Chapter 33: Chapter 32

Array
(
[text] =>

CARL POV

Pagdating namin sa village ni ninong ay may inabot lang ako na card sa guard at kami ay pinatuloy. Halata naman na mayayaman ang nasa village na ito dahil sa magagarbong bahay nila. Hindi naman kami nagtagal kasi nakita din namin ang bahay ni ninong. Bumaba muna kami sa kotse ni Xander at nagdoorbell kami. Actually may gate pa sila bago makapasok sa mismong bahay. 

Maya maya lang naman ay may lalaking lumabas na nakapurong itim ang suot. Habang pinagmamasdan ko itong papalapit sa pwesto namin ay para bang nagbalik lahat ng ala-ala ko sampung taon na ang nakakalipas. Sa panahon na nakasilip ako sa bintana kasabay ng malakas na kulog at kidlat, habang pinagmamasdan ang mga kotseng nagdadatingan sa tapat  ng aming bahay at pagbaba ng mga lalaking nakaitim ng kasuotan.

Napapikit ako  at napahawak ako sa aking ulo dahil para akong nahilo. Naramdaman ko naman agad ang paghawak ni Xander sa aking bewang para alalayan ako.

"What's wrong baby?" pag-aalalang tanong sakin ni Xander.

"Bigla lang sumakit ang ulo ko. Pero ayos lang ako" sagot ko sa kaniya. Kita ko naman sa mukha niya yung pag-aalala at tila hindi kumbinsido sa aking sinabi.

"Iniintay na po kayo ni Boss" sambit nung lalaki na nakakatakot kung makatitig samin. Hindi ko na lang pinansin yun at pilit ngumiti sa lalaki.

Pagpasok namin sa bahay ay nakita ko naman si Ninong na tumutugtog sa piano. Pinaupo naman kami nung lalaki sa sofa. Hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Xander ang aking kamay na nagpawala ng aking kaba. Pakiramdam ko ay ligtas ako pagkasama ko siya. Tiningnan ko pa siya at nagtama ang mata naming dalawa. Napangiti naman ako sa kaniya.

"Good morning Carl" bati sakin ni ninong ng nakangiti pero nawala ang ngiti niya ng makita si Xander sa tabi ko.

"Good morning ninong" nakangiti ko namang bati sa kaniya.

"I thought you're coming by yourself para sana makapag-bonding tayo" seryosong sambit ni ninong. Naramdaman ko naman na parang hindi nagustuhan ni Xander ang napakinggan niya.

"Sorry po ninong, akala ko po kasi hindi ako magtatagal dito. Sabi lang po kasi sakin ni Mama may nalimutan lang daw po kayong ibigay kagabi." nahihiyang sambit ko sa kaniya at hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Xander para pakalmahin ito.

"It's okay. You want to come? Kunin lang natin sa taas." pag-aaya sakin ni ninong.

Kahit na hindi ako komportable ay tumango na lang ako sa kaniya at tiningnan ko si Xander na parang ayaw pang bitawan ang kamay ko.

"It's fine. Intayin mo na lang ako dito." pangungumbinse ko sa kaniya. Tumango naman siya at binitawan na ang kamay ko.

Sumunod naman ako kay ninong papunta sa second floor. Habang nasa daan ay napapansin kong napakaraming kwarto dito sa bahay niya.

"Sino nga po pala mga kasama niyo dito ninong?" tanong ko sa kaniya para mabasag ang katahimikan.

"May mga guards akong kasama dito. Alam mo na negosyante marami rin minsan nagtatangka sa buhay ko." paliwanag nito sakin.

"Mabuti na lang po ninong at may mga guard kayo para nababantayan kayo" nakangiti kong sambit sa kaniya.

Pumasok kami sa isang kwarto. Siguro ito na yung room niya. Napakalinis ng kwarto niya at wala masyadong mga gamit. Kinuha yung ilang paper bag sa kaniyang kama at inabot sakin.

"Salamat po ninong. Sobrang thankful ko po sa inyo" nakangiti kong sambit sa kaniya at napangiti naman siya.

"Wala man lang bang hug diyan?" tanong nito sakin at ibinuka ang kaniyang mga braso na naghihintay ng yakap ko.

Dahil sa tuwa ko ay lumapit naman ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Salamat po ulit sa inyo ninong" sambit ko muli sa kaniya.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Dahil sa malaking tao siya ay halos hindi na nga ako makahinga. Pero naramdaman kong parang inaamoy niya yung leeg ko at yung kamay niyang nasa likod ko ay pababa ng pababa papunta sa aking pwet.

"Sayang naman hindi man lang tayo makapag-bonding" sambit nito sakin na parang kinakapos ng paghinga.

"Bi----bisi--ta na lang po kami dito ni mama sa sunod" nauutal kong sagot sa kaniya dahil kinakabahan talaga ako sa sitwasyon namin ngayon. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang kaniyang ginagawa. 

"Tuuuuuuuloooonggggg" pakinig kong sigaw mula sa katapat naming kwarto. 

Umalis siya sa pagkayakap sakin at pareho kaming napatingin sa kwarto kung saan nagmumula ang ingay. Parang pamilyar sakin yung boses ng lalaki. Para siyang nahihirapan base sa kaniyang sigaw.

"Sino po yun ninong?" tanong ko sa kaniya.

Bigla naman siyang naging seryoso. Pero ng tumingin siya sakin ay parang may hindi siya mapakali.

"Nag-aayos lang yung ng mga furnitures. You can now go. Pakikamusta mo na lang ako sa Mama mo" nakangiting sambit nito.

"Parang kelangan po ng tulong ninong nung tao. Samahan po kita" alok ko sa kaniya at naglakad papunta dun sa kwarto pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit kaya napadaing ako sa sakit.

"Sorry, di ko sinasadya. Pero you don't have to worry. Ako na ang bahala baka may lakad pa kayo ng boyfriend mo" sambit nito sakin. Kahit gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa lalaki ay hindi na ako nagpumilit sa kaniya.

"Sige po ninong. Paalam at salamat po ulit" paalam ko sa kaniya kasabay ng pilit na ngiti mula sakin.

Pababa na ako ng makasalubong ko si Xander na sobrang seryoso ng mukha. Hindi lang seryoso dahil para siyang galit.

"Xa---nder" mahinang tawag ko sa kaniya. Nang makita niya ako ay biglang naglaho ang galit niyang mukha pero seryoso pa rin siya ngayon. 

Nagmadali naman akong bumaba dahil nag-aalala din ako sa kaniya. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sakin.

"You're safe." mahinang bulong nito sakin at kumalas mula saming pagkayakap.

"What's wrong?" pag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Ipapaliwanag ko sayo mamaya pero ngayon umalis na muna tayo dito" sagot nito sakin. Hinawakan niya yung kamay ko at dire-diretso kami palabas ng gate ng hindi na lumilingon.

Sumakay naman agad kami ng kotse at mabilis na pinaandar ni Xander palabas ng village. Nang malayo na kami sa village ay tumigil muna kami sa isang gilid ng kalsada na wala masyadong mga sasakyan.

"Tell me now Xander" sambit ko sa kaniya  at tiningnan siya sa kaniyang mata. Bumuntong hininga muna siya sakin at humarap.

"Gaano mo kakilala ang ninong mo?" seryosong tanong nito sakin. Napakunot naman ang noo ko sa kaniyang tanong.

"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.

"Just tell me, ano nalalaman mo sa kaniya?" pagtatanong muli nito sakin.

"Matalik siyang kaibigan ng Papa ko nung nasa Cebu pa kami. Kaya siya naging ninong ko. Yun lang alam ko. Bakit?" pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"So, you don't know that he's a mafia boss?" mahinahon na sambit nito na nagpagulat sakin. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Pa---paaano mo nasabi?" nanghihinang tanong ko sa kaniya kahit na nakakaramdam ako ng takot.

"Yung isa niyang guard ay namumukhaan ko at nakakasiguro ako na siya ay naging ka-transaksyon na namin dati." pagpapaliwanag nito. Nag-simula naman tumulo ang luha ko na ikinabahala niya.

"May hindi ba maganda siyang ginawa sayo kanina?" pag-aalalang tanong nito sakin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya yung ginawa sakin ni ninong kanina pero hindi na muna siguro baka kung ano pa magawa niya.

"Wa-wala naman. Pero Xander, may napakinggan akong lalaking sumigaw ng tulong sa kabilang kwarto." paglalahad ko sa kaniya. Sigurado ako na nagsisinungaling siya kanina na nagtatrabaho lang yung sumigaw.

"Hindi ko pa kilala ang ninong mo, dahil tago ang pagkakakilanlan ng mga mafia boss. Wala tayong magagawa sa ngayon kung meron nga siyang tinatagong tao." pagpapaliwanag niya sakin. 

"Pero paano yung lalaki Xander? Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya" pag-aalala kong sambit sa kaniya.

"Ba-baka bu---bukas, hi--ndi na si-ya buhay pagpapatuloy ko at patuloy ang pagtulo ng aking luha dahil naalala ko naman ang malupit na sinapit ni Papa mula sa mga mafia.

Niyakap niya naman ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Follow:)

Comment:)

Vote:)

[text_hash] => 636f0fda
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...