Chapter 36: Chapter 35

Array
(
[text] =>

XANDER POV

Andito na kami sa madilim na bahagi bago pumunta sa village. Nakasakay kaming lahat sa van para may mapagsakyan din yung mga biktima na kukunin namin. Nakasuot kaming black suit at mask para itago yung pagkakakilanlan namin maliban kay Nate na nakagown at masquerade mask. 

Tanaw namin dito sa sasakyan ang gate ng village at meron lang dun dalawang guard. Mukhang wala nga masyadong tao ngayon dito sa village. Bumaba na si Nate para simulan ang operation. Para siyang isang babae at hindi mo mahahalata na isa siyang trans. Hindi pa nga pumayag itong si Topher sa suot ni Nate na kita ang mga legs nito pero wala siyang nagawa.

Nakita namin na lumapit si Nate sa mga guard at nakipag-usap. Hindi naman malalaman na hindi dun nakatira si Nate dahil alam nila na may party ngayon. Halatang inaakit ni Nate yung mga guard dahil hinahawakan nito sa dibdib at dinidikit ang kaniyang hinaharap. Mukhang nag-eenjoy naman yung mga guard sa sitwasyon nila.

"Putcha, bakit ang tagal niyang gawin yun. Nag-eenjoy ba siya sa mga pangit na yun?" galit na galit sa sambit ni Topher habang madiin ang pagkakapit sa manibela ng sasakyan.

Natawa naman ako sa reaksiyon niya dahil halatang halata na nagseselos ang mokong. Aktong bubuksan na nito ang pinto ng pigilan siya ni Trixie.

"Ano ba Topher, tumigil ka nga diyan kung ayaw mong mabulilyaso tong operation natin" naiinis na sambit ni Trixie dito. Mukhang wala din nagawa si Topher at napahampas na lang sa manibela.

Maya-maya pa ay nakita namin na ininom na nung mga guard yung alak na may halong pampatulog. Maraming nilagay dun kaya mabilis ang epekto nito. Naghanda na rin naman kami. Nilagyan na namin ng silencer yung aming mga baril para hindi makakuha ng atensiyon.

Nakita namin nakatumba na yung dalawang guard at sumenyas na si Nate. Bumaba na kami at pumunta sa gate. Dahan dahan at nakayuko kaming naglalakad dito sa may daan. Halatang wala masyadong tao sa mga bahay dahil nakasara ang mga pinto. Pagdating namin sa harap ng bahay ng walang hiyang ninong ng aking mahal ay nakita namin na may apat na bantay dito.

Tinutok naman ni Trev at Trixie yung kanilang mga baril at asintadong pinatamaan sa ulo ang mga bantay. Mahusay talaga silang dalawa pagdating sa paggamit ng baril. Bago pa makareact at makahunot ng baril yung dalawang kasama ay nabaril naman agad sila at natumba. 

Binuksan nila yung gate dito at kami naman ni Chino ang pumasok sa bahay. May nakita pa kaming nanunuod sa sala at mukhang hindi nakakamalay sa aming pagdating. Binaril agad siya ni Chino kumalat ang dugo nito sa sofa.

Umakyat naman ako sa hagdan habang nasa likod ko si Chino. May nakita akong dalawang bantay sa isang pinto. Agad ko naman itong binaril at tinamaan sa ulo. Agad itong humandusay  sa sahig. Lumapit kami sa pinto na binabantayan nung dalawa. Siguro ay dito tinatago yung mga kinukuha nilang mga bata. 

Nagtinginan pa kami ni Chino para sabay na buksan ang pinto. Pagbukas namin ng pinto ay may nagpaputok agad samin ng baril. Siguradong maaalarma na ang ibang mga bantay dito sa village na ito. Tumago muna ako dito sa gilid ng pintuan. Tumingin ako sa aking paligid at napadako ako sa vase na babasagin na nakikita mo yung reflection dun. Agad kung kinuha yun at maingat na nilagay sa may pinto. 

Agad naman itong pinaputukan ng nasa loob pero huli na siya dahil nakita ko na ang pwesto niya at agad kong binaril. Pagpasok namin ay nakita ko yung tatlong estudyante na nakahubad sa gilid ng kama at kita mo sa kanila ang takot. May ilang camera pa ang nakatutok sa kanila.  Bago pa ako tuluyang mawala sa focus ay may sumipa ng malakas sa aking likod na naging dahilan ng pagkatumba ko. 

Nawala din ang baril sa aking kamay. Naramdaman ko naman na may papalapit sakin kaya agad akong humarap dito at sinipa ang kaniyang hita. Nagulat pa ako ng makita kong si Zach ang lalaking ito kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit. Nakabangon naman agad siya at iika-ika dahil sa sipang ginawa ko. Susuntok na sana siya ng mahawakan ko ang kamay niya pinilipit ito na dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Habang dumadaing siya sa sakit ay agad ko siyang sinuntok sa mukha at kita ko pa ang pagtalsik ng dugo mula sa kaniyang bunganga. Para tapusin ang paghihirap niya ay ni-roundhouse kick ko siya na naging dahilan para matumba ito at mawalan ng malay. 

Nakita ko naman si Chino na nakikipaglaban kay Trina. Halatang malakas itong babaeng ito dahil may dugo si Chino sa kaniyang labi. Tutulungan ko na sana siya pero umiling naman agad ito. May tiwala naman ako kay Chino kaya pinuntahan ko na lang itong mga biktima na may mga pasa pa sa mukha na halatang pinarusahan muna. Bakas na bakas sa kanilang mukha yung takot. Naalala ko si Carl sa kanila ng makita ko rin itong takot na takot nung may nakasagupaan kami sa mall.

Nakasiksik sila sa gilid at halatang may takot at pagaalinlangan sa kanilang mga mata.

"You're safe now. Get dressed ilalabas na namin kayo dito" saad ko sa kanilla. Agad naman silang kumuha ng mga damit nila at sinuot ang mga ito. Hindi ko alam kung gaanong hirap ang dinanas nila pero bakas na bakas iyon sa kanilang mga katawan. 

Tiningnan ko naman si Chino at isang malakas na sidekick sa ulo ang ginawa niya kay Trina kaya agad itong bumulagta sa sahig at nawalan ng malay. Lumapit pa si Chino dito at sinigurado kung buhay pa ito at mukhang buhay pa naman.

Agad kaming lumabas kasabay ng mga niligtas naming mga lalaki. Paglabas namin ay nakita namin sina Trixie at Trev na mukhang napagod dahil maraming mga katawan ng tao ang nasa labas ng bahay na ito.

"Magmadali na tayo dahil mukhang may darating na silang back-up" sambit ni Trev samin kaya nagmadali kaming lumabas ng village na ito. 

Nakita naman agad namin ang van sa harap ng gate ng village at tanaw sa malayo ay magkakasunod na mga sasakyan. Siguradong ito na yung mga back-up ng mga bantay. Mabilis naman na isinakay namin ang mga biktima at mabilis na pinatakbo ni Topher ang sasakyan.  Paglingon ko nakita ko pa ang galit na galit na mukha ni Kennedy Green.

Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang gulo na ito. Alam kong hindi siya titigil para lang ipahanap kami at ipaligpit. Napangiti naman agad ako dahil naalala ko naman ang pangako sakin ni Carl. Hindi na ako makapaghintay.

"Kayo na ang maghatid sa mga ito at siguraduhin niyong wala sa inyong nakasunod." sambit ko sa kanila. 

"Saan ka pupunta? Hindi ka ba magpapahinga?" nag-aalalang tanong ni Trixie.

"May mahalaga lang akong pupuntahan para tuparin yung aking pinangako"  seryoso kong sagot sa kaniya pero deep inside at behind the mask ay ang laki na ng ngiti ko.

Tumigil naman yung sasakyan sa isang tabi at bago pa sila magtanong ulit ay sinara ko na ang pinto. Nagpalit muna ako ng damit at konting pabango para hindi naman nakakahiya sa aking mahal pagnagkita kami. Tiningnan ko pa yung phone ko at napakarami niyang misscall. Madaling araw na pala pero gusto ko pa rin siyang puntahan.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila nakapatay na yung ilaw, pero nakita ko pang bukas yung bintana niya. Nakakahiya naman kung kakatok pa ako sa pinto baka makaabala pa ako kay Mama. Para akong magnanakaw na umakyat dito sa bahay nila hanggang sa makarating ako sa kwarto niya. 

Agad naman akong napangiti ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng kaniyang study table. Hawak niya yung phone niya at mukhang may tinatawagan. Nakita ko naman yung phone ko na umilaw. Hindi na ako nakatiis at lumapit na ako sa kaniya at mahigpit na niyakap siya mula sa likod. Medyo nagulat pa siya pero alam kong narealize niya kung sino yung nakayakap sa kaniya.

"Did you miss me?" malambing na tanong ko sa kaniya. Sa kaniya ko lang pinapakita yung ganitong side ko. Inalis naman niya yung pagkayakap ko sa kaniya na pinagtaka ko. 

Humarap siya sakin at kita ko yung pag-aalala at takot sa kaniyang mukha. Ayaw na ayaw ko siyang makita na ganito dahil parang nadudurog ang puso ko.

"Hindi kita miss........ Dahil sobrang nag-aalala ako. I'm so glad you're safe." nakangiting sambit nito sakin na nagpaalis ng aking pangamba. Sinuri pa niya yung mukha ko kung may sugat pero wala naman siyang nakita. Mahigpit niya akong niyakap at damang dama ko yung pagmamahal niya sakin.

"Sinigurado ko talagang magkikita tayo pagtapos ng operation dahil may taong nangako sakin" sambit ko sa kaniya  ng may ngiti sa aking labi.

Humiwalay kami sa isa't isa at nakita ko naman ang pamumula sa kaniyang mga mukha.

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang natin? Para makapagpahinga ka muna. Alam kong pagod na pagod ka" sambit nito. Kunwari ay nalungkot ako at pinakita ko talaga sa kaniya. Nakita ko naman na para siyang nataranta.

"Hindi ka pala marunong tumupad sa pangako. Sige aalis na ako" sambit ko sa kaniya at nagsimulang maglakad papunta sa bintana.

"Uy, bi----biro lang naman. Xander, mahal na mahal kita. At simula sa araw na ito ay pinapangako ko sayo na itong pagmamahal ko." sambit nito na halatang kinakabahan. 

Napangiti naman agad ako at bumalik ang tingin sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at  hinawakan ang kaniyang mga pisngi. 

"Pinapangako ko rin sayo na ikaw lang ang mamahalin ko at pag-aalayan nitong aking puso. I love you so much baby" malambing kong sambit sa kaniya.

"I love you too, Xander" sambit nito na para bang musika sa pandinig ko pagtinatawag niya yung pangalan ko. Our lips met and I just felt so much love. Sobrang swerte ko sa taong ito at sisiguraduhin kong hindi siya mawawala sakin.

Hindi na niya ako pinauwi at tabi na kaming natulog sa kaniyang kama. Nakaunan siya sa aking mga braso habang nakayap sa aking katawan. Ito na siguro yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

Follow, Comment and Vote:)

[text_hash] => 2bfff181
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...