Array
(
[text] =>
CARL POV
It's Friday night, at pupunta ako ngayon sa dinner ng mga Luciano. Pinayagan naman ako ni mama akala ko nga magdadalawang isip pa eh pero hindi naman. Mabilis siyang pumayag.
"Ipakamusta mo na lang ako anak at ipahatid mo ang aking pasasalamat sa kanila." Sambit ni mama sakin
"Opo ma, for sure magugustuhan nila itong cupcakes na binake niyo" sagot ko naman sa kaniya.
Nagbake si mama ng 3 dozen of cupcakes para daw sa pasasalamat niya sa scholarship na aking natanggap.
"Sige na, baka naghihintay na si Trixie sa labas. Mag-ingat kayo anak, enjoy. Tawag ka pag may problema" paalala ni mama
"Opo ma, mauuna po ako." Paalam ko rin aa kaniya sabay yakap.
Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa highway kasi andun naghihintay si Trixie. Sinundo pa talaga niya ako kahit sinabi ko na magcommute na lang ako papunta sa kanila
Nakita ko rin naman agad yung sasakyan niya.
"Hello beshiee," bati ko sa kaniya
"hello, beshiee, sakay ka na" sambit nito sakin.
Sumakay naman ako sa kaniyang kotse.
Habang nasa biyahe panay lang ang kwentuhan namin tungkol sa school, actually mas marami akong kwento samantalang siya napakalimitado ng mga kwento.
Maya-maya pa pumasok kami sa isang isang malaking gate at natatanaw ko na ang isang bahay, hindi pala kundi isang mansion sa sobrang laki.
Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay sa buong buhay ko. Pag pasok mo sa gate sa right side meron fountain, sa left naman ay merong garden.
Pinarada muna ni Trixie ang kaniyang sasakyan at napa wow na lang ako sa dami ng sasakyan nila dito at mukhang mamahalin lahat kasi hindi ito pangkaraniwang disenyo ng mga kotse.
Umakyat kami sa ilang napalalaking mga hagdan bago makarating sa kanilang pintuan. Pagpasok mo pa lang nandito ang mga magagandang sofa at tv, sa gild naman ay malaking hagdan papapunta sa ikalawang palapag. Sa kabilang bahagi naman ay nandito ang dining. Sobrang lawak ng kanilang bahay. Yung sala nila buong first floor na ng bahay namin.
Pagpasok namin ng dining nakita ko na dun ang aming mga kaibigan. Andito si Trev, Nate, Chino, Topher at Mama ni Trixie.
"Good evening po sa inyo Ma'am" bati ko sa mama nina Trixie since wala pa dito ang Dad niya.
"good evening din Carl" nakangiting bati nito sakin.
"Oo nga po pala may dala po ako ditong cupcakes na binake ng aking mama para po sa pasasalamat sa scholarship na binigay niyo sakin" sambit ko sa kaniya ng may malawak na ngiti sa aking labi.
"Thank you so much. Salamat din sa mama mo" sambit nito sakin.
Matapos nun ay nakipag beso na muna ako kay Nate at manly hug kay Topher, Trev at Chino.
Naupo na kami sa mesa at kwentuhan lang muna. Maya-maya pa ay naghain na ng pagkain ang mga kasambahay nila. Hindi ako sure kung kasamabahay ba talaga o mga chef talaga. Hindi pamilyar sakin ang mga pagkain.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Mr. Xian at Xander. Hindi ko mawari pero may naramdaman akong tensyon sa kanilang pagpasok sa silid.
"Good evening po Mr. Xian" nakangiting bati ko sa kaniya.
Nagbago naman ang kaniyang aura at ngumiti din.
"Good evening din Carl, thank you for accepting this invitation." Sambit nito
"Naku sir, ako po dapat magpasalamat sa inyong pag imbita." Nahihiyang tugon ko sa kaniya.
"Okay, let us now start eating" sambit ng Mom nila
"Kamusta ang study mo Carl" panimula ni Mr. Xian
"Ayos naman po sir, masayang masaya po ang aking pag-aaral sa inyong school". Sagot ko sa kaniya.
"That's good to hear. By the way, saan ka nga pala nagmula" pagpapatuloy nito. Para lang akong nasa job interview. Tahimik lang din naman sa pagkain ang mga kasama namin at halatang nakikinig sa usapan namin.
"Nagmula po ako sa Cebu, bago po kami lumipat ng mama ko dito sa Manila" sagot ko sa kaniya
"What is the work of your parents?" tuloy na tanong nito.
"Sa ngayon Sir, mama ko na lang po ang kasama ko sa buhay. May karenderya po siya malapit sa hotel na pinapatayo ninyo" sagot ko sa kaniya
"Where is your father?" tanong pa nito na tila cassual lang.
Natigilan naman ako, maging ang mga kaibigan ko ay napatingin din sakin.
"Did I say something wrong?" nagtatakang tanong ni Mr. Xian.
"wala naman po Sir, ang totoo po, patay na po ang Papa ko. Namatay po siya noong 8 years old pa lang ako sa Cebu. He was killed sa loob ng bahay namin." Salaysay ko sa kaniya.
Tila bumabalik na naman sakin ang masasakit kong nakaraan.
"I'm sorry to hear that dear" sambit ng Mrs. Bethany
"I'm so sorry" sambit naman ni Mr. Xian
"Ayos lang po sir" mapait na ngiti ko sa kanila kahit gusto ko ng maiyak
"Nakulong ba ang may sala sa pagkamatay ng papa mo?" tanong pa nito
Napakapit naman ako ng mahigpit sa kutsraa at tinidor na hawak ko. Dahil sa galit na nararamdaman ko pa din sa mga taong may sala sa pagpatay sa papa ko.
"Ang totoo po sir, wala pa rin pong linaw sa totoong may sala sa pagpatay sa papa ko. Isa po siyang mahusay na pulis at private agent pero parang hindi man lang po nasuklian ng hustisya ang kaniyang pagkamatay." Malungkot na sambit ko sa kaniya.
Ngayon lahat sila ay nakatingin na lang sakin at nakikinig sa aking kwento.
"Wala man lang bang nakuhang lead ang mga pulis?" tanong muli ni Mr. Xian.
"Ayon po sa kanila, makapangyarihang mafia po ang nagpapatay sa papa ko. Pero hindi po nila matukoy kung sino." Sambit ko sa kanila.
Nagkatinginan silang lahat sa bawat isa. Pero hindi ko na masyadong pinansin yun at nagpatuloy sa pagkwento.
"Kaya nga po mula ng araw na mawala ang Papa ko. Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi lalapit sa mga taong bahagi ng mafia, dahil alam ko pong mga illegal ang kanilang ginagawa." Sambit ko sa kanila.
"What is the name of your father, Carl?" tanong ni Mr. Xian
"Sandro Madrigal po" sambit ko sa kaniya.
Hindi ko mabatid pero parang nakita kong namutla si Mr. Xian. Napatingin naman sa kaniya ang kaniyang asawa at si Xander.
"I hope one day, mahanap mo ang hustisya para sa iyong ama" sambit ni Mr. Xian sakin.
"Salamat po". Wika ko sa kaniya
Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa hapag kainan bago magsalita si Mrs. Bethany.
"Kamusta naman ang business niyo Carl?" sambit nito.
"Naku, mabuti po napakarami pong customer ni mama araw-araw kaya po pag wala akong pasok tumutulong ako sa kaniya" tugon ko sa kaniya.
Napangiti naman siya, napawi naman din agad ang aking kalungkutan kapag naalala ko si mama.
"Mabuti naman kung ganun. Hayaan mo, kapag meron mga catering services na kailangan sa hotel na pinapatayo namin. We will hire your Mom sa pagluluto." Sambit nito sakin na lubos kong kinatuwa.
"Naku, Ma'am. Maraming maraming salamat po sa inyo. Tiyak na matutuwa po si Mama sa inyong sinabi" nakangiti kong sambit sa kaniya
"And mom, super sarap talaga magluto ni Tita Vida, diba Kuya Xander?" sambit naman ni Trixie.
Halos mabulunan naman si Xander pagkatawag sa kaniya ni Trixie.
"Nakakain ka na ba dun Xander?" tanong ni Mrs. Bethany.
"Natikman ko lang po yung cake na binake ng Mom ni Carl" sambit ni Xander.
Oo nga pala yung binigay na cake ko bilang pasasalamat sa kaniya.
Tumango naman ang mom nito at napatingin si Xander kay Trixie na tila nagbabanta, samantalang si Trixie naman ay halatang pinipilit ikubli ang kaniyang ngiti.
----
Nang matapos ang aming dinner nagpaalam na si ang magasawa at sila ay magpapahinga na dahil sa pagod.
Maya-maya pa ay may tumawag kay Trixie. Medyo lumayo ito samin at naiwan naman kami dito.
"Guys, magpapaalam na din kami pauwi. Alam niyo na gagawa pa ng baby" sambit ni Topher sabay kalabit kay Nate.
Namula naman si Nate at kinurot pa sa tagiliran ng tiyan si Topher.
"Dami mong alam. Pang isang round ka lang naman" sambit ni Madam Nate
"Ouchhh baby, huwag mo naman ibulgar sa kanila" kunwari nasasaktan na sambit ni Topher natawa na lang kaming lahat
"Magpapaalam na rin ako guys, alam niyo may lakad pa bukas" sambit ni Chino.
Nagpaalam na rin naman kami sa kanila. Nang makabalik si Trixie, tinawag niya si Trev. Mabuti naman at nag-uusap ang dalawa kaso parang malalim ang kanilang pinag-uusapan.
Andito na nga pala kami sa garden nila. Naiwan naman kami ni Xander dito. Pareho kaming walang imikan dahil nahihiya akong magbukas ng usapan. Kahit ang matagal na pagtingin sa kaniya hindi ko man lang magawa
Maya-maya pa ay natapos din ang paguusap ni Trev at Trixie.
"Carl, I'm sorry. Hindi kita maihahatid kasi may importante lang akong pupuntahan." Nalulungkot na sambit nito sakin.
"Okay lang, nakikain na nga ako magpapahatid pa ako. Magcocommute na lang ako" nakangiti kong wika sa kaniya.
Tumingin naman si Trixie kay Xander at mukhang nagets naman ni Xander ang nais ipahiwatig nito.
"Kuya" sambit ni Trixie.
Agad naman akong sumingit dahil nakakahiyang mangabala pa ng tao.
"naku, huwag na. Kaya kong magcommute" pagpigil ko kay Trixie.
Tumayo din naman ni Xander.
"Masyado ng malalim ang gabi at walang dumadaan na taxi dito sa ganitong oras. Ako na maghahatid sayo." Wika ni Xander
"Go na beshieee, huwag ng humindi dahil malalim na ang gabi baka mapahamak ka pa sa daan. Maige na yung ligtas kang makakarating. Diba kuya Xander" nakangiting sambit ni Trixie.
Sinamaan naman ng tingin ni Xander si Trixie.
"Sige beshieee mauuna na kami" paalam ni Trixie.
Ni hindi ko na nagawang tanungin kung saan ang punta nila.
"Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang yung motor" sambit ni Xander. Tanging tango lang ang naging sagot ko sa kaniya.
Hindi rin naman nagtagal at nakita ko siyang naka motor. Pero ang kinagulat ko pamilyar yung motor niya.
Huminto siya at kinuha ang isang helmet sa likod ng motor niya. Habang papalapit siya sakin mas naamoy ko ang pabango niya na talaga namang mabango para sa akin.
Lumapit siya at sinuot sakin ang helmet. Kahit gusto kong magreklamo hindi ko na nagawa pa dahil nakatingin lang ako sa kaniya mukhang napaka gwapo kahit mukhang masungit.
"Magsuot ka rin ng jacket, masyadong malamig sa biyahe." Sambit nito at hinubad ang suot niyang jacket. Ngayon nag react na ako sa kaniya.
"Naku, Xander, ikaw ang mas lalamigin kasi ikaw ang nagdadrive. Kaya ko to, hindi naman malamig." Sambit ko sa kaniya
"No, malamig sa daan kaya isuot mo yan. Lumapit siya sakin at sinuot ang jacket kesa nakipagtalo sinuot ko na din ito.
Sumakay siya sa motor at pinaangkas ako.
"Humawak ka ng mabuti" sambit nito
Hindi ko naman alam kung saan hahawak kaya napakapit ako sa tela ng kaniyang damit. Pinaandar ang ang motor, dahil sa nabigla ako napahawak na talaga ako sa bewang niya.
Napakanipis ng kaniyang damit. Maya maya pa ay biglang may humawak sa kamay ko at nilagay sa kaniyang tiyan.
"Ganyan ang tamang paghawak, para di ka mahulog" sambit nito at napatango na lang ako.
Dahil sa sobrang dikit ko sa kaniya. Amoy na amoy ko ang bango niya. Nararamdaman ko din ang matigas ng katawan. Ayaw ko na nga galawin baka kasi kung ano pa ang isipin niya. Mabilis siyang magpatakbo ng motor pero hindi man lang ako nakaramdam ng panganib.
Pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa kapag malapit ako sa kaniya. Siguro dahil na rin sa ilang beses na niyang niligtas ang buhay ko. Napangiti na lang ako dahil sa sitwasyon namin ngayon.
FOLLOW! VOTE! COMMENT!
:)
[text_hash] => 4ae16d92
)
What do you think?