Chapter 112: SA LIKOD NG PULANG LASO

Array
(
[text] =>

SA LIKOD NG PULANG LASO

Ni: MakatàPos

Takot ako,

takot akong malaman ninyo na ako ay nagtatago sa likod ng pulang laso;

tahimik, pagal, at tila di na magtatagal.

Isang sampal,

mula sa dilim ng karumaldumal.

Buhay ko'ng sa tingin ng iba'y isang patapon,

ngunit lumalaban na lakas sa isip ang baon;

Isang hamon,

sa katulad kong nilamon ng kahapon.

Mata kong sinlabo ng bukas,

ikaw sana, sila, kayo ay makaintindi ng bakas.

Tumuklas ng bagong dahas;

hindi ako paham ng mga ahas.

Tiwala nila'y iba na, sakdal na kakaiba;

matatag pa akong nag-iisa —

magtiwala ka pa rin sana,

mahal kong ama, tulungan mo'ng iyong aba.

'Pagkat dalamhati sa puso'y 'sing lapad ng apog,

dibdib ko'y kumakabog;

isip ko'y pagod na pagod,

sa pambubuska ng mga táong tanod.

Ipipikit ko ang ngayon,

ididilat ko bukas,

mawawala ang lakas,

sa kuwadradong puti ang tikas.

Wakas . . .

©

[text_hash] => 98972483
)

Comments

What do you think?

0 reactions
Upvote
Funny
Love
Surprised
Angry
Sad


  • No comments yet.

Login





Loading...