Chapter 21: Chapter 20

Array
(
[text] =>

Carl POV

Ang bilis lang ng panahon kasi ngayong week ay examination week na namin for midterm. Kaya sobrang busy ko mula last week. Pagkagaling ko nga sa school ay kakain lang ako dito sa bahay at diretso sa kwarto ko para mag review.

I wear a great smile in front of the mirror. "Kaya mo to self" sabi ko pa.

Pagkababa ko nakita ko naman agad si Mama pero what surprise me the most is nandito si Xander.

Our eyes met and I just can't resist his stares. Para akong namamagnet sa kaniyang pagtitig.

"Ehemmm" pagtikhim ni mama na naging dahilan para mabalik ako sa aking wisyo.

"morning Ma" bati ko sa kaniya sabay kiss sa cheeks. Dumiretso naman ako sa aking upuan. Napatingin naman ako kay mama ay ang nguso ay humaba at tinuturo si Xander. Mukhang nagets ko naman agad ang nais ni mama.

"Morning Xander" bati ko sa kaniya kahit pakiramdam ko ay nag iinit na ang pisngi ko sa hiya.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Xander, ganito kasi yun.....

Flashback.....

The day after ko gamutin ang sugat ni Xander at papasok na ako sa school nakita ko siya dito sa tapat ng bahay namin kausap si Mama.

"Ma pasok na po ako." Paalam ko sa kaniya.

"Anak, sumabay ka na dito kay Xander, same school lang naman pala kayo ng pinapasukan" wika nito sakin ng akmang lalakad na ako.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat. Akala ko ba kilala na ni Mama itong si Xander?

"Ma, ano ka ba nakakahiya" sambit ko kay mama habang namumula pa ang pisngi ko.

"Siya naman nag offer anak" sambit pa nito.

Hinila ko naman si Mama sa gilid na medyo malayo kay Xander. Nagiba naman ang direksyon ng tingin ni Xander para umiwas sa amin ni mama.

"Ma, akala ko ba kilala mo na si Xander?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, anak na nga ang tawag ko sa kaniya" sagot niya sakin.

"Ma, mukhang di mo pa siya ganun ka kakilala. Anak siya ng may ari ng school ang Luciano University at yung building diyan na pinapagawa sa kanila yan" sambit ko sa kaniya.

Napahawak naman ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig sa gulat.

"Ganun ba anak, jusko nakakahiya. Pero mabait naman siyang bata" sambit pa nito.

" Kahit na ma, nakakahiya na makisabay sa kaniya ano na lang sasabihin ng makakakita samin" wika ko pa. Tumango naman siya.

Matapos namin mag-usap ni Mama. Tinawag niya si Xander.

"Xander, I'm sorry hindi ko alam na ikaw pala ay anak ng may-ari ng school na pipasukan nitong anak ko." Paghingi ni mama ng pasensya.

"Pasensya na Xander dito kay Mama. Magcocommute na lang ako papasok" sambit ko pa sa kaniya ng nahihiya.

"Tita, okay lang po. You should'nt be sorry. Hindi ko po nasabi yun sa inyo." Nakangiting wika niya kay Mama

"And Carl, you can ride with me papuntang school to thank you na rin sa paggamot sakin yesterday." Sambit naman niya sakin ng nakangiti.

Andito na naman ang puso ko sa bilis ng pagtibok. Ang hirap naman nito pakalmahin.

"Naku! Okay lang talaga ako" pagtanggi ko dito.

"Please?" sambit nito sakin ng seryoso. Natigil naman ako kasi alam kong kahit anong tanggi ko hindi siya titigil.

"Okay. Thank you." Sambit ko pa sa kaniya kahit nahihiya.

"Ingat kayo sa pagpasok mga anak" paalala ni mama.

Sumakay na si Xander sa motor at ako naman ay umangkas. Nilagay niya pa sa ulo ko yung helmet.

"Hold tight" sambit ni Xander at napahawak naman ako sa uniform niya. Pero agad niya namang kinuha ang kamay ko at nilagay yun sa kaniyang tiyan na may katigasan. Mabuti na lang at di niya nakikita ang mukha dahil ngayon ay pakiramdam ko ang pula pula ko na. Amoy na amoy ko na rin ang pabango niyang laging ginamit.

End of Flashback.....

In exchange sa pagsabay sakin ni Xander nag offer si Mama na dito sa bahay magbreakfast palagi. Pero kahit ilang araw na ang nakalipas kinakabahan pa rin ako pagkaharap ko siya sa mesa dahil sa puso kong parang lalabas na.

After namin mag breakfast ay lumabas na din kami. At nagtungo papuntang school pero dito lang malapit sa labas ng school ako nagpapahatid at ayaw ko sa loob dahil baka kung ano pa ang masabi na ang ibang students and his friends. Syempre nung una ayaw niya pero napilit ko din naman siya.

"Goodluck sa exam mo" sambit niya sakin bago ako umalis. Napangiti naman agad ako at humarap sa kaniya.

"Sayo din goodluck." Sabi ko sa kaniya at tanging tango na lang ang kaniyang naging tugon lumakad na ako papasok ng school.

----------------

Pagtapos ng exam palabas na sana ako ng tawagin ako ni Zach.

"Kamusta ang exam" tanong nito sakin

"Medyo mahirap" sagot ko naman sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang humble mo naman. May medyo pa. Sabihin mo madali para sayo" sambit pa nito kaya natawa na din ako.

"Meryenda tayo? Libre ko bilang pasasalamat sa pagtulong mo sakin" anyaya niya sakin.

"okay, sabi mo yan huh..." nakangiti kong sagot

Pumunta kami ng café dito sa school. At nakita ko ang aking mga kaibigan.

"Hey besshy, kamusta exam niyo?" tanong agad ni Trixie. Nag hi din naman ako sa iba pa naming kaibigan including Xander.

"Ayos lang beshieee, may exam pa kami eh. Kayo ba?" tanong ko naman sa kaniya.

"Bukas pa ang next exam namin. By the way why don't you join us?" tanong pa niya.

"Sorry beshhy, may kasama ako eh, si Zach, classmate ko. Saka saglit lang kami dito" Pagtanggi ko sa kaniya.

Tumingin naman sila sa likod ko at halata namang sinusuri nila ang kasama ko. Pero pansin ko ang matalim na mata ni Xander. Or assume ko lang?

"Beshiee, may out of town kami this weekend sa Tagaytay sama ka samin huh" imbita pa nito.

"Sige beshieee, message kita. Bye guys" paalam ko sa kanila.

Umorder si Zach ng dalawang cappuccino ice coffee at 2 slice of cakes.

"May out of town na pala kayo, I'm planning to invite you and Trina sa resort namin sa La Union." Malungkot na sabi nito

"Huwag ka na malungkot promise, after ng outing namin bonding din tayong tatlo ni Trina" masayang sabi ko sa kaniya

"Promise?" masayang sambit niya at tinaas pa ang kanang kamay. At syempre to assure him.

"Promise" sagot ko sa kaniya at tinaas din ang kanang kamay ko ng natatawa.

But after that I sense someone is staring at me at di nga ako nagkamali. Nang tingnan ko ang table nina Trixie, Xander is looking so cold.

I don't know pero nakaramdam ako ng takot dahil kita ko kung paano magtagis ang kaniyang bagang. Ang mga kamay niya ay naka close at lumalabas ang mga ugat sa kaniyang braso. His friends notice it kaya bago pa sila tumingin sa direksiyon na tinintingnan ni Xander ay umiwas na ako ng tingin.

"Let's go?" aya sakin Zach. At tumango naman ako sa kaniya.

Tumingin pa ako sa table nina Trixie and they are looking at me. Ngumiti naman ako nag wave ng kamay ko bilang paalam.

---

Thanks God, tapos na ang hell week. And super happy ako kasi most of my exam was perfect yung iba may isa hanggang dalawa lang ang mali.

"Anak, bilisan mo diyan andito na ang sundo mo" tawag ni mama sakin mula sa baba.

Ngayon nga pala kami pupunta ng Tagaytay, pinayagan naman ako ni Mama. Minsan lang naman daw at kakatapos lang ng exam kaya deserve ko na mag enjoy with my friends.

I'm just wearing a white polo, short and sandals. Patakbo akong bumaba sa hagdan. Hindi naman ako halatang excited no?

"Mag-iingat ka dun huh. Tumawag ka lang kung sakaling magkaroon ng problema" paalala ni Mama.

"Yes Ma, ikaw din po. Don't worry po kasi 3 days lang kami dun at uuwi din po ako agad. I love you" paalam ko sa kaniya sabay yakap at halik sa cheeks niya.

"Andyan na si Xander sa labas, iniintay ka na." wika nito.

Nagtaka naman ako bakit si Xander ang nandito? Baka nasa highway na mga kaibigan ko.

"Hi!" bati ko sa kaniya sabay wave ng aking kamay ng may malawak na ngiti saking mga labi.

Medyo napaawang pa ang bibig ko ng makita ko ang kaniyang kasuotan ngayon. He's also wearing a white polo, short and white shoes. And naka sunglass pa siya. Para siyang model na makikita mo sa magazine. Napaka gwapo no, napaka perfect niya.

"Done checking me?"tanong niya sakin ng medyo nakangisi.

Dahil dun napaiwas ako ng tingin sa kaniya sa sobrang hiya.

"Let's go? Akin na mga gamit mo ako na magdadala" sambit niya sakin at kinuha yung maleta ko.

"Xander anak, ingatan mo ang baby ko huh. Mag enjoy kayo at mag-ingat" sambit nito kay Xander

"Yes po tita, mauuna na po kami. Ingat din po kayo dito"

Pumasok na kami sa kotse niya. Ito yung car na ginamit niya nung hinatid ako before.

"Nasaan sila?" Takang tanong ko sa kaniya

"Nauna na sila. Hindi kasi tayo kasya sa car ni Trixie kaya I initiated na sakin ka na lang sumabay" sagot niya sakin at inistart ang makina.

"wear your seatbelt" sunod niyang sambit

Pero ako, ewan ko at ngayon pa ako nahirapan ilagay itong seatbelt. Maya maya na lang ay napansin ko na papalapit siya sa aking pwesto.

Yung amoy niyang talagang mapapalingon ka. Lumapit siya at inayos ang aking seatbelt. Napatitig ako sa kaniyang mapupulang labi. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Andito na naman ako na parang pinapagpawisan kahit ang lamig naman ng aircon sa loob ng kotse niya.

Napatingin din siya sakin and our eyes is just like a magnet that attracts to one another. At ang distance namin sa isa't isa ay napakalapit. Parang mababaliw na ang puso ko sa nararamdaman kong ito.

Unti unting lumalapit ang kaniyang mukha sakin at parang slowmo ang nangyayari. His adams apple is going ups and down. Ito na ba yun? He close his eyes and the tip of our nose just met. Pinikit ko rin ang mata ko waiting for our lips to collide.

*Tok*tok*tok

dinig namin mula sa bintana ng kotse niya na nagpamulat sakin at nagpabalik sa katinuan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at napadako sa bintana ng kaniyang kotse. Nakita ko dun si mama. Binuksan naman ni Xander ang windshield.

"Anak, naiwan mo ang phone mo, mabuti na lang at naihabol ko" sambit niya at inabot sakin ang phone ko.

"salamat ma, mauuna na po kami" paalam ko sa kaniya.

Umandar na din ang kotse at tahimik lang kami pareho. Dahil ako iniisip ko yung nangyari kanina pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko ngayon. Napasandal ako sa upuan at unti unting nilamon ng kadiliman ang aking paningin.

FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)

[text_hash] => 17b66602
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...