Array
(
[text] =>
CARL POV
Since magkakaroon naman ng pool party, I decided not to take a bath. Nag toothbrush na lang ako at nagpalit ng swimming trunks at sando para ready na akong tumalon sa pool. After hell week sa school, finally this is my chance to enjoy my life for a bit.
Paglabas ko ng bathroom nakita ko naman na gising na si Xander at seems like he's waiting me to go out. Napatigil naman ako ng mapansin kong he's observing my appearance from head to toe which made me blush.
Mabilis din naman agad siyang nag iwas ng tingin sakin at kinuha din ang susuotin niya sa may cabinit.
"Wala ka bang mas mahaba haba na pwedeng suotin na short?" tanong niya sakin ng hindi tumitingin dahil busy siya sa paghanap ng susuotin niya.
"Diba mag swi-swimming tayo kaya nag swimming trunks ako" sagot ko sa kaniya.
Alangan naman mag pajama ako? O kaya ay pantalon diba?
Humarap siya sakin at tumango lang bilang sagot.
"Just wait me here, sabay na tayong pupunta dun" sambit niya sakin at tuluyan ng pumasok sa bathroom
While waiting him pumunta ako sa aking cabinet at nakita ko yung bagong bili ni mama na victoria's secret na pabango. Binuksan ko yun at nag spray lang ng konti baka kasi iba na ang amoy ko since di pa ako naliligo.
After few minutes of waiting ay lumabas na din si Xander sa bathroom. He's just wearing a trunks? Sa tagal niya sa bathroom ay akala ko naligo siya tas paglabas naka trunks lang?
Yung well formed abs niya ay kitang kita ko dahil sa ilaw and even his biceps ay flex na flex. Ang masasabi ko lang nakapa perfect niya.
Bago pa ako mahalatang nakatitig sa kaniya ay umiwas na ako ng tingin.
"Let's go, baka naghihintay na sila" pag anyaya nito sakin. Agad naman akong tumayo at sumunod sa kaniya palabas.
Pagdating nga namin sa pool ay ready na ang lahat. Ang ganda ng set-up kasi sa pool ay may ilaw underwater at dito naman sa cottage ay naka style na buffet at maraming wine gilid.
"Kamusta Carl, nakapag pahinga ba kayo ng maayos?" tanong ni Madam Nate
Napangiti naman ako sa kaniya.
"Oo, sobra sobra pa nga eh, feeling ko natanggal ang lahat ng puyat ko nitong mga nakaraang linggo" sagot ko sa kaniya.
"that's good to hear kasi this will be a long night to enjoy" sagot niya sakin.
Bumati din naman kami sa iba pa naming kaibigan. And finally yung sinasabing nililigawan ni Chino ay andito na. Naka swimsuit siya. Grabe yung kagandahan ng katawan niya kung sa lahat ng pinagpala mukhang siya na yun.
"Hi Carl and bro, I want you to meet Mica" pakilala ni Chino dito sa babae. Napakaganda niyang babae hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Chino.
"Hi, nice to meet you, I'm Carl" nakangiting pakilala ko sa kaniya. Napangiti rin naman siya.
"Hello Carl, I heard a lot about you" sambit niyan sakin. Ano naman kaya yung mga alam niya about me?
"Nice to meet you Mica" pakilala naman ni Xander at nakipag shakehands kay Mica
"Nice to meet you. Totoo pala talaga na gwapo sa personal ang isang Xander Luciano" nakangiting sambit nito.
Bakit parang nakaramdam ako ng inggit? At parang sumasakit yung puso ko? If hindi ko alam na nililigawan ni Chino to iisipin kong pwedeng maging sila kasi bagay sila.
Kesa masaktan pa ako sa makikita ko ay pumunta ako kay Trixie.
"Hey beshy, kamusta pahinga mo?" tanong niya sakin.
"Napahaba nga ata tulog ko eh. Kanina pa ba kayo rito?" tanong ko sa kaniya.
"Medyo lang pero okay lang kasi magsisimula na rin tayo" sambit niya sakin ng nakangiti.
"Guys let's start eating, so we can start the party" saad niya sa aming mga kaibigan.
Kumuha na kami ng pagkain. Naupo ako sa tabi ni Trixie kasi patuloy pa rin sa masayang kwentuhan sina Mica, Xander at Chino. Ayaw ko naman maki epal dun.
"Are you okay beshy?" biglang tanong sakin ni Trixie.
"O-oo naman. Ang sarap ng foods" nakangiting sagot ko sa kaniya.
Dapat hindi ko ipakita sa kanila na hindi ako nag eenjoy. Nakakahiya naman sa kanila. Maya maya lang ay may tumabi sa gilid ko.
Pagtingin ko dito. Nakita ko si Trev na ang laki ng ngiti sa labi. Napangiti rin naman ako. Hindi talaga nawawala sa kaniyang ugali yung laging nakangiti. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa tong girlfriend eh ang gwapo gwapo ng mukha niya.
"Hindi ka ba nilalamig sa suot mong yan?" tanong nito sakin. Natawa naman ako sa kaniya.
"ikaw ang tatanungin ko niyan. Hindi ka ba nilalamig dahil wala kang suot na damit?" sagot ko sa kaniya.
"Hindi naman sanay na ako sa lamig." Sagot nito sakin. He's body is good naman pero mas maganda pa rin katawan ni Xander.
Pagtapos namin kumain nagsimula na kaming maligo sa pool. Nagtaka lang ako pagsulong ko sa pool kasi hindi siya malamig kasi ang warm niya kaya agad akong bumaba sa hagdan ng pool. Dun lang ako nag stay kasi hindi ako marunong lumangoy.
"Hindi ka maalam lumangoy no?" sambit ng lalaki sa likod ko at mabilis na tumalon sa pool. Pag ahon ay nakita ko si Trev pala.
"Hindi eh. Pero okay na ako dito sa gilid nag eenjoy naman ako" sagot ko pa sa kaniya.
"You want me to teach you?" tanong pa niya sakin ng nakangiti.
"Nakakahiya" sagot ko sa kaniya. Baka isipin pa nila na kalalaki kong tao di ako maalam lumangoy.
"I insist. Bilis sakay ka sa likod ko." Pagaalok niya sakin. Lumapit naman ako sa kaniya at nilagay ang kamay ko sa balikat niya pero ang ginawa niya nilagay niya ito sa bandang dibdib niya para di daw ako mahulog.
Nagsimula naman kaming lumangoy at at halos malibot ang pool. Mga 5 minutes siguro kaming kaiikot dito sa pool ng mapansin naming wala ng nasa pool. Napadako at tingin namin sa may table at andon sila nakatingin samin.
Dahil sa hiya ko ay niyaya ko na si Trev na bumalik sa gilid.
"Trev and Carl. Kanina pa namin kayo tinatawag to have a drink" sambit ni Madam Nate.
"Sorry , di ko masyadong narinig" sagot ko sa kanila.
"it's okay beshy, come on" tawag sakin ni Trexie at inabot sakin ang wine.
Okay lang naman siguro na uminom ako ngayon to celebrate and relax.
"Thank you beshy" sagot ko sa kaniya.
Nakapalibot kami dito sa table. Bale pabilog kasi tong table at ang arrangement namin ay. Ako, Trev, Trixie, Chino, Mica, Xander, Topher at Nate.
Masaya naman ang kwentuhan namin at nagbalik tanaw pa nga sila sa mga nakaraan nilang magbabarkada.
"Halos mabaliw nga ako ng binasted ako ni Xander nung nagtapat ako sa kaniya na gusto ko siya" sambit ni Madam Nate.
Dati pala may gusto si Nate kay Xander at lahat ng efforts ginawa niya para mapansin ni Xander pero parang wala naman daw paki si Xander sa kaniya until nag confess siya at binasted ayon.
"Pero buti na lang may Prince Charming na dumating sa buhay mo na nagpawi ng sakit sa puso mo" singit naman ni Chino na talagang kinilig kaming lahat.
Nagkiss pa yung dalawa sa harap naming lahat na parang walang kasama.
Habang tumatagal parang pakiramdam ko na medyo umiimot na yung paligid ko.
"Are you okay?" tanong sakin ni Trev
"Yeah. I'm fine" nakangiti kong sagot sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot.
Hindi naman nakalagpas sa paningin ko si Xander na kanina pa tingin ng tingin sa side namin or sakin? He's eyes seems so cold again. Kung kanina pangiti ngiti pa siya pero habang tumatagal di na siya nakikisali sa usapan.
"Guys let's play. Spin the bottle" yaya ni Madam Nate.
"Same mechanics tayo, pero since we have new friends Carl and Mica, I will explain the rules. This is a truth or dare. Kapag ini-spin ko ang bottle at natapat sa inyo. You will choose Truth or Dare. Sa Truth. Kung sino nag spin siya ang magtatanong then you have to answer the question honestly. At kapag Dare naman you have to do kung ano ang sasabihin ng nag spin ng bottle. Kapag hindi sumunod kailangan mong uminom ng dalawang baso ng drinks. Gets?" tanong ni Madam Nate. Tumango naman kaming lahat.
Mukhang malalasing ako ng sobra ngayong gabi.
Nagsimula ng paikutin ni Madam Nate ang bote at natapat ito kay Mica.
"Truth or Dare?" tanong ni Nate
"Truth" sagot niy Mica
"May pag-asa ba si Topher sayo?" Seryosong tanong ni Nate. Pati kami ay natahimik at naghihintay ng sagot.
"Yes, of course may balak akong sagutin siya but in right time" nakangiti niyang sagot samin at syempre sobrang laki ng ngiti ni Topher na halos mayakap na si Mica.
Sunod naman na nag spin si Mica at natapat ito kay Trexie.
"Truth or Dare?" tanong ni Mica
"Dare" mabilis na sagot ni Trixie.
"Kiss the guy na ituturo nitong bottle" sabi ni Mica at ini-spin na nga niya at natapat sakin yung bottle kaya sobrang tuwa ni Trexie.
"I love you beshiee mabuti na lang sayo natapat" agad naman niya akong kiniss sa cheeks at bumalik sa upuan niya. Wala naman akong naramdamang kakaiba.
Nagsimula ng mag spin si Trexie ng bottle at sakin ulit natapat.
"Truth or Dare beshy?" tanong nito sakin.
Sa dalawang choices mas gusto ko pa yung Truth kesa sa Dare baka kung ano pa ipagawa sakin.
"Truth" sagot ko sa kaniya
"Okay. The question is among us, sino yung may pinakamagandang smile para sayo?" tanong nito sakin. Akala ko sobrang hirap ng tanong.
"Syempre kung sa smile si Trev" mabilis kong sagot. Kasi totoo naman lagi siyang nakangiti sa lahat.
Tulad nito nakangiti siya ng mabanggit ang pangalan niya at halos maipit na ako sa tindi ng pag akbay niya sakin.
"Okay enough na. It's your turn Carl" wika ni Trexie. Napatingin naman ako sa pwesto ni Xander at ang talim ng tingin nito sakin or kay Trev?
Inispin ko na yung bottle at natapat naman ito kay Xander. Bigla akong kinabahan. Anong itatanong ko sa kaniya? O ipapagawa?
"A-ano Xander, Truth or Dare?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Naghintay naman ako ng sagot sa kaniya I mean kaming lahat.
"Dare" sagot niya.
Anong ipapagawa ko sa kaniya? Sumayaw? Kumanta? Lahat sila naghihintay ng ipapagawa ko.
"A-ah, wala akong maisip ipagawa eh." Sabi ko sa kaniya.
"Kung ikaw wala, ako meron" mabilis na sagot niya at halatang seryoso. Kinabahan naman ako.
"Let's talk" pahabol pa niya at biglang tumayo sa pwesto niya at lumapit sakin.
Inabot niya ang kamay niya sakin. Tumingin ako sa mga kasama ko at tumango naman sila. Alam ko naman na wala siyang gagawing masama sakin kaya inabot ko ang kamay ko kaniya at sumama. Umakyat kami dito sa tree house. Ang sunod na salitang binitawan niya ang nagpatibok ng mabilis sa aking puso.
"I like you."
FOLLOW! VOTE! COMMENT!
:)
[text_hash] => a09584bd
)
What do you think?