Chapter 31: Chapter 30

Array
(
[text] =>

CARL POV

Kanina pa kami dito sa kwarto pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakaupo ako dito sa kama siya naman ay sa upuan malapit sa study table ko. Kanina ko pa nararamdaman ang titig niya pero hindi ko magawang tingnan siya.

"Ba...by" mahina pero malambing niyang wika. Kung okay kami ngayon malamang kinikilig ako pero hindi eh.

"Please stop Xander. Sinabi ko sayo itigil na natin to. Magpasalamat ka kasi hindi ko sinabi kay Mama. Dahil kung nalaman niya ang totoo baka hindi ka na nakapasok sa bahay na to" naiinis kong sagot sa kaniya.

"Pero hayaan mo naman sana akong magpaliwanag. Hindi ko kayang itigil tong nararamdan ko sayo. Yung hindi kita makita sa isang araw parang mababaliw na ako" seryoso nitong sambit sakin at ramdam ko yung lungkot sa kaniya.

"Alam mo rin na ayaw kong ma-involve sa mga taong kagaya mo Xander. Hanggat maaga pa itigil na natin to. Akala mo ba ikaw lang nasasaktan sa nangyayari huh? Mas nasasaktan ako" pasigaw kung sambit sa kaniya at narito na naman ang luha na pilit kong pinipigilan pero hindi ko magawa.

Tumayo siya at lumuhod sa harap ko at kagaya ko ay nakikita ko ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. 

"Alam ko naman yung pinagdaanan mo eh. Nauunawaan ko, pero sana naman pagbigyan mo akong mahalin ka." panghihinuyo nito sakin at hinawakan ang aking kamay at nilagay sa kaniyang dibdib. Dama ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Mahal kita Xander hindi ko yun itatanggi sayo pero mula ng nalaman ko yung totoo? Andaming pumasok sa isip ko na maaring mangyari sakin lalo na kay Mama. Gumagawa kayo ng masama kaya kahit mga inosenteng tao nadadamay" paliwanag ko sa kaniya.

Ngumiti siya sakin pero kita ko yung sakit sa kaniyang mata.

"Sobrang saya ko na malaman na mahal mo ako, pero ansakit lang na tanggapin na hindi mo ako mapagkakatiwalaan. Sabihin mo sakin kung anong pwede kong gawin para mahalin ako ng lubusan. Pleasseeee.... Tell me.." naiiyak na pagsusumamo nito sakin.

Kahit ako ay walang maisip na paraan para magpatuloy ang relasyon naming dalawa. Hinawakan ko ang pisngi niya pero nagulat ako dahil sobrang init niya.

"Nilalagnat ka?" Gulat na tanong ko sa kaniya. Dinampi ko ang palad ko sa kaniyang leeg at tama nga dahil sobrang init niya. 

Maya maya lang ay para siyang masusuka kaya agad ko siyang tinayo at dinala sa may sink ng CR. Habang sumusuka siya ay hindi ko naman matiis na tingnan siyang naghihirap ng ganito kaya hinimas ko ang likod niya pero nagulat na lang ulit ako ng mapadaing siya at hawakan ang kamay ko.

"Don't plea....se" pagmamakaawa nito sakin. Kahit may pagtataka ay tinigil ko na lang at pumunta na lang ako sa closet para maghanap ng damit na maluwag na kakasya sa kaniya dahil pati damit niya ay nasukahan din. Bumaba na din ako para kumuha ng towel at gamot para punasan siya. Mukhang nakuwi na din naman si Ninong at si mama naman ay nagsasara na ng pintuan, mabuti na lang at hindi niya ako napansin.

"Magpalit ka ng damit mo" sambit ko sa kaniya pagbalik ko sa kwarto at siya naman ay kalalabas ng ng CR.

"Okay lang ako. Sa tingin ko mali na pumunta ako at kausapin ka na lasing ako. I'm really sorry. Babalik na lang ako bukas" sambit nito at halatang may iniindang sakit.

Naglakad na siya papunta sa pinto at pipihitin na sana ang doorknob pero hindi ako mapakali.

"Diyan ka lang ba matutulog sa tapat ng bahay?" tanong ko dito. 

Bakit ganun yung tanong ko? Bakit parang jowa ako na nag-aalala? 

Lumingon siya sakin at napangiti. 

"Huwag kang ngumiti dahil sinisigurado ko lang na makakauwi ka ng maayos" pagdepensa ko sa sarili ko at nakita ko naman siyang napa-iling.

"Uuwi ako sa mansion, wala akong masyadong gamit diyan sa boarding house" sagot naman niya sakin at akmang lalabas na ng pintuan pero pinigilan ko siya kahit nagdadalawang isip ako.

"Dito ka na matulog. De-delikado sa daan tsaka may sakit ka"  nauutal kong pagpigil sa kaniya.

"Okay lang talaga ako" sambit nito at akmang maglalakad na ay lumapit na ako sa kaniya at hinila siya papasok ng kwarto. Mabuti na lang at hindi kami nakita ni Mama habang ito ay paakyat.

Pinaupo ko siya kama at binasa ang towel at pinunasan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam pero hindi naman mainit sa kwarto ko dahil bukas ang aircon pero parang pinagpapawisan ako. Nangingig pa ang aking mga kamay habang pinupunasan ko siya pababa sa kaniyang leeg. Pero natigil yung pangingig ng kamay ko ng hawakan niya.

"Let me do it" sambit nito sakin at hinayaan ko nalang siya.

"Magpalit ka ng damit para hindi mangamoy suka itong room ko." sambit ko sa kaniya.

Pagtapos niyang magpunas ay naghubad naman siya ng damit niya kaya tumalikod ako pero  di ko inaasahan na sa katapat pa namin ang salamin pero mas kinagulat ko ay nakatalikod din pala siya sakin at kita ko sa salamin ang marami at mahahabang sugat. Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa awang aking nararamdaman. Hindi mo na malalaman kung likod pa ba ito ng tao dahil buong parte nito ay may sugat.

"Hey, are you okay?" tanong niya sakin na nagpabalik sa aking katinuan.

Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kaniya. Hindi ko pa rin maalis yung awa at takot sa aking mukha.

"Ba--bakit--? Napa---ano yang na-sa likod mo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"You don't have to worry about me. Ayos lang ako" sagot nito sakin na parang walang iniindang sakit.

"Hindi ka okay. Tama na  Xander, alam kong nasasaktan ka. Sino ang may gawa sayo niyan?" medyo pagalit kong tanong sa kaniya.

"Anak, okay lang ba kayo diyan" biglang katok ni Mama at sa labas. Napabuntong hininga na lang ako at ikinalma ang aking sarili.

"Ayos lang po kami Ma. Dito na nga po pala matutulog si Xander medyo gabi na po eh." sigaw ko kay Mama, sapat na para marinig niya.

"Mabuti naman at ayos na kayo. Sige at matutulog na ako" paalam ni Mama.

"Ayos lang ba talaga sayo na dito ako matulog?" nahihiyang tanong nito.

"Hindi naman kaya ng konensya ko na hayaan kang umuwi ng ganyan ang kalagayan mo. Pero ngayon, hubarin mo muna yang damit mo at humiga ka dito sa kama. Gagamutin ko yang sugat mo." utos ko sa kaniya at aangal pa sana siya pero pinandilatan ko na ng mata. Napa-iling na lang siya at naghubad sa harap ko. Hindi mo naman talaga maiitanggi na maganda ang katawan niya. Pero imbes na mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay kumuha na lang ako ng betadine at bulak.

"Medyo mahapdi to huh. Sabihin mo lang sakin kung masakit" sabi ko sa kaniya na para bang okay lang kami. Matapos ko kasing makita yung sugat niya alam kong mas masakit pa yun sa nararamdaman ko.

"You're afraid of blood. Kaya mo bang gawin yan?" pag-aalalang tanong niya sakin

"Huwag mo akong alalahanin. Paano ka ba nagkaroon ng ganito?" tanong ko sa kaniya at sinimulan ko ng lagyan ng betadine ang kaniyang mga sugat. Iniisip ko pa lang yung pinagdaanan niya parang hindi ko kaya.

"Gusto ko maging honest sayo kaya sasabihin ko sayo yung totoo." malumanay na sambit niya sakin na lihim kong ikinangiti.

"It's my dad, pinarusahan niya ako for telling you about my our identity. Dapat lahat kaming magkakaibigan pero sinalo ko ng lahat dahil wala naman silang kinalaman dito." pagpapaliwanag niya sakin.

"Paano nagawa ng Dad mo to sayo? Sarili ka niyang anak." medyo may hinanakit kong sagot sa kaniya.

"That is part of our rules and regulations." sagot din naman niya sakin.

Matapos ang ilang minuto ay natapos din naman kami.

"Sa sofa niyo na lang ako matutulog" pagpapaalam nito sakin.

Kinokonsensya pa niya ako ngayon huh.

"Share na lang tayo dito sa kama. Kasya naman tayo dito." pag-anyaya ko sa kaniya.

Nahiga na kami at hindi naman ito yung unang beses na magkatabi kami sa isang kama. Pero this time nilagyan ko ng unan sa gitna. Nakatingin siya dito sa side ko kaya tumalikod ako sa kaniya. Pinikit ko na ang aking mata para makatulog pero pakiramdam ko talaga nakatingin pa rin siya hanggang ngayon.

Maya maya lang ay may mabigat na bagay na nasa dibdib ko. Kaya naman pinakiramdaman ko muna at naramdaman ko na lang na may mainit pero malambot sa noo ko. Para naman akong nakuryente sa ginawa niya at sumunod ay sa labi ko. Gusto ko man siyang itulak ay parang hindi ko magawa. 

"I love you always" malambing na puno ng pagmamahal niyang sambit sakin. At ng maramdaman kong lumayo na siya sakin ay napamulat ako hindi ko alam pero napangiti na lang ako.

FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)

[text_hash] => 6f212d4e
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...