Array
(
[text] =>
CARL POV
Nagising kami ng medyo mataas na ang sikat ng araw. Akala ko nga wala na akong kasama pero nakita ko si Xander sa gilid ng kama na nakaupo at nakatingin lang sa pwesto ko. Dahil sa hiya ko tumagilid ako at nagkunwaring hindi ko siya nakita.
"I know you're awake, let's have breakfast. Kanina pa nila tayo hinahanap." nakita niya pala yun, dahil ayaw ko ng makaramdam ng awkwardness tumayo na rin ako.
Nagtoothbrush muna ako bago kami lumabas ng room. Habang papunta kami sa mga kasama namin, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Xander Luciano ay nagtapat sakin kagabi.
At hindi iyon isang panaginip. Palihim naman akong napangiti dahil sa kaniyang mga matatamis na salitang binitawan. Gusto ko man tanungin kung kelan nagsimula at paano niya ako nagustuhan pero malalaman ko din siguro yun paglipas ng mga araw.
"Good morning, mag-breakfast na kayo" bati ni Trixie samin na may malaking ngiti sa labi.
"Magandang umaga din sa inyo guys" bati ko rin sa kanila ng may ngiti sa labi.
"Just sit, I'll get our food" wika sakin ni Xander.
"Okay lang, tulungan na kita" pagtutol ko naman sa kaniyang winika. Napatingin tuloy mga kasama naman ng may ngiti sa kanilang mga labi. Dahil sa hiya ko naupo na lang ako at hinayaan si Xander na kumuha ng pagkain namin.
"So what happened last night bestie?" maintrigang tanong ni Trixie sa aking tabi habang pataas taas ang kaniyang kilay na tila nang-aasar.
"Anong ibig mong sabihin bestie?" kunwari di ko alam kung ano yung tinutukoy niya.
"Huwag kang mag-maang maangan diyan bestie, what happened to you and kuya last night?" tanong niya muli para diretsuhin ang nais niyang malaman.
Bagamat may pag-aalinlangan ay ayaw ko naman maglihim sa kaniya.
"Diba natatandaan mo yung tinutukoy ko sayo na crush ko sa University? Si Xander kasi yun. At kagabi hindi ko lang inexpect na may feelings pala siya sakin" nakangiti kong pagkwento sa kaniya.
"Alam ba ni Kuya na may gusto ka sa kaniya?" tila kinikilig na tanong niya sakin.
"Actually, hindi niya alam pero willing naman daw siyang maghintay kung kelan ko siya kayang sagutin" sagot ko sa kaniya na kahit ako ay kinikilig din dahil naaalala ko ang detalye ng tagpo namin kagabi.
Napatingin naman ako sa pwesto ni Xander na kumukuha ng pagkain kasama si Trev at tila ang saya saya nilang dalawa. Ngayon ko lang nakitang masaya si Xander, yung hindi ka makakaramdam sa kaniya ng takot o pag-aalinlangan.
"You finally made kuya smile again. Thank you Carl" sambit sakin ni Trixie sabay yakap sakin. Hindi ko man maintidihan ang kaniyang nais sabihin pero masaya din ako na makita siyang ganiyan. Sana mapanatili ko sa kaniya yung ngiti na yan.
Kumain kami ng sabay sabay at busy sa mga kwentuhan. Then after kumain ay naligo na kami kasi pupunta kami ngayon ng Sky Ranch, medyo naexcite nga ako kasi first time kong makakapunta dun. Gusto ko rin maranasan yung mga rides na nakikita ko sa internet.
Nagsuot lang ako ng denim shirt, maong short at rubber shoes at ganun din si Xander. Hindi mo talaga maiikaila ang kagwapuhan niya. Ang lalaking hindi ko inaasahan na magtatapat ng pag-ibig na kasama ko na ngayon.
"I know, I'm handsome, huwag kang mag-alala kasi sayo lang to, sayo lang ako" mapangluko niyang wika na ikinapula ng mukha ko.
Binaling ko na lang atensiyon ko sa tanawin sa labas. Andito nga pala kami sa kotse niya at papunta kami sa Sky Ranch. Maya-maya lang ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Hindi sobrang lambot ng kamay niya pero medyo mainit na para bang nakakapaso.
Maya-maya lang ay pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Minulat ko ang mata ko at tama nga ako, si Xander. Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako sa biyahe.
"Kanina pa ba tayo?" tanong ko sa kaniya
"hindi naman, let's go" yaya niya sakin.
Pababa na sana ako kaso di ko mabuksan yung pinto. Nakita ko naman siya na lumabas ng kotse at pumunta sa side ko at pinagbuksan ng pinto. Inoffer pa niya yung kamay niya sakin para alalayan akong bumaba. Hindi naman ako nagreklamo, magiinarte pa ba ako?
Pagkababa namin, hindi niya na inalis ang pagkakahawak saking kamay. Pagdating namin sa entrance andito na ang mga kasama namin. Actually naka by pair kami ngayon. Himala nga at hindi magkaaway ngayon si bestie at Trev. Ano kaya nakain ng dalawang to? Mamaya ko na lang iintrigahin. Sa ngayon i-enjoy ko muna to.
"So ano ang plano niyo guys, sama sama or hiwahiwalay tayo?" tanong ni Madam Nate.
"Sama-sama na lang tayo" suggestion ni Trixie.
"Mas okay, kung hiwa-hiwalay tayo mas mahirap makasakay pag maraming magkakasama baka hindi tayo maaccomodate lahat sa isang ride." sagot naman ni Trev na nakakuha ng atensyon naming lahat. May point naman siya.
"Agree ako kay Trev, diba Xander?" sagot ni Chino
"Yeah" tipid na sagot ni Xander.
At ayon na nga, kaniya kaniya kami ng pupuntahan na rides. Basta ang 8 P.M kami magkikita-kita sa labas.
"Alin ang una mong gustong sakyan?" tanong niya sakin
"kahit saan, okay lang sakin" sagot ko naman sa kaniya. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko at naglakad. May mga taong napapatingin sa pwesto namin pero hindi pinapansin ni Xander at patuloy lang kami sa paglakad.
Una naming sinakyan ay ang Drop Tower, akala ko hindi nakakatakot kasi ang bagal lang naman niya pataas pero pagbaba ay sobrang bilis at talagang di ko mapigilan mapasigaw at mapahawak ng mahigpit kay Xander.
"Are you okay?" pag-aalalang tanong niya.
"O....oo, medyo nagulat lang ako." nauutal na sagot ko sa kaniya
"Is this you're first time here?" tanong niya sakin
"Oo" matipid na sagot ko sa kaniya na medyo nahihiya.
"Don't worry, I will be with you to experience all things you haven't tried" nakangiti niyang wika sakin.
Dahil sa saya na nararamdaman ko bigla na lang akong napayakap sa kaniya. I'm so happy to have him in my life. At ready na rin ako maexperience ang mga hindi ko pa nararanasan.
Sunod naming sinakyan ang Super Vikings, Safari Splash at iba pa.
Medyo nakakapagod pero sobrang sayang experience. Hindi lang ako ang nag-enjoy kasi alam kong masaya rin siya dahil kita ko yun sa kaniyang mga mata at ngiti.
"Last ride na tayo" masayang wika ko sa kaniya. Andito kami ngayon sa Sky Eye. Sinimulan ng paikutin ang Ferris Wheel. Madilim na nga pala ngayon at habang pataas ng pataas ay pansin ko ang magandang tanawin dito.
Napangiti ako dahil sa naransan ko ring makasakay dito at sa taong gusto ko pa. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Xander ang kamay ko.
"Carl" malambing na tawag niya sakin na nagpatibok sa puso ko ng mabilis. Sa kaniya ko lang naramdaman yung ganito.
"Are you happy?" tanong niya sakin
"Yes, sobra sobra, Thank you for being with me. Sobrang nag-enjoy ako." masayang sagot ko sa kaniya.
"I'm happy that you enjoyed this day. Simula pa lang to, I promise to make you smile everyday. You're special to me. Thank you for letting me to know you more and love you."
"You don't have to thank me. Kasi mas masaya ako na nakikita kang nakangiti. Mas gwapo ka pag nakasmile" sambit ko sa kaniya. Napansin ko naman ang kaniyang pamumula. Ang cute niya lang at ang layo sa Xander na una kong nakilala.
"Can I call you Baby?" seryosong tanong niya sakin pero may lambing.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya
"Because I want to be your Daddy" sambit nito sakin na nagpapula ng pisngi ko sa kilig.
"Kelangan ba may ganun talaga?" tanong ko sa kaniya ng nahihiya
"Yes, simula yun ngayon call me Daddy. Okay?" nakangiti niyang sambit sakin.
Hinawakan niya ang pisngi ko at unti unting lumapit saking pwesto. Ang distansiya ng mukha namin ay paliit ng paliit. Unti-unting napapikit ang mata ko gaya ng mga nakikita ko sa mga pelikula. At maya-maya nga ay naramdaman ko ang mainit niyang labi sa akin.
Ang bilis ng tibok ko kanina ay mas lalong bumilis. This is the first time someone kissed me. He moved his lips and di ko alam pero napasunod niya ako.
"I LOVE YOU, BABY" matamis niyang sambit sakin na nagpangiti sakin.
[text_hash] => 164a938a
)
What do you think?