko at lumapit sa kanila.
"Hello beshieee, i miss you so much" bati sakin ni Trixie sabay yakap. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako dahil sobrang namiss ko din siya.
"I'm so sorry for hiding the truth about us" pahabol pa nito.
"I miss you too, ayos na ako. Masaya din ako na nauunawaan niyo ako" sambit ko sa kaniya.
Pinunasan ko naman yung mumunting luha sa aking pisngi at nakita ko naman na nakangiti silang lahat sakin.
"Welcome back to the club, Carl. We miss you" bati sakin ni Trev. Ganun din sina Nate, Chino at Topher.
Nakaorder na sila ng food para samin pero nag-share pa rin ako nung luto ni Mama at nagustuhan naman nila.
"Nabalitaan niyo na ba yung mga nawawalang estudyante?" sambit ni Topher habang kami ay kumakain.
"Yeah, tatlong estudyante ang nawawala this weekend lang." pagdugtong ni Chino.
"Hindi kaya mga sindikato or kalaban ng organisasyon natin kaya dito sa school kumukuha?" sambit naman ni Madam Nate.
Napatahinik naman ang lahat at napatigil sa pagkain. Siguro ay inaalala nila na kasama nila ako.
"Ayos lang, alam ko na rin naman kung ano kayo. Actually yung isa sa mga nawawala is classmate ko." pagsali ko sa usapan nila.
"Really? May napansin ba kayong kakaiba bago mawala yung mga lalaki?" tanong sakin ni Trixie.
Nag-aalangan naman akong sagutin sila dahil pangalan ng mga kaibigan ko ang nakataya. Mukhang napansin naman nila na may nalalaman ako.
"Stop this nonsense topic. He's not involve here" medyo galit na wika ni Xander sa mga kasama. Kaya natahimik sila at mukhang nakakuha din kami ng atensiyon ng ibang estudyante.
Hinawakan ko naman ang kamay niya para pakalmahin siya. Nakita ko naman na napapikit siya ng mata para kontrolin yung galit niya.
"Mahahanap niyo ba yung mga nawawala?" tanong ko naman sa mga kaibigan ko.
"To tell you honestly Carl, this is our mission now" pag-amin naman ni Trev. Napatango naman ako. Tumingin pa sakin si Xander na parang pinipigilan ako pero tiningnan ko din naman siya at pinahiwatig na ayos lang.
"Nung Friday, bago tayo magkausap Trev" panimula ko. Nakita ko naman na sumama ang tingin ni Xander kay Trev.
"Kalma bro, gusto ko lang naman sa kaniya magpaliwanag nun at mag-sorry" pag-papaliwanag nito.
"Nakita ko kasi si Jared, yung classmate kong nawawala kasama si Zach na sumakay sa kotse ni Trina" pagpapaliwag ko sa kanila. Hindi ko alam kong magiging helpful yung impormasyon na ito.
"Diba mga kaibigan mo rin sila Carl?" tanong ni Madam Nate. Napatango naman ako bilang pag-amin.
"Wala ka bang napapansin sa mga kaibigan mong kakaiba?" dagdag niya pang tanong.
"Wala naman, maliban na lang dun sa nakita ko last friday kasi hindi naman namin kaclose yung classmate namin na nawawala. At hindi rin sila pumasok ngayon" sagot ko sa kaniya.
"May contact number ka ba ng mga kaibigan mo?" tanong ni Topher sakin.
"Meron naman. Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.
"Pwede natin matrack ang lokasyon niya para masundan namin" pagpapaliwanag nito.
"Anong pwede kong gawin?" tanong ko sa kaniya.
May kinuhang gamit si Topher sa bag niya at hiningi sakin yung number ni Trina.
"Can you call her? Yung casual lang na pag-uusap" sambit sakin ni Topher.
Tinawagan ko naman na si Trina at tahimik ang lahat. Nagring naman ito at maya-maya lang ay sumagot din.
"Hello, Trina?" tawag ko sa kaniya sa kabilang linya
Kinakabahan talaga ako sa ginagawa namin ngayon pero malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman sila ni Zach.
"Hello din, Carl. Napatawag ka?" nagtatakang tanong nito.
"Absent ka daw kasi sabi ng mga classmate mo. Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Yeah, ayos lang ako. Medyo busy lang. Salamat sa concern mo." pagpapaliwanag nito. May narinig naman kaming tumawag sa panglan niya.
"Sige, I have to go na Carl, kitakits na lang" pagpapaalam nito.
"Ayos na ba?" tanong ko naman kay Topher.
"Yes, nahanap ko na. Salamat Carl" nakangiting sambit nito sakin.
"In exchange nito beshy, nasabi kasi samin ni Kuya yung lalaking gusto niyong tulungan sa bahay ng ninong mo. Kami na ang bahala dun." nakangiting sambit sakin ni Trixie.
Kinakabahan ako sa mga nangyayari pero sana tama nga itong aking ginagawa.
Follow:) Vote:) and Comment:)
[text_hash] => 03cff269
)
What do you think?